CHAPTER 38

377 17 2
                                    

Eat

“Ma'am Astrid, nandiyan na naman sa labas ng office yung poging taga sundo mo!” malakas balita sa akin ni Veca, ang Secretary na ibinigay sa akin ni Mama. Nakisali sa panunukso sa akin ang mga kasama ko sa office na mga editors at photographers.


“Kailan mo ba ‘yan sasagutin, Ma'am Astrid? Ilan buwan na po ‘yan ginagawa ng manliligaw mo, ah!” tanong ni Faye, isa mga sa editors. Tinawanan ko ito.


“Hindi naman ‘yon nagmamadali, ano ka ba?” pagbibiro ko.


“Ay sana lahat consistent! Yung manliligaw ko noon, aba! Isang buwan lang napagod na! Ang hirap ko raw ligawan.” Nagtawanan ang buong team sa kwento ni Faye.

Saksi ang mga kasama ko sa trabaho sa araw-araw na pagsundo sa akin ni Asher pagkatapos ng trabaho. Sa ilang buwan ko sa pagtatrabaho ay hindi pumulya si Asher para sunduin ako, kahit isang beses. Madalas nga ay naghihintay pa siya sa akin lalo na at minsan ay gabing-gabi na talaga kami nakakauwi tulad ngayon. Hindi lang sa office niya ako sinusundo, kundi pati na rin sa venue ng mga model tuwing may photoshoot. Kailangan kasi ako roon dahil ako ang taga approve ng mga ilalabas na litrato at ako rin ang pumipili ng mga model namin. Sumasama rin ako sa mga fashion show ng mga runway models. Pinagkatiwala iyon sa akin ni Mama at Papa dahil magaling naman daw ako magkilatis ng mga mukha na nababagay ang mga jewelry product namin.


“Naku sagutin niyo na, Ma'am! Baka makawala pa. Swerte na kayo ro'n , gwapo, eh!”


Sinimulan kong sinupin ang mga gamit sa ibabaw ng mesa at pinasa ko kay Veca ang isang folder na kinalalagyan ng profile ng mga model na napili ko.


“Mas swerte ‘yon kay Ma'am Astrid no! Ang ganda kaya ni Ma'am tapos mabait pa,” sambit ng isang photographer namin. Tinawanan ko iyon.


“Magsiuwi na lang tayo dahil over time na naman tayo bukas. Magpahinga na kayo.” Tumayo ako at nagpaalam sa kanilang lahat.


Bitbit ang aking bag ay lumabas ako ng office. Agad kong nakita si Asher na nakadekwatrong nakaupo sa waiting area. Nakahalukipkip ang mga braso at bahagyang nakayuko. Napabuntong-hininga ako at napailing nang makita kong nakapikit ang mga mata nito. I know he’s tired from his meeting pero pinili pa rin pumunta rito sa halip na magpahinga na. Maiintindihan ko naman kung hindi niya ako masusundo, sadyang matigas lang ang ulo nito.


“Asher,” mahina kong tinawag ang pangalan niya and I tapped his shoulder twice. Mapupungay ang mga mata niyang ng mag angat ng ulo.


“Are you done?” paos na boses niya. I smiled and nodded.


“Uwi na tayo para makapagpahinga ka na,” I whispered.


Hinawakan niya ang aking kamay bago siya tumayo. Naiintindihan ko ang pagiging tahimik niya ngayon dahil pagod siya at pasado alas onse na rin. Nag text siya sa akin kaninang alas sais at sabi niya ay nasa meeting siya non. 9pm siya natapos doon at dumiretso siya agad sa kikitaing tao para sa kakailanganing equipment sa hospital niya.


“Isang linggo ka ng over time, ah,” ani ni Asher nung nasa loob na kami ng sasakyan niya.


“May dead line kasi kaming hinahabol,” I answered.


Ipinahinga niya ang isang kamay sa aking hita habang nag dadrive.


“Baka hindi ka na kumakain sa oras.” Lumingon siya sa akin at pinasadahan ang aking katawan. “Hindi ko masabi kung pumapayat ka o lalo ka lang sumesexy sa paningin ko.”


Tinapik ko ang kaniyang kamay sa aking hita. “Kulang lang ‘yan sa tulog!”


He chuckled. “Hindi na kita tatawagan mamaya para makapagpahinga na tayo pareho.”


Sumang-ayon ako ro'n. Medyo masakit na rin kasi ang likod ko sa haba ng oras nang pagkakaupo ko.


“Huwag mo na ako sunduin bukas, Asher. Late ulit ang uwi ko, next week pa mababalik yung tamang schedule ng uwi namin kaya mauna ka na umuwi. Magpahinga ka na lang ng maaga.”


Naramdaman ko ang pagpisil niya sa aking hita. “Susunduin kita dahil wala akong schedule bukas at hindi ako pagod. Aagahan ko ang punta para madalhan kita ng dinner.”


Tumaas ang dalawang kilay ko. “Sigurado ka?”


“Kailan ba ako hindi naging sigurado sa ‘yo?” pag ngiti niya sa akin.


I never felt special like this way for my entire life. Hindi ko naranasan na itrato ng ganito ng ibang tao, maliban sa pamilya ko. Si Asher lang ang nagparamdam ng ganitong pakiramdam sa akin. Madalas kong hilingin na sana ay lagi siyang ganito. Sana hindi ngayon lang siya ganito dahil nanliligaw siya. Sana hindi siya magbago sa paglipas ng panahon. Igiit ko man, hindi ko maitatanggi na unti-unti kong nagugustuhan ang ganitong set up namin ni Asher. Sa paningin ng ibang tao ay magkarelasyon kami. Kung ituring niya kasi ako ay para na niyang girlfriend at hindi ako tumutol doon.


I forced myself not to smile when his lips touched my hand. Hawak niya ngayon ang kamay ko at nilalaro ang aking diliri.


“Kailan magbubukas ang hospital mo?”

Saglit niya akong tinapunan nang tingin.

“Probably next month. Kulang pa sa tao.”


“Si David…..hindi mo siya kinuha?” tumikhim ako nang banggitin ko ang pangalan ni David. Para itong bagong salita na baguhan sa aking labi. Ngayon ko lang kasi ulit nabanggit ang pangalan ni David.

Tamad na sumandal si Asher sa upuan at mapupungay ang mga matang nakatitig sa daan.


“Nasa Canada si David ngayon. Doon siya nagtatrabaho. I offered him to work on me but he refused. Pinili niya ang Canada.”


Umawang ang aking labi sa pagkabigla. Wala na talaga akong alam tungkol sa buhay ni David, hindi na ako katulad noon na laging updated sa buhay niya. Kaya nabigla ako sa aking nalaman. Pinili niya ang lumayo kaysa ang magtrabaho sa hospital ni Asher.


“Ahh…ganun ba?” tanging naging sagot ko.


“Bakit miss mo na ba?” tanong niya na may bahid ng ngisi sa labi. Ngisi na alam kong pilit lang.


“Hindi. Tinanong ko lang, Asher.” Pagpapaliwanag ko.


Matipid lang siyang ngumiti sa akin. Binitawan niya ang aking kamay nung huminto ang sasakyan niya sa harap ng bahay namin. Bumaba siya ng kotse at pumunta sa gilid ko para pagbuksan ako ng pinto. Bumaba ako at hanggang sa gate namin ay hinatid ako ni Asher. Nung nasa tapat na ako ng gate ay tumigil ako sa paglalakad saka hinarap siya.


“Salamat sa paghatid. Mag-ingat ka pauwi.”


Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko nung lumakad siya palapit sa akin. Napatingala ako sa kaniya nang sakupin ng kaniyang braso ang aking baywang at ginawaran ng halik sa aking noo at pisngi.


“Good night. I love you…” he whispered using his soft voice.


“Good night… text me when you’re home,” bulong ko pabalik.


“I will.”


Muli niya akong hinalikan sa aking sentido bago hayaang tuluyang pumasok ng bahay. Nang matapos ako mag half bath at handa na matulog ay nag text nga sa akin si Asher na nasa bahay na siya. Hindi ko na siya nireplyan pa para makapagpahinga na kaming dalawa. Kabisado ko na ang isang ‘yon, kapag sumagot pa ako ay hahaba pa ang usapan.


“Anak Astrid, may schedule ka ba bukas?” tanong sa akin ni Mama kinabukasan nang maabutan ko itong nagkakape sa labas.


“Sa office lang, Ma,” I answered. I picked up my phone to double-check my schedule today, and put it back in my bag when I saw it was clear.


“Anong oras uwi mo? Pwede ka ba mag out ng maaga?”


Bumakas sa akin ang pagtataka.


“Bakit, Ma? May papagawa ka ba?”


“Invited tayo bukas sa fashion show ng Clemente at kailangan ng representative doon. Nakakahiya naman tumanggi kaya baka pwede ikaw ang umattend bukas? May lakad kasi kami ng Papa mo at hindi pwede ang kuya mo.”


Napatangu-tango ako. Kilala ko ang sikat na brand na iyon at makakapunta ako ro'n kung wala akong masasagasaang schedule.


“Anong oras ba ‘yon? Para matapos ko ng maaga yung trabaho ko.”


“8:00 o’clock in the evening. Sesend ko sa ‘yo ang buong details, mag open ka ng email and you can bring Asher with you.”


“Tingnan ko pa, Ma, kung pwede siya.” Bumeso ako kay Mama nang makita kong nasa labas na ang driver ko. “Papasok na muna ako.”


I don’t use my car that much anymore, I only use it when I need to. Sa umaga nagpapahatid ako sa driver at sa pag-uwi ay laging kay Asher. Kadalasan ay kapag day off ko lang nagagamit tuwing may mag-isang lakad ako.


“Good morning, Ma'am Astrid! Kape?” bati sa akin ni Veca pagpasok ko ng opisina.


“Yes please.”


Agad kong pinagtuonan ng pansin ang naiwang trabaho sa mesa ko. Balak kong tapusin ngayon para pwede ako bukas lumuwas ng Makati. Iyon ang location ng fashion show bukas sa sinend sa aking email ni Mama, kaya kailangan ko lumuwas ng maaga.


“Ma'am,” inilapag ni Veca sa aking gilid ang kape, ningitian ko ito at muling ibinalik ang tingin sa laptop.


“Sus! Hindi na issue ‘yon sa modeling no! Sinisiraan lang ‘yon dahil nasa tuktok ng kasikatan!” malakas na kwento ni Faye. Nakikinig lamang ako sa mga pinag-uusapan nila at hindi ko naman sila sinusuway dahil hindi naman nila napapabayaan ang trabaho.


“Akala yata nila dahil sa ginawa nilang issue, mapapabagsak nila ‘yon. Hindi nila alam lalo lang nilang pinasikat yung tao. Saka anong connect ng pagiging nanay sa modeling?”


“Nasa contract yata na bawal may anak? Ay ewan! Ang gulo ng issue na ‘yon.”


Tuloy-tuloy ang pagtatalo nila tungkol sa isang modelo na mainit na mainit ngayon ang usapan.


“Ikaw, Ma'am, Astrid? Kung may anak na yung modelo sa tingin mo kailangan na ‘yon tanggalin? Pinag-uusapan ngayon si Queenie Mercado dahil sa isyu na ‘yan. Gusto ipatanggal ng mga kasamahan dahil may anak daw.” Biglang tanong sa akin ni Veca. Napahinto ako sa ginagawa.


“Depende kung nasa contract. Pero kung wala naman, bakit mo tatanggalin? And also I'm sure hindi tatanggalin. That’s Queenie Mercado, sila ang nawalan kapag tinanggal nila ‘yon.” Pagkibit balikat ko.


Nagkaroon ng kasagutan ang mga tanong ng mga kasama ko kaya naman nahinto na ang usapan nila tungkol doon.


Pagdating ng lunch time, nakahanda na akong kumain sa cafeteria nang makita ko ang tatlong tupperware sa ibabaw ng aking mesa. Wala ito kanina bago ako umalis papuntang restroom. Umupo ako sa swivel chair at sinuri ang laman nito. Ang laman ng isang lalagyan ay kanin at ang isa ay ulam. Sa isang pabilog naman ay prutas. Kay Asher kaya ‘to galing? Pumunta siya rito at hindi niya sinabi sa akin?


