SHE USED TO BE MINE

66 3 0
                                    

"SHE USED TO BE MINE"

-ALEXA POV-

"Someday, I'll be a superstar at saka isang sikat na artist sa loob at labas ng bansa. At hindi lang yun, award-winning pa." nakangising pagkakasabi ko.

Kaya naman halos pagtinginan kami ng mga taong dumadaan.

Nandito kami sa plaza ng boyfriend kong si Edwin para mag-date, 1st Anniversary kasi namin ngayon.

"Hinaan mo nga yang boses mo. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh." saway sakin ni Edwin.

"Eh ano ngayon? Wala naman masama sa sinasabi ko ah." saad ko.

"Ipagsigawan mo ba naman na magiging superstar at artista ka balang araw." saad ni Edwin.

"Alam mo, nakakainis ka. Dapat nga supportive ka sakin eh. Kasi boyfriend kita." inis na pagkakasabi ko.

"Supportive naman ako sayo ah. Pero kasi, imposible na yang pinapangarap mo Babe. Sige nga, isipin mo. Paano ka magiging sikat na artista? Eh kahit maikling line na nga lang minsan sa role playing natin sa school nahihirapan ka ng i-memorize." tila pang pang aasar sakin ni Edwin kaya tinignan ko siya ng masama.

"Kapag ako talaga sumikat, wag ka magpapa-autograph sakin." mataray na pagkakasabi ko at tinawanan nalang ako ni Edwin na lalo kong kinais.

-EDWIN POV-

Mula ng araw na yun ay hindi na ako pinapansin ng girlfriend kong si Alexa. Ilang beses ko siyang tinatawagan, mini-message sa social media accounts niya hindi siya sumasagot.

Hanggang sa naisipan ko nalang na puntahan na siya sa mismong bahay nila.

Kung saan naabutan ko siya sa sala nila na nili-lipsync niya ang isang kanta, habang may hawak siyang suklay na kunware ay microphone niya at nakapikit pa na para bang damang dama ang kantang kinakanta niya at nakatapat sa electric fan.

Hindi ko maiwasan matawa sa girlfriend ko ng mga sandaling yun.

Maganda naman ang boses niya, hindi ko alam kung bakit mas gusto niya na mag lipsync. Sa totoo lang, may angking talento talaga si Alexa sa pagkanta, pero minsan nahihiya siyang ilabas ito.

"Kaya pala hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko mula nakaraang araw. Busy ka pala sa pa-concert mo dito sa sala niyo. Sold out ba ang ticket?" pang aasar ko kaya agad niya binato sakin ang suklay na hawak niya pero agad naman ako nakailag.

"Anong ginagawa mo dito?" seryoso niyang tanong saka niya hininaan ang radyo.

"Binibisita ka. Sorry kung naistorbo ko yung concert mo ah." nakangising pagkakasabi ko kaya agad niya ako hinampas sa braso ko.

"Alam mo nakakainis ka. Inaasar mo ba ako?" inis na pagkakasabi ni Alexa.

"Hindi, natatawa lang talaga ako promise." nakangising pagkakasabi ko.

"Pag ako talaga sumikat-----"

"Hindi ako makakahingi ng autograph sayo? Edi hindi. As if naman na sisikat ka." natatawa kong pagkakasabi.

"Umalis kana nga, bina-badtrip mo ko eh." pagtatabuyan sakin ni Alexa.

"Ito naman hindi na mabiro. Joke lang naman yun, siyempre kapag sumikat kana isa ako sa magiging proud sayo. Binibiro lang naman kita noong nasa plaza tayo eh. Girlfriend kita, kaya kung ano at saan ka mas magiging masaya. Edi susuportahan kita. Balang araw, matutupad mo rin yang pangarap mo." nakangiting pagkakasabi ko.

"Sana kapag natupad ko na yung mga pangarap ko. Nand'yan ka parin sa tabi ko. Hawak mo parin ang kamay ko." seryosong pagkakasabi ni Alexa sakin.

Agad ko naman hinawakan ang kamay niya.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Onde histórias criam vida. Descubra agora