EPILOGUE

532 31 3
                                    

AUTHOR'S NOTE: Thank you for supporting my story. Alam kong marami pa akong dapat ma improve sa pagsusulat, sa grammar, sa typos at sa maraming bagay. Sana ay patuloy ninyo pa rin akong suportahan. Mahal ko kayo! Keep safe and God bless.

Next Story: Last Bullet( Kay Aloisia)



EPILOGUE

“Tara na, Ma'am?”


Napapitlag ako sa gulat nung may magsalita sa gilid ko. Nakabukas ang pinto ng sasakyan at sa labas ay ang bodyguard na kasama ko. Hindi ko namalayan na buong byahe pala akong tulala.


Inayos ko ang puting tela na nakabalot sa aking mukha saka sinuot ang salamin bago lumabas. Malakas ang hangin sa labas kaya naman humigpit ang hawak ko sa aking balabal. Tiningala ko ang isang malaking gusali sa aking harapan. Dalawang taon na ang lumipas nung huling punta ko rito. Dalawang taon na ang lumipas nung nadalaw ko ang importanteng tao sa buhay ko.


Mabigat ang aking paghakbang papasok ng gusali.


“Saan ko siya makikita?” tanong ko sa kasama kong bodyguard.


“Dito, Ma'am, ang selda niya.” Pagturo nito ng direksyon.


Napalunok ako nung lumibot ang aking tingin. Lalong bumibigat ang puso ko sa aking nasasaksihan. Hindi siya dapat naririto. Hindi ko lubos maisip kung paano niya sinasabayan ang bawat araw sa lugar na hindi naman niya nakasanayan. Mainit, may hindi nakakaanyayang amoy, maingay at magulo. Hindi ito ang buhay na kinagisnan niya pero dalawang taon na ngayon niya itong nagsilbing tahanan.


Sa bawat nadadaanan naming selda ay bumabagal ang aking lakad para silipin ang mga tao sa loob. Nakakalungkot isipin na hindi lahat ng taong nasa loob ng selda ay kriminal. Ang iba sa kanila ay inosente at ang iba nga ay nakagawa ng masama na hindi naman dapat nila ginawa. Hinahanap ng aking mga mata ang pakay ko rito. Hanggang huminto kami sa pinakadulong selda.


“Nandito po siya,” bulong sa akin ng kasama ko.


Hinanap ng aking mga mata ang taong hinahanap ko. Hanggang sa nakita ko itong nakaupo sa lapag at nakatitig sa maliit na papel na kaniyang hawak, na sa hula ko ay isang litrato. Dahan-dahan akong lumapit sa selda at nanginginig ang kamay na napahawak sa malamig na bakal.


Unti-unting tumulo ang mga luha ko habang tinititigan ko siya. Malaki ang ibinagsak ng kaniyang katawan, magulo ang buhok, at punong-puno ng lungkot ang mga mata.


“K-Kuya…” basag na boses ko.  Unti-unting napalingon sa akin ang kapatid ko. Lumaki ang mata nito sa gulat at patakbong lumapit sa akin.


“Astrid? Anong ginagawa mo rito? Hindi ba sabi ko sa yo huwag kang pupunta ulit dito? Delikado dito, Astrid,” maotoridad na ani nito. Hinawakan nito ang aking mukha. Ayaw man niya akong papuntahin dito ay bakas naman ang saya na makita ako. Nangingilid ang luha nitong nakatingin sa akin. Tuluyang kong inalis ang suot na salamin.


“Miss na miss na kita, Kuya. Gustong-gusto na kita makita.”


“Kayo rin miss na miss ko na kayo pero konting tiis pa. Magkakasama-sama na rin tayo.” Ngumiti ito sa akin. Hindi ko napigilan na yakapin ang kapatid ko kahit may namamagitan sa aming bakal.


“I-I’m sorry, Kuya. K-Kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko kung bakit ka nandiyan.” Napahagolhol ako.


Inalo nito ang aking likuran. “Wala akong pinagsisihan sa ginawa ko, Astrid. Iniligtas ko ang kapatid ko. Kahit maulit ang ganung sitwasyon….pipiliin ko pa ring iligtas ka.”


Nakulong ang kapatid sa kasong pagpatay. Napatay ng kapatid ko si Sojie sa hopistal. He killed him in order to save me and Asher. I was so depressed at that time. Sinisisi ko ang sarili ko sa lahat ng nangyari. Kasalanan ko ang lahat dahil sa mga basta-bastang desisyon ko. Napahamak ang kapatid ko dahil sa akin. Nawalay ang pamangkin ko sa ama niya dahil sa akin. Nahiwalay si Ate Melly kay Kuya dahil sa akin. Dalawang taon ng hindi nakikita ng kapatid ko ang pamilya niya.


Pagkatapos ng insidente ay agad kaming pinadala ng magulang ko kasama sila ate melly sa Canada. Lalong uminit ang gulo sa pagitan namin at ng pamilya nila Sojie. Para maprotektahan kami dahil sa dami ng banta sa aming buhay ay agad kaming dinala ng abroad at dalawang taon na kami namumuhay doon ngayon. Umuwi lang ako rito upang dalawin ang kuya ko at babalik na rin ako bukas ng Canada.


“K-Kung maibabalik ko lang yung oras, Kuya…sana…sana nakinig nalang ako sa ‘yo. S-Sana…umuwi nalang tayo nung oras na ‘yon.” Napahikbi ako.


“Kung umuwi tayo tiyak na si Asher ang nandito. Papatayin niya si Sojie sa galit niya. Desidido siya nung oras na ‘yon.”


Napatitig na lamang akong lumuluha kay Kuya.


“Huwag kang mag-alala, umuusad na ang kaso.” Pinisil nito ang pisngi ako at matipid na ngumiti. “Anong balita sa mag-ina ‘ko?” tanong nito.


Binuklat ko ang dalang bag at inabot rito ang tatlong litrato. Pigil ang luha ng kapatid kong tinitigan iyon.


“Picture ‘yan nung unang lakad niya.” Pagtukoy ko sa anak niya. “Yung isa nung nag flower girl siya sa kasal ng pinsan natin. Yung isa picture nila ni Ate Melly nung last Anniversary niyo. Nag celebrate kami kahit wala ka.”


Tuluyang tumulo ang pinipigilang luha nito at niyakap ang litrato. Napaiwas ako nang tingin sa kapatid ko. Alam kong sobrang sakit sa kaniya na mapalayo siya sa pamilya niya.


“Sabihin mo kay Melly….na hintayin niya ako. Sabihin mo na mahal na mahal ko sila. Babalik ako. Babalikan ko sila. Magkakasama-sama ulit kami.”


Mabilis akong tumango. Ate Melly always waiting for him to come home kaya alam kong mahihintay ni Ate Melly ang pagbabalik niya. Lagi sa aking sinasabi ni Ate Melly na malapit nang umuwi si Kuya kahit na naging mabagal ang usad ng kaso.


“Dumaan dito si Asher, sabi niya sa simbahan nalang daw kayo magkita,” sambit ni Ate Melly pagkababa ko ng hagdan. Nasa kandungan nito ang anak na natutulog.


“Uhm okay. Ayaw mo ba talaga, Ate, sumama?” napahikab ako. Wala akong maayos na tulog dahil kauuwi ko lang galing Pilipinas. Pagdating ko rito sa Canada ay konting tulog lang at gumayak na ako.


Nakangiti itong umiling. “May sinat pa si Baby kaya hindi na ako sasama. Mag-iingat ka na lang.”

Tumango ako rito at tinuro ang pintuan. “Aalis na ako. Don’t worry babalik din ako pagkatapos ng ceremony.”


Mabilis na umalma si Ate Melly. “Ano ka ba? Okay lang kami dito ni Baby. Kahit gabi ka na umuwi okay lang basta mag enjoy ka roon.”


Hindi rin kasi ako mapakali na iwanan silang mag-ina dito kahit na may bodyguard kami. Nangangamba akong may mangyari sa kanilang masama at gusto kong protektahan sila kapag nangyari iyon katulad nang pagprotekta sa akin ni Kuya.


Hawak ang laylayan ng aking mustard long dress ay bumaba ako ng sasakyan. Mukhang sakto lang ang dating ko dahil nasa labas na ng simbahan ang mga bridesmaids. This is one of the unexpected weddings that I will attend. The wedding of my one closest friend and my first love also my ex. Hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat, nagulat na lamang ako na ibalita sa akin ni Sofie na ikakasal na siya. Mas lalo akong nagimbal nung malaman ko na si David ang groom. I didn’t ask anything I just said, I will be at her wedding. I am happy for her, especially for David.


Asher POV

Before I thought I have nothing to ask from God because I'm already contented with what I had…not until I met Astrid. Akala ko noon kaya ko kunin ang lahat pero iba si Astrid. Siya yung taong gustong-gusto ko na hindi ko makuha-kuha noon. Sa malayo ay napapatitig ako sa kaniya at dismayado sa aking sarili. Tangina napakaswerte ng taong mamahalin nito at alam kong hindi ako ‘yon. Napaka swerte ni David.


“I'm breaking up with you, Natasha.”


