CHAPTER 40

369 26 3
                                    

Blue

“Ma…..I'm planning na….sagutin na si Asher.”

Napatigil si Mama sa pagtitiklop ng damit na dadalhin ko sa hotel. Gulat ang mga mata nitong napatingin sa akin habang nakatutop ang palad sa bibig.


“F-For real?”


I smiled. “Yes, Ma. Are you okay with that?”

Kung may una mang makakaalam na sasagutin ko na si Asher ay gusto kong si Mama ang una kong sasabihan. Ayoko na magtago pa sa kaniya kasi noon pa man, sinabi ko na talaga sa sarili ko na sasabihin ko kay Mama na mag bo-boyfriend na ako. Kaso hindi lang naging posible noon.


“Of course! I…I mean…Asher is a good man. But, what about David?” and now she’s worried. Nawala ang nakapaskil na ngiti ko. I think it’s time na sabihin ko kay Mama ang totoo. Handa na akong ipaalam sa kaniya ang parte ng nakaraan ko.


“We broke up months ago, Ma.”


Nanuot sa amin ni Mama ang katahimikan. She looks confused.

“Broke up? Anong broke up? Naging kayo ba?”


Marahan akong tumango. “Yes, Ma. Naging kami and I'm sorry if I have to hide everything about myself at that time. I have my reason, Ma.”


“Naiintindihan ko, Astrid. Pero…pwede sabihin mo sa akin kung bakit kayo naghiwalay?”


Napakagat ako sa pang ibabang labi. Napunta ang paningin ko sa aking kamay na nasa aking kandungan. “He….he cheated on me,” I said with my low voice.


“And you suffer that time alone? Bakit hindi ko man lang nahalata na may pinagdadaanan pala yung anak ko noon?”

Bigla akong nakonsensya sa sinasabi ni Mama. I feel like she’s feel bad for not noticing I was in pain that time.


Hinawakan ko ang mga kamay ni Mama. Matipid ko siyang ginawaran ng ngiti.

“Asher was with me that time, Ma. He stayed at my side.  Huwag ka na malungkot kung hindi mo alam ang nangyayari sa akin noon. That was my choice….my decision. Ang importante ngayon ay ayos na ako.”

Napabuntong-hininga si Mama.


“At ngayon ay sasagutin mo si Asher? Anak, are you sure about that? Napag-isipan mo na ba ‘yan mabuti? Baka makasakit ka sa dulo niyan.”


“What do you mean, Ma?” pag pilig ko ng aking ulo. Hindi ko alam kung bakit ganito mag worry si Mama gayong ayos lang naman sa kaniya na maging kami ni Asher.


“Sigurado ka bang may nararamdaman ka na kay Asher kaya mo siya sasagutin? Baka mamaya….distracted ka lang dahil siya yung nandiyan sa ‘yo. Baka kung kailan mo siya sinagot saka mo lang malalaman na attachment lang ang nararamdaman mo. There is a big difference between love and attachment, Anak. Please, pag-isipan mo. Baka maging rebound lang si Asher .”

Kinilala ko ang mga nararamdaman ko kay Asher at sinuguro ko ang lahat. Ayoko makasakit kaya inalam ko sa sarili ko kung pagmamahal na nga ba yung nararamdaman ko kay Asher. Hindi deserve ni Asher na maging rebound. Kung magiging rebound ko lang siya ay hindi ko ito gagawin. Hindi ko kaya saktan si Asher.


“This time I'm very sure about my decision. I'm in love with him, Ma. Mahal ko si Asher at mahalaga siya sa akin.”


Ito ang naging pag-uusap namin ni Mama nung bago ko sagutin si Asher. Alam na ni Mama ang plano ko ngunit hindi ko pinlano na sabihin iyon sa harap ng media. Balak ko sana ay pagkatapos ng fashion show.


