CHAPTER 29

353 12 2
                                    

Pagbaksak


Nandito ulit ako sa dating sitwasyon ko, kung saan pinapanood ko kung paano mag-aral si David sa library at hindi malapitan dahil napapaligiran siya ng mga kaklase. Ang pinagkaiba lang ay iba na ang estado ng relasyon namin ngayon. Sinubukan ko siyang imessage para ipaalam na nandito ako, kaso ay hindi ko napansin na hinawakan nito ang cellphone. Tutok na tutok siya sa ginagawa at hindi nakikipag-usap kahit sa kaklase. Para din siyang iritable sa ginagawa niya  bawat pagkunot niya ng noo at napapailing na para bang mali ang kaniyang ginagawa.



Nawala ang focus ko kay David sa pag-upo ni Asher sa harapan ko. Nilingon pa nito ang pwesto ni David sa tatlong mesa ang pagitan sa amin bago ulit ako balingan.



“Anong ginagawa mo dito?” walang ganang tanong ko kay Asher.


“Kailangan ba may gagawin kapag pumunta rito?”


Napabuntong hininga nalang ako. Wala akong gana makipagtalo o makipag-asaran sa kaniya.


“Hindi ka nag lunch.” Inilabas niya ang cellphone na tumunog pero pinatay din agad saka ibinalik sa bulsa.


“Ano naman ngayon?” mataray na tono ko.


“Bakit hindi ka naglunch?”



Inis akong tumingin kay Asher. “Bakit kailangan mong problemahin pati yung pagkain ko?”



“Bakit din ba kasi pipiliin mong hindi kumain ng lunch para lang puntahan dito si David?” he tilted his head.


I sigh heavily, trying to calm myself. I don’t want to argue with him right now as much as I can. May bagay na kailangan akong pagtuonan ng pansin kaysa ang makipagtalo kay Asher.


“Asher, please lang. Please lang, huwag mo muna ako guluhin kahit ngayon araw lang. Wala ako sa mood para makipagtalo sa ‘yo, okay?” nauubos pasyensyang pakiusap ko.


“Asher! Ano ba?!?” pigil na sigaw ko sa paghatak nito sa akin patayo.


“Bitawan mo ‘ko, Asher.” Pagbabanta ko.


He didn’t listen to me. Hawak ang aking pulsuhan ay hinila niya ako palabas ng library. Hanggang sa makarating kami sa hallway kung saan walang mga estudyante.



“Ano bang problema mo, Asher?! Wala ako sa mood okay?”


Hinarap niya ako at binitawan ang pagkakahawak sa akin. Saglit siyang napatingala para humugot ng malalim na hininga. Para siyang problemado ngayon.


“Astrid…..listen to me.” Pagsisimula niya.


“No, Asher. You need to listen to me. Huwag mo muna akong guluhin ngayon. Kahit ngayon lang. Marami akong iniisip kaya hayaan mo muna ako. Okay?”


Humakbang ako patalikod sa kaniya ngunit nakakatatlong hakbang palang ako ay pinigilan na niya agad ako para mapaharap ulit.


“Astrid, you need to distance yourself from David.”


I stared at him. Inuunawa kung ano ang sinabi niya. Why do I need to distance myself from David? I'm his girlfriend in the first place.


“Ano bang sinasabi mo, Asher? Bakit ko naman gagawin ‘yan?”


Muli siyang napabuntong hininga. Hinawakan ang magkabila kong balikat at tinitigan sa mata. Nakaramdam ako ng kaba sa mga titig ni Asher sa hindi malamang dahilan.


“Kung napapansin mo…..lalong nagiging tutok sa pag-aaral si David. Astrid, humihina si David sa academics. Kinausap ako ng magulang niya kung may girlfriend siya dahil parang distracted siya lately.”


Bigla akong naguluhan. Paano nangyari ‘yon?


“Pero…..paano siyang bababa? Hindi ko siya ginugulo tuwing nag-aaral siya, Asher. Minsan lang kani mag-usap at hindi na kami lumalabas. Lagi niyang sinasabing nag-aaral siya.”


Yes, I noticed lately he's busier than as usual. We don’t talk anymore at night because he always says he needs to study. Dito lang kami nagkakausap ni David sa school at saglit lang iyon. Kinakumusta lang niya ako, kaya paanong naging distracted siya? Saan siya distracted? Paano pa siya bababa kung wala siyang ginawa kundi mag-aral? Naging doble pa nga ang oras na ginugugol niya sa pag-aaral.



“Hindi ko alam, Astrid. Basta dumistansya ka muna kay David.”


Mabilis akong napailing. “No, Asher. Bakit ako lalayo sa kaniya kung feeling ko mas kailangan niya ako ngayon? Girlfriend niya ako, Asher. Hindi ba kailangan ko siya imotivate as a girlfriend?”


Napatigil si Asher at napatitig sa akin. Para bang siya ang nahihirapan sa relasyon namin ni David. Nanantiya ang kaniyang mga mata.


“Hindi mo naiintindihan, Astrid. Hindi niya kailangan ng motivation mo. Kailangan niya mag focus. Kapag nasa ganung sitwasyon si David, gusto niya mapag-isa. Kaya hindi siya umuuwi sa bahay nila dahil napepressure siya do'n. Ayaw lang kita masaktan, Astrid. This is for your own sake.”


Nakaramdam ako ng panghihina sa narinig ko. Yung pakiramdam na hindi ako kailangan ni David at ang kailangan pa nga niya ay ang paglayo ko.


“B-Bakit naman ako masasaktan ni David?”


“Dahil mainitin ang ulo niya. Baka kung ano ang masabi niya sa ‘yo na ikakasakit mo. Ikaw nalang muna ang dumistansya, Astrid, dahil baka ikaw pa ang mapagbuntungan ng galit niya. Lalo na’t naghihinala yung mga magulang niya na may girlfriend siya kaya napapabayaan niya yung pag-aaral.”


Hindi pa pala sapat yung distansyang ginagawa ko para makapagfocus siya sa pag-aaral. Paanong distansya pa ba ang gagawin ko? Hindi na kami nag-uusap sa phone o kahit anong social media accounts. Talagang dito nalang kami nag-uusap sa school tuwing pinupuntahan ko siya sa labas ng room niya. Ibig sabihin pala ay pati ang pagpunta ko sa kaniya at kailangan ko na iwasan. Pero kung hindi ko siya pupuntahan, paano kami makakapag-usap kahit saglit?


“Asher…..isang buwan na kami hindi nag-uusap ni David.”


Nasa garden ako kasama ni Asher, walang ganang nakasandal sa mga balikat nito.


One month of distancing myself from David. I distanced myself like what Asher said that I need to do. Walang message, walang tawag, at hindi ako pumupunta sa room niya. Siguro ay ganun nga talaga ang kailangan ni David dahil hindi niya rin ako kinocontact. Si Asher lang ang tanging mata ko kay David. Sabi niya ay madalas sa hospital si David. Pero hindi ko maiwasan na mamiss siya. Miss na miss ko na siya.



“Gusto ko na siya makita at makasama, Asher.”


Naramdaman ko ang malalim na paghinga niya. “Bukas.”


Bigla akong napatuwid sa pagkakaupo at nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Asher.


“A-Anong bukas?”


“You can see him tomorrow.” Hinagod ng kamay nito ang buhok pataas bago tumayo.


“Teka! Paano? Saka…..pwede na ba?”


“Sa bahay bukas…..pumunta ka. Nandoon siya sa bahay. Kausapin mo siya. Wala naman sigurong masama sa isang araw na makita mo siya after one month.”


Isang araw lang. It means after that day, back to normal again. No calls, no messages, and no communication. Kailan babalik ang dati? Kapag graduate na kami? Kapag wala na siyang aalahanin na grades? Ang tagal pa non. Ilang buwan pa.


“Thank you, Asher. Tinutulungan mo pa rin ako kahit hindi na kita natutungan kay Natasha.”


Napabalik si Asher sa pagkakaupo sa tabi ko. Nakadekwatrong sinusundan nang tingin ang mga estudyanteng dumadaan.


“I want to be honest with you…..hindi ko gusto yung ginagawa ko, Astrid. Wala lang akong choice. Hindi kita kaya makitang malungkot.” Matipid ang ngiting iginawad niya sa pagharap sa akin. Ngunit hindi iyon umaabot sa kaniyang mga mata. “Ayoko si David para sa ‘yo, pero mas ayokong makita kang malungkot katulad nito.”


I feel the sincerity in his voice. Alam ko ang dahilan kung bakit ayaw niya si David para sa akin. Sa simula palang ay pina-realize na niya iyon, pero wala siyang magawa dahil gustong-gusto ko si David.


“Bakit….sino ba ang gusto mo para sa akin?”


Mahina siyang napatawa at napaiwas nang tingin.


“Kung sino yung poporma sa ‘yo kapag nagbreak kayo ni David.”


Hinampas ko ang braso nito na lalo niyang ikinatawa.


“Bakit kilala mo ba kung sino yung poporma sa akin? Ha?! At anong kapag nag break kami ni David? Hindi kami maghihiwalay no!”


Sa paghampas ko ulit sa kaniya ay sinalo na niya ang kamay ko at hinatak patayo. Umakbay sa sa ‘kin saka iginiya pabalik ng room.


“Sinagot ko lang naman yung tanong mo kaya chill ka lang. Bahala ka baka sulutin ka non habang hindi kayo okay ni David. Gwapo pa naman ‘yon.”


Mahina ko siyang siniko sa tiyan. Hindi ko malaman kung nagbibiro lang ito. At napapaisip din ako kung sino ang tinutukoy niya. Parang kilalang-kilala nya e.


“Sino ba yung tinutukoy mo?”


“Huh? Sure ka gusto mo malaman?” malakas siyang tumawa. “Parang interesado ka ah?”


“Hindi no! Pakealam ko do'n. Kay David lang ako interesado.” Inalis ko ang pagkakaakbay nito ngunit ibinalik niya.


“Experience mo lang si David. Baka yung poporma sa ‘yo pang altar.”


“Experience mo mukha mo!”


Tinawanan lang niya ulit ako.


“Nag-iipon lang ‘yon ng lakas ng loob don't worry makilalala mo rin ‘yon. Actually, kilala mo nga hindi mo lang napapansin.” Kinurot niya ang aking pisngi.


Sininghalan ko lang siya. Hindi ako interesado, tinanong ko lang kung sino. At hindi naman porket na nasa ganitong sitwasyon kami ni David ay hahanap na ako ng iba.


Bumagal naman ang lakad ko nang makita kong makakasalubong namin ni Asher si Natasha. May kasama itong lalaki na nakahawak sa mga kamay niya. Napatingala naman ako kay Asher na walang emosyon ang mukha na nakatingin sa harapan. Parang wala lang sa kaniya ang nakikita.


Bago namin malagpasan ang isa't-isa ay nagtama ang mga mata namin ni Natasha.


“Sino yung kasama niya?” pag iimbestiga ko kay Asher. Nagkibit balikat ito.


“Boyfriend niya siguro.”


Tumaas ang dalawang kilay ko. “Boyfriend? A-Akala ko ba gusto niyo pa rin yung isa't-isa? Saka…..paano ka?”


Tumingala ito sa langit bago bumaling sa akin. “Paano ako? Okay lang naman ako.”


Mukha ngang okay lang siya pero hindi naman lahat ng mukhang okay ay okay talaga. Hindi ko alam kung nagpapanggap lang siyang okay. Kilala ko si Asher, magaling magsinungaling.


“Kailan naging sila? Kailan mo tinigilan si Natasha?”


“Nung nalaman kong naging kayo ni David.”


Huh? Ang tagal na pala at ngayon ko lang nalaman. Hindi kasi nagsasabi ang isang ‘to.


“Hindi ka nasaktan?”


“Hindi naman. Mas masakit pa nga yung mga ginagawa mo sa ‘kin.”


The next day, handa na ako para makita ulit si David. Hindi ko sinabi sa kaniya na pupunta ako ngayon sa bahay nila Asher. Gusto ko siya isurprise at sana nga ay masurprise siya. Sa paglabas ko ng bahay ay nandoon na si Asher nakaabang sa labas ng sasakyan. Ayaw niya ‘ko pagdalahin ng sariling sasakyan dahil baka raw ihatid ako ni David pabalik.


“Anong ginagawa ni David?” tanong ko sa kaniya.


“Ewan ko. Nasa kwarto siya.”


Pinagbuksan ako nito ng pinto at nahirapan pa ako sa pagsakay dahil sa taas ng heels ko.


“Ibig sabihin ba ay papasok ako sa kwarto niya?”


He chewed on his bottom lip. “Oo, Astrid. Pero bawal kayo mag lock.”


Tumaas ang isang kilay ko. “Bakit naman bawal?”


Matalim ang mga mata niyang tumingin sa akin. “Dahil sinabi ko. Kung hindi ka makikinig ay ibabalik ko ‘tong sasakyan ngayon din. Wala kang gagawin do’n kundi makipag-usap kay David. Sinasabi ko sa ‘yo, Astrid, kapag may ginawa kayong hindi maganda, wala ka nang mahihinging tulong sa akin.”


Hindi ko napigilan ang mapairap. Ano naman kung may mangyari sa amin ni David? Boyfriend ko naman siya. Bakit para siyang magulang namin na sobrang affected kung may mangyari sa amin ni David?


“Naintindihan mo ba ako, Astrid?”


“Oo!” labas sa ilong na sagot ko.


“Kakatukin ko kayo. Kapag hindi mo binuksan, susumbong ko kayo sa magulang ni David. Tiyak kong maghihiwalay kayo.” Pananakot niya.


Pagdating sa bahay nila Asher ay nauna akong bumaba pero hinintay ko pa rin si Asher. Umusbong ang kaba at excitement sa akin. Finally, makikita ko na rin si David. Pakiramdam ko ay para kaming LDR pero nasa iisang school lang naman kami.


“Nandito sila tita?”


Hinawakan ni Asher ang aking braso para pumasok na sa bahay nila.


“Wala, may pinuntahan silang event.”


“Aling kwarto si David?” inalis ko ang pagkakahawak nito sa akin. Umupo naman siya sa sala.


“Sa right. Maghihintay ako rito. Tandaan mo yung sinabi ko.”


Tinalikuran ko siyang madilim ang titig sa akin. Mabilis kong hinanap ang kwarto ni David. Nang makita ko ito ay sunod-sunod akong napalunok. Kasing lakas ng tunog ng bawat yapak ko sa sahig ang kabog ng puso ko. Kumatok ako ng tatlong beses bago buksan ang pinto ni David.


Dahan-dahan ko itong binukas at bumungad sa akin ang likod ni David na nakaupo sa swivel chair habang tutok sa laptop na katabi'y makapal na aklat. I don’t know if he didn’t notice my presence or he just too busy to know who entered his room.


“D-David,” I called his name.


Nakita ko ang pagkatigil niya sa ginagawa at dahan-dahang lumingon sa pwesto ko. Nang magtagpo ang mata namin ay ginawaran ko siya ng matamis na ngiti.


“Anong ginagawa mo rito?” muli siyang bumalik sa laptop. Nawala ang ngiti ko at nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Hindi ito yung inaasahan kong salubong sa akin. Hindi ito yung inaasahan kong reaksyon sa kaniya.


“Asher invited me….and nalaman ko na nandito ka k-kaya pinuntahan kita.”


Hindi siya sa akin lumingon man lang. Sa mga oras na ito ay pinipigilan ko na maging emosyonal.


“I see,” maikling sagot niya.


Napakagat ako sa aking labi at malalim na huminga.


“I miss you, David. Isang buwan na tayong hindi nagkikita,” maemosyon na pahayag ko.


“I know. Sobrang busy ko kaya thank you for understanding. Tatawagan nalang kita kung kailan tayo pwede magkita.”


Ano ‘to?! Bakit ganito?! Bakit ganito siya sa akin makipag-usap? Bakit parang wala siyang pakealam sa nararamdaman ko? Parang hindi niya girlfriend ang kausap niya.


“David-”


“Marami akong ginagawa, Astrid. Hindi ba si Asher naman talaga yung pinunta mo?”


Humakbang ako palapit. “D-David…..ngayon lang tayo nagkita. Hindi ba pwedeng kahit saglit lang? Kahit saglit lang na makausap kita at makasama?”


Nagulat ako sa marahas na pagharap niya sa akin. Kitang-kita ko sa mukha niya ang irita at natakot ako roon.


“Ano bang part sa sinabi ko yung hindi mo naintindihan, Astrid?! Sabi ko busy ako! Hindi mo ba ‘yon naiintindihan?! Sabi mo lagi mo akong iintindihin?!”


“I-Iniintindi naman kita, David. Humihingi lang naman ako ng konting time. Kahit ngayon lang tapos….next month ulit,” my voice cracked. Nagsimula rin manubig ang mata ko pero pinigilan ko na tumuloy iyon.


Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. “Hindi ko kayang ibigay sa ‘yo yung konting time na ‘yon. Hindi pwedeng ikaw ang maging dahilan nang pagbagsak ko, Astrid.”


Napatulala ako sa kaniya. Sobrang sakit ng nararamdaman ko at alam kong aware si David doon. Nakikita niya sa mga mata ko ngayon ang nararamdaman ko pero sadyang wala lang siyang pakealam. Sa pagtalikod niya sa akin para bumalik sa ginagawa at tuloy-tuloy nang umagos ang luha sa aking pisngi. Para akong sinaksak sa mga binitawan niyang salita.


Tumalikod ako at nagmartsa palabas ng kwarto niya. Ito siguro yung sinasabi sa akin ni Asher kaya pinapaiwas niya ako kay David. At tama siya….tama lahat ng sinabi niya.


Sa paglabas ko ng kwarto ni David ay hindi ko inaasahan ang sasalubong sa akin. Ang dibdib ni Asher na nagsilbing mga panyo ko. Ang yakap nito na nagsilbing lakas ko para makatayo ng maayos.

Last Ride(Last Series#02)Where stories live. Discover now