CHAPTER 44

315 15 2
                                    

Fine


Pagbalik namin ni Lexy sa sala ay naiba na ang pwesto ng mga kasama namin. Si Princess na ngayon ang nakaupo sa single sofa at sa kaninang inuupuan ko ay nasa magkabilang dulo si David at Sofie. Wala akong choice kundi ang umupo sa pagitan nila.


Hindi ko malabanan ang tingin ni David ngayon sa akin. Ramdam ko ang panonood niya sa bawat galaw ko.


“Huwag ka na uminom ng alak, baka matapunan ka lang ulit,” mahinang sambit niya pagkaupo ko sa sofa. Tumango lamang ako.


“Ako na ang maghahatid sa iyo. Wala ka naman yatang dalang sasakyan ‘di ba?” muling aniya sa mababang boses. Inilapit pa nito ang mukha sa akin para marinig siya. Natatakot naman ako na marinig niya ang kabog ng puso ko. Sumasakit na ang dibdib ko sa patuloy ng malalakas na kabog nito. Pinagpapawisan din ako ng malamig. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon pero nangingibabaw ang takot. Takot na may magawa akong mali.



“Su…susunduin ako ni Asher,” halos ibulong ko nalang ito.


“Sana magkaroon tayo ng oras na tayong dalawa lang. May sasabihin sana ako sa ‘yo.”


Napaangat ako nang tingin kay David. Malambot ang ekspresyon nitong nakatitig sa akin. Habang nakatingin ako sa kaniyang mga mata ay bigla akong nakaramdam ng lungkot. Bumigat ang puso ko. Ang daming tanong na namuo sa isip ko na hindi ko masambit dahil natatakot ako. Natatakot ako na yung maayos ko ng mundo…..ay muling magulo.

Naputol ang pagtitig ko kay David dahil sa isang tikhim.


“Sorry, nasamid lang ako,” si Princess. Ngumiti ito sa amin ni David bago bumaling sa pinapanood.


Ang tanging volume lang ng pinapalabas ang maririnig sa sala kaya naman nung tumunog ang aking cellphone dahil sa isang tawag ay nabulabog sila.


“I’m sorry, tumatawag si Asher. Sasagutin ko lang.”


Tumayo ako at lumayo para sagutin ang tawag.


“Love-”


“Nasa labas ako.” Pagputol nito sa akin. Nilingon ko ang mga kasamahan at naabutan kong nakatingin sa akin si David habang umiinom ng alak, kaya naman tumalikod muli ako.


“Ha?” nalilitong tanong ko.


“Nasa labas ako ng bahay nila Lexy.”


Sinipat ko ang aking relo. Alas onse pa lang at hindi nasunod ang sinabi niyang twelve midnight ay susunduin ako.


“Anong ginagawa mo diyan? Hindi ba dapat 12 pa?” bulong ko.


“Nandiyan si David?”


Nanigas ang aking katawan the moment he mentioned David’s name. Talagang puno na ng kaba ang gabing ito.


“H-How did you know?” nangatal ang labi ko.


“Hindi ko ba dapat malaman?”


Muli akong tumingin sa mga kasamahan at si Princess naman ang naabutan kong nakatingin sa akin. Mabilis itong nagpanggap na napaadaan lang ang tingin sa akin. Siya ang unang pumasok sa isip ko na may posibilidan na sabihin kay Asher na nandito si David.


“He is here. But….I didn’t know na pupunta siya rito. Lalabas na ako, hintayin mo ‘ko.”


I decided to go home with Asher. Hindi ko na kaya pang manatili dito ng matagal. Sobrang gulo ng isip at puso ko ngayon.


“Guys, I'm sorry….I need to go home na. Nandyan na si Asher sa labas,” I said. Muli silang napalingon sa akin.


“Ha? Ang aga pa, ah! Akala ko ba 12?” reaksyon ni Lexy.


“Babawi ako next time, don’t worry.”


Nakita ko ang dismaya sa kanila. Pero hindi ko akalain ang pagtayo ni Princess at David.


“Uuwi na rin siguro ako. Sasabay nalang ako kina Astrid.”

Sunod-sunod akong napalunok. “Akala ko ba….may sasakyan ka?”


Tumaas ang isang kilay nito. “Marami akong nainom at isa pa dadaanan naman ni Chad ang bahay namin.”


