MISSION ACCOMPLISHED

54 8 0
                                    

“MISSION ACCOMPLISH”

—ATHENA POV—

“Goodluck.” nakangising pagkakasabi ni Arthur bago kami maghiwalay sa airport.

Narito akong muli sa Pilipinas para sa isang napakahalagang mission.

“Welcome Back to the Philippines, Athena.” nakangiting pagbati sakin ng Tito ko, leader ng isang malaking sindikato dito sa Pilipinas.

Ngumiti lamang ako sakanya, saka ko inabot sa mga tauhan niya maleta na hila-hila ko mula pa kanina, naglalaman ito ng mga baril na naka-balot sa carbon paper.

Pag kagaling sa Airport ay agad kami dumiretso ni Tito sa rest house nila dito sa Laguna.

“He's your target. Si Alfred, dati siyang miyembro ng sindikato na nag quit matapos mamatay ang bunso niyang kapatid. Marami rin siyang nalalaman tungkol sa kalakaran natin, kaya panahon na para patahimikin mo siya.” seryosong pagkakasabi ni Tito matapos niyang ibigay sakin ang demographic profile ni Alfred.

At kaagad ko naman 'to tinignan.

“Halos magkasing-edad lang pala kami. Matanda lang siya sakin ng 4months.” seryosong pagkakasabi ko habang patuloy na nire-review ang demographic profile ni Alfred.

Gwapo pa naman sana, kaso kailangan ng sumalangit.

“Bakit nga pala, kailangan ako pang tumapos sa lalakeng 'to? Bakit hindi mo nalang inutusan yung mga bata mo.” seryosong tanong ko.

“Matagal ko ng gusto siyang patahimikin, pero may sa pusa yata kaya laging nakakaligtas sa mga bata ko. At least kung ikaw, hindi niya mahahalata na sa likod ng maamo mong mukha ay isa ka palang hire-killer.” salaysay ni Tito.

“Ok. So kailangan ko sisimulan?” seryosong tanong ko.

“Bukas, at ito. Fake Identity mo, hindi niya dapat malaman kung ano ang tungkol sa totoong pagkatao mo. Kahit na alam natin na magaling ka, kailangan parin natin mag ingat.” seryosong pagkakasabi ni Tito sabay lapag sa lamesa ng isang pekeng ID.

“Lucia?” saad ko.

“Oo, makikilala ka niya bilang si Lucia.” nakangiting pagkakasabi ni Tito.

—ALFREDO POV—

Kasalukuyan ako nag aabang ng masasakyan na Bus, ng marinig ko ang sigaw ng isang babae.

At sa 'di kalayuan nakita ko ang tila tangkang pangho-hold-up ng mga kalalakihan sa isang dalaga kaya dali dali ako sumaklolo sakanya.

Pinagsusuntok ko nga ang apat na lalake at agad din naman silang patakbong umalis.

“Miss, ayos ka lang ba?” mahinanon na tanong ko sa dalaga.

“Oo, salamat.” naiiyak niyang pagkakasabi saka ako agad na niyakap na ikinagulat ko.

“Bakit kasi dis-oras ng gabi mag isa ka  naglalakad dito? Wala ka bang ibang kasama?” tanong ko.

Hindi siya sumagot at agad lang na umiling. Napansin ko naman ang sugat niya sa tuhod.

—ATHENA (LUCIA)—

“May sugat ka ah. Tara doon tayo sa may waiting-shed.” saad niya matapos makita ang sugat sa tuhod ko nasobrahan yata sa pag-acting kanina kaya nagkasugat ako.

Agad niya nga ako inalalayan patungo sa waiting shed.

“Buti nalang lagi ako may band-aid at alcohol sa bag ko.” nakangiting pagkakasabi niya.

Ngumiti nalang din ako para kunware ay natutuwa ako sa sinasabi niya.

Agad niya nga muna nilagyan ng alcohol ang sugat ko pagkatapos ay nilagyan niya ito ng Band-aid.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon