FOOTSTEPS

57 8 0
                                    

“FOOTSTEPS”

“Ganda ng new hair color mo ah. Color Green.” agad na bati ni Abegail.

“Ay, thank you. First time ko na magpakulay ng buhok eh. Bagay ba?” tanong ko.

“Oo naman, maputi ka naman eh.” sagot ni Abegail.

“Thank you.” nakangiti kong pagkakasabi.

“Alyssa, tingin mo connected sa isa't isa yung Doppelganger saka yung mga nagta-time travel?” seryosong tanong ni Abegail.

“Bakit mo naman naisip yan?” natatawang tanong ko.

“Wala naman, eh kasi diba sabi nila bawal magkita yung ikaw saka yung Doppel mo. Tapos sa mga nagta-time travel naman, hindi ba't bawal din sila magkita?” paliwanag ni Abegail at humalakhak na ako ng tawa.

“Bakit natatawa ka?” pagtataka niya.

“Kasi naman Abby, masyado ng lumalawak yang imagination mo.” natatawa kong pagkakasabi.

“Grabe ka naman sakin, what if lang naman yun.” saad ni Abegail.

“Oh siya, mauuna na akong umuwe sayo ha.” paalam ko.

“Uuwe kana agad? Akala ko ba gagala pa tayo?” pagtataka ni Abegail.

“May gagawin pa kasi ako sa bahay. Bukas nalang tayo gumala.” saad ko.

“Sige na nga, basta bukas ah.” saad ni Abegail.

Pag uwe ko sa bahay ay agad ako dumiretso sa kwarto ko at agad ko nilapat ang katawan ko sa malambot na kama.

Papikit na sana ang mga mata ko ng makarinig ako ng yabag.

Agad ako napabalikwas at aga na kinuha ang baril sa ilalim ng unan ko. Police kasi ang Daddy ko kaya may sarili din akong baril for self defense.

Pagkatapos ay naglakad ako ng dahan dahan patungo sa pintuan ng kwarto ko.

Naririnig ko parin ang yabag na nagmumula sa kabilang kwarto. Ang kwarto ng kapatid kong si Alijah kapag nagbabakasyon siya dito sa Pilipinas.

Ilang saglit pa ay may biglang lumabas mula sa silid ni Alijah, kulay ash grey ang highlight ng buhok niya at parang magkasing height lang kami.

“Who are you?!” sigaw ko pero hindi siya nagsalita.

Papaputukan ko na sana ng baril pero tila bigla ako natigilan ng mapansin ang suot niyang bracelet.

Agad rin ako napatingin sa bracelet kong suot. Parehas kami.

Hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Agad ako nagpunta sa silid ni Alijah upang tignan kung may nawala ba.

Pero malinis naman ang silid ni Alijah. Wala naman gamit na nawawala.

Nagtataka rin ako kung paano siya nakapasok gayun may password ang pintuan ng bahay ko.

Kinabukasan ay agad ko yun kinuwento kay Abegail.

“Nireport mo na ba sa Police? Or sinabi mo na kay Tito?” agad na tanong ni Abegail.

“Hindi na kailangan, wala naman nawala eh.” saad ko.

“Eh pero teka, paano siya nakapasok sa bahay mo? Eh diba sobrang secure ang bahay mo sa gate palang? Hindi ba tumunog yung alarm ng may nakapsok na iba? Saka may password ang pintuan mo diba?” pagtataka ni Abegail.

“Alam mo, yan din pinagtatakahan ko. At isa pa, parehas din kami ng suot na bracelet. Eh itong bracelet na 'to customize bracelet 'to.” saad ko at agad kami nagtinginan ni Abegail.

“Nakita mo ba yung mukha ng babaeng nangloob sa bahay mo?” seryosong tanong ni Abegail.

“Hindi ko nakita. Kasi nakatalikod siya at mabilis na nakaalis.” sagot ko.

“Hindi kaya Doppelganger mo yun?” agad na tanong ni Abegail.

“Yan ka na naman sa kaka-Doppel mo eh.” inis na pagkakasabi ko.