Hindi na ako nakapagsalita pa. Siya ang dahilan kung bakit gusto ko na umuwi pero talagang naisipan pa niyang sumabay sa amin.


“Ikaw, Princess? Uuwi ka na rin?” tanong ni Sofie.


“Pwedeng makisabay din, Astrid? Dadaanan niyo rin naman yung amin. Kahit sa kanto lang ako, magpapasundo nalang ako roon.”


Wala ako sa sariling tumango kay Princess. Tatlo kaming lumabas sa bahay nila Lexy. Malayo pa man ay kitang-kita ko na si Asher na nakasandal sa harapan ng sasakyan habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa. Naiilawan galing sa isang poste ang madilim na titig nito. May kung ano sa aking tiyan na nagwawala habang tinitingnan si Asher.


Nakurot ko nalang ang sarili kong daliri. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Asher gayong nakita pa niyang kasabay ko lumabas si David.


“Ang aga mo….” Bungad ko sa kaniya pero hindi sa akin nakatingin si Asher, kundi kay David. Tumayo ito ng hindi inaalis ang tingin kay David. Parang may namumuong tensyon sa kanilang dalawa kaya muli akong nagsalita.


“Sasabay daw si Princess at si D-David,” ani ko. Nakuha ko naman ang atensyon ni Asher. Blangko ang tingin nito sa akin.


“Get in,” malamig na sambit niya at tumalikod para pumasok ng sasakyan.


Matigas akong napalunok. Alam kong hindi niya gusto ang nangyayari ngayon. Binalingan ko naman ang dalawa.


“Pasok na kayo.”

Sumakay ako sa front seat at sa back seat naman ang dalawa. Habang bumabyahe ay nakakabingi ang katahimikan, hindi ko alam kung paano ko iyon babasagin.


“Next time you should come with us, Asher,” biglang pagsasalita ni Princess. Tinapunan ko nang tingin ang katabi na wala paring imik. Mahigpit ang hawak sa manubela at titig na titig sa daan. Tila bang malalim ang iniisip.


“Sobrang saya siguro kung nandoon ka. Hindi ba, Astrid, ang saya kanina? Natapunan ka nga lang ng beer sa damit buti pinunasan ni David,” lintanya ni Princess na ikinatigas ng katawan ko. Hindi ako makalingon ngayon kay Asher pero naramdaman ko ang saglit na paglingon nito sa akin.


Nagngingitngit naman ako sa inis kay Princess. She doesn’t need to bring up this topic! She knows how awkward it is! Sabi ko na nga ba, maling idea na sumabay siya sa amin. Dapat pala pinaglakad ko na lang.


“Sa braso lang niya ako pinunasan, Princess. Pinagpalit ako ni Lexy,” madiing sabi ko. Ngumiti lang sa akin ito at tumahimik.


“Diyan nalang daw si Princess sa kanto.” Pagturo ko sa bababaan ni Princess. Unti-unti namang bumagal ang takbo ng sasakyan.


“Uhm….pwede ba pahatid na sa bahay? Alam mo naman, Asher, yung bahay namin ‘di ba?” mapinong boses ni Princess. Sa paglingon ko sa kaniya ay pilit kong hindi maligaw kay David ang tingin ko.


“Akala ko ba may susundo sa ‘yo?”


“Ahh…itetext ko pa kasi. Saka madilim diyan.”


Pinigilan ko ang mapairap. “Dapat nung paalis na tayo sa bahay nila Lexy nagtext ka na. Saka paano naman malalaman ni Asher yung bahay niyo?”


“He went there last week. Right, Asher? Hinatid niya ako.” Matamis na ngiti nito. Kunot noo naman akong tumingin kay Asher pero hindi ako nito tiningnan. Basta nalang niya pinaandar ang sasakyan at lumiko sa kanto nila Princess.


Hindi niya iyon sinabi sa akin. O baka naman kapag nagtanong ulit ako, ang magiging sagot na naman niya ay hindi naman iyon importante kaya nakalimutan na niya.


“Thanks, Asher. Lakas ko talaga sa ‘yo,” si Princess paghinto ng sasakyan sa tapat ng bahay niya. Tinanguan naman siya ni Asher. Hindi ko na mapigilan ang mapairap sa hangin ngunit hindi iyon nakita ni Princess. Humalukipkip na lamang ako at tumingin sa bintana sa aking gilid.


“Sa bahay niyo ba ikaw uuwi, David?” pagbasag ni Asher sa katahimikan. Ngunit ang lamig ng kaniyang boses ay nandoon pa rin.


“Oo,” sagot ni David.


“Unahin na kita ihatid bago si Astrid.” Lumingon ako kay Asher at naabutan ko itong nakatingin sa akin. Wala sa sarili ulit akong tumingin sa aking gilid. Sobrang nakakapagod ang gabing ‘to. Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko kaya alam kong sa pag-uwi ko ng bahay, kahit gaano ako kapagod ay hindi ako makakatulog. Babalikan ng isip ko ang mga nangyari at nalaman ko ngayong gabi.


“Bakit? Una naman natin madadaanan ang bahay nila Astrid.”


Suminghap sa hangin si Asher. “Gusto ko siya makausap,” may pagpipigil sa kaniyang boses.


“Si Astrid na ang unang ihatid. Look at her, can’t you see she looks tired?” pamimilit ni David na ako ang ihatid.


“Are you tired?” tanong naman sa akin ni Asher.


“Yeah,” mababang boses ko.


“I see. Let’s talk about it over the phone.”

May narinig akong bulong sa likuran mula kay David ngunit hindi ko iyon naimtindihan.


Una nga akong inihatid ni Asher sa bahay. Sa pagbaba ko ng sasakyan ay bumaba rin siya.


“Can we talk later?”


“Sure,” matabang na sagot ko. Hindi pa rin talaga maalis ang pait sa puso ko sa hindi niya pagsabi sa akin na inihatid niya si Princess.


“I know you are mad…and I'm mad too. Let’s fix this thing kapag nakauwi na ako,” kalmadong sabi niya saka ako hinalikan sa aking labi. Hindi ko napigilan na mapatingin sa kinapupwestuhan ni David. Hindi tinted ang dalang sasakyan ni Asher kaya naman nakita ko kung gaano kalamig ang tingin ni David sa amin. Ako ang kusang umiwas.


“Papasok na ako.” Pamamaalam ko.


“I love you.”


Napayakap ako sa aking braso sa pag-ihip ng hangin. “Mag-ingat ka. Huwag-”


“I said I love you.” Paghawak ni Asher sa magkabila kong braso. Kumunot ang noo nito.


“I love you too,” mahinang banggit ko.

He sighed. “Pasok ka na. Aalis ako kapag nakapasok ka na.”


Tumango ako at nakayukong naglakad papasok ng bahay. Sa pagsara ko ng gate ay narinig ko naman ang pagsara ng pintuan ng sasakyan niya hudyat na umalis na sila. Silang dalawa lang sa loob ng sasakyan. Alam kong mas mahaba ang pasyensya ni Asher kaysa kay David, kaya sana ay makauwi sila ng matiwasay. Baka magkainitan pa sila sa gitna ng byahe.


Malakas akong napabuga ng hangin at napatingala sa langit. Gulong-gulo na naman ang isip ko. Sumasakit na naman ang ulo ko at para akong mababaliw. Kalaunan at napasabunot nalang ako sa aking buhok. Ako? Mahal pa ni David? How come? He didn’t love me in the first place.


Habang pinupunasan ng towel ang aking basang buhok dahil napili kong maligo, ay siyang pagtunog ng cellphone ko. Tumatawag na si Asher. Kinuha ko iyon at naupo sa harap ng salamin.


Wala agad nagsalita sa aming dalawa ngunit naririnig ko ang bawat paghinga ni Asher. Siguro katulad ko ay hindi niya alam kung saan siya magsisimula.


“I was….mad and jealous,” pagsisimula niya. Hindi ako nagsalita at pinakikinggan lamang siya bago ako naman.


“Galit ako. Nakaramdam ako ng galit hindi sa ‘yo kundi kay David. Nung nalaman kong nandoon siya….nakaramdam ako agad ng galit, Astrid.” Dagdag niya.


“I didn’t know he was there….I swear,” sabi ko. Bumuga siya ng hangin.


“Pero siya alam niyang nandoon ka. Kaya pala kabilis magbago ng isip ng gago! Kasi narinig niya na ihahatid kita do'n. Tangina diskarte rin, eh!”


“Asher, ano bang sinasabi mo?” may halong takot na tanong ko. Hindi ko alam kung may alam ba si Asher sa dahilan ng pagbabalik ni David. Pero sa mga kinikilos niya ay parang oo.


“Tangina, Astrid….hindi ako selosong tao, eh. Pero kapag si David ang usapan? Iba na ‘yon, eh. As I said, I am trying my best to understand that he is just your past, pero….hindi pa ako okay. Please understand me kung bakit ako nagkakaganito.”


Pasandal ang aking batok sa aking kinauupuan. “Naiintindihan ko naman, Asher, kaya nga ‘di ba sabi ko didistansya ako sa kaniya? Kung alam ko naman na nandoon siya hindi ako pupunta, eh.”


“I know…I know because I trust you. I'm sorry,” paos na ani nito sa huling salita nito.


Napapikit ako sa biglang pagbigat ng dibdib ko. Ako yung gustong mag sorry sa kaniya pero hindi ko masabi. Gusto ko mag sorry sa kanya sa naging reaksyon ko sa sinabi sa akin ni Lexy kahit hindi niya iyon nakita. Gusto kong magsorry dahil pakiramdam ko ay mali iyon.


“Paranoid ako. Paranoid ako sa mga kinikilos ni David. Alam kong kaya niya akong tablahin dahil ginawa na niya ‘yon isang beses. Tuwing lalapit siya sa ‘yo pakiramdam ko may balak siyang kunin ka sa akin.”


“Hindi, Asher,” agap na sagot ko. “Kahit may balak siya gawin ‘yon hindi pa rin niya ako makukuha. Nasa tamang tao na ako, bakit pa ako babalik sa minsang dumurog sa akin?” may kompyansang dadag ko.


“Naniniwala ako sa ‘yo, Astrid. Lagi akong maniniwala sa ‘yo na hindi mo ako dudurugin.”


Tumayo ako sa upuan at dumiretso sa kama.


“Paano mo nalaman na nandoon si David? Si Princess nagsabi sa ‘yo?”


“She messaged me.”

I knew it!

“Ikaw….bakit hindi mo sa akin sinabi na hinatid mo si Princess? Pagkakatanda ko wala ka sa aking nabanggit last week.”


“Nakiusap yung manager niya sa akin , Love. Hinatid kita non at nagkita kami sa lobby. Nakiusap sa akin yung manager niya na ihatid sila.”


“Hindi mo pa rin sinabi sa akin.”


“I’m sorry. Hindi na ‘yon mauulit. I promise.”


That girl. I'm just controlling myself na hindi magsalita ng mga pangit na salita sa kaniya. I'm trying to be nice as much as I can pero hindi ko alam kung hanggang saan kaya ng pasyensya ko. Nanghihimasok na siya ng relasyon namin at isa na rin siya sa dahilan ng pag-aaway namin ngayon ni Asher.


Unknown:
Can we meet tomorrow? I have something important to tell you.

Unknown:
Please?


Magkasunod na text sa akin na aking nakatanggap habang nakatitig sa aking kisame. Alam kong si David iyon base sa text niya noon pa na hindi ko na delete. Iyon noong tinanong niya sa akin si Asher. Hindi ko rin na save ang number niya.


Napabangon ako at napatulala sa aking cellphone. Napahawak ako sa aking dibdib sa pagiging abnormal na naman ng tibok nito. Alam kong ang dapat kong gawin ay sagutin siya na hindi pwede pero hindi ko magawa. Dahil kanina pa may tumatakbo sa isip ko na gusto kong magkaroon ng kasagutan mula sa kaniya.


Unknown:
Night ride tomorrow? Don’t tell Asher he will get mad. May sasabihin lang ako.

Muling text niya. Nagtipa ako ng aking sasabihin.


Reply:
Can’t you say it here?

Unknown:
No. I want to say it personally.


Ngayon pa lang ay humihinga na ako ng sorry kay Asher sa isip ko sa gagawin ko. Ngunit pinapangako kong isang beses lang ito. Gusto ko lang magkaroon ng peace of mind pagkatapos nito ay wala na. Isang itong mahirap na desisyon dahil may takot ako na malaman pa rin ni Asher kahit hindi ko sabihin na nakipagkita ako kay David. Pero bahala na. Bahala na bukas.


Pinapangako ko na ito ang huling sisirain ko ang pangako ko kay Asher. Dahil alam kong magagalit siya kapag nalaman niya ang gagawin ko, pipiliin ko nalang na hindi iyon ipaalam sa kaniya.


Reply:
Fine.


Pagpayag ko kay David.

Last Ride(Last Series#02)Where stories live. Discover now