CHAPTER 35

505 16 2
                                    

Magic

Day by Day I can feel that I'm doing fine. Hindi na ako gumigising na mabigat ang pakiramdam. Ngunit hindi ko maitatanggi na minsan pa ring sumasagi sa isip ko si David. Hindi ko masasabi kung okay na ba talaga ako, nakalimot na ba talaga ako, o buo na ba talaga ako. Buwan pa lang ang lumilipas kaya hindi ko alam kung nandito pa yung sakit o baka binabalewala ko lang iyon. Baka nasanay lang ako o kaya naman ay namanhid na.


It was a traumatic experience for me that's why I think it takes a long process to say I am finally healed and complete. Nakakatakot sumubok muli. Nararamdaman ko na totoo naman si Asher, he treasures me a lot but my past relationship gave me trust issues that's why I'm still worrying. Ayoko pa sumugal. Nakakatakot na sumugal. The last time I was sure of someone, hindi pala tunay yung nararamdaman niya sa akin.


“Sasama ka ba sa kanila?” mahinang tanong ni Asher sa akin habang nilalaro ang hibla ng aking buhok.


“Sumama ka kung gusto mo, Asher,” sagot ko na patuloy na gumagawa ng calligraphy ng aking pangalan. Sobrang boring kasi ngayong araw at hinihintay nalang namin na mag-uwian.


“Anong gagawin ko ro'n kung hindi ka kasama?”


“Nandoon si Neil.”


“Tss…mangbabae lang ‘yon.” Narinig ko ang buntonghininga niya.


Nag-aaya sila mag outing bukas dahil natapos na ngayon ang pre-final exam ng second sem. Dahil madalas namin gawin ang mag outing pagkatapos ng exam, nag aya agad si Carra mag Pinsal falls sa Ilocos Sur. Habang ako ay undecided pa rin dahil hindi pa ako nagpapaalam kina Mama.


“Sama tayo?” pangungulit sa akin ni Asher. Nilukot ko ang ginagawa nang marinig na pwede na kaming umuwi.


“Hindi pa ako nagpapaalam kay Mama.”


“Ipapaalam kita kay tita.”


“Wow ha! Parang ang lakas mo naman kay Mama.” Pagtawa ko. Isinukbit ko ang maliit na bag at naglakad papunta kina Aloisia.


Tumawa siya. “Mas malakas ako sa Papa mo. Baka kapag nalaman non na liligawan kita, ipakasal ka na sa akin,” mayabang na sabi nito.


Hinampas ko ang braso niya. “Manahimik ka nga. May makarinig sa ‘yo.”


Pero kung makakarating nga kay Papa na manliligaw sa akin si Asher, hindi malabong totoo ang sinasabi niya. I know my father likes him so much. Sa mga kwento pa lang non about sa mga naririnig niyang ginagawa ni Asher ay tuwang-tuwa na siya.


“Uuwi ka na ba?” tanong ni Asher na sinagot ni Aloisia.


“Hindi dahil pupunta kami ng mall at bibili ng mga damit.”


“Sama kami ni Asher!”


Napairap ako sa hangin sa pagsulpot ni Neil. Inakbayan nito si Asher.

“Sige, kailangan namin ng taga bitbit ng mga bibilhin namin,” si Aloisia.


Kinuha ni Aloisia ang braso ko at umukyabit dito. Nasa likuran naman namin si Asher at Neil. Hindi sumama si Amara dahil may gagawin pa raw siya sa library.


Pababa kami ng hagdan nang makasalubong namin si Sir Dylan, tinatanong nito si Amara.


“Nasa library, Sir,” sagot ni Aloisia. Tumango ito at nilagpasan kami.


“Bakit hindi niyo sinama si Amara?” tanong ni Neil na nasa gilid ngayon ni Aloisia. At  si Asher ngayon ay nasa gilid ko na rin. Nakapamulsang naglalakad habang ang bag pack ay tamad na nakasabit sa isang balikat.


“Ayaw niya, may gagawin daw siya,” sagot ni Aloisia.


“Ganun? Sasama naman siguro siya bukas no?”


Bumuntong hininga si Aloisia. “Hindi. Hindi raw siya pinayagan ni Tita Charlotte dahil graduating na tayo.”


Oh no! Baka hindi rin ako payagan nila Mama. Sabi kasi ng karamihan ay masama na mag outing ang mga graduating students. May nangyayari daw masama.


“Hirap non. Napaka strict parent ng Mommy ni Amara,” iiling-iling na pahayag ni Neil. “Ikaw, Asher, sasama ka?” baling nito sa lalaking nasa gilid ko. Naramdaman ko naman ang paglingon ni Asher sa akin.


“Kapag sumama si Astrid,” tamad na sagot niya.


Gulat akong napalingon kay Asher. Binalaan ko siya na manahimik kapag nasa paligid sila Aloisia pero matigas talaga ang ulo ng isang ‘to.


“Bakit desisyon ni Astrid desisyon mo rin?” si Neil.


Samantalang si Aloisia ay tahimik lang habang nakakapit sa akin. I don’t know if it’s a good thing or not. I know her so well, a very observing person pero nanahimik lang.


“Boring kapag wala si Astrid don,” deklara ni Asher. This time ay kinurot ko na ang tagliran niya para manahimik siya. Nagtatanong ang tingin nito at nilakihan ko siya ng mata bilang babala na tumigil na siya.


“Iba talaga kapag isang Astrid Cuevas na ang pinag-uusapan.” Mahinang tumawa si Neil at nakangising iiling-iling. Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi at pinigilan na magsalita pa.


Pagdating namin sa mall ay agad akong hinila ni Aloisia sa isang boutique. Nakasunod pa rin sa amin ang dalawa kahit sa pwesto ng mga lingerie para bumili ng bagong two piece. Ang naabutan naming sales lady ay ngiting-ngiti sa dalawang lalaki na ‘to.


“Bagay sa ‘yo ‘to.” Pag-abot sa akin ni Aloisia ng two-piece na kulay yellow. Narinig ko ang pagkasamid ni Asher sa gilid ko. Nang lingunin ko ito ay tumalikod ito sa akin.


“Sukatin mo, Astrid, tapos pakita mo sa amin.” Pang-aasar ni Neil.


“Gago ka ba?” iritableng asik ni Asher na ikinatawa nila Neil.


“Joke lang, Pre. Alam naman ni Astrid na bawal ‘yan sukatin.” Pangangatwiran ni Neil.


Iniwanan ko silang tatlo roon at naglibot. Kaso ay ilang sandali lang ay nakasunod na sa akin si Asher.


“I don’t like that,” matabang na sambit niya.


“Alin?” I asked while scanning the dress I am holding.


“That two-piece you are holding. That’s too revealing.”

Tumaas ang isang kilay ko ngunit hindi iyon nakita ni Asher dahil nasa likod ko siya. Binalik ko ang nagustuhang dress ngunit ang ibinigay ni Aloisia ay bibilhin ko na.


“I like this. Bibilhin ko ‘to at susuotin ko bukas.” Pagdadahilan ko kahit hindi naman ako sigurado.

Marahan niya akong hinawakan sa aking pulsuhan para mapaharap sa kaniya. He is smirking now.

“So you are coming? Then wear it and I'll cover your body with my hands,” mababang boses na sabi niya. Umawang ang aking labi at ilang beses na napakurap.


“W-What?”


“Wear it, Astrid.” Pumunta siya likod ko at ang dalawang kamay ay nakapulupot sa aking bewang. Naramdaman ko ang paglapit ng labi ni Asher sa aking tenga para bumulong. “Ganito ako sa ‘yo bukas.”

Lalong umawang ang labi ko sa ginawa niya. Dahil sa sobrang pagkabog ng puso ko ay napalayo ako sa kaniya. Para akong pinapaso sa haplos ni Asher sa aking tiyanan.


“Y-You are not my boyfriend, Asher.” Pagkautal ko. Ngumiti siya sa akin na parang walang nangyari.


“I don’t need a label to protect my girl. Tayo man o hindi poprotektahan kita.”


“Kanino mo naman ako poprotektahan?”


Malamig naman sa boutique nito pero pakiramdam ko ay namumuo ang pawis sa noo ko. Yung kabog ng dibdib ko ay para akong nakipagkarera sa pagtakbo.


“Sa ganda mo, Astrid, ang daming magkakagusto sa ‘yo.”


“P-Paano mo naman nalaman?” tumalikod ako sa kaniya.


Muli niya akong hinawakan sa pulsuhan at hinila sa harap ng malaking salamin. Nasa likuran ko siya at nakahawak ngayon sa magkabila kong braso.


“Sabihin mo sa akin…..sinong hindi magkakagusto sa babaeng ‘yan?” bulong niya. Nagkatitigan lang kami sa salamin.


The next day, maaga sina Asher, Aloisia, at Neil sa bahay. Nandito sila para sunduin ako at hindi ko malaman kung paano nila napapayag si Mama lalo na si Papa. Kagabi ay sinabi ko sa kanila na hindi ako pinayagan, pero kanina ay nabulabog nalang ako sa sigaw ni Mama na gumayak na raw ako at naghihintay sila Aloisia sa baba. Kaya naman mabilis na pagkilos ang ginawa ko dahil baka biglang magbago ang isip nila Mama.


Sa pagbaba ko ng hagdan ay agad na tumayo ang tatlo.


“Si Mama?” tanong ko. Tumaas ang kilay ko kay Asher na pinasadahan ako nang tingin. I'm wearing a white halter top and black high waist shorts.


“Nasa kusina,” sagot ni Aloisia.


Tumungo naman ako sa kusina para mag paalam kay Mama at uminom ng tubig. Naabutan ko si Mama na may katawagan sa cell phone, kaya pagkainom ko ay sinenyas ko nalang na aalis na kami.


“Kaninong sasakyan yung dala natin?” tanong ko sa kanila.


“Kila Asher. Isang van lang tayo,” si Aloisia.


Ninibago naman ako kay Asher na tahimik lang sa gilid ko. Wala siyang ginawa kundi ang sumulyap sa akin at kikibot-kibot ang mga labi.


“Sinong driver? Sana hindi ikaw no? Gusto ko pang makagraduate,” sarkastikong sambit ko kay Aloisia.


Sarkastikong ngiti rin ang ibinigay sa akin ni Aloisia. “Huwag kang mag-alala, kahit hindi ako yung driver hindi ka naman talaga ga-graduate.”


Pagpasok namin ng sasakyan ay agad akong tumabi kay Aloisia. Si Asher pala ang driver namin at sa front seat naman si Neil. Nagkatinginan kami ni Asher sa rear mirror pero agad akong lumingon sa gilid ko. I don’t know, I feel like he’s kinda weird today. The way he stares at me and remaining silent the whole time. At nakakairita ‘yon. Nakakairita ang pagiging tahimik niya.


Iniwasan ko talagang tingnan si Asher. Nung sinundo namin sina Carra ay lumipat ako sa pinakadulo kung saan hindi ko makikita kahit ang mata ni Asher sa rear mirror. Bahala siya. Kung ayaw niya ako kausapin edi ‘wag! Ano naman sa akin? Hindi rin ‘yon napansin ng mga kasama namin dahil maingay ang buong sasakyan sa kwento ni Carra.


Kagabi lang ay sobrang daldal niya sa cell phone tapos ngayon ay parang abnormal na titingin-tingin lang. Parang hindi nag I love you kagabi sa pag-aakalang tulog na ‘ko nung nag video call kami.


“Hoy! Mga prinsesa at mga prinsipe! Tumulong kayo magdala!” bulyaw ni Aloisia sa mga nauunang maglalakad at isa na ako ro'n.


Mabilis lang ang naging byahe namin. Dahil hindi kaya ng sasakyan ang daan ay bumaba na kami at lalakarin nalang ang papuntang falls. Hindi na rin kami nag-abala na mag check in dahil hindi naman kami over night. Mamaya rin ay uuwi na kami.


“Ikaw magdala nito, Astrid.” Pag-abot sa akin ni Aloisia ng isang cooler box na kinalalagyan ng mga drinks. Sa unang buhat ko ay medyo mabigat dahil may kasama itong yelo.


“Hoy, Aloisia! Ano akala mo sa akin? Higante! This is so heavy!” pagrereklamo ko pero mukhang hindi niya ‘ko narinig dahil nasa unahan na siya at ako ay nahuhuli dahil sa bwisit na cooler na ‘to.


Sa pagsubok ko muli na buhatin ang cooler ay may biglang umagaw nito sa akin. Si Asher. Akala ko ay nauna na siya pero mukhang nahirapan siya humanap ng parking.


“Let me,” baritonong boses niya.


Hinayaan ko siya tutal ay mas malaki naman ang katawan niya at ayoko madapa dahil sa bigat ng dala. Malalaki pa naman ang bato rito.


Sinubukan kong lumakad nang mabilis pero masakit sa paa ang mga bato. Kaya naman naabutan ako ni Asher at napaigtad ako sa paghawak niya ang aking kamay para alalayan sa paglalakad.


“Kaya ko maglakad,” pairap na sabi ko at pasiring na binawi ang aking kamay.


Sa paglalakad ko ay natalisod ako. Buti na lamang ay nakahawak ako sa isang maliit na puno. “Shit!” sigaw ko.


“Huwag ka na kasi masungit. Hawakan mo na yung kamay ko.” Muling kinuha ni Asher ang palad ko at hinigpitan ang hawak para hindi ko ito maalis.


Matalim ang ibinigay kong tingin sa kaniya pero siya ay nakataas lang ang dalawang kilay sa akin. Buti naman ay nagkaroon na siya ng boses. Akala niya yata ay hindi ko siya kayang hindi pansinin. I let him hold my hand as my support. Labag man sa loob ko, malaki naman ang naitulong niya sa akin lalo na sa malalaking bato.


“Akala ko ba susuotin mo yung binili mong two-piece?” tanong niya habang nasa pinakalikod kami ng mga naglalakad. May mga nakakasabay din kasi kami na tiyak ko sa falls din ang punta.


“Suot ko na,” I answered. Napalingon siya sa akin.


“Talaga? Patingin.”


Tiningan ko siya gamit ang matalim kong mata sa pag-aakalang nagbibiro siya. Pero wala akong mabasang pagbibiro sa mukha niya.


“Siraulo ka ba? Ano maghuhubad ako dito?” madiin ngunit mahinang sambit ko.


“Ako lang naman yung makakakita, anong masama do'n?” seryoso pa ring tanong nito. Nung suntukin ko tiyanan niya ay humagalpak siya ng tawa.


Siraulo. Akala niya yata ay mauuto niya ako. Nang makita ko na ang falls ay agad akong bumitaw kay Asher at patakbong humabol kina Aloisia.


“Tara na. Hayaan mo na sila diyan,” bulong ko kay Aloisia at hinatak palayo sa kanila. Hinalungkat ko ang bitbit na bag para kuhanin ang cell phone. Inabot ko iyon kay Aloisia.


“Kuhanan mo ‘ko, kukuhanan din kita.”


Pumwesto ako sa isang bato at diretsong inalis ang suot na halter top at short. Suot ko ngayon ang yellow two-piece. Buti nalang at bagay sa akin ang ganitong kulay kahit na morena ako.


“Slay, Astrid!” malakas na sigaw ni Neil at pagpito nito. Dahil doon ay napabaling silang lahat sa akin na todo post sa mga picture.


Nang makita kong naglalakad palapit sa amin si Asher na madilim ang mga titig ay bumababa ako ng bato para palitan si Aloisia. Hinubad din nito ang suot na damit para mag picture.


“Alisin mo na rin yung short mo!” utos ko pero tumanggi siya. Babalik daw siya ro'n sa pwesto nila Neil para tumulong.


Pagkatapos ko kuhanan si Aloisia ay siyang pagdating ni Asher sa gilid ko. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagsitaasan ang balahibo ko sa batok sa ginawa niyang paghaplos aking baywang.


“H-Hindi mo na titingnan yung kuha ko?” tanong ko kay Aloisia sa akmang pagbalik nito kina Neil.


“Mamaya na.” At mabilis siyang tumalikod. Akma akong susunod kay Aloisia pero napigilan ako ng malapad na kamay ni Asher.


“Ano?” nakakunot noong tanong ko.


“Sakay tayo ro'n.” Turo niya sa isang bangka.


Agad akong umalma. “Ayoko nga! Hindi ka naman marunong niyan.”


Ngumisi siya sa akin. “Wala akong hindi kaya, Astrid. Halika na may ipapakita ako sa ‘yo sa likod ng falls na ‘yon.”


Biglang umandar ang curiosity ko sa sinabi ni Asher kaya nagpagiya ako sa kaniya papunta sa maliit na bangka.


“Ano naman ‘yon? Teka, did you go here before?”


Kinuha ko ang kamay niyang nakalahad para tulungan akong sumakay ng bangka.


“Hindi pa, pero nabasa ko lang ‘yon sa Internet. May magic daw kapag nasa likod ka na ng falls na ‘yan.”


Namangha ako. I’ve never heard that before. Tinulak ni Asher gamit ang mahabang kawayan ang bangka para makalayo. Kalaunan ay sagwan naman ang ginamit niya. Magkaharap kaming dalawa ngayon.


“Galingan mo sumagwan, Asher. Baka bumuwal ‘tong sinasakyan natin. Papatayin talaga kita kapag may nangyari sa ‘ting masama.”


Pilyo siyang tumawa. “Huwag ka mag-alala, mas magaling ako sumisid.”


Alam ko ang tawang iyon. Kung wala lang kami sa bangka ay baka sinama na siya sa akin.


Nakuha ang atensyon ko ang magandang kapaligiran. Ang palad ay nilalaro ang malamig na tubig.


“T-Teka! Bakit ka naghuhubad?!” nagpapanic na tanong ko kay Asher. Ngumiti lang ito at tuluyang inalis ang suot na t-shirt. Napaiwas ako nang tingin sa hubad niyang katawan.


Napaharap lang ulit ako sa kaniya nang maramdaman ko na gumalaw ang bangka. Tumayo siya at tumalon, hanggang sa umahon siya sa gilid ko.


“Talon na. Pupunta na tayo do'n.”


Dahan-dahan akong tumayo sa takot na tumuob ang bangka. Napasigaw naman ako sa lamig ng tubig na dumampi sa aking balat sa aking pagtalon. Sa pag-ahon ko ay palad agad ni Asher ang nakasuporta sa aking baywang. Bumilog ang aking mata sa lapit ng kaniyang mukha.


“Are you ready to see the magic?” paos na boses niya. Napalunok ako sa ginawang pagtitig ni Asher sa labi ko.


Tanging tango ang naging sagot ko sa kaniya. Bigla akong naubusan ng salita.


Ang kanang kamay ko ay nasa batok ni Asher habang ang isang kamay nito ay nakapulupot sa aking baywang. Alam kong kung sino ang makakita sa amin ay pagkakamalan kaming magkasintahan dahil sa posisyon naming dalawa. Dinaanan namin ang malakas na agos ng falls hanggang sa mapunta kami sa likuran nito.


“Ang ganda mo, Astrid. Hindi ako magsasawang sabihin sa ‘yo iyon. Pero dito muna tayo dahil gusto kong masolo ang ganda mo.”


Tumatawa akong tinapunan ng tubig ang kaniyang mukha. Napakacorny talaga ng isang ‘to, ang daming alam.


“Nasaan yung magic?” pag-iiba ko ng usapan. Lumangoy si Asher palapit sa akin hanggang sa masakop na naman niya ang aking baywang. Hinayaan ko lang siya.


Nadistract na naman ako sa ginagawa niyang pagtitig sa aking labi. Pigil ko ang aking paghinga sa pagkagat niya ng labi niya at unti-unting pag-angat nang tingin sa akin.


“Hindi mo raw mapipigilan halikan yung babaeng nasa harap mo kapag nasa likod ka ng falls na ‘to.”


Nanlalaki ang mga mata ko sa biglang ginawa niya. Sinakop ni Asher ang labi ko at ang hindi ko mapaniwalaan ay…I kissed him back. Hindi ko siya tinulak sa halip ay naidiin ko pa ang kaniyang ulo palapit sa akin.


“That was the magic, Astrid,” paos na sambit niya sa pagitan ng halik.



A/N: Ang Pinsal falls ay totoo ngunit ang paglalarawan ng Author ay gawa-gawa lamang.

Last Ride(Last Series#02)Where stories live. Discover now