CHAPTER 20

228 8 0
                                    

Words


Naniningkit ang mga mata kong pinapanood ang bawat paghaplos ni Natasha sa lalaking kasama niya. I have a doubt she's trying to make Asher jealous.


“Who’s that guy?” bulong ko kay Asher. Mahina lang kaming nag-uusap dahil nasa unahan lang namin si Natasha katabi ang lalaki. At napapansin ko ang pasimpleng pagbaling ni Natasha sa amin tuwing naririnig ang usapan namin ni Asher.


“I don’t know. Kaya nga tayo nandito para alamin,” he answered.


“Sabi niya friend niya pero ngayon ko lang ‘yan nakita. I think she’s trying to make you jealous.” Pagtangu-tango ko.

Bahagyang bumilog ang aking labi sa pag-akbay ng lalaki kay Natasha. Narinig ko pa ang mahinang bungisngis nito. Itinuro ko iyon kay Asher. Kinuha naman niya ang kamay ko at ibinaba. Siya naman ang umakbay sa akin at bumulong.


“Why don’t we try to make her jealous?”

Dahil naka rubber shoes ako ngayon, naging malaki ang agwat ng height namin ni Asher. Kailangan ko rin ibaba ang ulo niya para bumulong pabalik.


“Hindi na ‘yan magseselos, may ipinalit na yata,” natatawang sabi ko.

Bumulong ulit siya pabalik, “Madali akong bitawan pero hindi ako madali palitan, Astrid.”


There are things in this world that you can let go of easily but you can't replace quickly. Those are the words he said to me years ago. Wala pa akong sapat na kakayahan para intindihin ang sinabi niya noon dahil mga bata pa kami. Pero tumatak iyon sa akin. Nasabi niya iyon dahil sa pinapanood ng Mama niya sa TV na pinanood ko rin. Tungkol sa mag asawa na nag divorce at pinili ng babae na hindi na humanap pa ng iba pagkatapos nila maghiwalay. Madaling nabitawan ng babae ang kaniyang asawa pero hindi niya ito napalitan.


Ngayon ko lang lubos naunawaan ang sinabi niya. Hindi lang iyon para sa relasyon. May bagay na kaya nating bitawan pero hindi natin kaya palitan. At may mga bagay rin na sobra nating hinahawakan at iyon pala ang dapat nating pakalawan.


“Natasha, pwede ba na mag palit tayo? Gusto ko kasi makatabi yung boyfriend ko.” Pagbibigay ko sa kaniya ng pekeng ngiti.


“A-Ahh, Astrid, naka lock na kasi.”


Binalingan ko ang lalaking nag aassist sa mga sasakay. Sinenyasan ko ito na pumunta sa akin.


“Pakitanggal yung lock ng upuan niya. Lilipat siya.” Utos ko.


Walang nagawa si Natasha kundi ang tumayo at lumipat katabi ang lalaking kasama nila. Tatlo nalang ang available seat sa space shot at hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip niya para pumagitna sa tatlong upuan. Ibig sabihin lang non ay gusto niya makatabi si Asher at paghiwalayin kami ng upuan.


“Babe,” tawag ko sa katabi ko na si Asher ng nag simulang umandar paunti-unti ang sinasakyan.


“Uhm?”


“Magugulo ang buhok ko rito.”


Narinig ko ang pagtawa ni Asher. Hindi ko siya tinitingnan dahil nakafocus sa ako biglang pagbagsak ng sinasakyan. Tinitingnan ko ang mga tao na unti-unting lumiliit habang pataas kami ng pataas.


“Ayaw mo pala magulo ang buhok mo, Astrid, sana hindi ka nalang sumakay,” sarkastikong tinig ni Natasha sa isang gilid ko.


Tumaas ang kilay ko. “Boyfriend ko yung kausap ko, Natasha, hindi ikaw. Huwag kang sumapaw kung ayaw mong tanggalin ko ‘yang lock ng upuan mo.”


Nanlalaki ang mga mata nitong humarap sa akin. “Joke lang.” Pilit na ngiti ko at napairap sa hangin.


“Aayusin ko nalang yung buhok mo pagbaba natin, Astrid.” Paghawak ni Asher sa kamay ko kaya nakuha niya ang atensyon ko. Sinenyasan ako nitong huwag na patulan si Natasha.


“Kailangan ko ng pangtali.”


“Bibili tayo, Babe. Walang tindahan dito sa taas.”


Sinamaan ko siya nang tingin sa pamimilosopo niya pero tinawanan lang ako nito.


Pagbaba namin ay nanunuri ang mga mata ni Natasha habang pinapanood ang pagtulong sa akin ni Asher sa pag-aayos ng aking buhok. Hinayaan ko si Asher sa ginagawa niya para lalong inisin si Natasha. Alam kong naging epektibo iyon sa pamumula ng kaniyang pisngi at mabilis na pag-angat baba ng kaniyang dibdib.


“Tara bumili ng pantali ng buhok mo.” Pag aya sa akin ni Asher.


Umiling ako. “Ikaw nalang. Hintayin kita rito. Nahihilo pa kasi ako.” Pag hawak ko sa aking ulo kahit na ang totoo ay ayos naman ang pakiramdam ako. Meron lang akong pakiramdam na kakausapin ako ni Natasha dahil hindi pa rin ito umaalis.


He nodded. “Don’t go anywhere. Hintayin mo ako rito.”


And I'm not mistaken. She went to me after Asher left. She’s too serious while walking towards me. I tried to smile but she remained her serious face.


“Did you enjoy the ride?” nakangiti pa ring tanong ko.

“Stop pretending you like him because I know you don’t. Sinasaktan mo lang siya, Astrid.” Pag ignora nito sa tanong ko. Saglit akong napatigil hangang sa ang  aking ngiti ay unti-unting naging ngisi.

“Stop acting as you care for him because I know you don’t.” Pag bwelta ko pabalik sa kaniya.

Tumikom ang kaniyang bibig. She blinked twice, apparently she wants to say something but she has to stop herself by remaining her mouth silent.


“Ano? Tama ba ako? Ano ka? Ego tripping?”


“Wala kang alam, Astrid,” may pag pipigil na sambit nito.


“Wala ka ring alam, Natasha.”


“Alam kong si David ang gusto mo kaya hindi ko malaman kung paanong naging kayo ni Asher.” Pag taas ng kilay nito sa akin.


Mahina akong napatawa. “See? Wala ka ngang alam.”


Hindi porket future teacher siya ay alam na niya lahat. Mananatili siyang walang alam sa nangyayari sa paligid niya.


“Sana…..manatili kang walang alam,” madiing sabi nito.

Hindi ko napigilan ang pagkunot ng aking noo sa sinasabi niya. Nakakaramdam ako ng kuryusidad sa sinasabi niya ngunit pinili ko ang hindi magsalita.

“Natasha!” tawag ng isang kaibigan niya.


Nakikipaglabanan sa akin si Natasha nang tingin bago ito tumalikod papapunta sa kaibigan niya. Bakit sa paraang nang pananalita niya ay parang gustong-gusto pa niya si Asher? Bakit ayaw pa niya balikan? Bakit para silang parang tangang dalawa na naghahabulan pero gusto naman pala ang isa't-isa. Maski ako ay hindi ko na alam ang nangyayari sa relasyon nila. Nakikisabay lang ako dahil kailangan ko si Asher.


Sa paghihintay kay Asher ay umupo muna ako sa malapit na upuan sa akin. My eyes were shocked at someone who comes up with me. The long hair guy who’s obsessed with the white roses. The white rose on his hands makes me shock more. I don’t know him well but his smile makes me scared of him.


“Astrid,” he called my name.

Pilit akong ngumiti. “H-Hi!”

Hindi ko alam kung bakit pati sa paraan nang pagtawag niya sa pangalan ko ay parang tumataas ang balahibo ko.

“I'm Sojie, by the way nagulat ba kita?” pag-upo niya sa tabi ko.


He looks nice but I'm not comfortable with him. Bahagya akong umusog palayo sa kaniya.


“A-Ahh… hindi naman.”


“Hindi ko inaasahan na magkikita tayo rito.”


Tumango na lamang ako at hindi gumawa ng paraan para humaba ang usapan. Inilabas ko ang aking cellphone para itext si Asher dahil ayoko nang magtagal pa kasama si Sojie. Ito lang ang una naming pag-uusap kaya hindi ko alam kung bakit habang tumatagal ay lalo akong hindi nagiging komportable kasama siya. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng takot sa kaniya.


“Para sa'yo nga pala, Astrid.” Pag-abot sa akin ni Sojie ng putting rosan.


I don’t want to look rude so I accept the rose with my trembling hand. “Thanks.”


“Ako yung naglalagay ng rosas sa locker mo.”

Napalunok ko habang nakatitig sa rosas na aking hawak. “Ganun ba?” maikling sagot ko.


“Matagal na kita pinagmamasdan, ang ganda mo talaga.”

Instead of being glad of what he said, I feel more uncomfortable with him.

“Salamat.” Peke kong pagtawa at lumingon-lingon sa paligid para hanapin si Asher. Bakit ba ang tagal ng isang ‘yon?


“Bakit mag-isa ka rito? Gusto ba sumama sa akin?”


“Hindi! M-May kasama ko.” Todong pag-iling ko sa kaniya.


Ilan sandali lang ay patakbong lumapit si Asher sa akin hawak ang isang pangtali ng buhok. Kunot ang noo nitong nakatingin sa katabi ko. Hindi na nag paabot si Sojie kay Asher at tumayo ito.


“Mauna ako kung ganon. Magkita pa sana tayo ulit, Astrid.” Ngumiti ito sa akin bago tumalikod.


“Sino ‘yon?” tanong ni Asher pagdating sa harap ko.


“The creepiest man I've ever seen,” sagot ko at kinuha ang sun flower na pangtali sa kaniyang kamay.


“Bakit anong ginawa niya sa'yo?” nakapamewang na tanong ulit ni Asher.


Pagkatapos kong ayusin ang buhok ay tumayo ako. Nakataas ang kilay ni Asher sa akin na naghihintay ng sagot.


“Wala. Ang creepy lang niya para sa akin. Tingnan mo binigyan ako ng white rose.” Turo sa rosas na iniwanan ko sa upuan. Wala akong balak bitbitin iyon.


“You hate white roses since then.”


Tumango ako. “Yea, right.”


“Paano ka nakilala?” interesadong tanong ulit nito.


“Schoolmates natin ‘yon tapos kamember pa yata ni Amara.”

Tumango ito at sinundan nang tingin ang direksyon na tinahak ni Sojie.

“Huwag mo na siyang kausapin kahit kailan kung creepy siya sa paningin mo. At huwag ka basta-basta nakikipag-usap kahit kanino.” Pangaral niya sa akin.


“This is cute! Kaya ba ang tagal mo?” pagtukoy ko sa binili niya. Nawala ang pagkakakunot ng noo nito at napabuntong hininga sa pag-iiba ko ng usapan.


“Tandaan mo ang sinasabi ko, Astrid.”


“Yes, Daddy!” malaking ngiti ko. Sininghalan lang ako nito.


Kinuha ko naman ang cellphone sa bag at iniabot kay Asher. Nagtataka nitong tinanggap ito.

“Take me a picture, Asher.”

Pumunta ako malapit sa isang rides at doon umanggulo. Nakaupo naman akong kinukuhanan ni Asher.

“Ipopost mo ba ‘to?” pag anggulo niya ng camera.


“Oo, kaya gandahan mo yung kuha mo.”


Ilang post at click ng camera ang nangyari. I'll post it on my Instagram later.

“Tayo naman.” Pag labas ni Asher ng kaniyang phone.


Nilagay niya sa timer ang kaniyang phone at ibinaba upang makuhanan kami ng buo.


“Patingin. Huwag mo ipopost ‘yan ah.”


Maayos naman ang bawat kuha kaso ay kahit isa roon, walang picture si Asher na nakangiti. Ako lang ang nakangiti sa picture naming dalawa.


“Kahit sa IG?” tanong nito habang nakatitig pa rin sa kaniyang cellphone.


“Kahit saan huwag. Baka makita nila Aloisia o ni David. Magtaka pa sila.”

Nakataas ang isang kilay nitong lumingon sa akin at ibinalik sa kaniyang bulsa ang cellphone.

“Okay, as you wish, Babe.”


“Tara nasa Evolution sila Natasha.”


Hinatak ko si Asher sa pinuntahang rides sila Natasha.


“What’s wrong?” tanong ni Asher sa biglaang pagtigil ko.


“Nandoon yung lalaki,” mahinang sagot ko kay Asher.


Nandoon si Sojie sa pila at nasa likuran siya ni Natasha. Ngumiti ito sa akin nang makita ako pero hindi ko ito magawang suklian ng ngiti.


“Ayoko ko na ro'n, Asher.”


Bumaling ako kay Asher ng wala akong matanggap na reaksyon mula rito. Matalim ang ibinibigay nitong tingin sa direksyon ni Sojie.


“Anong ginawa niya sa'yo para matakot ka?” seryosong tanong nito. Napabitaw ako sa aking pagkakahawak sa braso ni Asher.


“Hindi ko alam. Iyon yung nararamdaman ko e. Siguro…..dahil sa pagbibigay niya sa akin ng white rose. Alam mo naman na ayoko ng white rose.”


“Sabihin mo sa akin kapag may ginawa siyang hindi maganda. May kalalagyan siya. Tara na, umuwi na lang tayo.” Pag hawak nito sa aking kamay at iginiya patalikod kina Natasha.


Hindi ko alam kung bakit niya iyon nasabi. Kung bakit niya naisip na kailangan ko sabihin sa kaniya kapag may ginawa sa akin si Sojie. But I can't deny, I feel secure to his words.


“Hindi pa tayo kumakain ng lunch. Nagugutom kana ba?” tanong ni Asher habang bumibyahe kami pabalik.


“Hindi pa naman.”


“Okay lang drive thru ulit? Baka magutom ka. Mukhang gagabihin tayo sa traffic.”


“Sige,” inaantok na sagot ko.


Mabagal ang usad ng sasakyan ni Asher dahil sa traffic kaya naman hindi ko mapigilan ang makaramdam ng antok.


“Asher,” nakapikit na tawag ko sa kaniya.


“Uhm? Inaantok ka ba? Matulog ka muna.” May iniabot ito sa aking maliit na unan na siyang niyakap ko. Pabango niya agad ang naamoy ko rito.


“Mag dinner tayo, isama mo si David.”

“Tatawagan ko siya,” huling salita nito bago kainin ng antok ang aking diwa.


Nagising nalang ako sa mahinang tapik sa aking pisngi. Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata at agad kong nakita ay ang madilim na paligid. Tama si Asher, ginabi nga kami dahil sa traffic.


“Nasaan tayo?” pag-ayos ko ng upo. Kinusot ko ang aking mata upang maging malinaw ito.

“Restaurant. Nandoon na si David.”

Mabilis akong napalikos nang marinig ko ang pangalan ni David. Hinablot ko ang damit na nasa likuran na balak kong suotin ulit ngayon.


“Bumaba ka, mag papalit ako.”


Kinuha muna nito ang cellphone at wallet sa tabi bago bumaba. Mabilis ko naman sinuot ang dress at heels ko. Inayos ko rin ang aking buhok na nagulo mula sa pagkakatulog. Muli kong iniwisik sa hangin ang pabango bago tuluyang bumaba.


“Tara.” Pag-aya ko kay Asher pagbaba ng sasakyan.


“Astrid,”


Napahinto ako sa paglalakad sa pag tawag sa akin ni Asher. Nauna ako sa paglalakad kaya nilingon ko ito.

“Bakit?”


“Yung…..sunflower,” mabagal na sambit nito.


Kumunot ang noo ko. “Sunflower?”

Lumakad ito palapit sa akin. “Saan mo inilagay yung binili kong pantali ng buhok mo?”


“Nandito.” Turo ko sa aking bag.


“Good. Akala ko iniwan mo nalang sa sasakyan.”


Pag pasok namin ng restaurant ay nandoon na si David, mag-isa sa table suot pa ang kaniyang uniform. It’s either papasok palang siya o galing siya sa kaniyang duty.


Nang magtagpo ang mata naming dalawa ay napaayos ito ng upo at bakas ang gulat sa kaniyang mga mata.


“Hindi niya alam na kasama mo ‘ko?” bulong ko kay Asher.


“Hindi.”


Malaki ang ngiti kong lumapit kay David at binati ito.


“Hi, David. Galing duty or papasok ka palang?”


Sadya akong umupo sa katabing upuan nito. Sa tapat naman namin ay si Asher na nagtawag ng waiter.


“Galing duty. Saan kayo galing?” pag tanaw nito kay Asher.


Saglit akong napatigil upang mag-isip ng idadahilan kay David. Tumingin ako kay Asher pero hindi ito tumitingin sa akin. Ang mata nito ay nasa hawak na menu lang habang nakakunot ang noo.


“A-Ahh….galing akong mall tapos….nakita ko si Asher diyan sa labas. S-Sabi niya kikitain ka niya kaya sumama ako. Gusto kasi kita makita.” Pag ngiti ko.


“Buti nalang pala at inaya ako ni Asher. Uuwi na sana ako dahil nakakapagod yung duty ngayon.”

Kita ko nga ang pagod sa kaniyang mukha. Halatang kulang na kulang siya sa tulog nitong nakaraang araw. Ngayon ko lang siya nakita na halos mangitim ang ilalim ng mata. Gwapo pa rin naman siya sa paningin ko.


“Ang gwapo mo pa rin kahit pagod ka,” sambit ko dahilan ng pag ngiti niya. Hindi ko napigilan lalo ang mapangiti. Ang mapangiti si David kahit nakakaramdam ito ng pagod ay malaking bagay sa akin.


“Gwapo naman ako lagi sa paningin mo dahil gusto mo ‘ko.”

Sabay kaming natawa. Hindi ko ipagmamakaila dahil totoo naman.


“Kaya ba maganda rin ako lagi sa paningin mo dahil gusto mo rin ako?” nanunuksong tingin ko. Nakita ko ang pagkagat labi nito sa pagpipigil ng ngiti pero hindi pa rin niya iyon napigilan.


Last Ride(Last Series#02)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang