MEMORIES

48 2 0
                                    

“MEMORIES”

Nakadapa ako sa sofa habang pinagmamasdan ko ang boyfriend kong nakadapa naman sa flooring at abala sa iginu-guhit niya. Inangat niya ang ulo niya't tumingin sakin, saka pinisil ang ilong ko.

“Buti nalang talaga kasama ko ang girlfriend ko ngayon, inspired na inspired ako sa ginagawa ko.” nakangiting pagkakasabi ni Carl.

Pangarap kasi ni Carl maging isang artist. Hindi rin naman kasi maitatanggi ang talento niya sa pag guhit. At bilang girlfriend niya, siyempre sobrang supportive ako sa pangarap niya.

“I can't wait na matupad mo yung lahat ng pangarap mo, Love.” nakangiting pagkakasabi ko. Hinawakan naman ni Carl ang kamay ko.

“Salamat love, dahil ikaw yung nagpapatatag sakin. Alam mo ba, itong ginagawa ko sinunod ko 'to sa pangalan mo, 'Sunshine Memories'.” nakangiting pagkakasabi ni Carl.

Habang hawak ni Carl ang isang kamay ko, hinaplos ko naman ang pisngi niya gamit ang isang kamay ko.

“I love you.” malambing kong pagkakasabi.

“I love you more.” malambing din na pagkakasabi ni Carl saka ako hinagkan.

——

Nagising na lamang ako na nasa isang silid ako. Agad akong napabalikwas at saka nilibot ang tingin ko, hindi ako pamilyar sa silid na 'to. Pero naagaw ng atensyon ko ang mga picture frame naka dikit sa wall. Mga picture ko yun, at iba naman ay family picture namin.

Napalingon ako ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Nakita ko si Mommy na pumasok at nakangiti sakin.

“Good morning sweetie.” nakangiting bati sakin ni Mommy.

“Where am I?” agad kong tanong habang gulong gulo parin ang isipan ko kung bakit ako nasa silid na 'to. Hindi ito ang kwarto ko. At higit sa lahat, hindi ko narin kasama si Mommy sa bahay dahil nasa US sila ni Ate ngayon. Doon narin nakatira si Mommy.

“Sunshine anak, nandito ka sa kwarto mo.” malumanay na sagot ni Mommy.

“Mom, diba nasa US kayo ni Ate? Kailan ka pa umuwe? Saka, paano ako napunta dito? Eh magkasama lang kami kanina ni Carl.” paliwanag ko habang gulong gulo parin ang utak ko.

“Sweetie, ano ba yang sinasabi mo. Sa buong buhay ko hindi pa ako nakarating ng US. Saka ang Ate mo, nasa Cavite siya ngayon. Wala siya sa US. Saka sinong Carl ba yang sinasabi mo? Eh buong maghapon hindi ka naman umalis ng bahay. Magdamag ka lang nanood sa Netflix.” mahinahon na paliwanag ni Mommy.

“Where's my phone?” agad kong tanong kay Mommy. Baka saka paniwalaan niya ako. Hindi ko kasi ang nagde-delete ng convo namin, at kagabi ka-chat ko lang si Mommy sabi niya hindi sila agad ni Ate makakauwe ng Pilipinas para magbakasyon, dahil masyado pang busy sa business. Gusto ko rin ipakita sakanya ang pictures namin ni Carl, ang boyfriend ko.

Agad binuksan ni Mommy ang drawer na katabi ng kama ko, kinuha niya doon ang cellphone ko at inabot sakin. Kaagad ko naman yun binuksan.

'JANUARY 30, 2021'

“P-paanong?” labis na pagtataka ko.

“Sweetie, you ok?” may pag aalalang tanong ni Mommy. Hindi ako nakapag salita at agad na binuksan ang Gallery ko. Puro selfies ko lang ang laman ng Gallery ko, gayun din ang mga pictures ng aso kong si Sparkle.

Agad akong bumangon at nagtungo sa CR ko na nasa loob lang ng silid ko. Pinagmasdan ko ang reflection ko sa malaking salamin. Habang nag uumpisa ng tumulo ang luha ko. Napahawak na lamang ako sa ulo ko dahil pakiramdam ko ang sasabog na ito dahil sa sobrang pag iisip ko ng kung anong nangyayari ngayon.

“Sunshine anak, ayos ka lang ba?! Buksan mo 'tong pinto!” saad ni Mommy na may pag aalala habang pinipihit ang door knob.

“Leave me alone!” sigaw ko habang naiiyak na.

“Please...please leave me alone.” naiiyak kong pakiusap.

Anong nangyayari? Bakit nasa gantong taon na 'ko? Ano ang lahat ng 'yun? Panaginip? Hindi pwedeng panaginip lang yun.

——

Tila wala ako sa sariling naglalakad sa Mall kung saan kami madalas magpunta ni Carl kapag nagde-date kami.

At sa paglalakad ko nga, nakita ko si Carl sa 'di kalayuan. Nagmamadali akong naglakad papalapit sakanya ngunit bahagya ako napatigil ng lapitan siya ng isang babae na may hawak na bata sa kabilang kamay niya. Masaya si Carl na nilapitan ang babae at ang bata, saka niya hinagkan ang babae sa labi at ang bata naman ay masaya niyang kinalong.

“Carl!” sigaw ko, pero hindi niya ako nililingon. Kaya naman mas minabuti ko nalang na lapitan siya at ng makalapit na ako ay hindi ako nag atubiling hawakan siya sa balikat kaya agad siyang napatingin sakin. Nang magtama ang paningin namin, kita sa mata niya ang pagtataka.

“Carl...” mahinang pagkakasabi ko saka ako ngumiti.

“Pasensya na Ms. pero hindi Carl ang pangalan ko.” saad nito.

“Carl ako 'to, si Sunshine. Yung girlfriend mo.” mariing pagkakasabi ko.

“Excuse me? I'm Zandro's wife. Bakit mo tinatawag na Carl ang asawa ko? Hobby, do you know this girl?” saad ng babaeng hinagkan sa pisngi kanina ni Carl.

“Hindi, baka napagkamalan lang niya 'ko na ako yung boyfriend niya.” malumanay na pagkakasabi ni Carl habang seryosong nakatingin sakin. What is really happening?! Carl ako 'to!

Pagkatapos ay agad narin silang dalawa umalis. Naramdaman ko nalang ang pagdampi ng luha sa pisngi ko.

“Ang ganda talaga ng painting na 'to.” rinig kong boses ng isang babae. Kaya agad akong napalingon sa nagsalita.

“Sunshine Memories....” sambit ko ng makita ang hawak na painting ng babae.

Hindi ko na alam kung ano ba ang panaginip o kung ano ang totoo. Pero gusto ko ng magising..ipinikit ko ang mga mata ko ngunit ng idilat ko ito..nandito parin ako sa mall. Bahagya na lamang akong napaupo at para bang nanlalambot ang mga tuhod ko. Para akong mababaliw sa kakaisip kong ano bang nangyayari. Nasaan nga ba ako, nasa nakaraan o nasa hinaharap..hindi ko alam.

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now