MESSAGE REQUEST

56 2 0
                                    

“GINAMIT LANG KITA, JANICE. HINDI KITA MINAHAL!” pitong salita, ngunit sapat na upang madurog ang puso ko at dumaloy ang rumaragasang mga luha mula sa aking mata na humahalik sa aking pisngi.

“H-Hindi...Hindi totoo 'yan..nagbibiro ka lang? Babe, hindi ba? prank lang 'to. Alam kong prank lang 'to. Nasaan ba 'yung mga hidden camera.” nanginginig ang boses ko, ayaw kong tanggapin ang mga narinig kong salitang lumabas sa bibig ng boyfriend ko.

“Ano pa ba ang hindi totoo, Janice? ginamit lang kita para makalimutan ko si Vivian, pero ni katiting na pagmamahal, wala akong naramdaman para sa'yo!” mataas na tono ng boses ni Nathan.

“Babe please..don't leave me please. I'm begging you please..” umiiyak na pakiusap ko habang mahigpit kong hawak ang dalawang kamay niya na pilit naman kumakawala sa pagkakahawak ko.

“Stop calling me that f*cking endearment. Tapos na tayo Janice, tapos na kung ano man ang namagi--“

“No..please. I'm begging you don't leave me, hindi ko kaya.”

Hindi na nagsalita pa si Henry at agad niyang binawe ang kaniyang dalawang kamay. Umalis ito na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Naiwan akong patuloy ang pagragasa ng aking mga luha habang unti-unting napauo. Wala akong pakialam kung marami ng nakatingin sakin.

Nandito ako sa parke ngayon matapos na makipagkita ni Henry, ang buong akala ko ay may supresa siya sakin dahil malapit na ang 4th Anniversary naming dalawa. Pero tila ako ang nasupresa ng sabihin niya sakin na maghiwalay na kami dahil ginamit lang niya ako para malimutan si Vivian na ex-girlfriend niya.

Walang kasing sakit na marinig ang mga katagang 'yun mula sa taong minahal mo ng higit pa sa sarili mo. Magkaklase kami ni Henry mula pa elementarya, magkababata din kasi kaming dalawa. Nagkahiwalay lang kami noong mag-high school na kami. Sa ibang school kasi ako nag-aral, ngunit muling nag-krus ang mga landas namin ni Henry ng mag kolehiyo na kami. At matapos na makapag tapos ng pag-aaral, ay saka palang siya nanligaw sakin. Matapos ang anim na buwan na ligawan ay sinagot ko na siya. First boyfriend ko si Henry, he was also my first love. Ngunit hindi naman lingid sa kaalalaman ko na pangalawa na lamang ako sa babaeng minahal ni Henry. He has one ex-girlfriend, at yun ay si Vivian na classmate niya noong high school. Dalawang taon ang tinagal ng relasyon nila ni Vivian, bago magpasiyang maghiwalay dahil sa third party, nahuli kasi ni Henry si Vivian na may ibang lalakeng kahalikan sa dorm na tinitirhan nito.

Magmula nga ng pagkikita naming iyon ni Henry, ay wala narin akong naging balita sa kaniya. I also found out that he blocked and unfollowed me on his social media accounts.

GABI-GABI akong umiiyak dahil sa pakikipaghiwalay sakin ni Henry, wala kasi ako makitang rason upang hiwalayan niya ako. Dahil minahal ko naman siya, naging tapat ako sa kaniya at sinusuportahan ko siya sa lahat ng gusto niya. Hindi rin ako naging demanding girlfriend, kaya bakit? bakit niya ako nagawang saktan ng ganito? bakit nagawa niya akong durugin.

Pinilit ko na makapag move on, kahit sa una ay sobrang hirap. Ginawa kong abala ang sarili ko sa trabaho, pamilya at kaibigan. Lumipas ang mga araw, linggo at buwan, nakilala ko si Dave, ka-trabaho ko sa kumpanyang pinapasukan ko. Si Dave ang tila naging shoulder-to-cry on ko sa tuwing maaalala ko si Henry, he always listen to all of my dramas in life. Hindi ko namamalayan na muli na naman palang tumitibok ang puso ko sa isang lalake.

“You ok?” may pag aalalang tanong ni Dave sakin ng tabihan niya ako sa mono-block na upuan dito sa rooftop ng gusali.

“Yeah.“ tipid kong sagot habang nakatingin parin sa malayo.

“But you sounds not ok. Tell me, you miss him?” aniya, saka ako tumingin sakaniya.“Sabi ko naman kasi sa'yo diba? kalimutan mo na ang lalakeng dumurog sa puso mo. Nandito naman ako, I'm willing to fixed it.” sincere na saad ni Dave saka hinawakan ang kamay ko and I felt butterflies in my stomach.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora