CHAPTER 36

467 13 0
                                    

Future


“Anak, totoo ba na hindi gagraduate si Amara? Hindi ba matalino yung batang ‘yon? Anong nangyari?” pang uusisa ni Mama.


Nakuha niya ang atensyon ko mula sa panonood ng movie sa tv. Umahon ako sa pagkakahiga sa aming couch at inilagay ang maliit na unan sa aking hita.


“Gagraduate siya, Ma. Malelate lang. Kailangan lang niya balikan yung bagsak niyang subject.”


“Bumagsak siya? Ano naman nangyari sa batang ‘yon at nagkaganon? Balita pa naman noon ni Charlotte, gagraduate si Amara ng Cum Laude.” Ramdam ko ang panghihinayang at gulat sa boses ni Mama.


Kung nanghihinayang siya, ay mas lalo na kami. We didn’t expect na aabot sa ganito ang lahat. Alam namin at napapansin ko na napapabayaan ni Amara ang pag-aaral niya, pero hindi namin inakala na aabot sa hindi niya pag graduate kasabay namin.


Matamlay ang bawat araw ko sa pagpasok dahil sa mga kaibigan ko. Hindi na pumasok pa si Amara at hindi na rin namin siya macontact pa. Si Aloisia ay parang laging wala sa wisyo kaya laging si Asher ang kasama ko. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa mga kaibigan ko. Isang linggo nalang ay graduation na. Nang malaman ng pamilya ko na talagang ga-graduate na ako ay sobrang saya nila. Syempre ako rin, pero hindi ko mapigilan ang malungkot dahil kay Amara.


“Pero….totoo ba, Astrid? May relasyon si Amara at yung isang Prof mo?”


Napabuntong hininga ako. Si Mama talaga, minsan chismosa. Saan naman kaya niya napulot yung balitang ‘yon?


“Wala, Ma,” matipid at maingat na sagot ko.


Hindi rin naman ako sigurado sa sagot ko. Hindi ko alam kung may relasyon sila, but I know they have romantic feelings for each other at kumakalat iyon sa school ngayon. I’ve tried to ask Aloisia at sa kaniya mismo nanggaling na walang relasyon ang dalawa. Sa kaniya ko rin nalaman na may gusto si Sir Dylan kay Amara pero hindi naman daw niya nililigawan ang kaibigan ko. Maghihintay daw na makagraduate si Amara.


“Oo nga pala, susunduin ka raw ni Asher mamayang 2pm.”


Biglang nabuhay ang dugo ko sa narinig ko kay Mama. Tiningnan ko ang cell phone ko na walang bagong message galing sa kaniya, na aalis kami. Ang huling message niya sa akin ay ang pagbati ng good morning.


“Pumunta siya rito, Ma?”


“Oo, kanina kasama si Kuya mo. Sasamahan yata ni Asher si kuya mo sa Engineer na gumawa ng bahay niya sa Camiguin.”


Tumango ako at tumayo. 1:00 p.m na kaya mabilis akong pumunta ng kwarto para maligo. Kainis. Bakit naman kaya hindi niya sa akin na lang sinabi na aalis kami? Edi sana maaga ko nalaman at hindi ako nagmamadali ngayon.


Exactly 2:00 p.m bumaba ako ng hagdan. Nakaayos na at nakabihis, kaso ay medyo basa pa ang aking buhok dahil hindi ko na blower ng maayos. Sa baba ay narinig ko na may nagtatawanan. Nandito na pala si Asher at si kuya.


“Oh! Ito na pala si Astrid.” Pagpansin sa akin ni Kuya. Napalingon naman sa akin si Asher. Ngumiti siya nang makita ako.


“Ang ganda po ng anak niyo, Tita.”


Parang niliyaban ang aking pisngi sa sinabi ni Asher. Walang pag-aalinlangan niya iyong sinambit sa harap ni Mama at ng kapatid ko.


Tumawa si Mama at pabirong hinampas ang braso nito. “Kanino pa ba magmamana.”


Ngumiti si Asher. Isang nanunuyang ngiti.


“Gusto niyo rin po ba ng magandang apo?” tanong niya kay Mama na sa akin nakatingin. Bigla akong naalarma sa sinasabi niya.


“Abay syempre naman!” galak na sagot ni Mama.


“Kailangan niyo po yung dugo ko.”


Sabay natawa si Kuya at si Mama. Samantalang ako ay parang nanigas nalang sa kinatatayuan. Hindi ako makapaniwalang nasabi niya iyon sa harap ng pamilya ko. Siraulo talaga.


“Mukhang magandang idea ‘yan, Asher.”

Nangunot ang noo ko sa pagsabay ni Mama kay Asher.


“Ma! Huwag niyo nga pinag-papaniwalaan ‘yang si Asher. Malakas topak niyan.” Pagtingin ko kay Asher ay mapaglaro ang ngiti nito. “Aalis na po kami. Tara na nga!” hinila ko ang braso niya palabas ng bahay.


“Siraulo ka talaga no? Bakit mo sinabi ‘yon kay Mama?”


