CHAPTER 15

215 12 0
                                    

Last Dance


“Hindi ako pwedeng magtagal, Astrid, gustuhin ko man. Kailangan kong bumalik sa hospital.”


Marahan akong napatango kay David habang patuloy pa rin kami sa pagsasayaw.

I stared at him. I’m memorizing how he holds my hands. How we move our body together. How he gently touching my waist. How he stared at me like I'm the only person around him. I want to memorize everything kung paano naging masaya ang first dance ko.


“Can we at least finish this song?”


Wala itong nagawa kundi ang pumayag sa pakiusap ko. I feel happy and sad at the same time. Masaya ako dahil natupad ang pangarap ko na makasayaw siya. Natupad ang pangarap ko na siya ang first dance ko. Pero bakit kahit natupad na ang gusto ko ay may lungkot pa rin akong nararamdaman? Bakit habang nakatitig ako kay David ay bumibigat ang pakiramdam ko?


“I still love you, David,” bigkas ko.


Napahinto kami ni David sa pagsasayaw. Kumislap ang mata nito nang matapatan nang malilikot na ilaw.


“Astrid,”


I put my Index finger on his lips. “Please be honest with me. Magiging tayo ba kung hihintayin kita ulit?”

Malalim siyang humugot ng hininga.


“Sabihin mo sa akin kung ano pang paraan para maging tayo, David. Anong dapat kong gawin?”


Tumulo ang isang patak ng luha sa likod ng suot na maskara.


He stared at me. “Astrid…..” mariin siyang napapikit bago muli tumingin sa akin. “I like you. To be honest, I really like you. Gusto kong mabaling ang atensyon mo sa iba but deep inside…..ayaw kitang mapunta sa iba. Pati ako ay naguguluhan na, Astrid.”


Nanlabo ang aking paningin sa nagbabadya muling luha. Hindi ko malaman kung kasiyahan ba itong nararamdaman ko. O nasasaktan ako? Nasasaktan ako dahil kung gusto naman niya pala talaga ako, bakit kailangan pa niyang iparamdam sa akin ang paulit-ulit na sakit?


Wala sa sariling napayakap na lamang ako kay David. Gusto kong umiyak nang maramdaman ko ang pag ganti nang yakap nito.


“Ayaw kitang makasama at ayaw kitang puntahan dahil lalo lang akong mahuhulog, Astrid. Araw-araw nababago ang nararamdaman ko. At natatakot ako na masasaktan lang kita. Alam kong masasaktan kita, Astrid, kaya hanggang ngayon palang iniiwasan ko na. Hindi ko na kayang makitang nasasaktan ka at ako ang laging dahilan, Astrid.”


I can’t say any words. I just keep my mouth silent and I hug him tightly. I wish I can hug him like this whenever I want. Ngayong nalaman ko na ang madalas naming pagkikita na lang ang paraan para makuha siya, naging sigurado na ako sa desisyon ko. I can take risks. I can take risk everything this time.


“I need to go now, Astrid. I'm happy to be your first dance. But your last dance will be more remarkable. Enjoy this night, Astrid,” bulong niya sa akin at paghagod ng aking likod. Napapikit akong napayakap lalo sa kaniya nang mahigpit bago siya pakawalan.


“Thank you, David. Thank you for making my dream come true.” I smiled sincerely.


Ngumiti sa akin si David. Hinawi nito ang aking buhok papunta sa likod ng aking tenga.


Hinatid ako nito pabalik sa upuan. Nanlalaki ang mga mata ni Aloisia na nakatingin sa akin habang hinihilot ang kaniyang binti. Lalong nanlaki ang mata nito nang mapunta ang kaniyang mata sa kamay ni David na nasa aking baywang.

“Aalis na ‘ko.” Muling pamamaalam ni David. Tumango naman ako.

Pinanood ko ang paglakad niya palabas ng pinto. Nang mawala ito sa paningin ko ay malaki ang ngiti kong bumaling kay Aloisia.


“He came for me,” masayang sambit ko.


“Obvious naman nakita ko.” Pag balik nito sa pagpipisil ng kaniyang binti.


Masaya ang naging takbo ng gabi. Wala akong pinaunlakan ng sayaw kundi si David. Ito lang naman talaga ang gusto ko, ang makasayaw si David hindi ang iba. Sapat na ang ilang minuto naming pag sasayaw at pag uusap para maging kompleto ang gabi ko.


“You want some wine?” alok ko kay Aloisia. Umiling ito sa akin.


“Okay, kukuha lang ako ng akin.”


Tumayo ako at pumunta sa bartender upang kumuha ng wine. 10:40 na ng gabi at malapit na matapos ang event. Gugugulin ko nalang ang sarili sa pag inom.


“Thanks!” pasasalamat ko sa bartender nang iabot nito sa akin ang wine.

Tumalikod ako pabalik kay Aloisia, pero napatigil ako ng may humarang sa daan ko. Si Asher. Kinuha nito ang hawak na wine sa aking kamay at ibinalik sa bartender. Hinatak niya ang aking pulsuhan papunta sa dancefloor.


“Asher? Anong ginagawa mo rito?” kunot noong tanong ko.

Hindi ko alam na pupunta pa siya. Halatang nakainom siya dahil naaamoy ko ang pinaghalong pabango at vodka sa kaniya. Tiyak kong galing siyang bar. Nakaformal attire at namumungay ang mga mata.


“Because I'm your boyfriend now?” he smirked.


Kinuha nito ang aking kaliwang kamay at inilagay sa kaniyang balikat. Hinawakan niya ang isa kong kamay bago ipalupot nito ang braso sa aking baywang. Nakatingin lamang ako kay Asher.


“Remember the deal? Deal is a deal, Astrid,” paos na pahayag nito.


“Yeah.” Pag tango ko.


Napatunganga ito sa akin. Siguro ay hindi siya makapaniwala na hindi ito naging mahabang usapan. Yes, I accepted the deal. I already made a decision. I'll use him to get closer to David. Gagamitin ko siya para makasama madalas si David. Gagamitin ko si Asher para lalong lumalim ang nararamdaman sa akin ni David. Handa akong makipag gamitan sa kaniya para sa plano ko. Tutulungan ko siya pero sisiguraduhin kong ako ang higit na makikinabang.

“Good.” He grip my hips.


Saglit akong napatitig kay Asher. Magulo ang kaniyang buhok na hindi ko alam kung kaniyang sinadya. Kumikinang ang hikaw nito sa kaliwang tenga. Hindi ko siya matagalan titigan dahil madilim ang titig nito sa akin. Parang binabasa nito ang lahat ng iniisip ko.


“Mukhang nag enjog ka kasayaw si David,” he said using his husky voice.


“Of course. Nabitin nga ako. Wait- Bakit alam mo?”

Tumaas ang kilay niya sa akin. “Because I'm watching you. Simula nang pagsasayaw niyo hanggang dulo. Pinapanood ko lang kayo, Astrid.”

Inikot ako nito hanggang mapunta siya sa aking likuran. Hawak pa rin niya ang aking magkabilang kamay na nakakros sa aking bandang tiyan. Ang ulo ni Asher ngayon ay nasa gilid ng aking mukha. Ramdam ko ang bawat paghinga nito.


“They say….your last dance is more memorable than your first dance. I guess I'm your last dance,” he whispered softly.


Ibinalik niya ulit ang posisyon namin kanina. Magkaharap na kami ngayon.


“Huwag kang masyado nagpapaniwala sa sinasabi ng iba, Asher. Mabilis kang maloloko niyan.”


He chuckled.

“Asher,” sabay kaming napabaling ni Asher sa pagtawag sa kaniya.

Si Natasha na nakatingin kay Asher na walang suot na maskara. Kunot ang noo nito.


“Natasha,” sambit ni Asher.


“Can we talk?”

Sinubukan kong alisin ang pagkakahawak ni Asher sa akin ngunit lalong humigpit lang ito. Hinigit pa niya lalo ang aking katawan palapit sa kaniya. Napatingin sa akin si Natasha.


“Can't you see, Natasha?” humarap sa akin si Asher. “Kasayaw ko ang girlfriend ko.”


Bahagya akong nagulat. Ngunit napagtanto ko na girlfriend ako ngayon ni Asher tuwing kaharap namin si Natasha. I think this is the start of the show. Kailangan kong magpanggap na girlfriend niya.


“Bakit gusto mo makausap si Asher, Natasha?” I asked her with my possessive voice. This one is too easy for me. Being bitch in front of her.


Nasa akin ngayon ang atensyon nito. Napatingin ito sa kamay kong humawak sa kamay ni Asher na nasa baywang ko.


“Why do you need to know? Hindi naman ikaw ang gusto kong maka-usap.”

“Because I'm his girlfriend? I have the right to know.” My brows lifted.


“Shut up, Astrid! Alam kong si David ang gusto mo.” Tumataas baba ang dibdib nito at namumula ngayon ang kaniyang pisngi. Siguro ay sa galit.



Humigpit ang hawak ko kay Asher.


“People change, Natasha,” maikling sagot ko.

Tumingin ako kay Asher para humingi ng tulong dahil pakiramdam ko ay mag iiskandalo si Natasha rito. Malaking gulo iyon. Pumayag ako kay Asher dahil sa pangako nitong hindi makakarating kay David. Kung gagawa ng skandalo si Natasha ay kakalat ito.


“Hindi ito totoo ‘di ba, Asher?” nagsusumamong tanong nito kay Asher.

Bumaling ang namumungay na mata ni Asher kay Natasha.


“Kami na ni Astrid, Natasha.”


Namuo ang mga luha ni Natasha. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Nakaramdam ako ng konsensya sa ginagawa namin ni Asher.


“N-No, Asher. Ginagawa mo lang ‘yan dahil pinagseselos mo ako, right?”

Humakbang si Natasha palapit kay Asher at hinawakan ang braso nito.


“Hindi, Natasha.”


“Tama na, Asher. Alam kong pinagseselos mo lang ako.”


Inalis ni Asher ang pagkakahawak sa aking baywang para alisin ang kamay ni Natasha. Damn! What a heartbreaking scene?!


“Kami na ni Astrid, Natasha. Bakit mo ba ‘to ginagawa?”


Napaatras ni Natasha at hindi makapaniwalang nakatingin kay Asher. Namumuo ang luha nitong tumalikod sa amin. Sinundan ko ito nang tingin na nawala sa kumpol ng mga tao.


“Sabihin mo nga sa akin, paano siya babalik kung ganyan ang ginagawa mo? Bakit parang binabalikan ka na niya? Di ba iyon ang gusto mong mangyari?”


Umiling siya sa akin at kinuha ulit ang kamay ko para sumayaw ulit.


“Hindi siya bumabalik sa akin, Astrid. Pinapalayo lang niya ako sayo. Wala siyang sinasabing babalik siya.”


Ang gulo naman ng relasyon nila kung ganon. Gusto niya lumayo sa akin si Asher pero ayaw naman niya balikan.


“Sa tingin mo babalikan ka pa niya?”


I can see in his eyes the frustration. “Babalik siya. Lalo siya gaganahan na paglayuin tayo. Alam niyang mahal ko siya kaya gagawa siya ng paraan. I know her well.”



Saturday morning, pababa ako ng hagdan nang mamataan ko si Asher na nakadekwatro ng upo sa aming sala. Ikot-ikot ang mata nito. Patakbo naman akong bumababa ng hagdan para puntahan siya.


“Anong ginawa mo rito?” mahinang tanong ko at napalingon sa kusina.


“Sino ang papasok sa'yo?”


“Mama mo,” sagot niya.


“Bakit ka nga nandito?”


“Hindi ba sabi ko sa'yo aalis tayo? Pupunta tayo ng mall, nandoon si Natasha.”

Napahawak na lamang ako sa aking noo. Hindi ko isinaisip ang sinabi niya kahapon. Alam kong aalis kami pero hindi ko alam na ngayon at pupunta pa talaga siya sa bahay. Nakapang tulog pa ako at hindi pa naliligo.


“Astrid, gising ka na pala. Ipapagising na sana kita dahil nandito si Asher pero sabi ni Asher ay hintayin ka nalang magising.” Pag sulpot ni Mama.


“M-May pupuntahan kami, Ma,” nahihirapang sabi ko.



“Ganon ba? Kumain ka muna bago ka umalis. Ikaw, Asher, kumain ka na ba?” baling ni Mama kay Asher na nanonood sa amin.


Ngumiti si Asher kay Mama. “Tapos na po, Tita. Hihintayin ko na lang po si Astrid.”


“Oh sige. Astrid, pumunta kana roon. Huwag mo na paghintayin si Asher ng matagal.”


Sumunod naman ako kay Mama papuntang kusina. Sinimangutan ko muna si Asher bago tumalikod dito.


Mabagal ang pagkain ko hindi katulad nang sinabi ni Mama na bilisan ko. Maghintay si Asher doon dahil siya naman ang may kailangan.


“Okay na kayo ni Asher? Ngayon lang siya ulit pumunta rito.” May panunuksong tono ni Mama.

Nahirapan tuloy ako sa kinakaing pancake. “O-Opo, Ma.”


Mas okay na ang alam ni Mama ay magkaibigan na ulit kami ni Asher kaysa naman sabihin ko na boyfriend ko ito pagkatapos kong aminin na si David ang gusto ko. Mas malaking usap iyon.


“Mabuti naman. Saan nga pala kayo pupunta?”


Ininom ko ang isinalin na juice ni Mama. Kontang kota na ako sa pagsisinungaling ngayon araw. “Kina Aloisia, Ma. May tatapusin lang kami.”


“Paano nga pala kayo nagka-ayos? Kinausap mo siya?”


Mabilis kong isinubo ang huling pancake at mabilis na nilulon. “Ma, gagayak na ‘ko. Naghihintay si Asher.”


“Sige, mag iingat kayo, ah. Aalis na rin ako pupuntahan ko ang Papa mo.”


Humalik ako sa kaniya bago tumalikod. Kung hindi ako aalis doon ay tiyak na marami pang itatanong sa akin si Mama. Ayoko na dagdagan pa ang kasinungalingan ko. Baka mahuli pa ako nito na nagsisinungaling. Matalino pa naman ang Mama ko.


“Kailan naman kami magkikita ni David?” tanong ko kay Asher pagkapasok ko ng sasakyan niya. Isinuot ko ang seat belt at ibinaba ang umangat na dress.


“Pinagbigyan kita ngayon. Dapat kami naman ni David ang susunod.”


Pinaandar nito ang sasakyan. “Kailan mo ba gusto?” tanong niya habang lumalabas ang sasakyan sa mataas naming gate.


“Next week? What do you think? Free kaya si David non?”


“Fine next week,” tamad na sagot nito.


Binalingan ko siya. Tamad itong nakahawak sa manubela.


“Paano kung busy si David non?”


Taas kilay itong saglit na bumaling sa akin bago ibalik ang atensyon sa kalsada. “Trust me, kaya ko kayong pagkitain kahit busy siya.”


Okay naman pala e. Maasahan naman pala siya. Mukhang mapapadali ang plano ko kung ganito kadali pasunurin si Asher.


“Paano kung mas unang naging kami ni David kaysa magkabalikan kayo ni Natasha?” tanong ko habang sabay kaming naglalakad papasok ng mall.


“It’s up to you.”


“Huh?”


Hinawakan nito ang aking baywang para mapalapit sa kaniya. “It’s up to you kung tutulungan mo pa rin ako.”


“What if naman kung makarating kay David itong ginagawa natin?”


“Tell him we’re just friends. Hindi naman ‘yon maniniwala.”


May point naman si Asher. Alam na alam niyang mahal ko siya kaya imposible siyang maniwala kung makakarating ‘yon sa kaniya. Mas maniniwala siya na okay na ulit kami ni Asher.


Nagpadala lang ako sa pag giya sa akin ni Asher. Nasa salon daw si Natasha pero hindi ko alam kung saang salon. Good timing na rin dahil gusto ko magpa manicure.


Pag pasok namin ng salon ay agad kong nakita si Natasha na nakaupo sa harap ng salamin. Inaayos ng bakla ang buhok nito. Hindi nito kami agad nakita dahil nakatutok ito sa kaniyang cellphone. Pero nang mag angat ito nang tingin sa salamin ay nagkasalubong ang mata namin. Halatang nagulat siya sa biglang pag ayos nito ng upo.


“Asher! Long time no see!” sigaw ng isang bakla palapit kay Asher.


I see. They are regular customers here.

“Mag papahair cut ka? Humahaba na ang buhok pero bagay sa'yo ah!”


Tumawa si Asher sa bakla na mukhang babae sa pananamit nito. “Hindi ako, yung girlfriend ko. Magpapakulay siya.” Pag turo ni Asher sa gawi ko.


Gusto kong umalma dahil hindi naman ako mag papakulay pero malaki ang ngiti ng bakla na lumapit sa akin. Hinawakan nito ang aking buhok.


“Girlfriend ka ni Asher? In fairness magaling pumili ah.” pag ngiti ng bakla sa akin.


“Halika maupo ka na.”


“W-Wait, hindi po ako magpapakulay. Uhm…trim lang po.”


Dinala ako nito sa upuan na kaharap ay salamin. Talagang pinagtabi pa kami ni Natasha. Tinapunan ko ito nang tingin pero ang mata nito ay nasa sariling repleksyon.


“Hintayin nalang kita rito, babe.” Pag lapit ni Asher sa akin at turo sa sofa sa aking likuran. Pigil naman ang ngiti ng baklang nakatayo sa tabi ko.


“S-Sige,” mahinang sagot ko.


This is awkward! Imposibleng hindi nila alam na naging girlfriend ni Asher si Natasha na siyang katabi ko. Lalo na't regular customer sila.

Last Ride(Last Series#02)Where stories live. Discover now