CHAPTER 39

396 21 5
                                    

First Day

“Anak Astrid, yung damit na susuotin mo, ayos na ba?” paghatid sa amin ni Mama sa hamba ng pintuan.

“Nasa hotel na, Ma. Doon ko na rin kikitain yung make up artist ko,” sagot ko habang sinasagot ang ilang email sa cellphone ko.

“That’s good! Mag-iingat kayo sa byahe ha? Asher,” bumaling si Mama kay Asher na kampanteng nakapamulsa sa gilid ko.

“Yes po, Tita. Don’t worry your daughter is safe with me.” Paninigurado nito at tinapunan ako nang tingin.


“Sure kayo hindi niyo na kailangan ng driver? Pagdating niyo ro'n may security na sasalubong sa inyo at sasamahan kayo sa venue.”


“Ako na bahala, Tita. Alam ko po yung hotel na pupuntahan namin ni Astrid,” sagot ni Asher at kinuha sa braso ko ang isang may kalakihang bag na kinalalagyan ng mga ilang importanteng gamit at extra damit na rin.


Bumuntong hininga si Mama saka tumango. Ginawaran ko ito ng halik sa pisngi bago ako tumuloy sa sasakyan ni Asher. Hindi makampante kasi si Mama na wala kaming kasama ni Asher sa byahe. Baka raw maaksidente kami dahil akala niya ay hindi alam ni Asher ang aming pupuntahan. Pero mukhang madalas siya ro'n sa pagpresinta niya na siya na ang mag dadrive.


Saglit pa na nag-usap si Mama at si Asher sa labas ng sasakyan bago tuluyan pumasok si Asher.


“Your mom was asking if you booked one room only for us,” ani nito na ikinataas ng kilay ko.


“Hindi naman tayo overnight ‘di ba?”


Isang room lang talaga ang nakabooked  dahil uuwi rin naman kami. Nag hotel lang ako para doon kami dumiretso pagdating namin ng Makati at doon na rin ako aayusan. Ang hassle kasi kung kina Kuya pa kami tutuloy, masyadong malayo sa venue.


“Gusto ni Mama mo na mag over night na tayo kapag late natapos yung fashion show.”


Kumunot ang noo ko sa kaniya. “Pero isang room lang ang kinuha ko, Asher.”


“Kukuha na lang ako ng single room for me. Sana hindi fully booked.”


Sinandal ko ang aking likuran sa upuan at inabot naman sa akin ni Asher ang isang pabilog na unan, in case na makatulog ako.


“Ilan oras byahe natin?”


“4 to 5 hours. Depende sa traffic.”


Tiningnan ko ang aking relo sa aking pulsuan, mga 5 siguro ay nandoon na kami. Buti nalang may time pa para makapagpahinga saglit.


“Madalas ka do'n? Sa hotel?”


Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin.


“Hindi, tatlong beses palang ako nakapunta ro'n.”


“Sinong kasama mo?”


He pouted, trying to hide his smile.


“May family gathering kaya lang ako nakapunta do'n, Astrid. Hindi ako nagdadala ng babae.”


Napairap ako sa hangin. “Defensive mo naman.”


He chuckled. “I’m not! Alam ko na kasi yung iniisip mo. Kayong mga babae talaga, mahilig manghinala.”


“Totoo naman mga hinala namin no!” paghalukipkip ng aking mga braso. Ang isang kamay niya ay humawak sa hita ko pero tanapik ko ito na lalong ikinatawa niya.


“Wala akong dinalang babae sa hotel kahit isa, Astrid. Kahit isa.” Pagdidiinan niya. Muli akong napairap.


I am very sure na may nangyari sa kanila ng mga naging babae niya, I just don’t want to ask because I don’t want to hear from him. Alam ko naman na matagal na ‘yon at hindi pa niya ako nililigawan, feel ko lang ay makakaramdam talaga ako ng bitterness. Siguro nga wala pa siyang nadadalang babae sa hotel at imposible tiyak na sa bahay nila iyon ginawa. Baka sa kotse? School? Damuhan? Whatever! Pakialam ko kung saan nila ‘yon ginawa.


Dahil hindi ko natapos ang trabaho ko kahapon sa opisina ay tinapos ko iyon sa bahay. Kaya naman kulang ako sa tulog at nakatulog na ako sa byahe. Nagising lang ako nung maramdaman ko na parang bumababa ang upuan ko. Inaayos pala iyon ni Asher para makahiga ako ng maayos. Minutes after ay muli akong hinila ng antok.


Sa muling paggising ko ay maliit ko lang na idinilat ang aking mata at pinagmasdan si Asher. Alam kong mahina siyang kumakanta dahil sa earpods na nakapasak sa tenga niya. At ang mga daliri na nakahawak sa manubela ay patapik-tapik.


“Bakit ka may earpods, Asher? Nag dadrive ka baka maaksidente tayo!” bumangon ako at inalis ang nakapasak sa tenga niya. Gulat naman ang ekspresyon nito sa akin.


“Gising ka na pala. I'm sorry inaantok kasi ako kapag walang music.”


Nakaramdam naman ako ng guilt sa pagkakatulog ko.


“Bakit sa earpods pa? Bakit hindi nalang d'yan sa sasakyan?”


“Baka kasi magising ka sa music.”


Nawala ang busangot ng mukha ko. Lalo lang akong naguilty sa pagsusungit ko sa kaniya pagkagising na pagkagising ko. Inilabas ko nalang ang salamin sa aking bag at kaunting inayos ang sarili.


“Drive thru tayo, nagugutom na ‘ko,” suggestion ko.


Binagalan ni Asher ang pagdadrive para abutin ang nasa likod ng sasakyan at inabot nito sa akin ang pagkain na nakapaperbag galing sa isang restaurant.


“Dumaan na ‘ko. Mainit pa ‘yan,” aniya.


Binuklat ko ang paperbag at bumungad sa akin ang pagkain na pangdalawahan. Tama si Asher mainit pa at halatang kadadaan lang niya.


“Huminto ka muna. Kumain muna tayo.”


Itinabi niya ang sasakyan para makakain kami ng lunch. Almost 4 p.m na rin kaya pala nakaramdam ako ng gutom at matagal din ako nakatulog. Kaya siguro inaantok ang isang ‘to dahil wala siyang makausap.


Sakto nga ang tantiya ko sa pagdating namin ng hotel. 5 p.m ay nandoon na kami at kinausap muna ni Asher ang security na sasama sa amin sa venue mamaya bago kami pumasok ng hotel.


“I'm sorry, Sir, pero fully booked po kami ngayon,” isang masamang balita ng front desk staff nang kumukuha na ng single room si Asher. Nagkatinginan kami ni Asher.


“May malapit na hotel pa, siguro doon nalang ako mag pa reserve,” he said.


“Mabuti pa nga. Hindi tayo pwede sa iisang room.”


“Ihahatid nalang muna kita sa kwarto mo.” Kinuha nito ang dalang bag ko at hinawakan ang aking kamay.


“Asher? Astrid?”


Sabay kaming napalingon ni Asher sa aming likuran sa pagtawag ng pangalan namin. Agad kong nakilala ito, si Princess. Hindi ko napigilan na hagudin ito ng tingin. Ayos na ayos sa pagkakakulot ang kaniyang buhok at hapit na hapit ang suot na body con dress. Napakaganda nito sa kaniyang postura.


“Princess!” nilapitan ko ito at nagbeso.


“Hi, Astrid! Sabi ko na nga ba kayo ‘yan. Nakilala ko agad si Asher. By the way, anong ginagawa n'yong magkaibigan dito?” malaking ngiti nito.


Napatikhim ako nang marinig ko ang salitang magkaibigan. Hindi ko rin naman masabi na manliligaw.


“Mag checheck-in. May pupuntahan kaming fashion show mamaya malapit dito.”

Natutop nito ang kaniyang bibig at papalit-palit sa amin ni Asher nang tingin.

“Oh! I'm sure that’s a Clemente. Isa ako sa runway models nila.”


Ako naman ngayon ang nagulat. Malayo na talaga ang narating niya. Hindi na siya ang dating Princess na nabubully.


“Talaga? That’s nice! Congrats!” masayang bati ko. Nawala lang ang ngiti ko nang parang bigla siyang nawala sa wisyo. Napatitig siya sa gilid ko at alam kong si Asher ang tinititigan niya, na sunusuri ngayon ang paligid. Hindi niya alam na nakatitig si Princess sa kaniya. Hindi ko napigilan ang pagtikhim dahilan para mabaling ulit sa akin ang atensyon ni Princess.


She cleared her throat. “S-So…..kayong dalawa lang? I mean….sa isang kwarto?”


“A-Ah…kukuha sana si Asher ng sarili niya kaso fully booked pala sila ngayon.”


Tumango-tango ito at muling sinulyapan si Asher. “Yeah, marami silang guests ngayon. But, you can stay with me, Asher. Executive suite ang room ko.”


Nakuha niya ang atensyon ni Asher. Tumaas ang dalawang kilay ko sa prisinta nito. I remember months ago they were eating in the same restaurant, iyon ang sinabi sa akin ni Lexy na kinumpirma naman ni Asher. But I don’t think they are that close for her to offer a room for Asher.


“Hindi na, mag-”


“Thank you sa offer, Princess. Pero pwede naman siya sa room ko. Presidential naman ang nakareserve sa akin.” Pagputol ko kay Asher. Nagtataka naman ang mga mata ni Asher na nakatingin sa akin pero ningitian ko lang ito. Double room ang naka reserve sa akin pero isang kama lang iyon. Nagsinungaling lang ako kay Princess. I just feel something weird here.


Pekeng tumawa si Princess. “Ow….kay….uhm…I think kailangan ko na umalis. See you later.” Muli itong nagbeso sa akin, ganun din kay Asher. Nakita ko pa ang paghagod nito ng likod ni Asher. Nung kumaway siya sa akin ay matipid lang akong ngumiti. Hindi ko alam kung paranoid lang ako or may something talaga.


Nang makita ko ang pagsakay ni Princess sa elevator ay siyang paglakad ko naman papunta sa kabilang direksyon. Mabilis na sumunod sa akin si Asher.


“Are you sure…..sa kwarto mo ako mamaya?” tanong ni Asher. Ramdam ko ang pinipigilang saya sa boses niya. Napairap ako.


“Hindi. Uuwi tayo mamaya,” sagot ko.


Sumabay siya sa akin sa paglakad at pagtapat ng elevator ay pinindot ko ito.


“Ha? Eh, paano kung late na matapos yung fashion show? Sabi naman ng Mama mo pwede tayo mag over night.”


Umarko ang aking kilay at humalukipkip ang aking braso. Nakatitig lang ako sa numero sa aking harapan nang pindutin ko ang floor ng aking kwarto. Nararamdaman ko naman ang pagtitig sa akin ni Asher sa aking repleksyon sa harapan.


“Oh, edi pumunta ka sa kwarto ni Princess. Makitulog ka,” sarkastikong tugon ko.


Suminghal ito. “Hindi na. Uwi nalang tayo. Pero mag papareserve pa rin ako ng hotel malapit dito. Baka magbago yung isip mo.”


Pagpasok namin ng kwarto ay agad kong tinext ang make up artist ko na pumunta exactly 6:00 p.m. Ngayon ay hihintayin ko nalang ang pagdating ng susuotin namin ni Asher.


Nilingon ko si Asher na ngayon ay nakaupo sa isang sofa at nakasandal ang ulo. He must be tired. Wala siyang kapalitan sa limang oras na pagdadrive.


“Asher,” tawag ko rito. Maliit nitong idinilat ang mga mata.


“Uhm?”


Lumakad ako palapit sa kaniya at naupo sa tabi niya.


“Magpahinga ka muna. Gigisingin nalang kita kapag dumating na yung damit natin.”


“How about you?” inaantok na boses nito.


“Okay lang ako. Nakatulog na ‘ko kanina.”


“Okay. Masakit yung likod ko e.”


Napakurap-kurap ako sa paghiga ng kaniyang ulo sa aking hita. Hindi ako agad nakareact sa ginawa niya.


“D-Doon ka sa kama matulog.”


“It’s more comfortable here,” paungol na sagot niya.


Malalim akong napahugot ng hininga at hindi na nakagalaw pa. Ilang minuto sa pag-aakalang tulog na siya ay palihim ko siyang kinuhanan ng picture. Napakaamo ng mukha niya kapag tulog. Parang walang gagawing masama sa buhay.


“Astrid?” mahinang tawag nito sa akin. Kinuha niya ang aking kamay at pinagsiklop nito ang aming kamay.


“Hmm?”


“I’m wondering,” he whispered.


“Huh?”


“Ayaw mo ba maging model katulad ng ginagawa ni Princess?”


Dumilat siya at napatitig sa akin.


“Bakit mo naman natanong?” pagtataka ko.


“Wala lang. Naisip ko lang dahil naalala ko nung sumali ka ng pageant. Habang pinapanood kita noon, para kang pinanganak para talaga ro'n. Bagay na bagay sa ‘yo. Bagay na bagay na, na sa ‘yo yung spot light,” may paghangang ani niya. Hindi ko napigilan ang mapangiti.


“Talaga? So gusto mo akong maging runway model?”


“Kung iyon ang gusto mo, I'll support you.” Pagkibit balikat niya.


“Dadami manliligaw ko no'n.” Pagngisi ko.

Bigla siyang napatigil na parang napaisip. Natatawa ako sa reaksyon niya.


“Oo nga no? Huwag na lang pala.”


“Oh, akala ko ba you will support me?”


Ningiwian ako nito. “Sa passion mo, oo. Hindi sa pagpapaligaw mo.”


“Pag-iisipan ko ‘yang suggestion mo,” patango-tangong sagot ko pero mukhang hindi masaya si Asher sa pagsinghal sa akin nito.


7:30 ay umalis na kami ni Asher ng hotel. I'm wearing a black evening gown. Strapless ito at inilalahad ang aking mahabang hita dahil sa slit. Maganda siya kahit hindi ko nakita ng personal dahil sa picture lang ako namili.


“Ano masasabi mo sa akin ngayong gabi, Ms. Astrid Cuevas?” may pagyayabang na tanong sa akin ni Asher.

Pinasadahan ko ito nang tingin. He looks so fine in his outfit. Hindi ko mapigilan ang humanga sa kaniya sa pagdadala ng black suit na pinapailaliman ng putting long sleeve. Black slack and black shoes. Nakaayos rin ang kanyang buhok pataas.


“You look….good.” Pag-amin ko. Lumaki ang ngiti nito at pumulupot ang kaniyang braso sa akin bewang. Inilapit niya ang labi sa aking tenga para bumulong.


“Thank you, Gorgeous.”


Pagpasok namin ng venue ay nakaabang agad ang media. Agad kong ngumiti sa pagtapat namin dito.


“Oh! The only daughter of Linthon and Deiry Cuevas! You are so gorgeous tonight, Astrid!” paglapit sa akin ng isang taga media.


“Thank you so much!” pagpapasalamat ko.


“May I know who’s with you tonight? Can you introduce the hot man beside you?” may panunukso nito.


“He's my boyfriend, Asher Abellon.” Malaking ngiti ko. Bumilog naman ang labi ng interviewer.


“W-Wow! Perfect couple! Pero bakit parang gulat na gulat yung boyfriend mo?”


Napatingin naman ako kay Asher na parang napako sa kinatatayuan. Matamis ko itong ningitian.


“This is our first day as a couple,” nakangiti pa ring sagot ko sa interviewer ngunit kay Asher nakatingin.


“That’s so sweet! Thank you so much, Astrid.”

Nagpasalamat din ako sa interviewer bago kami umusad ni Asher. Tulala pa rin ito sa gilid ko.


“T-Totoo ba ‘yon, Astrid? Please stop joking. Lalabas na yung puso ko ngayon.”


Napatawa ako kay Asher. Halatang hindi siya makapaniwala na sinagot ko siya sa harap ng media.


“Ayaw mo ba? Pwede ko naman bawi-”


Napahinto ako sa pagsiil ng halik sa akin ni Asher. Pinutol niya ako gamit ang kaniyang labi. Nang maghiwalay ang aming labi ay nangingilid ng luha ang mga mata nito.


“Thank you. Thank you so much. Gusto kong sumigaw ngayon sa sobrang saya ko. I love you. I love you so much. Pakasalan mo na agad ako.” Nakahawak pa rin siya sa pisngi ko. Alam kong may nakakapansin na rin sa amin sa posisyon namin ni Asher.


“I love you too,” bulong ko.


Napapikit siya ng mariin. “Damn! Please don’t make me cry. I don’t want to cry in front of them,” aniya ngunit may tumulo pa ring luha sa mata niya.

Last Ride(Last Series#02)Where stories live. Discover now