Lumipas pa nga ang mga araw ay napapadalas ang naririnig kong yabag mula sa kwarto ni Alijah pero sa pagkakataon na yun ay hindi ko na nakikita ang babaeng nakita ko noong nakaraang araw.

Kaya naman mas minabuti ko ng sabihin na 'to kay Daddy.

Hanggang sa isang araw, isang masamang balita ang bumungad sakin. Namatay na ang kapatid kong si Alijah dahil sa isang aksidente sa kotse.

[9years later]

Hindi na ako nakatira sa dating bahay ko. Lumipat na ako anim na taon na ang nakakalipas, pero minsan ay pumupunta parin ako sa dati kong bahay kapag namimiss ko ang kapatid kong si Alijah.

Kasalukuyan ako nasa puntod ngayon ng kapatid ko dahil dito siya nakalibing sa Pilipinas dahil mas madali namin siya mabibisita.

Hanggang sa may isang lalakeng lumapit sakin, si Tracy ang bestfriend ni Alijah.

“Kung nabasa mo lang sana agad ang sulat na ginawa niya at iniwan niya sa kwarto niya edi sana buhay pa ngayon ang kapatid mo.” seryosong pagkakasabi ni Tracy na agad ko kinagulat.

“Anong ibig mong sabihin?” pagtataka ko.

“May sulat na ginawa si Alijah para sayo. Bago siya bumalik ng Canada. Nakapaloob sa sulat na yun ang mga importanteng bilin niya sayo. At kung nabasa mo lang sana agad yun, hindi mamamatay sa isang aksidente ang kapatid mo.” seryosong pagkakasabi ni Tracy.

“Wala akong alam na may iniwan na sulat si Alijah. Wala siyang sinasabi sakin. At isa pa, 9years na simula ng mamatay si Alijah pero bakit ngayon mo lang 'to sinasabi sakin?” saad ko.

“Dahil may importanteng bagay pa akong tinatapos na ngayon ay alam kong malaki ang maitutulong para makabalik ka sa araw bago mamatay ang kapatid mo.” seryoso niyang pagkakasabi.

“Ano yun?” labis na pagtataka ko.

“Ang time machine.” saad niya.

Bahagya naman akong natawa sa sinabi niyang yun pero nananatiling seryoso ang mukha niya kaya tumahimik nalang ako.

Sa huli ay napaniwala niya rin ako na may time machine nga siyang ginawa. Matapos niya itong ipakita sakin.

“Sa tulong nito ay makakabalik ka eksaktong araw bago ang pagkamatay ng kapatid mo. Ang kailangan mo lang gawin ay hanapin ang sulat sa kwarto ni Alijah. At tatandaan mo, walang ibang pwedeng makakita sayo.” seryosong pagkakasabi ni Tracy at agad naman akong tumango.

“Kapag ba, nahanap ko ang sulat na yun. Maibabalik ang buhay ng kapatid ko?” seryosong tanong ko at ngumiti lamang siya sakin.

[Time Travel: 9years ago]

Pasado alas-siyenye palang ng gabi. Pagdating ko sa pintunan ng bahay ko noon ay agad ko ininsert ang password ng pintuan at dahan dahan na binuksan ang pintuan.

Nang makapasok na ako ay agad ako dumiretso sa itaas kung saan halos magkatabi lang ang dati kong kwarto at ang silid ni Alijah.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ni Alijah at agad na pumasok sa loob pagkatapos ay hinanap ko ng maayos ang sulat na sinasabi ni Tracy na iniwan niya.

Pero hindi ko 'to makita.

Narinig kong bumukas ang pintuan sa kabilang kwarto kaya naman nagmamadali narin akong lumabas ng silid ni Alijah.

“Who are you?!” rinig kong sigaw ng isang babae pero agad ko tinakpan ang bibig ko at nagmamadali na umalis.

Nasa labas na ako ng pintuan ng dati kong bahay ng mapatapat ko sa salamin ng bintana.

Nakita ko ang kulay ng buhok ko. Ash grey na highlight, at doon ay napagtanto ko na sariling yabag ko pala ang naririnig ko gabi gabi noon.

At sarili ko rin pala ang nakita ko ng gabing yun.

Halos mangilabot ang buong katawan ko.

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now