CHAPTER 34

735 13 3
                                    

Lock screen

“Okay ka lang ba?” tanong ni Asher.


Nakailang ulit na yata niyang tinatanong iyon sa akin nung nakalayo na kami kay David. Napansin ko naman na hanggang ngayon ay hindi niya binibitiwan ang kamay ko. Nawiwili na ‘to, ah.


“Oo, okay lang ako kaya bitawan mo na yung kamay ko. Pasimple ka pa, eh.”


He smirked. “Masanay ka na dahil baka hindi ko na ‘yan pakawalan kapag naging tayo.”


Hinigit ko ang kamay ko sa kaniya. “A-Anong sinasabi mo d'yan?”


Lalong lumaki ang ngisi niya sa akin. Nanunuya ito. “Bakit ka nautal? Kinikilig ka no?”


Sinamaan ko siya nang tingin. Nag-init naman ang pisngi ko sa panunuya niya. Paanong hindi ako mauutal? Nagugulat ako tuwing bumabanat siya ng ganun.


“Kilig mo mukha mo!” inirapan ko siya at binilisan ang lakad para maiwanan siya. Pero dahil sa haba ng mga hita niya ay naabutan niya ako. Inakbayan niya ako pero hinawi ko iyon sanhi nang pagkatawa niya. Pinagtitripan niya ‘ko.


“Date tayo?” pag-aya niya. Kunot noo ko siyang binalingan ngunit hindi mawala ang ngiti nito sa labi.


“Bakit naman ako makikipagdate sa ‘yo?”


Hindi raw siya nanliligaw pero nag-aaya mag date. Teka….hindi kaya gusto lang ako ni Asher katulad ng pagkakagusto niya sa mga naging babae niya? Hindi kaya katulad lang din ako nila Natasha na maghihiwalay kapag nakahanap na ng iba? Wait…why I am thinking this? I'm advance to think that I will be his girlfriend someday.


“Edi kung ayaw mo makipagdate sa akin….samahan mo na lang ako bumili ng materials para sa activity natin. Hindi ka pwede tumanggi dahil by partner ‘yon.” Taas-baba ng kilay niya.


Inismiran ko siya at nagpatuloy sa paglalakad papunta ng room. Hindi pala pwede tumanggi, eh. Ano pang magagawa ko?


“Kumusta feasibility study niyo? Tapos na kayo?” baling sa ‘kin ni Aloisia pagkaupo ko sa aking upuan. Nakatabi siya kay Amara ngayon dahil absent si Neil.


“Ewan ko kay Asher.”


“Hindi pa pero ineedit ko na lang,” pagsagot ni Asher.


Tumaas ang kilay sa akin ni Aloisia. “Hindi ka tumutulong no?”


Pinagdilatan ko siya ng mata. “Tumulong ako no! Ako kaya gumawa ng Chapter 2 and 3!”


“Weh?! Hindi ako naniniwala. Puro paganda ka lang, eh. Totoo, Asher, siya gumawa?”


Binalingan ko naman si Asher, nakataas ang dalawang kilay nito sa akin.


“Oo, binago ko lang.”


“See? Gumawa ka lang pero hindi tama.” Pagtawa ni Aloisia.


“Binago mo yung gawa ko?” seryosong tanong ko sa kaniya. Hindi ko magawang ngumiti dahil buong akala ko ay tama ang ginawa ko. Binasa niya ‘yon nung binigay ko sa kaniya pero wala siyang sinabi na mali iyon.


“Inayos ko lang yung mali.”


Lalong sumama ang timpla ng mukha ko sa sinabi niya.


“Bakit hindi mo sinabi yung mali para ako yung nagbago?! Baka akalain nila ikaw ang gumagawa ng lahat.”


Bahagyang umawang ang labi niya at umiwas nang tingin. “Huwag kang magalit, Astrid. Lalo kang gumaganda sa paningin ko.”


Natahimik ako ro'n na tila naubusan ng mga salita. Napaiwas din ako sa nang tingin sa kaniya at hindi napigilan na sunod-sunod mapalunok. Sa pagkakataon na ito ay dapat pinapatay ko siya gamit ang mata ko at binabara ang mga sinasabi niya. Pero nag iba ang ihip ng hangin, tila naging pipi ako sa mga oras na ‘to.


