BEFORE WE SAID GOODBYE

61 1 0
                                    

"BEFORE WE SAID GOODBYE"

📝: @pinkishrose02

"Masiyadong busy ang pinsan ko ah," bati sa akin ni Chloe nang maupo siya sa tabi ko. Sandali ko siyang tinignan at nginitian bago ibinalik ang aking mata sa magazine na binabasa ko.

"Nagtitingin-tingin kasi ako ng mga ideal wedding gowns," tugon ko.

"Naks naman, tuloy na tuloy na talaga ang kasal ninyo ni Marco next year," masayanf saad ni Chloe. Sandali kong nilapag sa ibabaw ng coffee table ang hawak kong magazine at saka hinarap ang pinsan ko.

"Wala nang makakapigil pa Chloe. Ang tagal namin hinintay ang pagkakataong iyon, at sa wakas mangyayari na 'yon next year. I can't wait to marry the man that I truly love for almost a decade," saad ko at hindi ko talaga mapigilan na hindi kiligin habang nagbabalik sa alala ko 'yung panahon na nanliligaw pa lang sa akin si Marco.

Marco isn't my ideal man. Hindi siya 'yung tipo ko, gusto ko kasi talaga na Engineer ang mapangasawa ko someday. Kaya naman nang magsabi si Marco na manliligaw siya sa akin ay tinawanan ko lamang siya. Madalas siya kung magpunta sa bahay at may dala-dalang kung ano-ano, minsan pa nga nagpunta sa bahay na may dalang isang kabang bigas at buhay na manok kaya naman tuwang-tuwa sa kaniya sina Mama't Papa. Ilang beses ko nang nireject si Marco dahil nga hindi ko kayang masuklian ang pagmamahal niya sa akin. Pero hindi siya tumigil na iparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal at kung gaano ako kahalaga sa kaniya. Hanggang sa naramdaman ko na lang na nahuhulog na rin ako sa kaniya, nakakaramdam ako ng selos sa tuwing nakikita kong magkausap sila ng girl bestfriend niyang si Wendy at naiinis ako sa tuwing nakikita kong may mga post siya na kasama niya 'yung girl bestfriend niyang 'yon. Makalipas ang halos isang taon na panliligaw sa akin ni Marco at sa mga magulang ko ay sinagot ko na rin siya.

March 17, 2011 nang sinagot ko si Marco, exactly on his 22nd Birthday. Marco is two years older than me, siya ang first boyfriend ko and I want him also to be my last. Nang araw din iyon ay ipinakilala niya ako sa parents niya, wala naman naging kaso dahil botong-boto rin naman sa akin ang parents niya lalo na ang Mama niya at ang bunsong kapatid nito na si Cressel.

Since nang maging officially in a relationship kami ni Marco, araw-araw niya pinaparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal. Araw-araw niya akong nililigawan, he made me believed that love can conquer all. Hindi siya 'yung ideal man ko pero pinaramdam niya sa akin na higit pa siya sa lalakeng pinapangarap ko. He always there for me. He always supports me. He always makes me feel loved and special. He spoiled me with so much love and I'm so lucky to have him in my life.

March 17, 2012, on our 1st Anniversary he proposed to me. Present ang family namin both side nang mag propose siya sa akin. Halos hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko that day kasi hindi ako makapaniwala. Magkakahalong emosiyon ang nararamdaman ko. Magkahalong kaba, pananabik at pagkagalak.

"I'm so happy for you, Shannon. Soon to be Mrs. Arizabal ka na," ani Chloe.

"Hi, I'm Mrs. Shannon Marie Rosales—Arizabal," saad ko at sabay kami nagtawanan ng pinsan ko. Natigil lang nang marinig kong nagri-ring ang cellphone ko."Si Marco, tumatawag," saad ko nang makita kung sino ang tumatawag.

"Sige sagutin mo muna, baka miss kana niyan," nakangising wika ni Chloe.

Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at sandaling lumabas ng bahay upang sagutin ang tawag ng fiance ko.

"Love," bungad na bati sa akin ni Marco nang sagutin ko ang tawag niya.

"Hi Love, kumusta?" malambing na bati ko.

"Mahal na mahal ka pa rin," aniya dahilan upang mag init ang pisngi ko dahil sa kilig.

"I love you too. Bakit ka nga pala napatawag? Miss mo na agad ako?" nakangising saad ko.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Où les histoires vivent. Découvrez maintenant