GA-GRADUATE AKO

39 4 0
                                    

“GA-GRADUATE AKO”

“Ga-graduate ako..” bulong ko sa sarili ko habang pinaglalaban ang anxiety attack ko.

“Kahit anong sabihin nila..makaka-graduate parin ako.” isang hingang malalim ang ginawa ko saka ko idinilat ang mga mata 'ko.

“Ano na naman ba yan Lorrievic, libro na naman ba ang hawak mo?!” inis na pagkakasabi ni Stella sakin, sablay hablot sa hawak kong libro pagkatapos ay hinagis niya 'to sa basurahan.

“Stella ano ba!” sigaw ko, hindi ko na kasi matiis ang pangbu-bully ng pinsan ko sakin. Nakikitara ako sa bahay ng tiyahin ko habang nagta-trabaho sa gabi at nag aaral sa umaga sa kursong medisina, pangarap ko kasi maging isang Doctor balang araw. Nasa 1st year college palang ako at ramdam ko na ang hirap bilang isang freshmen college student. At ang mas lalong nagpapahirap pa sakin ay ang mga tao sa paligid kong dini-discourage ako sa pangarap ko.

Kulang na ako sa financial support, tila kulang din ako sa moral support ng mga taong dapat sana ay sumusoporta sakin. Nagsasaka lamang ang aking mga magulang sa probinsya, ang kinikita nila ay kulang pa para sa pagkain namin. Lima kaming magkakapatid, ako ang panganay. Ilang beses akong tumigil sa pag aaral ko para masuportahan ang pag aaral ng mga kapatid ko. Ang pangalawa kong kapatid ay nasa High School na, habang ang pangatlo at pang apat naman ay nasa Elementary palang. Ang bunso kong kapatid ay hindi pa nag aaral pero nasa eda pitong taong gulang na. Mas pinili nalang niya kasing tumigil upang matulungan sa pag sasaka ang magulang namin.

Sa edad na labing apat ay nagta-trabaho na ako upang makatulong sa pamilya ko gayundin sa pag aaral ng mga nakababata kong kapatid. Hanggang sa maisipan ni mama na dalhin ako sa maynila at doon sa kapatid niya muna ako pansamantalang manirahan. Sa una ay nagtaka ako kung bakit tila intinatakwil ako ng sarili kong mga magulang. Ngunit sabi ni Mama, kailangan ko daw makapagtapos ng pag aaral. Kahit anong mangyari, magtatapos ako. Yun ang tumatak sa isipan ko.

“Wow Lorrievic, sumasagot kana ha?!” sarcastic at nanggigigil na pagkakasabi ni Stella. “Kahit ilang beses ka pa magbasa ng libro, sa tingin mo makaka-graduate ka ng college? Hindi, kasi matutulad ka parin sa mga magulang mong pagsasaka lang ang ikinabubuhay.” sarcastic na pagkakasabi ni Stella na may pang iinsulto.

“Bawiin mo yang sinabi mo!” seryoso ngunit mariing pagkakasabi ko.

“Totoo naman, bakit ko babawiin? Nagsasayang kalang sa pagpapagod mong maging working student, hindi ka parin naman makakapagtapos. Ilang taon kana ba Lorrievic, 26? 27? 28? pero first year college ka parin. Hindi kana makaalis sa pagiging first year college mo. So If I were you, susuko na 'ko.” sarcastic at may panglalait na pagkakasabi ni Stella. Ayaw ko siyang patulan, ipapakita ko nalang sakanya balang araw na mali ang iniisip niya. Huminga ako ng malalim at tinungo ang basurahan saka kinuha ang libro, kasalukuyan kasi akong nagre-review para sa exam namin bukas. Tinarayan pa ako ni Stella bago siya umalis.

“Lorrievic, wag kang susuko. Ga-graduate ka.” nakangiting bulong ko sa sarili ko habang pinipigilan ko ang pagpatak ng luha ko.

——

Nagsikap ako sa pag-aaral ko. Ginawa kong motivation ang mga salitang hindi maganda na binibitawan sakin ng ibang tao, lalo na ang pinsan kong si Stella. Ginawa kong umaga ang gabi, at ginawa namang gabi ang umaga. Halos wala pa akong tulog kapag pumapasok ako sa unibersidad dahil kakagaling ko lang sa trabaho. Service crew ako sa isang fast food chain. Ang sini-sweldo ko ay hinahati ko, ang iba ay para pag aaral ko at ang iba ay ipinapadala ko sa mga magulang ko sa probinsya upang matustusan naman ang pag aaral ng iba ko pang mga kapatid.

——

Lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon. Naglalakad ako patungong entablado suot ang itim na toga upang tanggapin ang aking diploma na bunga na aking pagsusumikap. Halos walang mapagsidlan ang tuwa sakin mga labi lalo pa't nakita ko ang mga magulang ko na pinapalakpakan ako. Bukod sa diplomang natanggap ko, isang medalya din ang iginawad sakin bilang isang Summa Cum Laude ng unibersidad na ito.

“Binabati kita anak.” naluluhang saad ni Papa ng bumaba na ako sa entablado at salubungin nila.

“Para sainyo 'to. Mama, Papa.” nakangiting pagkakasabi ko at sabay ko silang niyakap habang tuloy sa pag agos ang luha sa aking mga mata dahil sa kagalakan na nadrama.

——

Lumipas pa ang maraming mga taon, isa na ako ngayong lisensyadong Doctor. Hindi narin nagsasaka ang mga magulang ko matapos akong makabili ng sarili namin bahay dito sa Manila at makapagpatayo ng sariling Hospital. Ang pangawala kong kapatid ay graduating narin sa taong ito sa kursong education, ang pangatlo at ang pang-apat naman ay first year na rin sa college habang ang bunso ko naman kapatid ay nagpatuloy ng pag aaral sa elementarya.

'Just spread your wings..reached for your dreams...there's no mountain that's hard to move..take a chance and try..you would never know..you're a hero you can fly' — (Fly by Jessica Jung)

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now