PROLOGUE

1K 23 0
                                    

Prologue




Malaki ang aking ngiti nang makalagpas ako sa aming mataas na gate ng hindi nalalaman ng guard at maid. Hawak sa aking kaliwang kamay ang aking laruang manika ay mabilis akong tumakbo palayo ng bahay. Natatawa ako sa isipang siguro kapag napansin ng mga tao sa bahay na wala ako, ay tiyak na magkakagulo sila. Naisahan ko na naman sila.




Papunta ako sa isang parke malapit sa amin kung saan nandoon ang maraming bata. Hindi ako pinapayagan nina Papa at Mama na pumunta roon dahil marami raw nakukuhang bata doon. Pero hindi ako nakuha sa pananakot ng aking mga magulang dahil tuwing nadadaanan namin ang parkeng iyon, ay napakasasaya ng mga bata. Gusto ko rin iyon maranasan dahil wala akong kalaro sa bahay bukod sa aking mga manika.




Pagdating ko sa parke ay masaya kong pinapanood muna ang mga kapwa ko bata. Umupo muna ako sa isang upuang kahoy habang nanonood sa kanila. Hindi mawala ang ngiti sa aking labi habang pinapanood ang malakas na pagduduyan ng iba at paghahabulan.




Makalipas ang ilang sandali ay naglakad ako papunta sa padulasan. Mas konti ang naglalaro doon kumpara sa ibang palaruan. Meron din ako sa bahay ng sariling playground pero hindi ko iyon maenjoy dahil mag isa lang ako.




Umamba akong aakyat sa bakal na hagdan hawak pa rin ang manika sa aking kaliwang kamay.





"Hoy! Ako muna!" pag tulak sa akin ng isang lalaki mula sa likod ko. Nag bigay naman ako ng daan dito.




Nang aakyat na ulit ako ay tinulak naman ako ng isang babae dahilan para muntik na akong matumba.




"Ako na!" sigaw nito.





Hinintay ko matapos sila bago ulit sumubok. Ngunit hindi pa man ako nakakatungtong ay may tutulak na ulit sa akin para hindi ako matuloy.



"Ano ba! Huwag ka nga rito! Hindi ka naman kasali!" pag sigaw sa akin ng babae at pagtulak nito sa akin.



"I-I just want to play," mahinang sagot ko.



"Bawal maitim dito! Tingnan mo yung balat mo, kulay putik!"



"Naliligo ka ba?!"




Malakas silang tumawa sa mga binabatong salita sa akin.




Pinagmasdan ko naman ang aking morenang balat. Hindi ko akalain na ito rin ang magiging dahilan ng pang aaway dito sa akin. Akala ko ay sa school ko lang iyon mararanasan.




"Negra! Negrita!" paulit-ulit na kantyaw sa akin ng mga bata. Pati ang ibang bata ay nakisali sa pag kantyaw sa akin. Napayakap na lamang ako sa aking manika at naluluhang tiningan sila.



"Ito, kakulay mo!"





Nanlaki ang aking mata sa pag ambang babatuhin ako ng isang bata gamit ang putik. Napapikit na lamang ako at mahigpit na napakapit sa manika. Hinintay ko na tumama sa akin ang putik ngunit wala akong naramdamam. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata at nakita ko ang isang lalaki na sa aking harapan. Natanggap niya ang putik na dapat ay para sa akin.



"Ang yabang mo, ano?! Palag ka?!"




Napabaling naman ako sa isang sigaw ng lalaki. Inaambaan nito nang suntok ang lalaking umambang mambabato sa akin ng putik.



"Iyakin ka pala, eh!" sigaw ulit nito. At umiiyak na tumakbo ang mambabato sa akin palayo.



Lumapit ito sa pwesto ko na may maangas na ngisi. Umalis din ang lalaking nasa harapan ko at pinagpag ang damit na natamaan ng putik. Ngayon ko lang napagtanto ang itsura nito. Maputi ito kabaliktaran ng kulay ko. Singkit ang mga mata at may tuwid na buhok. Matangkad din ito sa akin ng isang dangkal. Kunot ang noo nitong nililinis ang damit.




"Ang galing ko 'di ba? Natakot yung bata!" pag mamalaki ng isang lalaki nang makalapit ito sa amin.




"T-Thank you." Mahinang pasasalamat ko. Lumingon saglit sa akin ang mukhang masungit na lalaki at naglakad palayo.



"Maliit na bagay! Chad Asher nga pala. Asher na lang para mas pogi. Ikaw ano pangalan mo?"



"Astrid,"




Inabot ko ang nakalahad na kamay nito. Malaking ngiti naman ang iginawad sa akin.




"Yung isa....ano pangalan niya?"




Sinubukan kong hanapin ang lalaki ngunit hindi ko na ito nakita pa. Siguro ay nag palit siya ng damit dahil hindi maalis ang bumakat na putik sa kaniyang suot.





"David ang pangalan niya. Pinsan ko siya."



Nagulat naman ako nang kunin ni Asher ang aking kamay at hinatak sa isang swing. Isinakay niya ako rito at mahinang itinulak.



"Madalas ka ba dito?" tanong nito.



"Ngayon lang ulit. Hindi kasi ako pinapayagan ni Mama at Papa."



