THE STORY OF AURORA BOREALIS

30 1 0
                                    

THE STORY OF AURORA BOREALIS
✍️pinkishrose02

“Ang ganda. Alam mo ba na matagal kong pinangarap na masaksihan ang naiibang ganda ng Aurora Borealis?” wika ko habang nakatingala sa kalangitan.

“Alam ko, kaya nga pinag ipunan ko talaga na makapunta tayo rito sa Ireland dahil matagal mo ng pangarap na makakita sa personal ng Aurora Borealis.” Nakangiting saad ni Russell nang tignan ko siya. I'm so lucky to have him.“Pero alam mo ang kwentong ikinukubli ng ganda ng Aurora Borealis?” aniya dahil upang maglaho ang ngiti sa labi niya. Maging ako ay napatitig sa kaniya ng seryoso.

“H-Hindi, meron ba?” Kunot-noo na tanong ko.

Niyakap ako ni Russel mula sa aking likuran at saka niya ipinatong ang kaniyang baba sa ulo ko—Nasa 6'2 kasi ang height ng boyfriend ko, habang ako ay 5'7 lamang. Hindi hamak na mas matangkad siya sa akin.

“Gusto ko marinig 'yung kwento ng Aurora Borealis,” wika ko dahil nabitin ako sa sinabi ni Russell kanina.

“Kwento lang 'to ng Lola ko sa akin noong bata pa ako. Sa katunayan, ito ang pinakapaborito kong kwento niya sa aming magpipinsan tuwing binibisita namin siya sa probinsiya.” Panimula niya habang naka-back hug pa rin sa akin.

Tahimik lamang ako naghihintay sa susunod na sasabihin ni Russell habang nakatingala pa rin sa kalangitan.

“Noong unang panahon daw kasi, mayroong magkasintahan na sobrang mahal na mahal ang isa't isa—sila ay sina Aurora at Samuel. Si Samuel ay isang kilalang pintor sa kanilang lugar, at sa sobrang pagmamahal niya sa dalaga ay madalas niya itong ipinipinta. Ang kasintahang si Aurora ang kaniyang naging inspirasiyon sa araw-araw, wala siyang ibang hiniling sa Diyos kundi ang makasama ang dalaga hanggang sa kaniyang huling sandali. Isang araw, bigla na lamang dinapuan ng matinding karamdaman si Aurora. Ipinagbili ni Samuel ang kaniyang mga obra upang maipangbili ng gamot si Aurora ngunit hindi ito naging sapat upang gumaling ang dalaga hanggang sa tutuluyan na nga itong pumanaw. Ang pag panaw ni Aurora ay nagdulot ng matinding depresiyon kay Samuel. Isang gabi, naisipan ng binata na lumabas ng kanilang tahanan bitbit ang iba't ibang kulay ng pintura. Nang marating niya ang lugar kung saan sila unang nagkakilala ni Aurora ay agad niyang isinaboy ang pinturang dala-dala. Napaluhod si Samuel matapos niyang gawin iyon, kasunod ng pag ragasa ng kaniyang luha. Habang nakaluhod at umiiyak, hiniling ni Samuel sa Diyos na ibalik sa kaniya si Aurora. Hiniling niya na muli silang magkasama kahit sa huling pagkakataon. Biglang kumulog at gumuhit ang matalim na kidlat kasunod nito ay ang matinding buhos ng ulan. Nang sumunod na araw, natagpuan na lamang na walang buhay si Samuel sa kaniyang tirahan at pagsapit ng gabi, namangha na lamang ang mga tao sa nasaksihan nila sa kalangitan. Tila sinaboy na iba't ibang kulay ng pintura sa kalangitan. Ang sabi ng Lola ko, iyon daw ang simbolo ng wagas na pagmamahal ni Samuel kay Aurora. At sa tuwing lumalabas ang Aurora Borealis, senyales daw iyon na hanggang ngayon ay hindi pa rin nalilimot ni Samuel ang pag-ibig niya para sa dalaga.”

THE END
Work of Fiction
Written by: pinkishrose02

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now