WE ARE BESTFRIENDS FOREVER

49 2 0
                                    

“WE ARE BESTFRIENDS, FOREVER”

“Ayah! may sasabihin kami sayo!” hinihingal na pagkakasabi ni Vanessa kasama ang iba pa naming ka-klase na kaibiga niya.

“Ano yun?” pagtataka ko.

“Kasi-----”

“Jerome!!” pasigaw kong tawag sa pangalan ng kaibigan ko habang tumatatakbo ako upang salubungin siya, kung kaya't hindi na natuloy pa ni Vanessa ang gusto niyang sabihin.

Agad naman siya ngumisi at masaya rin akong sinalubong.

Parehas kaming senior high school ni Jerome ngunit hindi kami magka-kaseng dalawa. Magkaiba kasi ang strand namin, ABM ako habang siya naman ay STEM. And since elementary ay magkaibigan na kami. Sa sobrang close nga namin sa isa't isa aakalain ng iba na may relasyon kaming dalawa. Pero wala, magkaibigan lang talaga kaming dalawa at parang magkapatid narin ang turing sa isa't isa.

Magkaibigan at magkababata din kasi ang mga magulang namin ni Jerome, kung baga ay close family narin kung iisipn.

“Parang kagigising mo lang yata, may muta ka pa oh. Naligo kana ba? Baka naman binasa mo lang yang buhok mo.” biro ko kay Jerome at agad din naman siyang ngumisi ng bahagya. Mas lalo tuloy siyang guma-gwapo.

“Oo nga pala, musta pala yung fieldtrip niyo kahapon? Masaya ba? Hindi kasi ako nakasama dahil bigla nalang sumama yung pakiramdam ko. Nagpunta daw kayo sa strawberry farm sa Baguio, totoo ba yun?” saad ko habang magkasabay kami na naglalakad ni Jerome sa hallway.

Bahagya naman na napabuntong hininga si Jerome saka tumingin sakin kaya napatigil ako sa paghakbang.

“Ayos ka lang?” pagtataka ko.

Isang ngiti naman ang gumuhit sa labi ni Jerome saka hinawakan ang kamay ko. At bigla nalang ako nakaramdam ng kung ano at hindi ko maipaliwanag.

“Mas ok narin yung hindi ka sumama.” saad ni Jerome.

“Anong ok doon? Eh nanghihinayang nga ako eh. Alam mo naman matagal kong pinag-ipunan yung fieldtrip natin diba? Tapos hindi lang din pala ako makakasama. Ikaw ah, siguro may pino-pormahan kana 'no? Kaya tuwang tuwa ka kahapon kasi wala ako. Walang mang aasar sayo.” saad ko naman.

Hindi nagsalita si Jerome at bigla nalang niya ako niyakap.

“Ingatan mo lagi yung sarili mo Ayah, mag aral ka ng mabuti para matupad mo lahat ng pangarap mo. Mahal kita, higit pa sa isang kaibigan.” malambing na pagkakasabi ni Jerome at agad na tumulo ang luha ko na labis kong pinagtaka.

Bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit ako nakakaramdam ng labis labis na lungkot. Anong nangyayari sakin?

Maya maya pa ay bumitaw narin si Jerome mula sa pagkakayakap sakin. At agad niyang pinunasan ang luha na umaagos sa pisngi ko. Pagkatapos ay hinagkan niya ako sa noo kaya napapikit na lamang ako.

Nang idilat ko na na ang mga mata ko, wala na si Jerome sa harapan ko kaya nagpalinga linga ako. Napansin ko naman na maraming estudyante ang nakatingin sakin.

Nagtataka man sa nangyayari ay agad ko tinungo ang classroom ni Jerome kung saan isang balita ang gumulantang sakin at halos himatayin ako sa pagkabigla.

Kasama si Jerome sa mahigit sampong estudyante na namatay matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang bus noong kasalukuyan na patungo silang Baguio.

[2years later]

Dalawang taon matapos ang maganap ang trahedyang kumitil sa mahigit sampong estudyante kasama na ang kaibigan kong si Jerome, ngunit nananatiling sariwa sa alaala ko ang huling pag uusap namin. Nananatili sa alaala ko ang huling yakap niya sakin at huling salitang binitawan niya.

Wala ka man sa tabi ko, mananatili parin ang pagkakaibigan nating dalawa. Mahal din kita.

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Onde histórias criam vida. Descubra agora