Sumakay din ito sa katabing swing ko at inugoy gamit ang kaniyang sapatos. Sinubukan ko siyang gayahin pero hindi ko masyadong abot ang lupa. Napansin niya iyon kaya hinawakan niya ang aking swing at isinabay sa kaniyang pag ugoy.



"Nice to meet you, Astrid. Balik ka rito, ah? Sabihin mo lang ang pangalan ko at hindi ka na nila aawayin."


"Talaga? Hindi na nila ako haharutin?" manghang tanong ko.


"Oo, dahil takot sila sa akin!"




Ngumiti naman ako rito. Masaya naman akong umuwi ng bahay dahil nakilala ko si Asher at David. Simula ng araw na iyon ay madalas na nga akong bumalik sa parke para makipag laro kay Asher at David, kahit na pansin ko minsan ay napipilitan lang makipag laro sa akin si David.




"Ano may umaaway sa'yo sa school?!" galit na tanong ni Asher ng ikwento ko rito ang mga nanghaharot sa akin.


"Oo, lagi nila akong sinasabihan ng maitim. Kaya pag laki ko mag papaputi ako! Hindi ko sila bati kapag pumuti ako!"



Tumabi naman sa akin si Asher at inakbayan ako. Binigyan ako nito ng matamis na ngiti.



"Maganda ka, Astrid, kahit ganyan ang kulay mo. Balang araw kapag big girl ka na, maraming magkakagusto sa'yo dahil diyan." Pagpapalakas loob nito sa akin.




"Magugustuhan ako ni David?" bulong ko rito at binalingan ko naman si David na naglalaro ng badminton. Kibit balikat naman ang isinagot sa akin ni Asher.



Nang tumungtong ako ng grade 5 ay lumipat si Asher at David sa pinag-aaralan ko. Simula noon ay naging mag best friend na kami ni Asher dahil siya madalas ang nakakasama ko. Siya lang din ang nakakaalam na may Crush ako David. Sa kaniya ko lang kinukwento lahat ng mga secret ko.



"Asher," mahinang tawag ko rito habang nag sasagot kami ng exam. Lumingon naman ito sa akin.



"Bakit? Hindi ka nag review no?"




Sinimangutan ko naman ito. Akala niya siguro ay mangongopya ako sa kaniya porket siya ang first honor namin.




"Hindi, may itatanong lang ako."




Inilapit naman nito ang kaniyang katawan para marinig ang sasabihin ko.



"Totoo bang may crush si David sa grade 6 student na muse?"



Napailing naman ito sa akin at bumalik sa pag sasagot ng exam ng hindi sinasagot ang tanong ko.




"Asher?" pag kalabit ko rito. Hindi ako nito pinansin.



"Huy, asher?"




"Ms. Cuevas and Mr. Abellon!"




Pag tawag sa amin ng teacher sa harap nang maabutan ang pagkalabit ko kay Asher. Buti na lang at hindi nito kinuha ang test paper ko. Hanggang sa matapos ang exam ay hindi pa rin ako pinapansin ni Asher kaya lalo ko itong kinulit.




"Huy, Asher, totoo ba 'yon?" pag sunod ko rito habang nag lalakad sa hallway. Muntik naman akong masubsob sa kaniyang dibdib sa biglang pag harap nito sa akin.



"Hindi, Astrid. Walang nagugustuhan si David at wala siyang balak mag girlfriend hanggang hindi siya nakakatapos ng college," seryosong sabi nito at mabilis na nag lakad palayo sa akin.




Ngiting-ngiti naman akong naglakad pabalik ng classroom.




Umabot ang pagkagusto ko kay David hanggang high school. Sobrang tagal ko na siyang gusto pero nananatili pa rin itong lihim sa amin ni Asher. Balak kong umamin sa kaniya kapag tutungtong na kami ng college. Siguro naman ay handa na siyang mag girlfriend non. Wala rin naman siyang naging girlfriend dahil siguro totoo ang sinabi sa akin noon ni Asher na wala itong balak mag girlfriend.



"Akala ko ba gusto mo si David? Sino ba talaga ang gusto mo?" pag sulpot ni  Asher nang tanggapin ko ang chocolate galing sa Senior High School na gustong manligaw sa akin ng nasa third year na kami.



"Oo nga. I just want to experience being courted." Inamoy ko naman ang bulaklak na galing sa isa ko pang manliligaw.



"Sa ginagawa mo iisipin ni David na play girl ka. Ayaw niya sa maraming lalaki."




Masamang tingin naman ang ipinukol ko kay Asher. Nagkibit balikat ito at sumabay sa mga nagdaan na kaibigan. Bahagya akong naalarma sa sinabi ni Asher. Ayoko na isipin ni David na ganon akong klaseng babae, kaya naman pinatigil ko ang lahat ng mga nanliligaw sa akin. Napaaga rin ang plano kong pag amin kay David. Sa halip na sa college ay pinlano kong bago mag tapos ang school year ng third year.




"Kung ako sa iyo, hindi ko 'yan itutuloy." Komento ni Asher nang ikwento ko ang balak ko.




Naglalakad kami papuntang library at bitbit nito ang aking mga aklat. Pinilit niya ako mag review sa library pagtapos kong bumagsak sa isang subject.



"Why not?"




"Ang bata mo pa, Astrid, para sa ganyan. Hindi ka pa nga marunong masyado mag square root tapos iyan na nasa isip mo." Kunot noong pangaral nito.


Last Ride(Last Series#02)Where stories live. Discover now