Nasa hardin ako, kaharap ang girlfriend kong si Natasha. Gumawa ako ng isang desisyon na alam kong marami akong masasagasaang tao.

“W-What? No, Asher.” Hinawakan ako ni Natasha sa braso at nagsusumamong tumingin sa akin. Bahagya akong napayuko. Naging mabait siya sa aking girlfriend, siya yung babaeng ideal girlfriend ng mga lalaki. Kaso ay kulang. Kahit anung ganda, bait, talino ni Natasha…nasa ibang babae pa rin yung puso ko. Nasa babaeng hindi sobrang bait, hindi sobrang talino, pero sumobra sa taray at sa ganda.


“I'm sorry. Gago ako alam ko. I'm sorry but I want you to know, I tried. I tried to get over to her pero hinahanap-hanap siya ng sistema ko, Natasha.”


Hindi lingid kay Natasha na may gusto ako kay Astrid at pumayag siya na maging kami para makalimutan ko si Astrid. Pero kahit ilang babae pa ang dumadating sa buhay ko, kung hindi iyon Astrid Cuevas…hindi mababaling ang atensyon ko.


“Si David ang gusto niya, Asher.” Pagpapamukha sa akin nito ng katotohanan.


“Sa akin ang bagsak niya, Natasha. Hindi ako papayag kung hindi,” walang emosyon na ani ko.


Yes, I lied to Astrid. Ako ang nakipaghiwalay kay Natasha at palabas lang na gusto kong makipagbalikan kay Natasha. Palabas lang na gusto ko siya habulin pero ang totoo ay si Natasha ang nag hahabol sa akin. Palabas ko lang ang lahat para makuha siya.


Akala ko nung una ay magiging maayos ang lahat. Akala ko ay sasang-ayon ang lahat sa plano ko. Pero dumaan muna ako sa maraming masasakit na salita mula sa kaniya bago siya pumayag sa deal na ginawa ko. Every time she says that he loves David and how much she hates me, it’s just a word but it’s deeper than a knife. Akala ko nga magiging masaya ako kapag narinig ko sa kaniya na pumapayag ng maging girlfriend ko, kapalit ay tutulungan ko siya kay David. Pero sinuntok lang ako ng realidad na kaya niyang gawin ang lahat kay David. Ganun niyang kamahal yung lalaking ‘yon.


“Remember before? I dreamed to be the most famous moto racer all over the world,” nakangiting kwento niya sa akin isang araw nung nasa race track kami. Naaya ko lang siya dahil pupunta si David. Napaiwas ako nang tingin sa pag ngiti niya. May igaganda pa pala talaga siya.


“But that’s impossible in my situation, Asher. I need to work for our company. My family needs me. That’s life. Minsan kailangan natin isuko ang mga bagay na alam nating hindi para sa atin,” dugtong niya.

Tumaas ang kilay ko. Gusto ko sana sabihin na bakit hindi niya isuko si David? Pero bumalik yung tanong na ‘yon sa sarili ko. Bakit hindi ko pa isuko si Astrid kahit imposible na yung gusto ko? Siguro pareho kami ng magiging sagot. Dahil mahal namin.


“How can you say the one thing is not for you, Astrid?” tanong ko sa kaniya. Napalingon ito sa akin at napaisip.


“When things are….impossible to reach? When it’s too high for you,” hindi siguradong sagot nito.


Tumaas ang kilay ko at pinigilan na matawa. “I desired one thing that too high for me, Astrid. Masyadong mahirap maabot but I know para sa akin ‘yon. Nothing is impossible for me. I will make an effort to reach what I want. Kapag gusto ko….kailangan makuha ko.” Pangisi ko sa kaniya.


Buti nalang at malakas ako sa itaas sa kabila ng mga maling nagawa ko. I can't stop smiling while watching the girl I love walking in the aisle. I sacrificed a lot for her..…and all I can say is…..everything is worth it.


“Stop staring that’s not your bride.” Pagbunggo ko sa balikat ni David. Mahina itong napatawa at umiling sa akin. Kinuha ako nitong best man sa kasal niya at si Astrid naman ang maid of honor.


“Kailan mo balak pakasalan? Baka maagawan ka pa niyan sa bagal mo.”


Napangiwi ako. “Hindi ako mabagal. Nakahanda na lahat last year “Oo” nalang ni Astrid ang kulang.”


“Oh bakit? Nagpropose ka tapos na reject? Ha! Mukhang natauhan na nga si Astrid.” Nang-aasar itong tumawa.


“Ako marereject? Abellon yata ‘to.” Pagmamayabang ko pero tinawanan lang ako ulit nito at tinapik ang aking balikat.


