TIME WALKING THROUGH MEMORIES

119 7 2
                                    

“TIME WALKING THROUGH MEMORIES”

Crush ko lang dati si Steven, hanggang sa naging kami.

Masaya ang relasyon namin, sobrang saya. Kapag nagkakatampuhan kami ay mabilis din namin inaayos. Supportive sakin si Steven sa pagiging fangirl ko ng isang particular boy group.

Sa katunayan, sa isang concert nga kami nagkakilala.

“Good Morning Babe.” nakangiting pagkakasabi niya sakin ng bisitahin niya ako sa bahay.

“Oh, ang aga mo yata. Akala ko mamaya ka pa pupunta?” pagtataka ko.

“Pupunta rin naman ako dito mamaya, bakit hindi nalang ngayon na para mas mahaba ang oras nating dalawa diba?” nakangiting pagkakasabi niya saka ako niyakap mula sa likod.

“Ang sweet mo masyado baka masanay ako.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Edi masanay ka. Kasi hindi naman ako magsasawa na maging sweet sayo.” sambit niya.

At agad naman ako humarap sakanya.

“Akalain mo yun, crush lang kita dati pero ngayon 5years and still counting na kitang boyfriend.” nakangiting pagkakasabi ko.

Ngumiti naman sakin si Steven saka ako hinagkan sa noo.

“Oo nga pala. May bagong released na album yung idol mo. Nag order na ako para sayo.” nakangiting pagkakasabi niya.

“OMG talaga?” gulat na reaction ko.

“Oo naman. Syempre para sa babaeng pinakamamahal ko lahat ibibigay ko lang siyang masaya.” nakangiting pagkakasabi niya sabay kurot sa pisngi ko.

“Awww sweet naman ng boyfriend ko. Thank you talaga. Sobrang swerte ko sayo.” seryosong pagkakasabi ko kay Steven.

——

Sobrang swerte ko talaga sa boyfriend ko. Wala na talaga akong mahihiling pa.

Magka boyfriend ka ba naman na sobrang gwapo tapos sobrang bait at supportive pa. Feeling ko tuloy ay nasa isang K-Drama ako.

Naalala ko pa noong una kaming nagkakilala ni Steven.

<Flashback: 2014>

“Excuse me po, kuya pwede ba magtanong? May nagtitinda ba dito sa labas ng Philippine Arena na merch ng magco-concert ngayon?” magalang na tanong ko.

“Ah Oo meron. Pumasok ka sa pintuan na yan, then kanan ka. Tapos may makikita ka sa loob na stole as far as I know may mga freebies din sila.” nakangiting sagot naman niya sakin.

“Ah sige po salamat.”  nakangiting pagkakasabi ko saka agad na umalis.

“Sandali lang.” pigil niya kaya agad ako napatigil at napalingon sa kanya.

“Hindi ka ba nilalamig d'yan sa suot mo? Malamig sa loob ng Philippine Arena, baka sipunin ka sa pa-off shoulder mo.” pag aalalang tanong niya.

Hindi ko alam pero bigla ako kinilig sa sinabing niyang yun. Para siyang boyfriend ko kung makapag-concern sakin.

“Ah ok lang.” nakangiting sagot ko.

Agad naman siya lumapit sakin saka niya pinatong sa balikat ko ang jacket na suot niya.

“Yan hindi kana lalamigin. Ibalik mo na lang sakin ang jacket ko kapag nagkita tayo ulit.” nakangiting pagkakasabi niya saka siya naglakad palayo.

Pakiramdam ko naman ay pulang pula ang pisngi ko sa sobrang kilig.

——

Hindi ko alam kung paano ko isasauli sa may ari ang jacket niya. Kaya ang ginawa ko ay pinost ko sa Facebook ko ang picture ng jacket niya with a caption 'Finding owner of this jacket: Matangkad, Maputi at Gwapo. Nakilala ko siya sa Philippine Arena 2days ago.'

Makalipas lang ang ilang minuto matapos ko ipost yun ay agad na may nag chat sakin.

“Hi, ako na yata yung hinahanap mo. Miss off-shoulder.” chat ng isang lalake na nag ngangalan Steven.

Hindi naman ako agad naka-reply dahil bigla nalang ako kinilig. Ewan ko ba, crush ko na yata ang Steven na 'to.

“Paano ko ba isusuli sayo 'to?” reply ko sa chat niya.

“Mag meet tayo sa lugar kung saan tayo una nagkita.” reply niya.

“Ok, kailan naman?” tanong ko.

“Ngayon.” reply niya.

“Ngayon?!” reply ko.

“Oh, bakit ayaw mo?” chat niya.

“Hindi naman, nabigla lang. Ok sige, magkita tayo.” reply ko.

Ang muling pagkikita nga namin ni Steven ay nasundan pa ng maraming beses. Hanggang sa nangligaw na siya sakin, hindi niya pa alam na crush ko siya ng mga panahong nanliligaw siya sakin. Nahihiya kasi ako sabihin sakanya.

Makalipas lang ang anim na buwan na panliligaw niya ay naging kami na nga.

<End of Flashback>

——

<3months later>

Dis-oras ng gabi ay tinawagan ako ni Steven na magpunta daw ako sa bahay niya, dahil may sakit daw siya.

Agad naman nga ako nagtungo na may halong pag aalala sa boyfriend ko.

Pag dating ko sa bahay nila ay patay ang lahat ng ilaw pero bukas ang pintuan kaya tumuloy na akong pumasok.

Agad ko kinapa ang switch ng ilaw sa gilid ng pader.

At ng bumukas na ang ilaw bumungad sakin ang petals ng red roses sa sahig patungo ito sa isang lamesa.

Marami din pula at kulay gold na lobo sa paligid.

Ilang saglit pa ay lumabas si Steven mula sa kwarto kasama niya ang parents niya at parents ko, maging ang ilang malapit naming kaibigan.

“Anong meron?” pagtataka ko.

Agad naman lumapit sakin si Steven at biglang lumuhod sa harapan ko.

“Yna, babe. Alam mo kung gaano kita kamahal. Alam mong ikaw ang gusto kong makasama habang buhay. Kaya babe, will you marry me?” nakangiting tanong niya sakin.

Agad naman na pumatak ang luha sa mata ko dahil sa sobrang saya.

“Yes!” masayang sagot ko.

Agad na sinuot sakin ni Steven ang singsing at masayang nagpalakpakan naman ang mga kaibigan at family namin.

——

Nakatakda ang kasal namin sa susunod na tatlong buwan kaya ngayon palang ay naghahanda na kami.

Gumagawa na kami ng mga invations, pina-plano narin namin kung saang simbahan kami ikakasal, sino ang mga ninong at ninang, ilan ang invited, saan ang venue at ang notif ng kasal namin.

Hanggang sa sumapit na nga ang araw na pinaka-iintay naming dalawa. Desperas ng kasal namin ngayon, bukas ang araw kung saan magiging ganap na mag asawa na kaming dalawa.

Pero hindi talaga ako makatulog sa sobrang excitement na nararamdaman ko.

——

Maaga ako nagising at agad na naligo. Sobrang excited talaga ako.

Hanggang sa bumukas ang pintuan at pumasok si mama.

“Oh saan ang lakad mo anak? Bakit tarantang taranta ka?” pagtataka ni mama.

“Ma, diba nga kasal namin ngayon ni Steven. Anong oras na po, bakit 'di pa kayo naliligo at nag bibihis.” tarantang tanong ko.

Agad naman ni mama hinawakan ang kamay ko at tinitigan ako.

“B-bakit po?” pagtataka ko.

“Anak, pakawalan mo na siya puso at isipan mo.” seryosong pagkakasabi ni Mama.

“Hindi ko kayo maintindihan.” pagtataka ko.

“Anak, matagal ng patay si Steven. Nakakalimutan mo na ba ang nangyari tatlong taon na ang nakakalipas? Naaksidente si Steven bago isang araw bago ang kasal ninyong dalawa na naging resulta ng pagkamatay niya.” mahinanon na paliwanag ni mama.

Agad naman ako napaupo sa kama ko at doon ay bumuhos na ang luha sa mata ko.

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now