Tumawa siya. “Pahangin ko lang ‘yon.” Binuksan niya ang pinto ng front seat at sumakay ako.


“Anong pahangin sinasabi mo diyan?” tanong ko pagkapasok niya rin ng sasakyan.


“Pahangin. Pinaparamdam ko lang sa mama mo na gusto ko yung anak niya. I didn’t say it directly but I’m giving a hint.”


Natahimik ako. Saglit siyang lumingon sa akin at nagpatuloy.


“Hindi pwedeng ganito nalang ako, Astrid. Liligawan kita at gusto ko malaman ng pamilya mo na liligawan kita. Ayoko ng sikreto, Astrid. Walang dahilan para itago ko yung nararamdaman ko. Actually, I should be proud of it.”


Napatitig ako sa kaniya ng hindi niya alam. Bakit ganyan ka Asher? Bakit mo sa ‘kin pinaparamdam ‘to? He really knows how to make you feel you are worth it. Pakiramdam ko ay sobrang halaga ko sa ginagawa niya. Bakit hindi ko nakita yung mga ginagawa niya para sa akin noon pa man? Bakit hindi ko napansin yung kakaiba niyang pagtrato sa akin? Bakit ako naging tanga kay David? Bakit ako nakontento sa ganung set up?


“Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo?” mahinang tanong ko sa kaniya. Saglit lang niya ako tinapunan nang tingin dahil nagmamaneho siya.


“Subukan mo ‘ko para malaman mong seryoso ako, Astrid.”


Umangat ang gilid ng aking labi.

“Puro ka ganyan hindi ka naman nanliligaw,” bulong ko na akala ko'y hindi niya narinig. Umawang ang labi nitong napabaling sa ‘kin. Napalingon naman ako sa aking gilid na kagat ang pang ibabang labi.


Akala ko ay may sasabihin siya. Pero katahimikan ang namayani sa amin ni Asher. Nanlamig ang aking sikmura sa sobrang tahimik. Hanggang sa huminto ang kaniyang sasakyan ay walang lumalabas na salita mula sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang pagpait ng pakiramdam ko. Bakit nanahimik siya bigla?


“Ano ‘to?” tanong ko pagbaba ko ng sasakyan. Huminto kami sa isang medyo maalikabok na lugar dahil sa ginagawang gusali. Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ni Asher.


“Hospital na ipinapatayo ko. Under construction na siya,” bakas ang saya sa boses niya. Tumingala ako sa gusali, ito pala ang sinasabi nila Papa. I can’t help to amazed at his age nakaya na niyang gawin ‘to.


“Saan ka naman kumuha ng pangpaggawa na ‘to? As far as I remember you don’t have work before except sa pangbababae.” Nakahalukipkip pa rin akong nakatingin sa gusali at nakikita ko ang mga tao mula sa itaas na gumagawa.


“Nilaan ko lahat ng savings ko dito. Wala na ‘kong pera kaya hindi muna kita maililibre.” Inirapan ko siya at malakas itong tumawa.


“Bakit mo naman ako dinala rito?”


Hindi ko inexpect na rito niya ako dadalhin kaya hindi tuloy makasabay ang suot kong high heels. May maliliit kasing mga bato na kapag naapakan ko ay tiyak kong susubsob ang mukha ko sa semento. Nahalata iyon ni Asher kaya lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking bewang bilang suporta.


“I’m building this not just for me, Astrid. I'm building this for us. I'm building my future with you, I just want you to know that. Kasali ka sa bawat plano ko, Astrid,” he whispered but enough for me to hear everything. Pinapalambot niya ang mga tuhod ko sa pagkakatitig niya sa akin, pero hindi niya ‘yon namamalayan.


Tiningala niya ang ang tatlong palapag na malaking building at ngumiti. “Pinangako ko sa sarili ko na bibigyan ko ng magandang buhay ang magiging pamilya ko gamit ang pinaghirapan kong pera. Bibigyan kita ng magandang buhay, Astrid, at ang magiging anak natin.”


I gulped. Unti-unti siyang nagbaba nang tingin sa akin. “Advance ba ‘ko? Sorry, ikaw kasi yung nakikita kong kasama ko sa future.”


Hindi ako nakapagsalita. I couldn’t believe that this man in front of me has dreams like this. Iba pala yung pagkakakilala ko kay Asher noon. Siguro ay nababalot ng galit ang puso ko noon pagdating sa kaniya kaya ngayon ko lang narerealize ang mga ito.


“Bakit ang tahimik mo?” tanong niya nung nasa loob na ulit kami ng sasakyan.

Tumikhim ako upang mawala ang nagbabara sa aking lalamunan.


“H-Hindi ko alam ang sasabihin ko.”

Nakangisi siyang lumingon sa akin.


“Na overwhelmed ka ba? O baka naman na in love ka na?” panunukso niya.


Umismid ako. “Anong sinasabi mo d’yan?”


“Gusto na kitang ligawan, Astrid.”


Napatitig ako sa kaniya habang nagmamaneho siya. Gusto kong ulitin niya ang sinabi dahil baka nagkamali lang ako nang narinig.


“A-Ano?”


Lumingon si Asher sa akin na may matipid na ngiti. Habang ako ay parang binuhusan ng yelo.


“Liligawan kita. Alam na ng kuya mo na liligawan kita at sasabihin ko na rin sa Mama at Papa mo.” Pagtangu-tango pa niya.


Tuluyang nanlaki ang mga mata ko. “T-Teka! Hindi mo pa ‘ko tinatanong kung payag ako!”


Humalakhak siya. “Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo. May pag-asa man o wala, liligawan pa rin kita. Hindi mo ‘ko mapipigilan, Astrid. Ang tagal kong nagpigil dahil akala ko sa tamang tao ka mapupunta at akala ko hindi ako tamang tao para sa ‘yo. Mali palang nag paubaya ako.”


Napasandal ako sa aking kinauupuan. He's so fucking serious about this! Liligawan niya ako. Liligawan ako ng isang Asher Abellon na pinsan ng ex ko. At sasabihin niya iyon kina Mama. Why does it so sound complicated? Siguro dahil ang alam ni Mama ay si David ang gusto ko. Pero noon ‘yon. Pwede ko naman sigurong sabihin na nagmomove on na ‘ko ‘di ba?


“Ako unang aakyat ng ligaw sa ‘yo no? Dapat ba ‘kong kabahan?” mayabang na sambit nito. Sinamaan ko siya nang tingin.


“Seryoso ka ba talaga sa sinasabi mo?”


Bigla siyang sumeryoso. “Mukha ba akong nagbibiro, Astrid Mirinda? Mahirap ba paniwalaan na mahal kita kaya liligawan kita?”


Umatras ang dila ako. Bakit ba ang dali-dali sa kaniyang sabihin sa akin ‘to? Parang napakanormal sa kaniya na sabihing mahal niya ‘ko. Sabagay, ano pa bang aasahan ko? Expert siya sa mga babae kaya walang nararamdamang hiya.


“P-Paano mo naman sasabihin kina Mama na manliligaw ka?” paghahamon ko sa kaniya.


“Akin nalang ‘yon. Baka I-sabotage mo yung plano ‘ko.”

Tumaas ang dalawang kilay ko. May plano pa pala ang ganun. Hindi ko alam dahil hindi naman yata ako niligawan ni David. Parang ako pa nga ang nanligaw.


“Kapal mo naman.”


“Palibhasa hindi ka niligawan ni David kaya hindi ka makapaniwalang may manliligaw sa ‘yo,” may halong inis na sambit niya. Nabigla naman ako dahil napasok niya sa usapan ang nasa isip ko.


“Bakit naman nasali si David sa usapan?”


“Wala lang. Naiinis ako kapag naaalala ko kung paano ka mag effort sa taong ‘yon. Tangina sayang sana sa akin nalang.”


“Paanong magiging sa ‘yo? Eh hindi naman kita gusto non.”


“So ngayon gusto mo na ‘ko?”


Napakurap-kurap ako. “H-Hindi iyon yung ibig sabihin non!”


“Sus! Nahiya ka pa. Sabihin mo nalang na nagugustuhan mo na ako, Astrid.” Iiling-iling siyang nakangisi.


Namula ang aking pisngi sa panunukso niya.


“Ang kapal mo talaga.”


Malaki ang ngiti niyang bumaling sa akin. Halatang tuwang-tuwa siya kapag naiinis ako. Iyon ang hindi talaga nagbabago kay Asher.


Tumunog ang cell phone niyang nasa dash board dahil sa text. Napaiwas ako nang tingin doon nang makita kong hindi pa rin niya pinapalitan ang lock screen niya. Iyon pa rin ang picture naming dalawa.


“Kain muna tayo? Hindi ako nabusog sa lunch namin.” Binaling niya ang sasakyan sa isang restaurant na nadaanan namin.


“Akala ko ba wala ka ng pera?”


Humagalpak siya ng tawa. “Sino nagsabing magbabayad tayo?”


“Ano ‘yon? Eat and run? Ako nalang magbabayad.” Inilabas ko ang wallet ko para tingnan kung may dala akong cash para makapag withdraw muna. Wala lang naman sa akin kung ako muna ang magbayad sa amin ni Asher. Siya naman lagi ang nanlilibre.


“I was joking, Astrid. Huwag kang mag-alala, may pera pa ako no.”


“Akala ko ba ginamit mo lahat ng savings mo?”


Tuluyan niyang pinarada ang sasakyan sa parking lot ng restaurant.


“Binenta ko yung dalawang motor ko. Don't worry hindi pa naman ako maghihirap. Marami pa akong pagkukunan.” Ngumiti siya sa akin na parang pinaparating na ayos lang ang lahat. Hindi ko naman magawang ngumiti dahil alam ko kung gaano kamahal ni Asher ang mga motor niya. Hindi ko akalain na ganitong kalaking sakripisyo ang ginawa niya para sa hospital na pinapangarap niya. Talagang inenvest niya ang lahat para doon.




Last Ride(Last Series#02)Kde žijí příběhy. Začni objevovat