CHAPTER 24

183 7 0
                                    

Denied

“Si Neil?” tanong ko kaagad kay Aloisia pagka-upo ko sa tabi nito. Pupungay-pungay ang mata nitong humarap sa akin.


“Idunno. Baka may hang over,” sagot nito at dumukdok ulit.


Siguro nga. Marami silang nainom kagabi baka kaya hindi rin nakapasok si Asher. Pero parang hindi ako kombinsido dahil kahit may hang over ‘yon ay pumapasok pa rin siya.



Asher:
Sa'n ka? Bakit hindi ka pumasok?


Itinago ko sa aking bag ang cellphone pagkatapos ko siyang imessage. Nakakainip din pala na walang kaasaran. Wala si Neil, wala si Asher, may hang-over si Aloisia at nasa library si Amara. Hindi ko rin naman makakausap si David nasa duty siya ngayon. Magkausap kami kanina through video call pero natapos yung usapan namin dahil papasok na siya. I understand he has a hectic schedule that’s why I need to be an understanding girlfriend. Ayos lang sa akin na kahit gabi kami mag-usap basta may update kami sa isa't-isa.


“Astrid, may naghahanap sa'yo sa labas.” Pag lapit sa akin ni Maisie.


Sinilip ko kung sino iyon at nakita ko si Sofie at ang grupo nito na nakasilip sa pintuan.


“Aloisia, aalis muna ako.” Pag tapik ko sa balikat niya at ingit lang ang isinagot sa akin nito.


“Hi, Astrid! Are you free?” tanong ni Lexy isa sa mga kaibigan ni Sofie.


“Oo naman, meron 2 hours vacant,” I answered.


“That’s good! Gusto ka sana namin yayain diyan lang sa bagong milktea shop. Are you in?”


“Sure, wala naman akong gagawin.”


Thanks to them. I can’t imagine myself sitting on my chair for 2 hours. Alam ko naman na hindi ko maaaya si Aloisia dahil may hang-over siya. Hula ko nga ay magcucutting pa siya.


“By the way, Astrid, I have good news for you. Naaalala mo si Princess? Yung sumali sa pageant?”

Inalala ko naman ang tinutukoy ni Sofie. “Yung pinahiram ko ng gown?”


“Oo yun nga! Alam mo bang nag momodel na siya?”


Hindi ko napigilan na mahulog ang aking panga sa sobrang pagkagulat. Naibaba ko ang iniinom na milktea.


“For real?”


“Runway model siya.”


Lalo akong napanganga. Sobrang saya yung nararamdaman ko sa puso ko para kay Princess. Sino mag aakala na magiging runway model ang babaeng halos walang confidence sa katawan noon? Yung sobrang minamaliit yung sarili noon. I'm so happy for her. Tama nga ang sinasabi nila, the best revenge is being successful.


“Hindi ba siya yung candidate noon na maraming dots sa mukha?” tanong ng isa sa mga kaibigan ni Sofie.


“Oo siya ‘yon. Kapag makikita mo siya ngayon ay hindi mo siya makikilala.”


“Wow!” tanging reaksyon ko.


Siguro ay natuto na siya mag ayos at alagaan ang sarili niya. I'm looking forward to seeing her in person. Gusto ko malaman ang naging reaksyon ng mga kaklase niya na pinagtripan siya. Tuwang-tuwa ang kalooban ko sa pag-iisip na bitter na bitter siguro ang pakiramdam ng mga taong nangmaliit sa kaniya noon. Yung tinutukso nila noon ay modelo na ngayon.


“Siya yung nanalo noon na best in gown hindi ba? Pero gown ni Astrid ang suot niya,” si Lexie.


“Yes, but I don’t mind. Maganda naman talaga magdala ng damit si Princess.”


Hindi naman ako nakaramdam ng sama ng loob sa pagkuha ni Princess ng best in evening gown kahit na sa aking gown ang suot niya. Ako pa rin naman ang nag uwi ng korona and at least may napatunayan siya sa mga classmates niya. After pageant ay lumapit sa akin si Princess para mag sorry dahil nakuha niya yung award na iyon. I told her there is no problem with that.


Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone mula sa aking bag hudyat na may nag message. Akala ko ay si Asher dahil siya ang huling minessage pero pangalan ni David ang nakarehistro dito. Wala pa rin akong sagot na nakuha mula kay Asher sa text ko sa kaniya kanina pa.