“Your surname doesn’t matter. As far as I remember she’d rejected you several times when we were in college? Or after college?”


“You shut up.” May pagbabantang tono ko.


Honestly, I had a plan to propose to her last year but I changed my mind because I think that was not good timing. May problema siya at ang pamilya niya kaya sinantabi ko muna ang plano ko. Humahanap ako ng magandang tiyempo para isagawa iyon.


“Buong ceremony yata umiiyak ka,” ani ko kay Astrid nung nasa sasakyan na kami. Tapos na ang seremonya ng kasal at papunta na kami ng reception.


“I’m just happy for them, especially for Sofie. Did you see how happy her eyes?” she answered while retouching her make up.


“Nope. I was busy staring at you.” Nakataas ang kilay nitong lumingon sa akin. “I was imagining,” dugtong ko. Lalong umarko ang kilay niya at may pagtataka sa kaniyang mata.


“Imagining?”


I cleared my throat. “Kung…iiyak ka rin ba kapag tayo yung kinasal. I’m looking forward to our wedding actually.”


“Our wedding?” muling tanong nito na nagpakaba sa akin.


“Bakit? Ayaw mo ba ako pakasalan?” pilit kong tinago ang kaba sa aking boses. Humigpit ang aking kapit sa manubela at napalingon sa kabilang direksyon upang huminga.


“I didn’t say anything,” mahinang sagot nito. Lumingon ako sa direksyon niya at nakatingin ito sa bintana habang nakahalukipkip. Hindi ko napigilan na dumoble ang kaba sa dibdib ko.


Pagdating namin sa reception ay sabay kaming lumalakad ni Astrid habang nakakapit sa aking braso. Hinanap ko ang pwesto ng mga magulang ko para doon umupo.


“Love,. Hindi ako pwede magtagal ah. Walang kasama sila Ate Melly,” bulong sa akin ni Astrid.


“Sige naiintindihan ko. Maiintindihan din naman tiyak nila David.”


“Hello, gorgeous!” bati ni Mama kay Astrid pagdating namin sa kanilang pwesto.

“Hello po,Tita.” Magalang na nagmano si Astrid at hinalikan ko naman sa pisngi si Mama. Nanunukso ito sa aking ngumiti, inilingan ko nalang ito.


“You look nervous, anak,” si Mama.


“I’m not,” agap na sagot ko. Tinawanan naman ako nito.


Sa buong oras nang pagkain at pagsisimula ng event ay nananatili akong walang imik sa tabi ni Astrid. Hindi naman niya iyon napansin dahil masaya itong nanonood sa mga nagsasayaw sa gitna.


“So we have a game for all single women or ready to get married out there! Please participate and go to the center!” the host announced.


Agad na pinagtulakan ni Mama si Astrid. “Go, Astrid. Sumali ka.”


“Po? Para saan ba ‘yan, Tita?” tanong nito at lumingon sa akin. Nagkibit balikat naman ako.


“Maghahagis ng bulaklak ang bride at kung sino ang makakasalo, siya ang susunod na ikakasal,” ngiting-ngiting sagot ni Mama at talaga pinilit na sumali si Astrid. Walang nagawa si Astrid kundi ang pumunta sa gitna kasama ang iba pang mga babae.


Napaayos ako ng upo at matigas na napalunok habang pinapanood siyang nakatayo lamang sa gitna at parang walang interes na makipag-agawan sa bulaklak, hindi katulad ng iba.


“Go, Anak. Everything is ready.” Pagtapik ni Mama sa balikat ko na nagpabalik sa aking wisyo. Malakas ang kabog ng puso na tumayo at naglakad palapit kay Astrid.


ASTRID POV

Kabado akong nakayo sa gitna na napapaligiran ng mga babae na handa makipag-agawan para sa bulaklak. Ayoko magpakita ng interes doon at ayoko ipakita kay Asher ang interes ko sa pagpapakasal. Ayokong makita niya kung gaano ako kadesparada para makipag-agawan sa bulaklak na ‘yon para lang masabing ako na ang susunod na ikakasal. Ayokong ma pressure siya na mag propose na sa akin at mag settled sa akin.


“Who do you think will be the next bride? Go ladies! Catch the flower from our bride!” sigaw ng host.  Lalong na excite ang mga babae sa pagpwesto ni Sofie.


Malakas na bumilang ang mga tao para sa paghagis niya ng bulaklak, pero napuno ng pagtataka ang lahat nung hindi niya ito hinagis. Halos matuod nalang ako sa aking kinatatayuan nung lumakad si Sofie sa pwesto namin at may malaking ngiti na inabot sa akin ang bulaklak.


“A-Ano ‘to?” kinakabahang tanong ko sa kaniya. Ngumiti ito sa akin at niyakap.


“Advance congratulations,” bulong niya sa akin.


“Ha?” naguguluhang tanong ko.


“Nasa likod mo ang sagot, Astrid.”


Wala akong pag-aalinlangan na lumingon sa aking likuran at halos manghina ang aking mga tuhod. Natutop ko ang aking bibig at sandaling natulala sa nangyayari. Si Asher….nakaluhod ang isang tuhod sa aking harapan habang hawak ang isang maliit na pulang kahon na may makinang na singsing sa gitna.


Napatingin ako sa mga tao na may malaking ngiting nanonood sa amin. Lalo akong nagulat nung makita ko ang mga magulang ko at si Ate Melly na buhat ang anak. Hindi ko inaasahan na nandito rin sila.


“Astrid Mirinda Cuevas…..” pagtawag sa akin ni Asher. Matamis itong ngumiti ngunit ramdam ko ang kaniyang kaba.


“will you be….the next bride? Will you be….my wife?”


Hindi ko napigilan ang mapaiyak. Nangyayari ba talaga ‘to? Inaaya niya ako magpakasal? Akala ko kasi ay hindi pa siya sigurado sa akin dahil hindi niya ino-open up ang usapang kasal.


Nanginginig ang kamay kong iniabot sa kaniya. “O-Of course…yes,” sagot ko. Nagsigawan ang mga tao sa pagsagot ko kay Asher. Nung masuot nito sa akin ang singsing ay tumayo ito at mahigpit aking niyakap.


“I can’t wait to change your surname Ms. Cuevas,” bulong niya sa aking tenga at ginawaran ako ng isang halik.


When I was young, I wished to have a fairy tale love story. Yung kapag gusto niyo yung isa't-isa, kayo na yung magkasama and you both live happily ever after. But I was wrong. Hindi nangyari sa akin yung love story na pinapangarap ko. God’s gave me a unique love story. I thought he gave me a Prince Charming which is David, but instead, he gave me a knight and shining armor which is Asher. Asher saved me from my darkest time. He saved me from drowning in sadness and now I'm giving my hand to him. I'm marrying the man I truly love. I am very thankful that God leads me for the best ride, my last ride, my destination, my home and now partner in life.


Sa pagbukas ng pintuan ng simbahan ay sumalubong sa akin ang isang tugtugin. Dahan-dahan akong lumakad hawak ang isang kumpol ng bulaklak. Ningingitian ko ang bawat bisita na aking nadadaanan. Wala akong ibang maramdaman ngayon kundi purong kasiyahan hanggang sa mapunta ang aking tingin sa lalaking nag-aabang sa akin sa altar. Suot nito ang puting tuxedo habang nakapamulsa. Titig na titig ito sa akin hanggang nakita ko ang bahagyang pagyuko nito at paglabas ng panyo. Mahina akong natawa. Sabi niya ay hindi siya iiyak pero ngayon ay nagpupunas siya ng kaniyang mga mata.


Huminto ako sa gitna upang salubungin ang aking mga magulang para akayin papunta kay Asher. Nangingilid luha si Mama sa aking ngumiti ganun din si Papa. Siguro ay hindi sila makapaniwala na ikakasal na ang bunso nila.


“Sana….nandito si Kuya,” mahinang sambit ko nung makita ko si Ate Melly at ang anak nito.


“He’s here.”

Nanigas ako sa sagot ni Papa.


“Nasa tabi siya ni Ate Melly mo,” dugtong nito.


Nakalagpas na kami kina Ate Melly pero hindi ako nag-alangan na lumingon upang kumpirmahin. Kusang tumulo ang mga luha ko nung makita ko ang kapatid ko na nakaformal attire at nakangiting nakatingin sa akin. Akala ko ay hindi ako iiyak ngayon, pero hindi mapigil ang mga luha ko.


“Ingatan mo ang anak ko, Asher,” si Papa nung iaabot nito ang kamay ko kay Asher. Ngumiti ako ritong patuloy na umiiyak. Alam kong alam niya ang dahilan kung bakit tumutulo pa rin ang luha ko.


“Ako po ang bahala sa anak ninyo, Tito. Mamahalin at pipiliin kong patawarin at intindihin lagi siya,” sinserong sagot niya. Hindi ko napigil ang aking sarili na yakapin nang mahigpit si Asher.


“Put all your weakness on me, and I'll be your strength forever, Mahal ko…” bulong nito sa akin.

Last Ride(Last Series#02)Where stories live. Discover now