IT'S TOO LATE

66 4 0
                                    

“IT'S TOO LATE”

“Kuya, pinabibigay po ni Ate Kurstel.” saad ng nakababata kong kapatid na si Tin-Tin sabay abot sakin ng isang kahon.

“Ano na naman ba yan?” inis kong tanong.

“Hindi ko po alam. Sabi niya bigay ko po sainyo eh. May binigay nga rin siya sakin, bagong sapatos kuya. Ito po oh, ang ganda po diba?” nakangising pagkakasabi ni Tin-Tin sabay pakita sakin ang sapatos niya.

“Tsk.”

“Kuya saan ka pupunta?” agad na tanong ni Tin-Tin ng bigla ako tumayo mula sa kinauupuan ko at agad na binuksan ang pintuan ng silid ko.

“Wag ka nga maraming tanong.” seryosong pagkakasabi ko at agad ng lumabas ng silid ko.

——

“Eugene, nagustuhan mo ba yung regalo ko sayo?” nakangiting pagkakasabi ni Kursten dahilan upang mas lalo akong mainis.

“Pwede ba Kursten, tigil tigilan mo na yung kakabigay ng kung ano ano sakin. Saka wag mo narin idamay pa yung kapatid ko.” seryosong pagkakasabi ko sabay balik sakanya ng kahon.

“Pero pinag ipunan ko yan. Isa pa, gusto ko talaga bigyan ng sapatos si Tin-Tin, alam ko kasing paborito niya yun. Saka diba, matagal mo ng gustong bilhin ang relo na yan. Kaya pinag ipunan ko para ma-iregalo sayo. Malapit na birthday mo eh.” paliwanag ni Kursten.

“Pwes hindi ko kailangan ng kahit anong regalo galing sayo. Kaya ito, sinasauli ko na.” seryosong pagkakasabi ko at sapilitan na binalik kay Kursten ang kahon.

Nakita ko naman ang pagpatak ng luha sa mata niya ng mga sandaling yun.

Pagkatapos ko maibalik ay agad narin ako tumalikod pero muli siyang nagsalita.

“I just want to see your smile. I just want to make you happy. If you can't love me back, can you please appreciate the things that I given to you? Sometimes, all I need is appreciation.” saad niya pero hindi ko na siya nilingon pa at nagpatuloy na sa paglalakad paalis.

——

“Sinauli mo daw yung regalo sayo ni Kursten?” bungad sakin ni Mommy.

“Bakit gusto niyo ba yun? Edi kunin niyo sakanya.” sarcastic kong pagkakasabi.

“Son, ano bang ayaw mo kay Kursten? Mabait siya, magalang, matalino at isa pa maganda.” saad ni mommy.

“I just don't like her.” seryosong pagkakasabi ko at saka ako agad ng umakyat sa hagdan patungo sa silid ko.

[3months later]

Simula nga ng araw na yun ay hindi na ako muli pang nakatanggap ng kahit anong regalo o kahit anong bagay mula kay Kursten. Ikinatuwa ko naman yun, sa una. Pero habang lumilipas ang araw, linggo at buwan. Hinahanap-hanap ko rin pala ang kakulitan ni Kursten.

Namimiss ko rin pala yung madalas na pagpunta niya dito sa bahay para dalhan si Mommy ng paborito niyang Maja-Blanca.

Gusto kong magtanong kay mommy kung nasaan na ba si Kursten. Bakit hindi ko na siya nakikita kapag lumalabas ako ng bahay, at bakit hindi narin siya nagpupunta dito halos tatlong buwan na. Pero nahihiya ako, alam ko kasi na hindi naging maganda ang huling pag uusap namin ni Kursten.

Gusto ko lang sana humingi sakanya ng sorry sa kung ano man ang nasabi ko sakanya noong huling pag uusapin namin.

Hanggang sa ma-aksidente ang bunso kong kapatid. Matapos malagyan ng chemical ang mata niya ng hindi sinasadya.

Agad na sinugod sa Hospital si Tin-Tin, ngunit ayon sa Doctor na sumuri sa mata ng kapatid ko. Tuluyan na ngang nabulag ang magkabilang mata ni Tin-Tin, pwede pa naman siyang makakita. Kung magkakaroon ng eye-donor si Tin-Tin na magma-match sa kanya.

[2days later]

“Good news Mrs. Valdez, meron ng magiging eye-donor ang anak niyong si Tin-Tin.” nakangiting pagbabalita ng doctor.

“Talaga Doc.? Ibig sabihin, makakakita na ang kapatid ko?” nakangiti kong sabat.

Agad naman tumango ang Doctor.

“Doc. pwede ba namin malaman kung sino ang eye-donor ng anak ko? Gusto ko magpasalamat sakanya.” saad ni Mommy.

“Pasensya na po Mrs. Valdez, pero confidential po kasi ang naging kasunduan.” saad ng Doctor.

Nang araw din na yun ay sumailalim si Tin-Tin sa eye-transplant operation. At naging successful naman yun.

——

Patungo sana akong counter upang bayaran ang hospital bills ng kapatid ko ng makita ako ang pagdating ng isang ambulansya.

Agad na sinalubong ng dalawang nurse ang ibinabang stretcher kung saan nakahiga ang isang duguang pasiyente.

At nang dumaan ito sa harapan ako. Halos hindi ako makakilos at makapagsalita ng makita ko na kung sino ang nakahiga sa stretcher. Si Kursten, duguan ito at walang malay.

Gusto ko siyang sundan kung saan siya dadalhin pero kaagad ako hinarang ng nurse.

Halos tumutulo na ang luha ko ng mga sandaling yun.

Hanggang sa....

“Time of death 4:23PM.” rinig kong saad ng Doctor matapos ilang beses i-revive si Kursten.

How I wish, I can turn back the time. So I can hug her and tell her that I appreciated all the things that she was given to me but IT'S TOO LATE.

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now