BIYAHE

48 2 0
                                    

Mahigpit kong yakap-yakap ang bagpack ko habang nakaupo sa waiting area ng Bus Station, naghihintay sa pagdating ng Bus na maghahatid saming mga pasahero pauwi ng Bicol.

“Ang tagal naman yata dumating ng Bus, nakakainip.” Nilingon ko ang nagsalita, ang pinsan ko si Hillary na nakabusangot ang mukha.

“Para naman hindi ka sanay maghintay. Eh ‘di ba nga apat na taon mo nang hinihintay na balikan ka ng ex mo. Hindi ko naman narinig sa'yo na nainip ka.”

Kaagad niya ako tinapunan nang masamang tingin, nginisihan ko lamang siya. Magkasama kaming uuwe ni Hillary sa Bicol upang pasiyalan ang aming Lola na malapit na mag-birthday sa susunod na Linggo. Hindi ito ang unang beses na magkasama kami ni Hillary na magtutungo sa malayong probinsiya, dahil sapol pagkabata ay madalas na kami magkasama. Mas close ko pa nga si Hillary kaysa sa mga kapatid ko, siya naman ay nag-iisang anak ng mga magulang niya. Hilig namin ni Hillary ang mag-travel kung saan-saan, hindi talaga kami napaghihiwalay sa sobrang close namin sa isa't-isa. Magkasama kami sa lungkot at saya, sa kabiguan man o sa tagumpay, suportado namin ang isa't isa.

“Pakibantay ng bag ko, bibili lang ako ng maiinom.” Pakiusuyo ko kay Hillary nang tumayo ako sa pagkakaupo at ilapag sa upuan ang bagpack ko.

“Isabay mo na rin ako. Bayaran ko mamaya, wala kasi akong barya.” aniya. Tumango lamang ako sa kaniya at kaagad na rin ako umalis.

Nasa tapat na ako ng tindahan at namimili ng drinks at pagkain na bibilhin ko nang magtama ang paningin namin ng lalakeng nasa tabi ko at may binibili rin. Agad kong iniwas ang mata ko sa kaniya, pero ramdam ko pa rin na nakatitig siya sa akin.

“Kung tignan mo 'ko para akong may atraso sa'yo, kilala ba kita?” seryosong pagkakasabi ko nang hindi ako tumitingin sa kaniya.

“Hindi pa, pero puwede naman ako magpakilala sa'yo,” aniya. Mga lalake nga naman.

“Ate, dalawang Nova nga po atsaka dalawa ring C2,” saad ko sa tindera, saka ko iniabot ang bayad ko.

“Ako nga pala si Kristoff, and you are?” pagpapakilala niya sa sarili niya ngunit hindi ko siya inintindi.

Nang makuha ko na ang binibili ko at masuklian na ako ay nagmamadali na akong bumalik sa kinaroroonan ni Hillary, sakto naman na dumating na rin ang Bus na sasakyan namin. Finally.

Sumakay na kami ng Bus ni Hillary, sa ikatlong row kami nakaupo mula sa driver.

“Bakit nasa tatluhan pala tayo? Dalawa lang naman tayo.” pagtataka ni Hillary ng maupo na siya at isuot ang jacket niya, nag-uumpisa na kasing lumamig dito sa loob ng Bus dahil sa lakas ng aircon.

“Itong number ng upuan na 'to ang nasa ticket natin eh. Baka kasama mo na naman ang imaginary friend mo.” Biro ko pa.

“Funny.” Naka-smirk niyang saad saka niya ako iniripan. Napangisi nalang ako at naupo na rin. Siyempre, rito malapit sa bintana ang puwesto ko. Favorite spot ko talaga kapag sumasakay ng bus o eroplano ay ang malapit sa bintana.

Hindi pa umaalis ang Bus dahil pinupuno pa ito ng pasahero, sumulyap ako sa likuran. May ilang bakanteng upuan pa, ngunit hindi 'yon ang nakakuha ng atensyon ko kundi ang lalakeng nakaupo malapit sa bintana at naka-headset habang naka-jacket. Siya 'yung lalakeng kanina doon sa tindahan.

“Sino tinitignan mo?” Bumalik ang atensyon ko sa unahan ng Bus nang marinig ko ang boses ni Hillary na nagtatanong sakin.

“W-Wala.” mabilis kong sagot. Pero hindi siya kumbinsido at tumingin din ito sa bandang likuran.

“Well, guwapo siya. Cute rin,” aniya.

“S-Sino?” Binalik ni Hillary ang tingin niya sa akin.

“Sino pa ba? Edi 'yung tinitignan mo kanina. Siya 'yon di ba? Ikaw ah, new crush? Kung sabagay, may 10hrs pa kayong magkakasama dito sa Bus. Pero depende 'yun kung Bicol din ang destinasyon niya. Who knows, sumakay ka ng Bus na single ka. Bababa ka nang may ka-holding hands ka na.” Nakangising saad ni Hillary.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now