“Sasama ka ba? Pinayagan na ni tita Charlotte si Amara ngayon.” Tanong sa akin ni Aloisia nang matapos na ang klase. Inaaya nila ako mag hang out ngayon but sadly I have important things to do with Asher.


“Hindi na, may pupuntahan kami ni Asher.” Inayos ko ang mga gamit ko at inilabas ang pang retouch.


“Saan naman? Sayang libre pa naman ni Carra.”


“Bibili kami ng materials na gagamitin namin sa activity na ibinigay ni Ma'am Lyca. Sayang nga, next time sasama ‘ko.” Tumayo ako bitbit ang aking bag. Sinilip ko si Asher na nasa labas na nakikipag-usap sa kakilala.


“Ganun? Pahiram nalang ako ng sasakyan mo. Ibabalik ko bukas.”


Tumaas ang dalawang kilay ko kay Aloisia. Mukhang may kalokohan na naman siyang ginawa para hindi niya magamit ang sasakyan niya. Hindi ko na iyon tinanong pa at ibinigay ko sa kaniya ang susi ng sasakyan.


“Kapag binalik mo yung sasakyan ko na may gasgas ibibili mo ‘ko ng bago.” Kinindatan lang ako nito at ngiting-ngiti na tumalikod sa akin.


Paglabas ko ng room ay saktong pag-alis ng mga lalaki na kausap ni Asher. Nakapamulsa siyang lumapit sa akin. Nauna naman ako sa paglalakad.


“Ihahatid mo ‘ko dahil hiniram ni Aloisia yung sasakyan ko,” mataray na tono ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Asher.


“Ang bossy mo naman. Hindi ba pwedeng, Asher, can you drive me home? Wala kasi yung sasakyan ko.”


Umismid ako. “Mag ko-commute na lang ako,” ma pride na sagot ko.


Pumatong sa balikat ko ang mabigat na braso nito. Ang hilig umakbay.


“Joke lang. Gusto mo sunduin na rin kita?”


Humalukipkip ang aking mga braso. “Hindi na, magpapahatid nalang ako sa driver bukas.”


Pagdating sa parking lot ay pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan. Sumakay naman ako at agad na sinuot ang seat belt. Pinanood ko siyang umikot sa sasakyan para pumunta sa driver seat. Nang makapasok siya ay humarap ako sa gilid ng bintana.


“Astrid, pasagot naman ng tawag.”


Sa kalagitnaan ng byahe ay tumunog ang cell phone ni Asher na nasa dashboard. Tiningnan ko ito ay nakarehistro ang pangalan ni Neil.


“Si Neil yung tumatawag.”


“Oo, pakisagot nag dadrive kamo ko.”


Kinuha ko ang cell phone niya at sinagot ito.


“Hello,” pagsasalita ko.


Narinig ko ang malakas na pagtawa sa kabilang linya.


“Oh, Astrid? Nasaan yung boyfriend mo? Gusto ko makausap.”


Gulat akong napabaling kay Asher. Ano ang sinasabi ni Neil? Anong alam niya? Pero posibleng alam niya ang lahat dahil kaibigan siya ni Asher. Sana lang ay hindi makarating kina Aloisia dahil hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang lahat.


“Shut up, Neil! Nagdadrive si Asher kaya mamaya ka na tumawag.” Agad kong pinatay ang tawag.


“Anong sabi ni Neil?”


Hindi ako nakasagot kay Asher at napatitig na lamang ako sa kaniyang cell phone. My heart right now is beating so fast while staring at his lock screen. This was our picture together in the amusement park. I'm wearing the cheap clothes he bought for me and a pair of sneakers. We were happy in the picture. Nanginginig ang kamay kong ibinalik sa dashboard ang cell phone niya.


Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil hindi ito nagawa sa akin ni David. Hindi niya ako na post sa social media, hindi napakilala sa pamilya, at hindi rin naging lock screen ng phone niya. Simple lang ang ginawa ni Asher but I feel special because of that.


“Ikaw na bahala sa anak ko, Asher, ah. Hindi kami makakasama ng Papa niya dahil may event kaming pupuntahan pero pwede ba kuhanan mo ng video si Astrid? Gusto ko rin siya mapanood.”


“No worries po, Tita. Ako po bahala sa anak niyo.”


Ito ang naabutan kong usapan ni Asher at ni Mama pagbaba ko ng hagdan. Nang marinig nilang dalawa ang yapak ko ay napabaling sila sa akin. Tumayo si Asher bitbit ang kaniyang helmet. We decided na sumali sa contest dahil nalaman namin na ang mapapanalunan ay mapupunta sa Charity. Kaya pala sa amin iyon inoffer ni Zach.


Tumaas ang kilay ko kay Asher. Pinasadahan ko siya nang tingin mula ulo hanggang paa. Kaya pala nangungulit siya kakatanong kung anong kulay na riding gears ang susuotin ko. Ginaya niya ang kulay ng suot ko na naglalaro sa itim at pula. Ganun din ang helmet ko.


“Mauna na kami, Ma.” Lumapit ako kay Mama at humalik.


“Galingan mo, Anak, at mag-iingat ka.”


Tumango ako. Sinenyasan ko naman si Asher na aalis na kami. Nag paalam na rin ito kay Mama.


“Bakit gaya-gaya ka ng suot?” tanong ko kay Asher pagkalabas namin ng bahay.


“Wala lang. Para couple tayo.” Pag ngiti niya sa akin. Inirapan ko siya at tumuloy sa motor ko. Saglit akong napatigil nung makuha ng atensyon ko ang motor ni Asher. Talagang binago pa niya ang kulay nito. Pinares niya sa suot.


It’s been a long time since the last competition that I joined that’s why I'm a little bit nervous. Baka kinakalawang na ako. Hindi rin ako gaano nakapag practice. Ang isang linggo na pag-eensayo ay masyadong maikli.


Dumating kami ni Asher sa race track na marami ng tao. Sinalubong naman kami ni Zach para batiin.


“Galingan mo, Astrid. Ikaw ang manok ng kaibigan ko.” Pagturo ni Zach sa isang banda. Nakita ko roon ang tinutukoy niyang kaibigan. Si Erisha at Ethan na kilala bilang car racer. Kumaway sa akin si Erisha nang makitang nakatingin ako at ningitian ko ito.


Actually, I'm one of her fans. I’ve been to her competition several times and I can’t help to amaze at how good she is. Sayang. Kung magaling lang ako mag maneho ng kotse ay baka sinubukan ko na rin iyon.


“Ilan ang kasali?” dinig kong tanong ni Asher kay Zach. Hindi pa rin ako mapigil sa paglibot nang tingin dahil sa dami ng tao.


“10 girls, 10 boys. Una ang mga babae.”


Babaling sana ako kina Asher ngunit may nakakuha ng atensyon. Nakita ko mula sa audience si Aloisia katabi sa kanan si Amara at sa kaliwa ay si Neil. Malaki ang ngiti ni Aloisia habang tinuturo ang nasa unahan. Si David.


Sunod-sunod akong napalunok nang mapatitig ako kay David ganun din siya sa akin. Pero pilit kong inalis ang tingin ko kahit na gusto ko pa siya titigan. He’s here. Masaya dapat ako na makita siya rito but I need to remind myself he’s here to watch the competition, not for me. At kailangan kong ipaalala sa sarili ko na kailangan kong makalimot at mag move on sa lahat. Hindi ko na siya dapat titigan pa gaya ng noon.



“Kinakabahan ka ba?”


Napabaling ako kay Asher. “Not really.” Totoong nawala ang kaba ko nung makita ko sina Aloisia lalo na si David. Bigla kasing parang hindi ko alam kung saan ako magpofocus.


“Don’t worry most of them nakalaban mo na. But we don’t know if they have improvements.”


Nang marinig namin ang announcement ni Zach na magsisimula na ay pumunta na ako sa motor ko. Nagulat naman ako sa ginawa ni Asher. Hinawi nito ang buhok ko at siya mismo ang nagsuot at naglock ng helmet ko. Hindi ako nakapagsalita kahit na alam kong nakikita ako ngayon ng mga kaibigan ko.


Bahagyang umawang ang mga labi ko nang idinikit ni Asher ang noo sa helmet ko. Tanging ang suot na helmet ko lang ang nagbibigay espasyo sa aming dalawa.


“Good luck. Galingan mo,” he said using his soft voice. Matamis siyang ngumiti sa akin bago tuluyang isara ang helmet ko.


Natulala ako sa nangyari. Ano bang ginagawa sa akin ng mag pinsan na ‘to? Bakit ginugulo nila ang isip ko?


Malakas na sigawan ang narinig ko mula sa mga nanonood ng makumpleto ang mga contestants. Asher was right, some of them were my competitors before. Nakilala ko ang may number 16 na motor. Siya ang muntik na makatalo sa akin sa huling laban ko. Magaling ngunit madugo makipaglaro. Sa halip na ang goal niya ay malagpasan ang nauuna, ang ginagawa niyang strategy ay ibubuwal ito.


Saktong paglingon ko sa harap ay ang paglingon niya sa akin. Pinosisyon ko nalang ang aking sarili sa pagputok ng baril hudyat ng pagsisimula.


I noticed everyone’s improvement. Nakakakaba lang na baka hindi na ako tulad ng dati. May dalawang nauuna sa akin na dati ko ring nakalaban at si number 16 ay nakakasabay sa akin. Talagang binabantayan ko ang galaw niya dahil tiyak kong ako ang puntirya niyang mapabagsak. At hindi ako nagkamali. Nagsigawan ang crowd sa paggitgit niya sa akin. Buti na lamang at mabilis pa rin ang pagkabig ko ng manubela.


Hanggang sa ilang sandali ay naging pangalawa ako. Naging tama ang hinala ko, ang nalagpasan ko kaninang pangalawa ay tumumba sa ginawa ni number 16. Nagkagulo ang crowd dahil sa nangyari. Ngunit tuloy ang laban.


Nanatili akong pangalawa at pangatlo naman si number 16. Tanaw ko na ang finish line at nandoon si Asher katabi ni Zach. Lalong lumakas ang loob ko dahil nakita ko si Asher. Bigla akong nagkalakas ng loob na mag over take sa nangunguna, na siyang pinakamalaking maling desisyon na ginawa ko. Tumalsik ang motor ko kasama ako sa pagsagi sa akin ni number 16. Ilang gulong ang nangyari sa akin bago huminto ang motor ko. Sumakit ang katawan ko dahil doon.


Hindi ako gumalaw dahil kahit tumayo ako at bumalik sa motor ko, alam kong talo na ako. First time in history…. I lost.


“Astrid!”


Kasabay nang paglapit ng medical team ay ang dalawang sigaw. Nakita ko na sabay sa ‘kin lumapit si Asher at David. Nasa dalawang gilid ko silang dalawa.


“Nurse ako! Alam ko ang gagawin ko sa kaniya!” sigaw ni David sa medical team. Akma akong hahawakan ni David ngunit hinawi ni Asher ang kamay nito.


“Don’t touch her, David! Hindi ka pwede rito.”


Naglaban ng titig ang dalawa.


“Kailangan siyang dalhin sa hospital, Chad. Tiyak na may injury siya.”


“Ako ang magdadala sa kaniya,” matigas na boses ni Asher. Aalisin na sana ni Asher ang helmet ko ngunit pinigilan siya ni David.


“Wala kang alam sa ginagawa mo, Chad. Baka lalong lumala ang kondisyon ni Astrid. Hayaan mo na siya sa akin.”


Ano bang ginagawa nilang dalawa? Bakit sa ganitong sitwasyon pa nila napili na magtalo?


“Kung talino lang ang sukatan, David, alam mong mas higit ako.”


Gumalaw ang kamay ko para humawak sa braso ni Asher para tumigil na siya. His expression softened while looking at me. Halatang nasaktan siya sa ginawa ko.


“Si Asher na ang magdadala sa akin, David. Sa kaniya ako binilin ni Mama,” sambit ko ngunit kay Asher nakatingin. Pinigilan ko ang lumingon kay David kahit na naramdamam ko ang pagkatigil nito bago tumayo at iwanan kami.

A/N: Pinalitan na ang title ng story na 'to. Dating Last Dance ay Last Ride na. Thank you .

Last Ride(Last Series#02)Where stories live. Discover now