WHAT IF

55 4 2
                                    

“WHAT IF”

“What if...I lost my memory? Anong una mong ipapaala sakin?” seryosong tanong sakin ni Ivan, ang boyfriend ko na may stage 3 leukemia.

Agad naman ako tumingin sakanya.

“Ano bang klaseng tanong yan? Siyempre, yung utang mo.” biro ko.

“Look, I'm serious. Gusto ko lang malaman kung-----”

“of course, those happy moments that we spend together.” saad ko.

Agad naman hinawakan ni Ivan yung kamay ko. Saka siya tumitig sa mga mata ko.

“Sana amnesia nalang yung naging sakit ko at hindi Leukemia. Para kahit makalimutan kita, handa ka parin ipaalala sakin yung masasayang pinagsamahan nating dalawa. Trixie, I'm sorry. I can't keep my promises, na palagi ako nasa tabi mo ano mang oras.” saad ni Ivan habang nanggigilid ang luha sa mata niya.

Nang sabihin niya yun ay hindi ko narin mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

Nasa airport kami ngayon. Dadalhin kasi siya ng parents niya sa states upang doon ipagamot. Sumama lang ako na maghatid sakanya.

“Magpagaling ka. Yun ang dapat mong gawin. Ipangako mo sakin na magpapagaling ka. Kung gusto mo matupad yung mga pinangako mo, magpagaling. Kung talagang mahal mo 'ko, magpapagaling ka.” naluluhang pagkakasabi ko at agad naman pinunasan ni Ivan ang luha sa mata ko.

“Kailangan na natin umalis, anak.” saad ng mommy ni Ivan.

“Magpapagaling ako, pinapangako ko yan sayo.” nakangiti ngunit naluluhang pagkakasabi ni Ivan.

“Panghahawakan ko yan.” nakangiting pagkakasabi ko at saka ko agad na niyakap si Ivan.

Halos tanawin ko pa si Ivan habang papalayo sakay ng wheelchair habang patuloy sa pag agos ang luha ko.

Hindi ko lubos akalain na aabot sa ganito ang masayang relasyon namin ni Ivan noon.

“Wag ka mag alala mahal ko, mag iintay ako. Sa muli natin pagkikita. Pinapangako ko rin yan sayo.” sambit ko sa sarili ko habang umaagos ang luha sa mata ko.

[5years later]

Halos limang taon narin pala ang nakakalipas mula ng dalhin si Ivan sa states upang magpagamot. At sa limang taon na yun, wala akong naging kahit anong balita sakanya.

Minsan nga, iniisip ko kung may dapat pa ba akong intayin o wala na. Wala akong balita kung naging successful ba ang pagpapa-gamot niya sa ibang bansa.

Ngayon nga ay 8th Anniversary na namin. Kaya nandito ako sa meeting place namin, dito rin kasi yung lugar kung saan ko sinagot si Ivan noon first year college palang kami.

“Trixie.” isang pamilyar na boses ang narinig ko kaya naman dahan dahan ako lumingon sa likod ko.

“I-Ivan?” halos nauutal ko ng sambit habang pumapatak na ang luha sa mata ko.

“Yes, It's me. Miss me?” nakangiting pagkakasabi ni Ivan habang naglalakad papalapit sakin.

“Bakit ngayon ka lang nagpakita? Alam mo bang sobra na kitang namimiss? Miss na miss na----”

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng halikan na ako ni Ivan.

“Namiss din kita. Sobrang namiss kita. Pero kinailangan ko lang na magpagaling ng husto kaya sinabihan ako ng doctor na wag muna ako makipag communicate sa kahit na sino. Habang hindi pa ako lubusang gumagaling. Kaya kahit gusto ko sabihin sayo ang sitwasyon ko, hindi ko rin nagawa.” paliwanag ni Ivan.

“Bago ko makalimutan, gusto kong batiin ka ng Happy 8th Anniversary. Pasensya kana kung wala akong dalang bulaklak para sayo. Pero itong dala ko, higit pa 'to sa isang daang piraso ng bulaklak.” nakangiting pagkakasabi ni Ivan at agad na siyang lumuhod sa harapan ko.

“Ivan------”

“What If I ask you to marry me, anong gagawin mo? Or should I say, anong isasagot mo?” nakangiting pagkakasabi ni Ivan habang nakaluhod sa harapan ko hawak ang napakagandang singsing.

"Of course, It's yes.” nakangiting ngunit naluluhang pagkakasabi ko

Agad nga sinuot ni Ivan ang singsing sa finger ring ko saka siya tumayo upang halikan ako.

“Ok...and..CUT! That's a good take!” sigaw ng director.

At nagpalakpakan naman ang buong production team.

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now