HE'S A ROBOT

54 2 0
                                    

"HE'S A ROBOT"

Nang mamatay ang ex-boyfriend ko na si Ivan halos gumuho ang mundo ko. He's first and last love, he's my everything. Kaya naman nag iwan ng matinding kirot sa dibdib ko ang pagkamatay niya.

Sobrang mahal na mahal ko si Ivan, magli-limang taon na sana ang relasyon namin at may plano ng magpakasal sa susunod taon. But the accident happened, he died in a car crash.

Dahil sa sobrang lungkot at pangungulila ko kay Ivan ay nakagawa ako ng isang robot na resemblance ni Ivan.

Si Ivan93, hindi lang basta robot si Ivan93. He also act and looks like a real human. It took 3years bago ko natapos si Ivan93.

He can also speak na parang isang normal na tao lang, but he don't have feelings. Dahil wala naman siyang puso at utak.

"Malungkot ka?" seryosong tanong ni Ivan93 sakin at kaagad naman ako tumitig sakanya.

"I miss him. Today was supposed to be our 7th Anniversary." saad ko.

Agad naman hinawakan ni Ivan93 ang kamay ko kaya agad ako napatingin sakanya. That was the first time na ginawa niya yun.

"Nandito naman ako. Wag kana malungkot." seryosong pagkakasabi ni Ivan93.

Agad naman gumuhit ang isang pilit na ngiti sa labi ko.

--

"Giselle! Giselle!" tarantang tawag ni Kianna sa pangalan ko kaya natigilan ako sa ginagawa ko.

"Bakit?!" agad na tanong ko.

"Si Ivan----este yung robot mo." saad ni Kianna.

"Oh?"

"Hinahanap si Ivan93 ng mga taga NBI at Robotic Agency illegal daw si Ivan93. At kailangan ng i-shutdown." pagbabalita ni Kianna dahilan upang matahimik ako.

Agad ko tinungo si Ivan93 sa isang silid na nasa vasement ngunit wala siya doon.

Hindi ako papayag na i-shutdown si Ivan93. Siya nalang ang natitirang alaala sakin ni Ivan.

--

Lumipas ang dalawang oras ngunit wala parin si Ivan. Puno na ako ng pag aalala kay Ivan kaya lumabas na ako upang hanapin siya.

Sa isang park doon ko nakita si Ivan93. Malayo palang ay nakita ko na ang bouquet of flowers na hawak ni Ivan93.

Lalapitan ko na sana siya ng makita ko ang apat na lalaking nakasuot ng suit na bumaba ng itim na van ang papalapit sa kinaroroonan ni Ivan93.

Kaya patakbo akong tinungo si Ivan saka siya hinawakan sa kamay at agad na hinila. At agad naman kami sinundan ng apat na lalake.

"Bakit tayo tumatakbo?" pagtataka niya.

Hindi ako nagsalita at ng mapansin na wala na ang sumusunod samin ay saka lang ako tumigil sa pagtakbo, ganun din siya.

"Wala na sila." hinihingal na pagkakasabi ko.

Inabot naman sakin ni Ivan93 ang bouquet of flowers na hawak niya na ngayon ay lustay lustay na dahil sa pagtakbo namin.

"Bakit kasi bigla kana nalang umaalis? Pinag alala mo 'ko." inis kong pagkakasabi na may halong pag aalala.

"Sabi mo anniversary niyo ngayon. Kaya ito, naisipan kong bilhan ka ng bulaklak." saad ni Ivan93 na dahilan upang manggilid ang luha ko.

Nang mapansin ni Ivan93 na tumutulo na ang luha ko ay agad niya akong niyakap.

Napapikit nalang ako habang iniisip na si Ivan talaga ang kayakap ko habang patuloy sa pagpatak ang luha ko.

Hanggang sa....

"There you are." rinig kong saad ng isang lalake kaya agad ako bumitaw mula sa pagkakayakap kay Ivan93.

Agad ko naman kinoberan si Ivan93.

"Sino kayo?! Anong kailangan niyo?" seryosong tanong ko.

"Ibigay mo samin ang Robot na yan. Tapos ang usapan." saad ng lalake.

"Hindi. Hindi ko siya ibibigay sainyo." mariing pagkakasabi ko.

--

Ayawin ko man ngunit kinakailangan narin talaga i-shutdown si Ivan93. Dahil kung hindi, maaari din akong makulong o magmulta ng hindi bababa sa dalawang milyon. At para wala narin gulo kaya kahit masakit sakin ay pumayag narin ako.

Nasa Lobbby na ako ng Robotic Agency ng marinig ko ang pagtawag ni Ivan93 sa pangalan ko.

Paglingon ko, nakita ko si Ivan93 na patungo sakin saka ako agad na niyakap.

"I love you." usal niya saka unti unting tumulo ang luha ko.

Maya maya pa ay tuluyan ng shinutdown si Ivan93. Saka kinuha ng mga taga Robotic Agency.

Tumulo pa ang luha ko habang tinatanaw si Ivan93 na bitbit ng isang lalake na naka-suit.

Hanggang sa muli mahal ko....

-THE END-

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now