DIWATA

57 5 1
                                    

“DIWATA”

“Grandma, do fairies really exist?” seryosong tanong sakin ng anim na taong gulang kong apo.

Bahagya ako natahimik sa tanong niyang yun.

“Bakit mo naman naitanong yan apo?” malumanay na pagkakasabi ko.

“Napapanood ko po kasi sa TV eh, saka nababasa ko rin po sa mga libro Grandma. Totoo po ba sila? May mga fairies po ba talaga?” muling tanong ni Ayesha.

“Oo, totoo sila.” seryosong pagkakasabi ko.

“Wow! talaga po Grandma?” manghang manghang reaction ng aking apo.

Ngumiti lamang ako sakanya at saka napahawak sa kwintas na suot ko.

[Flashback: Year 1962]

“Grabe, ganito pala kaganda sa probinsya?” manghang manghang pagkakasabi ko habang pinagmamasdan ang mga matataas na bundok.

“Amor, wag ka masyado lalayo sa mga pinsan mo ha. Hindi mo pa naman kabisado dito. Baka ma-engkanto ka.” paalala sakin ni Tiya Luz.

“Opo Tiya.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Oh siya, ako'y uuwe muna sa bahay para makapag luto na ng pananghalian. Anna, wag mong hahayaan na mahiwalay sainyo ang Ate Amor niyo ha.” muling bilin ni Tiya Luz saka siya umalis.

“Ate Amor, gusto mo maligo tayo sa ilog?” nakangiting tanong sakin ni Naida.

“Ay! Oo nga Amor, maganda maligo doon sa ilog. Malinis saka malinaw ang tubig.” nakangiting pag sang-ayon naman ng nakatatanda kong pinsan na si Kuya Joel.

“Sige ba, gusto ko rin maranasan na makapaligo sa ilog eh.” masayang pagkakasabi ko.

——

Pag dating sa sinasabi nilang ilog ay bumungad sakin ang mataas na talon, malinaw at malinis na tubig, maging ang kakahuyan sa paligid ng ilog.

Sobrang ganda talaga.

Pagdating namin ay agad namin nilapag sa gilid ang baon namin na pagkain saka isa isa kaming lumusog sa tubig.

Isa isa ng umahon ang mga pinsan ko upang kumain ng baon namin pagkain, ngunit naiwan ako na nagtatampisaw sa ilog.

Maya maya pa ay napansin ko ang isang lalake na nakatingin sakin.

Matikas ang pangangatawan niya, medyo kayumanggi, mapungay ang mata at masasabi ko na gwapo talaga.

Nailang ako kaya dali dali akong umahon saka nagtungo sa mga pinsan ko na kumakain.

“Akala ko hindi ka pa aahon Ate Amor.” saad ni Anna.

“May nakatingin kasi sakin kanina eh. Kaya medyo naiilang ako.” malumanay na pagkakasabi ko.

“Sinong nakatingin sayo?!” seryosong pagkakasabi ni Kuya Joel.

“Yung lalake doon sa may gilid ng puno ng Balete.” saad ko.

Agad naman nagtinginan ang mga pinsan ko.

“Wag mo nalang pansinin yun Ate Amor, bagong mukha ka kasi dito. Isa pa, agaw pansin ka talaga kasi maputi at maganda ka.” nakangiting pagkakasabi ni Naida.

“Tama si Naida, Amor. Hayaan mo nalang. Maya maya rin naman uuwe na tayo eh. Baka hinahanap na tayo ni Mama.” pag sang ayon ni Kuya Joel.

——

“Mabuti naman dumating na kayo, nakahain na sa lamesa ang pananghalian. May fresh na gatas ng kalabaw. Tikman mo yun Amor, dahil wala non sa Manila.” bungad ni Tiya Luz ng dumating kami.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora