CHAPTER 30

355 14 5
                                    

Night ride


Mabilis na lumipas ang mga araw. It’s been 2 months without any communication with David. I waited every single day for him to call me, and to tell me we can finally see each other. Ngunit walang dumarating. Dalawang buwan na ang lumipas nung huli naming pagkikita at hindi pa naging maganda ang kinalabasan. Sa takot ko na maulit iyon ay sinunod ko si David, na hintayin ko nalang ang tawag niya kung kailan kami pwede magkita.


Ngunit ngayon ay nakapagdesisyon na ako. I can’t wait anymore. Hindi ko na kaya maghintay pa ng panibagong buwan. Okay lang sana sa akin kung kahit isang message lang sa isang araw ay meron, kaso ay wala. Ganun na ba talaga siya kabusy at kahit segundo para itype ang good morning ay hindi niya magawa? Gusto ko siyang makita ngayon. Iyon lang ay ayos na ako. I decided na puntahan siya sa hospital, dadalhan ko siya ng pagkain. Iyon lang…..iyon lang ang sadya ko para makita siya saglit. Pagkatapos nito ay ayos na ulit akong maghintay.



“Astrid, aalis ka?” tanong sa akin ni Mama habang pababa ako ng hagdan. Paakyat naman siya.


“Yes, Ma. May pupuntahan lang ako. Baka gabi na po ako makauwi.”


Tumango sa akin si Mama. Hinawakan nito ang aking braso at sumabay sa akin pababa sa hagdan.


“Sayang naman. Isasama ka sana namin ni Papa mo sa isang event. Pero sige baka importante ‘yang pupuntahan mo, mag-ingat ka. Baka kami ni Papa mo ay bukas na makauwi.”


Hinatid ako nito sa hamba ng pintuan.


“Bawi ako next time, Ma. Ingat din kayo.” Hinalikan ko ito sa pisngi bago pumunta sa aking sasakyan.


Bago paandarin ang sasakyan ay nakatanggap ako ng message kay Lexy. Message na may kasamang picture. Una kong binuksan ang larawan na iyon at nakita ko si Asher na isang restaurant na may kasamang babae. Nilakihan ko ang picture para makilala ang babae na inakala kong si Natasha. Nabigla ako nang makita kong mabuti ang mukha ni Princess. Malaki ang ngiting nakatingin kay Asher. Kailan pa sila nagkakilala?


Lexy:
Friend mo yung lalaki right? Sila ba?


Agad kong tinipa ang sagot na hindi. I’m very sure na hindi sila, dahil ikukwento iyon sa akin ni Asher. At galing siya sa heartbreak kaya sigurado ‘kong hindi pa siya papasok sa isang relationship. I feel relieved because the girl with him is not Natasha but there something inside of me that I don’t want Princess for him either.


Bago ako tuluyang umalis ng bahay ay nag-iwan naman ako ng mensahe kay Asher.


Me:
You out with Princess. Are you dating her?


Direkta ko iyon tinanong para makasiguro na rin. I'm not expecting him to reply dahil kasama niya si Princess ngayon kaya umalis na ako ng bahay para dumaan sa isang restaurant. Tapos na ang lunch kaya meryenda ang bibilin ko para kay David. At least may agenda ako kung bakit ako pumunta.


Ilang sandali lang ay bumaba na ako ng sasakyan ng may madaanan akong restaurant. Dinagdagan ko na rin ang binili ko incase na may kasama si David. Sana this time ay maging maayos na ang pagkikita namin.


Muli akong pumasok ng sasakyan at tiningnan ulit ang phone ko. Nag reply si Asher sa akin.


Asher:
I'm not. Nagkasabay lang kami at nakiupo siya. Chill.


Hindi ko na siya sinagot pa. Nakuha ko naman na yung sagot sa tanong ko. Sabi ko na nga ba imposible yung sinasabi ni Lexy. Saka kahit na gumanda si Princess at nag improve siya ay pakiramdam ko hindi naman siya popormahan ni Asher. Feel ko lang na hindi ganun ang mga tipo ni Asher.


“Hi! Nandito ba si David?”


Buti nalang at nakasalubong ko sa lobby ang nurse na nag asikaso kay Asher noon.


Ngumiti ito sa akin. “Ahh Oo, break namin kaso pumunta siya saglit sa finance department. Pupuntahan mo ba siya?”


“Oo sana. May ibibigay lang ako.” Inangat ko ang dalang pagkain.


“Gusto mo samahan na kita?”


“Uhm okay lang ba?”


Tumango ito sa akin at itinuro ang daan. Nauuna siya samantalang ako ay lilingon-lingon sa mga nadaanan na facilities.


“Tinulungan na naman niya siguro si Gellie,” dinig kong sambit ng babae.


“Gellie?” tanong ko na may halong pang-uusisa.


“Oo si Gellie yung naka duty sa finance department. Sobrang sipag ni David pati trabaho ng iba ginagawa niya. Madalas siya ro'n.”


I just smiled at her but my mind is full of questions. I bet Gellie is a girl. At tinutulungan ni David si Gellie na ‘yon kahit hindi niya trabaho. Bakit may kakaiba akong pakiramdam dito?


Nang nasa harap na kami ng finance department ay ang babaeng kasama ko ang nagbukas ng pinto. Ngunit ganun nalang kabilis ang pangyayari. Nawala ang nakabalandra kong ngiti. Hinawakan ko ang kamay nito para hatakin muli palabas doon.


“Ayos kalang ba? Bakit namumutla ka?” nag-aalalang tanong nito.


Hinawi ko siya at muling sumilip sa pinto kung nasaan si David. At doon nasiguro ko ang nakita ko. Naramdaman ko ang panlalamig ng mga palad ko sa pagsara ko ng pinto ng walang anumang tunog. Para akong naubosan ng dugo sa mukha. Nararamdaman ko na anumang oras ay bibigay ang mga binti ko.


“P-Pwedeng….p-pakibigay nalang ‘to kay David?” nanginginig na boses ko.


“Ha? Akala ko ba-”


“H-Huwag mo sasabihin kung sino ang nagbigay. Okay?”


Pilit kong inilagay sa mga kamay niya ang pagkain na dala at halos tumakbo ako palabas ng hospital. Pagdating ko sa harapan ng aking sasakyan ay hawak ko ang aking dibdib ay naghahabol ng hininga. Gusto kong umiyak at humagulgol. Para akong mawawala sa tamang kaisipan.


I just found out that he wasn’t distracted by me, distracted siya sa ibang babae. Gusto ko man magbulagbulagan at paniwalain ko ang sarili na wala lang ang nakita ko. Pero mulat na mulat ang mga mata ko nung nakita kong kahalikan ni David ang isang babae sa loob ng finance department. At naniniwala akong iyon ang Gellie na tinutukoy ng babae. Dalawang beses ko iyon tiningnan kaya hindi ko magawang lokohin ang sarili ko na nagkamali lang ako.


“Fuck I need to breathe.”


Malalalim ang bawat paghinga ko. Nanghihina ang mga tuhod ko na sumakay ng sasakyan. Napadukdok na lamang ako sa manubela at doon napaiyak. Napakasakit! Sobrang sakit! Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng mga halik na ‘yon. Alam kong hindi lang sila magkaibigan ni David. Alam kong…..habang mahal na mahal ko si David ay may mahal din siyang iba. Alam kong…..niloloko ako ni David.


Putangina lang bakit ganito? Bakit nagawa sa akin ni David ‘to? Ang dami kong tanong sa isipan ko pero hindi ko kaya ‘yong itanong kay David. Natatakot ako. Natatakot ako na iwanan niya ako. Natatakot ako na baka piliin niya yung babaeng mas madalas niya nakakasama kaysa sa babaeng katulad ko na….naghihintay lang kung kailan kami pwede magkita. Natatakot ako….dahil hindi ko kayang mawala sa akin si David. Ako yung talo rito kasi ako yung mas nagmamahal.


“Ride?” bungad ko kay Asher nang sagutin nito ang tawag ko.


“Ganitong oras?” bakas sa boses nito ang pagtataka. 10:00 p.m na at hindi niya inaasahan na aayain ko siya ng ganitong oras.


“Ouhm. Ayaw mo?”


Tumikhim ito. “Puntahan kita o doon na tayo magkita?”


“Doon na lang.”


Walang gana kong sinuot ang riding gears. Hindi na rin ako nag abala pa na mag-ayos, basta pagkagayak ko ay agad kong pinuntahan ang motor ko.


Ang hirap ng ganito. Wala akong malapitan sa mga oras na ‘to dahil walang alam ang mga kaibigan ko na naging kami ni David. Alam ko rin naman na magagalit sila kapag nag kwento ako at kapag sinabi ko ang naging desisyon ko. Wala akong maiyakan. Wala akong masabihan ng sama sa loob ko. Wala akong magawa kundi idaan sa pagmamaneho ang lungkot.


Kung noon ay lagi kong hinihintay na tumawag o mag text sa akin si David. Ngayon ay natatakot na ako na makarecieve sa kaniya ng mensahe. Natatakot na matapos yung meron kami. Oo….kahit na nakita ko nang niloloko ako ni David ay hindi ko pa rin siya kayang iwan. Nasasaktan ako dahil kahit mulat na mulat na ako sa realidad ay pikit mata ko itong tinatanggap. Ang tanga ko at hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging tanga.


Pagdating ko sa race track ay nandoon na si Asher, nakasandal sa kaniyang motor. Yung lalaking ‘to, siya lang yung meron ako ngayon. Gusto ko siya yakapin at iyakan pero natatakot ako na ikwento lahat sa kaniya.


“Astrid,”


Sa pagtawag palang niya ng pangalan ko ay parang tutulo na agad ang luha ko. Paulit-ulit akong lumunok para bumalik iyon.


“Naligo ka?” napansin ko na basa ang buhok nito.


“Naliligo ako nung tumawag ka.”


Lumakad siya palapit sa akin at mabilis ko namang isinara ang helmet ko. Wala akong make up kaya mapapansin niya ang mugto kong mata. Kaya naman pinaandar ko ang motor ko at sinimulan na umikot na malaking race track. Nakita ko ang pagsunod niya sa akin hanggang sa magpantay kami.


Habang tumatakbo ang motor ko ay hindi po magilan na pumasok ang maraming bagay sa isip ko. Sobra-sobrang tiwala ang ibinigay ko kay David. Masyado ako naging kampante na ako lang dahil akala ko ay hindi niya magagawang magloko dahil busy siyang tao. Pero nagawa niya. Akala ko ay ako ang dahilan kung bakit siya distracted sa pag-aaral, ibang babae pala.


Sa pangatlong ikot namin ni Asher ay huminto ako, ganun din siya. Sinadya ko na tumapat sa madilim na parte para hindi niya maaninag ang mukha ko.


“Pasakay sa motor mo.” Bumaba ako sa motor ko at iniwan iyon sa dilim.


“Palit tayo?”


Umiling ako sa kaniya at mabilis na sumakay sa likuran niya.


“Angkas ako.”


“Anong trip mo, Astrid?” natatawang tanong nito.


“Pagod na akong magmaneho…..pwede bang pagmaneho mo muna ako?” sinandal ko ang aking ulo sa likuran ni Asher. Ang dalawang kamay ko ay nakahawak sa makabila niyang baywang.


“Baka mahulog ka.” Hinawakan ni Asher ang dalawa kong kamay para mapayakap sa kaniya. Wala akong naging reklamo ro'n.


Isang mapayapang pagmamaneho ang nangyari sa amin ni Asher. Sapat lang ang naging takbo niya at ipinapasalamat ko na hindi siya nagrereklamo kahit na nakasandal sa kaniya ang bigat ko. Pagod na akong magmaneho ng buhay ko, gusto kong dumepende muna sa taong kasama ko ngayon. Sa pagkakataong ‘to ay unti-unting bumagsak ang pinipigilan kong luha. Walang tunog akong umiyak sa likod ni Asher.


“Nakadalawang ikot na tayo. Isa pa ba?” paghinto niya ng motor. Hindi ako sumagot at hindi ako gumalaw sa posisyon ko.


“Astrid? Don’t tell me nakatulog ka sa likod ko?”


Seems like I don’t want to leave my position. I feel the comfort and peace on his back that’s why I want to stay here for a while.


“Astrid? Are you asleep?” hinawakan niya ang braso kong nakapulupot sa kaniya.


“No,” mahinang sagot ko at inalis ang pagkakayakap sa kaniya pero hindi ko inalis ang pagkakasandal ko.


“Can we stay like this for a while?” pakiusap ko.


“Did something happened? What’s make you sad today hmm?” mahinahong tanong niya.


I didn’t respond, I feel like I'm going to burst into tears once I speak. Napabuntong hininga naman si Asher. Hanggang sa narinig ko ang mahina nitong pagkanta. Para lang niya iyong binubulong sa hangin.


“H-He cheated on me,” lakas loob ko itong binigkas. Napatigil naman si Asher at naramdaman ko ang saglit na pagkatigil nito sa paghinga.


“What?” matigas na boses niya. Akma siyang tatayo pero agad ko siyang niyakap para bumalik sa pwesto niya. Mahigpit kong niyakap si Asher. Ayokong makita niya akong ganito.


“A-Anong kulang ko Asher? Bakit gano’n? B-Bakit nagawa ni David sa akin ‘yon? Inintindi ko siya sa lahat ng bagay, tinanggap ko yung mga pagkukulang niya. A-Asher, minahal ko siya ng buo pero kulang pa rin. Asher anong kulang sa akin?” malakas akong napaiyak.


Narinig ko ang mahinang mura ni Asher pagkaalis nito ng helmet niya.


“A-Ang sakit sakit, Asher. Ang sakit makita…..n-na may kahalikan siyang iba. P-Para akong pinapatay nung mga oras na ‘yon.”


Mukhang nadama ng langit ang pighati ko dahil unti-unting pumapatak ang ulan.


“Magagalit ka ba sa ‘kin kung sasaktan ko si David kapag nagkita kami?” dama ko ang galit sa boses ni Asher. Bumaba ako ng motor at hinarap siya. Nagsusumamo ngayon ang aking mga mata.


“Asher, ‘w-wag. Huwag mo sasabihin sa kaniya na alam ko. Wala kang sasabihin sa kaniya please. Please, Asher. Sa ating dalawa lang ‘to.”


Bumaba rin siya sa motor. Napatitig siya sa aking mga mata, kalaunan ay inalis nito ang suot kong helmet. Ngayon ay kitang-kita niya ang mugto kong mata at basa kong pisngi. I can see now how mad he is. His eyes burned with anger.



“I’m sorry, Astrid. Hindi ko ‘to kaya palagpasin.” Hinatak niya ang aking katawan hanggang sa mapunta ako sa kaniyang dibdib. “Yung balewalain ka niya ay hinayaan ko, pero yung malaman kong niloloko niya yung babaeng…..” saglit siyang napatigil. “yung babaeng mahalaga sa akin, iyon ang hindi ko mapapalagpas, Astrid.”


Kumawala ako sa mga yakap niya. Ngayon ay lumalakas na ang patak ng ulan. Tumutulo iyon sa dulo ng buhok ni Asher papunta sa kaniyang mukha.


“Asher, huwag na please. Don't let him know that I'm aware he has another girl. A-Ayokong maiwan, Asher.”


Nalaglag ang panga ni Asher. Hindi ito makapaniwalang nakatingin sa akin.


“Anong ibig mong sabihin? Hindi mo siya hihiwalayan sa nakita mo? Ano, Astrid? Magpapakatanga ka?”


“Hindi ko kaya. Mahal na mahal ko si David. M-Mahal na mahal ko siya kaya hindi ko kayang mawala siya sa akin.”


“Tangina naman, Astrid!” napasabunot siya sa kaniyang buhok.


“Tangina! Hindi ko alam kung kanino ako magagalit. Kay David na niloko ka o sa ‘yo na hinahayaan mong lokohin ka!” saglit siyang tumalikod sa akin.


Lalo akong napaiyak. Nilapitan ako ni Asher at hinawakan ang dalawa kong kamay.


“Hiwalayan mo na si David, Astrid. Ako nagmamakaawa sa ‘yo. Sigurado akong may lalaking tatrato sa ‘yo ng tama. May makikilala kang lalaki na papahalagahan ka. Hiwalayan mo na siya…..ako bahala sa ‘yo.”


Tuloy-tuloy ang luha kong tumulo. Napabitaw sa akin si Asher sa pag-iling ko habang humihikbi. Nakita ko ang pagkadismaya niya.


“S-Siya lang ang kailangan ko, Asher.”

Last Ride(Last Series#02)Kde žijí příběhy. Začni objevovat