“Ma'am, akin po ‘yan.”


Nabitawan ko ang takip ng lalagyan dahil sa paglapit sa akin ni Veca.


“H-Ha? I'm sorry! A-Akala ko kasi…”


Tumawa ng malakas si Veca. “Joke lang, Ma'am, sa inyo po ‘yan. Pinabibigay po ng manliligaw niyo, pinaabot lang sa akin sa lobby. Pinapasabi po niya na babalik siya ng dinner.”


Nakahinga naman ako ng maluwag nung bawiin ni Veca ang sinabi. Nakakahiya kung sakaling hindi pala talaga akin ito.


“Salamat….”


Tiningnan ko ang cellphone ko sa tabi ng aking laptop at nakita ko nga ang isang missed call at text galing kay Asher.


Asher:
Pinaabot ko nalang kay Veca yung pagkain mo, ubusin mo ‘yan. Babalik akong mamayang dinner pupuntahan ko lang si Neil. I love you.


Napangiti ako nang mabasa ko ang text niya. Salamat lang ang naging tugon ko.


7:00 p.m, paglabas ng mga kasama ko sa office para mag dinner ay ang pagpasok naman ni Asher. May bitbit itong isang paper bag sa isang kamay at sa isa ay ang kaniyang jacket. Nakangiti itong lumapit sa aking mesa.


“Sorry natagalan. Gutom ka na ba?”


Isinandal ko ang aking likod sa aking swivel chair at marahang tumango.


“Inubos mo ba yung pinadala ko kanina?” tanong ulit niya habang inilalabas sa aking harapan ang tatlong klaseng ulam. Para namang ang dami ng kakain sa dinala niya.


“Oo,” sagot ko.


“Masarap ba?”


“Bakit ikaw ba nagluto non?” nag-angat ako sa kaniya nang tingin. Mayabang siyang ngumisi sa akin.


“Oo naman.”


Bumakas sa aking mata ang gulat.“Oh! A-And you cooked all of these too?”


“Yes, Astrid, kaya huwag mong sayangin.”


Natahimik lang ako at pinanood ko siyang pinagsisilbihan ako. Nang makontento siya ay kumuha na siya ng isang upuan at tumabi sa gilid ko. Hindi ako makapagsimula nang mapansin ko na iisa lang ang kanin.


“Kumain ka na ba?” tanong ko sa kaniya.


“Yup, sa bahay. Sa iyo ‘yan lahat.”


Sinimulan ko naman kainin ang mga inihanda niya sa akin. Grabe pinagpala ang isang ‘to. Kahit sa kusina ay magaling siya na kabaliktaran ko. Ako yung babae pero ako pa yata ang walang alam sa kusina. Kapag may free time ako ay pagsasanayan ko ito.


“Okay lang?” nanantiyang tanong ni Asher.


Hinawi ko ang aking buhok na paulit-ulit na humaharang sa aking mukha. “Masarap.” Pagsisigurado ko sa kaniya.


“Pwede na mag-asawa?” pagtawa niya. Sinimangutan ko siya.


Bumagal ang aking pagsubo nang maramdaman ko ang pagsinop ni Asher sa aking buhok. Pakurap-kurap akong napabaling sa kaniya.


“Eat…” basa ko sa kaniyang labi.


Matigas akong napalunok. “A-Ako na.” Inagaw ko sa kaniya ang aking buhok at muling kinuha ang kutsara. Pero nang mapansin ni Asher na hindi talaga ako makakain ng maayos ay sininop niya ito maayos.


“Let me, Astrid. Para makakain ka ng maayos.”


“Pa-paano ako makakain ng maayos kung….ginaganyan mo ako?”


Nararamdaman ko na nag-iinit ngayon ang aking pisngi.


“Inaano kita?” buong pagtataka niya.


Nakagat ko ang pang-ibabang labi at bahagyang yumuko hanggang sa tuloy lang sa pagkain.


“Inaano kita, Astrid?” ulit niya.


“Pinapakilig! Pinapakilig mo ako!” pag-amin ko.

Last Ride(Last Series#02)Where stories live. Discover now