David:
What are you doing? Break namin kaya nakapag phone ako.


Itinago ko ang aking phone sa ilalim ng mesa para mareplyan si David.

Reply:
I'm with my friends nakatambay lang sa mikltea shop malapit sa school. 2 hours vacant namin :)


It took a few minutes before he responded to my last message.

David:
Who’s with you? I mean, you’re with your friends. All girls?


Lihim akong napangiti sa message niya. Hindi ko talaga mapigilan matuwa kapag nakakatanggap ako ng message niya, lalo na ngayon. Buhay lagi ang mga paru-paro sa aking tiyan dahil kay David.


Reply:
Of course, I don’t have boy friends.


“Uy! Kanina ka pa ngingiti-ngiti diyan, sino kausap mo?” pag-uusisa ni Lexy.


Tinawanan ko ito. Pinatay ko ang cellphone at itinoob sa aking hita.


“Kaibigan lang.”


“Naku! Baka boyfriend mo ‘yan?”


Umiling ako. “Wala akong boyfriend.”


Ayoko maging unfair kina Aloisia. Kung mayroon man akong gusto pagsabihan na may boyfriend na ako, ay gusto ko sila iyon. But apparently, I need to wait for graduation to announce it to them.


“Kahit manliligaw wala?” tanong ulit ni Lexy.


“Ano ka ba, Lexy? That’s impossible. Sa ganda ni Astrid imposible na walang magkagusto at manligaw.” Pag ngiti sa akin ni Sofie.


“Sabagay, ako ngang hindi kasing ganda ni Astrid na ligawan e.” Pagbibiro ni Lexy.

Muling tumunog ang cellphone ko.

David:
You have Asher and Neil.


Reply:
Absent sila pareho.


David:
Yea, Neil probably has a hang over and Asher is in the hospital.



Biglang nawala ang ngiti ko nang mabasa ko ang message ni David. Biglang sumibol ang kaba sa dibdib ko. Kaya ba hindi siya nagrereply sa message ko at kaya hindi siya nakapasok?


Reply:
What do you mean? Anong ginagawa ni Asher sa hospital?


Bago ko pa man mapindot ang send botton ay nauna nang nag text sa akin si David para sabihin na babalik na siya sa duty. Kaya naman hindi ko na sinend pa ang text at tumayo ako para alamin ko ang nangyari.


“Girls, I’m sorry but I need to go. May emergency lang, babawi ako next time.” Pagmamadali ko.


“Ahh, okay ingat ka, Astrid.”


Ningitian ko sila lahat at nagpaalam. Hindi na ako nag abala pang pumasok sa school para mag paalam kina Amara, dumiretso ako agad sa parking lot. Hindi ko alam kung saang hospital si Asher, pero malakas ang kutob ko na sa hospital kung saan nagduduty si David.


Napahinto ako pagsakay sa aking sasakyan nang makilala ko kung kaninong kotse ang paparating. Kay Neil. Pumarada ito sa tabi ng sasakyan ko at hinintay ko ang paglabas niya.


“Astrid, anong ginagawa mo diyan?” pagbaba ni Neil. Pinatunog nito ang sasakyan at binulsa ang hawak na susi.


“Si Asher? Alam mo bang nasa hospital siya?”


Tumaas ang kilay nito sa akin. “Oo, dumaan ako sa kaniya bago dumiresto rito.”


“Anong nangyari sa kaniya? Bakit hindi niya sinabi sa akin?”


“Bakit naman niya sasabihin sa'yo?” agap na bwelta sa akin ni Neil na kinatahimik ko.


Nangapa ako ng mga salita. Wala nga palang alam si Neil.


“I-I mean….”


“Naaksidente siya, Astrid.” Pag putol nito sa sinasabi ko.


“Naaksidente?” napakagat ako sa aking pang ibabang labi. Hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang pakiramdam ko. Parang may mali pero hindi ko alam kung ano.


“Paanong maaaksidente si Asher e-”


“Dahil nakainom siyang nag motor. Hindi ko dapat sasabihin sa'yo ito dahil bilin sa akin ni Asher na wala akong pagsasabihan. Pero parang kailangan ko yata sabihin sa'yo. Huwag mo nalang sabihin kay Asher na sinabi ko.”


Tumangu-tango ako. Lumingon si Neil sa paligid at bahagyang lumapit sa akin.


“Yung gabi na tinawagan ka niya at nalaman niya na nasiraan ka ng sasakyan, ay hindi siya nagdalawang isip na puntahan ka kahit lasing na siya. Sa sobrang pagmamadali na puntahan ka at hanapin ka, ayon! Ayon ang sinapit niya.” Hilaw itong tumawa. “Pero alam mo bang kahit nagbuwal na siya pinilit pa rin niyang bumangon para puntahan ka? Kaso pagdating niya sa'yo may nauna na pala.” May halong pangongonsensya nito.


Unti-unti akong napatulala sa aking paanan. Napaatras ako hanggang sa bumunggo ang aking likuran sa aking sasakyan. Bakit niya ginawa ‘yon? Bakit niya kailangan gawin ‘yung bagay na iyon? Ibig sabihin ay nasa hospital siya dahil sa akin.


“Ako na nagsabi sa'yo kasi alam ko naman na hindi sasabihin sa iyo ni Asher. Mauna na ako, Astrid.”


Umalis si Neil na wala akong binibitawan na salita. Naalala ko yung kagabing pag ignora ko sa mga sunod-sunod na tawag niya. Naalala ko yung paalala niya na ‘wag kong patayin yung tawag pero ginawa ko. Why do I feel like he’s risking his life for me? Sobrang guilty ako. Kinukurot ang puso ko sa mga sinabi ni Neil at paulit-ulit iyon sa isip ko. Nandoon siya para puntahan ako pero sa pagdating niya ay nandoon na si David. Maybe my mother was right, he still cares and worried about me.


Pagpasok ko ng hospital ay agad akong pumunta sa reception area para alamin kung nandito ba si Asher at kung anong room number niya. Nakalimutan ko na tanungin iyon kay Neil dahil nawala ako sa wisyo.


“Hi, anong room number yung pasyente na si Chad Asher Abellon?” tanong ko sa nurse na nandoon.

Hindi ko na tinanong kung may pangalan silang pasyenteng ganon dahil hindi ko naman alam ang rules ng hospital. Baka hindi pa ako papasukin.

“Kaanu-ano niyo po ang pasyente, Ma'am?”

“Uhm…I’m his friend.”


Saglit na may hinanap ang nurse sa computer. Lumilibot naman ang mata ko sa pag-asang makita ko rito si David. Sa laki ng hospital nito ay sana magkita kami.


“Room 256 po, Ma'am.”


“Thanks!” I smiled.


Tumalikod ako at hinanap ang room number ni Asher. Sino kaya ang kasama niya sa kwarto? Hindi kami nagkita ng Mama niya kahapon pero baka rito pa kami magkita. Nakakahiyang humarap sa kanila kung alam nilang ako ang dahilan kung bakit nandito si Asher.

Inisa-isa ko ang mga kwarto na nadaanan ko hanggang sa makita ko ang room number ni Asher. Tatlong beses akong kumatok bago pihitin ang pinto. Hindi ko inaasahan ang madadatnan ko rito. Parehong nakatingin sa akin si Asher at Natasha na nakaupo malapit sa higaan ni Asher.


“Why are you here?” ito agad ang lumabas sa bibig ko para kay Natasha.


Mataray na tumaas ang kilay nito sa akin.


“Ikaw dapat ang tinatanong ko, Astrid. Bakit wala ka rito?”


Saglit akong natahimik. Napunta ang tingin ko kay Asher na nakapikit ngayon ngunit napansin ko ang malalim nitong paghugot ng hininga. May benda ang ulo, braso, at tuhod. May maliliit na sugat sa kaniyang mga kamay at paa. Sa nakikita ko ay masasabi kong hindi simpleng aksidente lang ang nangyari sa kaniya.


“Nandito na ako kaya makakaalis ka na.” Baling ko ulit kay Natasha.


Lumapit ako sa kama ni Asher at tinitigan ito habang nananatiling nakapikit.


“Hindi mo ba ako narinig?” ani ko nang mapansin ko na hindi umaalis si Natasha.


“Asher,” pagtawag nito kay Asher.


“You can go now, Natasha. Gusto ko na magpahinga.”


Halatang masama ang loob ni Natasha si sinabi ni Asher pero umalis din ito kalaunan at binigyan ako ng masamang tingin bago makalabas ng pinto.


“Buti pa siya alam niya na nandito ka.”


“Paano mo nalaman na nandito ako?” pag dilat nito at pag harap sa akin.


“Ang pangit mo na,” sagot ko sa halip na sagutin ang tanong niya.


He snorted. “My face is swollen, what do you expect?”


Marahan kong dimampi ang dulo ng aking daliri sa bende niya sa ulo. Napatitig si Asher sa akin sa ginawa ko.


“Saan mo ‘to nakuha? Anong katangahan ang ginawa mo?”


I'm pretending I don’t know anything. Gusto ko malaman katulad ng sinabi ni Neil kung talagang hindi ito sasabihin sa akin ni Asher.


“Nagbuwal ako sa motor.”


I nodded. “Bakit? saan ka pumunta?”


Natahimik siya saglit at napaiwas sa akin nang tingin. “Kay Natasha.”


Liar. You are here because of me. Even you are already drunk, you drove that night. Bakit kailangan mo mag sinungaling? Bakit kailangan mo itago?


“Bakit….pumunta ka kahit nakainom ka? Hindi ka man lang nag helmet. Paano kung hindi lang iyan ang nangyari sa'yo?”


“Because I thought she needs me.” Hinawakan niya ang daliri ko na nasa kaniyang ulo. “Nag alala ako…..nag alala ‘ko sa kaniya. Takot na takot siyang tumawag sa akin pero pag punta ko, okay na siya. Hindi na niya ako kailangan.”


Ako naman ang napaiwas kay Asher. Iniba man niya ang ibang parte ng kwento niya, alam kong para sa akin ‘yon. Alam kong ako ang tinutukoy niya na takot na takot. Alam kong ako ang pinuntahan niya.


“How about you? Bakit mo pinatay yung tawag? Bakit hindi mo sinasagot yung tawag ko?”


Napalunok ako. “I'm sorry, tumawag si David.”


Tumango ito. “That’s good. Buti pinuntahan kaniya.”


Mahabang katahimikam ang namayani sa amin ni Asher. Para itong mayroong malalim na iniisip habang nakatingin sa kisame.


“If you don’t mind, pwede matulog muna ako? Gusto ko muna mag pahinga.”


“S-Sige, papasok na rin ako.”


Pilit ang ngiti na ibinigay sa akin ni Asher bago pumikit. Saglit ko siyang tinitigan bago tahimik na nilisan ang kwarto niya.


“Astrid?”


Napahinto ako sa paglalakad sa pagtawag sa pangalan ko. Paglingon ko ay nakita ko si David na malaki ang ngiti sa aking lumapit.


“Bakit ka nandito? Hindi ba may klase ka?”


Napatingin sa amin ang tatlong babaeng nurse na dumaan. Ginawaran ni David ng ngiti ang mga ito.


“Dinalaw ko lang si Asher, David.”


“Papasok ka na ulit? Halika ihahatid kita palabas.” Hinawakan ni David ang aking kamay. Pero agad din kaming napahinto dahil sa pagtawag kay David.


“Ma,”

Ang Mama ni David. Nakapang doctor itong lumapit sa amin. Nakuha naman ng atensyon ko ang pilit na pagbitaw ni David sa mga kamay ko. Mabilis akong dumistansya sa kaniya na parang wala kaming relasyon.


“May duty ka hindi ba? Saan ka pupunta? Sino iyang kasama mo?”


Nahihiya kong inilahad ang aking kamay. “Astrid Cuevas, Ma'am.” Pakilala ko sa aking sarili.


“Girlfriend mo, David?” pag hagod nito sa akin nang tingin mula ulo hanggang paa.


Pinigilan ko ang bumakas sa akin ang pagkagulat sa tanong nito. Napatingin naman ako kay David sa pagtawa nito.


“Hindi, Ma. Kaibigan ko at best friend ni Asher. Napadaan lang para dalawin si Asher.”

Napilitan akong ngumiti sa pagbaling sa akin ni David.

It hurts that your boyfriend denied you in front of his parent, pero ano ang magagawa ko? Hanggang dito lang kaya namin ni David. Sikretong relasyon na kaming dalawa lang ang nakakaalam.

Last Ride(Last Series#02)Where stories live. Discover now