MEET ME IN PARADISE

39 2 0
                                    

“MEET ME IN PARADISE”

Pasakay na sana ako sa kotse ko ng mabaling ang atensyon ko sa isang matandang babae na nagpapalimos sa gilid ng kalsada. Nang walang pasubalit ay agad ko nga tinungo ang kinaroroonan ng matandang babae.

“Lola, pagpasensyahan niyo na po ito. Pero wag po kayo mag alala malinis naman po ito.” nakangiting saad ko ng iabot ko sa matandang babae ang pina-take out kong pagkain galing sa isang fast-food chain na pinanggalingan ko kanina lang.

Ngumiti muna ang matandang babae sakin bago niya tinanggap ang pagkain, saka siya nagsalita.

“Maraming salamat iha.” nakangiting saad ng matanda.

Paalis na sana ako ng biglang magsalita ulit ang matanda.

“Alam kong nananabik kana ulit na makita ang lalakeng iniirog mo.” saad ng matanda kaya bahagya ako napatigil sa paghakbang at nilingon muli ang matanda.

“Lola?” usal ko.

Agad naman lumapit sakin ang matanda.

“Ito iha, gamitin mo 'to. Upang magkita ulit kayong dalawa.” saad ng matanda sabay abot sakin ng isang maliit na botelya.

Nagtataka man ay tinanggap ko parin iyon.

“Salamat po dito Lola, kung ano man po ito. Pero Lola, hindi na po kami magkikita pa ng boyfriend ko. Dahil matagal na po siyang patay.” saad ko.

Hindi kumibo ang matanda at ngumiti lamang sakin.

Bahagya ako napalingon sa likod ko ng marinig ko ang pagtawag ng isang babae sa pangalan ko. Nang muli kong lingonin ang matanda, mabilis siyang nawala sa harapan ko at hindi ko na nakita pang muli.

Nang makauwe ako sa bahay, pinagmamasdan ko parin ang botelyang binigay sakin ng mesteryosong matanda.

“Paano niya nalaman na miss na miss ko na yung boyfriend ko?” pagtataka ko.

Mahihiga na sana ako sa malambot kong kama ng bigla nalang lumiwanag ang botelya kaya napatakip ako ng mukha dahil sa sobrang liwanag na nanggagaling dito.

——

Nang alisin ko ang takip sa mukha ko, nasa ibang lugar na 'ko. Nagulat nalang ako sa malakas na bosina ng isang paparating na sasakyan. Ngunit isang lalake ang mabilis akong hinatak at agad nga ako napayakap sakanya.

“Ayos ka lang?” may pag alalang saad ng lalake.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses ng lalake. Hindi ko ako maaaring magkamali, ang tinig na yun ang galing sa boyfriend ko, kay Kevin.

Agad ko nga inangat ang ulo at halos maluha ako ng makita ko ang mukha ni Kevin at kaagad naman niya ako niyakap ng mahigpit.

“Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakarating dito?” magkasunod na tanong ni Kevin sakin habang nakatitig sa mga mata ko.

“Hindi ko rin alam, hindi ko alam kung paano. Pero kung panaginip man 'to, ayaw ko ng magising pa.” naluluhang saad ko na kaagad na pinunasan ni Kevin ang bawat patak ng luha galing sa mata ko.

“Alam mong mahal na mahal kita Andrea, pero ang lugar na 'to ay hindi bagay para sa tulad mong nabubuhay pa. Kailangan mo ng makabalik agad.” seryosong pagkakasabi ni Kevin habang nakatitig siya sa mga mata ko.

“Pero...”

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng bigla akong halikan ni Kevin sa labi at muling yakapin ng mahigpit.

“Sa pag gising mo, mabubura sa alala mo na nagkita ulit tayo. Ngunit wag ka mag alala, palagi akong nasa tabi mo upang bantayan ka. Mahal na mahal kita Andrea.” saad ni Kevin habang nakayayap siya sakin agad naman ako kumawala mula sa pagkakayakap sakanya.

“Please let me stay.” naiiyak na pakiusap ko sakanya.

Mahal na mahal ko si Kevin, kaya halos gumuho ang mundo ko ng mamatay siya dahil sa car accident. At makalipas nga ang limang taon, sa hindi ko alam na pangyayari ay narito si Kevin sa harapan ko. Kaya hindi ko na naiisin pang magkahiwalay pa kaming dalawa.

“I love you.” saad ni Kevin saka ako hinagkan sa noo.

——

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock, pag tingin ko sa oras. Pasado alas-diyes na pala. Napasarap yata ang tulog ko kagabi kaya tinanghali na ako ng gising.

Pagbangon ko ay agad kong nakita ang pusa na kulay puti at may asul na mata na nakaupo sa gilid ng bintana sa kwarto ko.

Nakangiti akong nilapitan ang pusa at hinaplos ito sa ulo.

Hindi ko alam, pero iba ang pakiramdam ko sa tuwing nagtatama ang paningin namin ng pusa na pinangalan kong si Kean. Pakiramdam ko ay nasa tabi ko lang si Kevin, ang boyfriend ko na mahal na mahal ko.

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now