THE ONE THAT GOT AWAY

122 6 0
                                    

“THE ONE THAT GOT AWAY”

“Guys, I have an announcement!” sigaw ng Class President namin na kakapasok lang.

“Ano na naman kaya i-announce ni Pres. baka maniningil na naman yan ng limang piso satin.” mahinang pagkakasabi ni Jiselle.

“Manahimik ka nga d'yan, baka marinig ka niyan. Alam mo naman malakas pandinig niyan eh.” bulong ko kay Jiselle.

“Tungkol ito sa napag meetingan naming mga class president including our principals and other teachers. Magkakaroon tayo ng Out of School Youth Program sa Laguna on October 13 and anyone can join, guys paalala this is voluntary ok? Hindi kayo pinipilit na mag join. If you're interested magpunta lang kayo sa Science Faculty and please look for Ma'am Hazel. Any question?” — Class President.

Agad naman nag taas ng kamay ang isa kong kaklase.

“Yes?” sambit ng class president namin.

“Ilang araw naman na mag i-stay sa Laguna?” tanong ng classmate ko.

“Sa mga sasali, 3days tayo na mag i-stay sa isang barangay sa Laguna. Wag kayo mag alala sa pamasahe dahil mag aarkila ng Bus ang school natin na siyang maghahatid satin sa Laguna. At sa pagkain naman, libre ito. Kaya sa mga sasali, make sure na magpaalam ng maayos sa magulang. May mga ibibigay din kaming waiver para sa mga sasali.” paliwanag ni Class President.

Nang makalabas na ang Class President namin ay bumalik sa ingay ang buong classroom kanya kanyang suggestion.

“Naisip mo ba yung naiisip ko?” tanong ni Jiselle sakin.

“Sali tayo?” nakangiting tanong ko.

“Yes of course, edi ba nga matagal na natin gusto sumama sa mga out of school youth program. Kaya tara, hanapin na natin si Ma'am Hazel.” nakangiting pagkakasabi ni Jiselle.

Agad nga kami nagpunta kay Ma'am Hazel para makapag palista na sasali kami.

Wala naman naging problema sa parents ko, as long as mag iingat lang daw ako doon. Alam kasi nila na ever since hilig ko na talaga ang mag join kapag may mga out of school youth program.

Hanggang sa dumating na nga ang araw na pagpunta namin sa Laguna.

Masyadong mahirap marating ang barangay na pupuntahan namin kasi as in kailangan pa umakyat ng bundok saka tatawid din ng ilog gamit ang bangka pero sobrang excited na talaga ako na ma-meet ang mga bata o matandang tuturuan namin.

<Day: 1>

Matapos kaming i-briefing ng punong barangay ay nagsimula na nga kami na mag tayo ng tent sa area kung saan magsisilbing classroom na mga tuturuan namin.

Wala naman naging problema sa lugar kung saan kami mag i-stay dahil sagot naman yun municipality ng barangay sa Laguna.

Basic lang naman ang kailangan ituro. Paano magbasa, paano magsulat at paano magbilang. Basic Math, English at Science lang din.

Nakakalungkot din na makitang hindi pala puro bata ang kailangan namin turuan may iba ding may mga anak na. Pero nakakatuwa dahil kahit may asawa't anak na sila ay gusto parin nila na matuto.

Medyo pahirapan nga lang kami sa signal dahil wala naman free WiFi sa area at kahit mobile network ay mabagal din.

Nasa 40+ students kami nag punta sa Laguna not to mention yung Head Teacher ng Filipino at Science. Then, hinati kami sa walo. So bawat tent ay merong limang student-teacher na mag ga-guide sa mga out of school youth-students.

Nag i-start ang pagtuturo namin sa mga students namin ng 8AM to 11AM. And after non, pwede na namin gawin ang gusto namin. Nasa saamin kung gusto ba namin na turuan parin sila kahit na leisure time na namin.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now