Sa pag-uusap namin na iyon ni Mama, ay pinanindigan ko ang mga sinabi ko. Ganun nalang kabilis lumipas ang mga araw at buwan. Ngayon ay ang first anniversary namin ni Asher. Para pa rin kaming nasa simula, walang pagbabago kay Asher pagkatapos ko siyang sagutin. Nawala yung takot ko na baka sa una lang magaling si Asher. But he proved to me his good intentions. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya araw-araw.


“Uuwi na po ba kayo, Ma'am?” tanong ni Veca nang makitang nag-aayos na ako ng gamit. Na receive ko na kasi ang text ni Asher na nasa labas na siya. Ayokong paghintayin siya lalo na't special day ito sa amin.


“Oo, pakibigay nalang yung mga files na ‘to kay Faye.” Pag-abot ko sa kaniya ng folder.


“Sige po, Ma'am. Ingat po kayo.”


Paglabas ko ng pintuan ng office ay agad kong ibinalandra ang pagod at wala sa mood na mukha. Syempre, may plano ako ngayong araw….iyon ay ang magpanggap na hindi ko alam na anniversary namin ngayon ni Asher. But in the end, I will make him happy.


He’s in the waiting area while holding a bouquet. Siguro ay naramdaman niya ang presensya ko kaya nag angat siya nang tingin. Matamis itong ngumiti at tumayo.


“Flowers…” pag-abot nito sa akin ng hawak. Kinuha ko naman ito.


“Thanks,” kunwaring walang pakialam na sagot ko.


“Uhm-”


“Uwi na tayo pagod ako. Gusto ko na magpahinga.” Pagputol ko sa sasabihin nito. Hinilot ko ang aking batok upang iparating talaga sa kaniya ang pagiging pagod ko. Pinigilan ko na matawa sa ekspresyon nito. He’s looking at me with his gentle eyes.


“Pero, mahal…..”


“Ano?” pagkunot ng noo ko.


Nakagat nito ang pang-ibabang labi at tila alanganin sa sasabihin.


“Gusto ko sana na kumain muna tayo sa labas. Dinner date tayo?”


I pressed my lips together so I can stop myself to smile. Nakakaawa yung itsura niya at para bang may pagtatampo. Alam kong gumagana na ang plano ko, sana lang ay ‘wag niya sabihin na anniversary namin. Kaya nga lagi ko siyang hindi pinapatapos sa sasabihin kapag alam kong about na sa anniversary ang sasabihin.


“Hindi ba pwedeng sa ibang araw nalang? Please let me rest. Pagod ako ngayong araw.”


“Eh kasi, mahal....”


“Asher, naman! Please umuwi na tayo kasi pagod nga ako. Kung ayaw mo ako ihatid mag ko-commute nalang ako.” Tumaas ang boses ko pero sinigurado ko naman na walang nakarinig. At nabigla si Asher dahil doon. Nawala yung masayang mukha niya nung nakita niya akong naglalakad kanina palapit sa kaniya.


“Okay. Uwi nalang tayo. Mukhang pagod ka nga.”


He’s really an understanding person. Hindi na siya nagkipagtalo pa at nagparaya na lang. Alam kong nasasaktan siya ngayon pero idinadaan lang sa pagbuntong hininga. Marahan pa rin niya akong hinawakan sa aking bewang habang naglalakad papunta sa sasakyan niya. Tahimik na siya at hindi ko na binukas pa ang usapan tungkol sa gusto niyang dinner date.


“Marami ka bang ginawa?” paglingon nito sa akin habang nagdadrive.


“Oo, may hinahabol kaming deadline. Sobrang magiging busy namin hanggang next week.”


Tumango ito. “Ahh…kaya pala.”


Kaya pala hindi ko naalala na anniversary natin ngayon? Kung alam lang niya na puro kasinungalingan lang ang lahat ng ‘to para maging success ang hinanda ko.


“Hahatid lang kita tapos uuwi na rin ako para makapagpahinga ka na,” he said.


“Sa bahay ka na mag dinner.”


“Talaga?”


