CHAPTER 2

328 12 1
                                    

Picture



Padaan ako sa classroom nila David nang mapapabalik ako at nagtago sa pinto. Sumilip ako at tiningnan ang ginagawa ni David sa harap. Napagtanto ko ang pagtayo niya sa harap nang marinig ko ang boses ng isang Prof. Sumilip ako sa isang siwang at nakita ko ang tatlong panel. Thesis defense yata itong ginagawa ni David.



Pigil ang ngiti kong inilabas ang aking cellphone at pinindot ang camera. Naaninag ko ng mabuti ang mukha ni David sa pag zoom ko ng camera. Seryoso itong nagsasalita, minsan ay tumitigil tuwing nagtatanong ang panel. Pigil ang hininga kong inaangulo ito.



"Shit!" mahinang mura ko nang biglang mag flush ang camera. Mabilis akong napatago sa pinto bago pa may makakita sa akin.



Sa tingin ko ay walang nakapansin ng nakakahiyang ginawa ko para lang makuhan ng picture si David. Sinubukan ko ulit ito kuhanan pagkatapos kong alisin ang flush ng camera. I held my breath for the moment. Sunod-sunod ang ginawa kong pindot. Nang masatisfied ako, tumalikod na ako at naglakad pabalik.





Inisa-isa kong ang mga kuha ko sa kaniya. Blurred ang iba. Napahinto naman ako sa paglalakad at natutop ko ang aking bibig sa pagtitig sa picture niya. Nakatingin siya sa camera habang nakangiti. Ibig sabihin ay alam niya ang pagkuha ko ng picture niya. And he smiled!



"David cutie..." Napakahighik ako sa isang picture nito.




His monolid brown eyes and thin red lips are perfectly fit on him. Iba ang pagwawala ng mga puru-paro sa aking tiyan tuwing nakikita ko siyang ngumingiti o tumatawa. Pero ang mga seryoso niyang mata tuwing nakatingin sa akin ay binubuhay ang aking dugo. Parang ang sarap na lang maging pasyente kung ganito kagwapo ang nurse mo.




"David cutie, cutie!" pag pisil ko ng pisngi nito kahit sa picture lang.





"Huh! Kung ako sasabihan ng cute maooffend ako!" pag sabay sa akin ni Neil sa paglalakad. Sa kanan ko naman ay si Aloisia.





"Nakaka offend talaga 'yon lalo na kung mukha kang aso." Natatawang panunuya ni Aloisia.




"Exactly! Pang aso lang ang salitang cute. Kaya mooffend ako kapag sinabihan ako ng cute," confident na sambit nito habang hinahagis-hagis ang hawak na susi sa hangin.





"So inamin mong mukha kang aso?"




His lips parted in a seconds.




"Hindi, ah! Baka si Astrid." Pagturo sa akin nito. Tinulak ko naman si Neil ng malakas palayo sa akin. He burst into laughter.




"Excuse me?! How dare you na i compare ako sa aso?!" sigaw ko rito.




"Oh bakit hindi ba? Habol ka nga nang habol kay David."




Halos mamula ang tenga nito sa kakatawa. Nanlilisik naman ang mata ko sa inis sa kaniya.




"Kung mukha akong aso, mukha ka namang galis na lapit nang lapit sa akin!"




His mouth fell open to my response. Isang senyales na nainsulto ko siya. Tawa ni Aloisia ang nangibabaw habang nakahawak sa kaniyang tiyan at nakaturo kay Neil. Hindi ko na nahintay ang makabawi siya, naglakad ako nang mabilis palayo sa kanila.




"Hi!"




Napatigil ako sa paglalakad nang harangin ako ng isang babae. Malaki ang ngiti nito sa akin pero hindi nakalagpas sa aking mata ang pasimpleng paghagod nito nang tingin sa akin. Hindi nagkakalayo ang tangkad naming dalawa.




"You are....Astrid, right?" tanong nito.




"Yup," maikling sagot ko.





Dahan-dahang napatango ang babae. Bakas naman talaga sa mukha nito na kilala niya ako at nagpapanggap na hindi. Pinigilan ko ang mapangisi. Girl, I know-how famous I am. Hindi ko pinapakilala ang sarili ko, ang mga tao sa paligid ko ang nagpapakilala sa akin.

Last Ride(Last Series#02)Where stories live. Discover now