“Oo, ayaw mo ba?” pagtaas ng isang kilay ko.


“Gusto! Syempre. Gusto nga kita makasabay mag dinner ngayon, eh, ‘di ba? Kahit sa bahay niyo nalang….okay na.”


Hinawakan niya ang aking kamay na nasa gilid ng aking hita at pinagsiklop ang kamay naming dalawa. Nanliliit talaga ang kamay ko kapag sinakop na ito ng mga palad niya.


“Bakit saan mo ba ako dapat aayain?” tanong ko. Nanatili ang kaniyang atensyon sa daan.


“Nag pa reserve ako ng restaurant para sa atin. Gusto ko sana surprise kaya hindi kita tinanong, kaso wrong timing pala ako.” Pag-iling niya. Mukhang may balak din pala siya sa anniversary namin at kaya rin pala nakaayos siya. At suot din niya ang relo na ineregalo ko sa kaniya.


“Surpise talaga? Bakit? Anong espesyal ngayon?” pilit kong pinaseryoso ang boses ko. Kumibot-kibot ang labi nito at may binulong na hindi ko naintindihan.


“Mahal naman….”


“Ha?” kunwaring pagtataka ko.


Napabuntong hininga siya.


“Wala. Walang espesyal ngayon. Gusto ko lang mag dinner tayo,” bakas ang pagtatampo sa boses niya.


Ngumiti ako ngunit hindi niya nakita. Nakakunot ngayon ang noo nito habang nagmamaneho. “Next time na lang okay? Kapag hindi na ako busy.”


“Kailan? Next year?” bulong niya. Nagpanggap naman ako na walang narinig.


Pagbaba namin sa sasakyan ay hawak kamay kaming pumasok sa aming double door. Agad na nagsalubong ang mata namin ni Mama kaya dumiretso ito sa amin ni Asher. Binigyan ako ni Mama ng makahulugang tingin na ningitian ko. She knows my plan and she has a big part of it. Sinuportahan ako ni Mama sa gusto ko mangyari at sa totoo nga ay mas excited pa siya. Naalala raw niya noong kabataan niya.


“Good evening po, tita.” Pagmano ni Asher kay Mama.


“Good evening din, Asher. Buti at sinama ka ni Astrid. Sakto rin ang dating niyo at naghahanda na ng dinner.”


“Si Papa, Ma?” tanong ko.


“Nasa kwarto at pupuntahan ko nga ngayon. Mauna na kayo ni Asher doon at susunod kami ni Papa mo.”


Tumango ako at ibinaba ang dalang bag sa upuan. Nakasunod naman sa akin si Asher.


“Oh…may handaan, mahal?” bulong sa akin ni Asher. Pinigil ko ang aking tawa. Marami nga ang nakahain sa amin ngayon at lahat na ‘yon ay favorite ni Asher. Request ko ito kay Mama pero kapag normal day naman ay hindi ganito karami ang hinahanda namin.


“Birthday ni Papa. Umupo ka na.”


Hinila ko ang isang upuan at tumabi siya sa akin. Ilang sandali lang ay sabay na pumasok si Mama at Papa sa dining area.


“Good evening po, Tito.” Tumayo si Asher para magmano kay Papa.


“Good evening din, Asher.”


“Happy birthday po pala.”


Halos maibuga ko ang iniinom na tubig sa pagbati ni Asher kay Papa ng Happy Birthday. Hindi kaya niya napansin na binibiro ko lang siya dahil kakabirthday lang ni Papa dalawang buwan ang nakakalipas?


“Salamat pero hindi ko birthday, hijo,” natatawang sagot ni Papa at ganon din si Mama sa gilid niya. Nanlalaki naman ang mga mata ni Asher na lumingon sa akin pero agad akong bumaling sa pagkain.


“Pasyensya na po, Tito. Sobrang KALIMUTIN po yata ng anak niyo para sabihin sa akin na birthday niyo.”


Ipinagdiinan nito ang salitang kalimutin at alam kong may pinapahiwatig siya roon. Hindi ko naman siya pinansin.


“Halika na kayo at lumalamig ang pagkain,” si Mama.


Bumalik si Asher sa tabi ko at pasimpleng pinisil ang aking hita sa ilalim ng mesa.


“Hindi naman siguro ako bibitayin no?” mahinang sambit ni Asher sa paglalagay ko ng pagkain sa plato niya.


“Ubusin mo ‘yan.”


“Pinapataba mo ba ako para wala na sa akin magkagusto?” panliliit ng mata niya sa akin, inirapan ko naman siya.


“Kahit may magkagusto sa ‘yo wala akong pake. Alam kong sa akin din naman ang bagsak mo.”


“Wow…confident, ah.” Pagngisi niya.


“Asher, heto pa, oh. Tikman mo ‘to! Hindi ba favorite mo ‘to?” paglagay ni Mama ng butter shrimp kay Asher.


“Paano niyo po nalaman, Tita?”


“Kay Astrid. Sabi niya favorite mo raw ‘yan.”


Tinikom ko naman ang aking bibig at binigyan ng signal si Mama. Si Mama talaga sa sobrang daldal mabubuking ako.


Minutes after ay natapos ang hapunan namin kasama si Asher at nagkaroon din nang pag-uusap. Mostly ay about sa business, sa hospital ni Asher na may isang taon na rin nabuksan.


“Samahan mo muna ako sa kwarto.” Aya ko kay Asher.


“Hindi na, mahal. Uuwi na ‘ko para makapagpahinga ka na.” Pagtanggi niya. Pero pinilit ko siya.


“Tara na! Saglit lang.” Hawak ko ang braso niya ngayon, siya naman ay nanlalaki ang mga mata sa akin.


“Ano ka ba naman, Astrid? Hindi pa tayo gumawa ng ano ah…” bulong niya. Nakuha ko agad kung ano ang ibig sabihin niya kaya hinampas ko ito sa braso.


“It’s not what you think, Asher! May ibibigay lang ako sa ‘yo assuming ka naman.” Muli ko siyang hinatak at nagpadala naman siya.


“Ikaw, ah…” panunuya niya sa akin.


“Huminto ka, Asher, sasamain ka sa ‘kin.”

Hinalikan niya ako sa aking buhok.

“Kung hindi lang kita mahal, sasama loob ko sa ‘yo ngayong araw,” bulong niya.

Don't worry my love, I'll make sure I will get rid of your resentment tonight.


Nung nasa tapat na kami ng pinto ay matamis akong ngumiti kay Asher, nagtataka naman ang mukha niya. He has no idea what’s behind this door.


“Ikaw magbukas tapos mauna ka pumasok.” Utos ko.


“H-Ha?”


“Basta gawin mo na lang!”


Kunot noo siyang sumunod sa akin. Dahan-dahan niyang pinihit ang pinto at kadiliman ang bumungad sa amin. Sinadya ko iyon para mabasa niya mabuti ang nakasulat gamit ang maliliit na ilaw. Nang buhayin ko iyon ay agad nakuha ang atensyon ni Asher. Sa pader ay may nakasulat na ‘Happy 1st Anniversary'. Ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto ay ang mga glowing the dark na lobo, na kulay blue at white. Saka ang maliliit na ilaw.


“Did you like it?” nakangiti akong lumapit sa kaniya, samantalang siya ay parang natuod sa kinatatayuan.


“I thought…you forgot what day today,” bulong niya.


Lumingon siya sa akin na kumikislap ang mata sa pinipigilang luha. Alam kong napasaya ko siya.


“Happy first anniversary, mahal….I love you…” pinagdikit niya ang aming noo at pinatakan ako ng halik sa labi. Ikinawit ko naman ang aking braso sa kaniyang batok.


“Happy first anniversary, my love,” paos na bati ko.

Last Ride(Last Series#02)Where stories live. Discover now