CHAPTER 9

218 9 0
                                    

Hug



"Salamat sa paalak, Astrid. Grabe ang galing mo kanina. Mana ka talaga kay tita na maganda!" lasing na sambit ni Neil habang hinahatid ko sila palabas ng bahay. Natawa naman si Mama nang marinig ito.





Nandito sila sa bahay after ng pageant para sa celebration. Si Amara lang ang wala dahil tiyak na hindi iyon pinayagan ni Tita Charlotte. Nagkayayaan magkainuman at may nalasing na isa, si Neil iyon.





"Ako na maghahatid sa kanila sa gate, Ma."



Tinanguan ako ni Mama.




"Mag iingat kayo." Paalala ni Mama.




"Grabe yung lakad mo! Parang lakad na papunta sa maling landas." Tumawa ito ng malakas. "Joke lang."




Sinamaan ko siya nang tingin pero hindi ko na pinatulan pa.





"Huwag kang sinungaling, Neil. Hindi mo napanood si Astrid. Nandoon ka sa dilim. Ano ginagawa mo sa dilim, huh?" singhal ni Aloisia kay Neil.





Gegewang-gewang si Neil sa kalasingan. Kung hindi siya alalay ni Asher ay kanina pa siya tumumba sa semento. Halos siya ang umubos ng pinadalang alak ni Papa.




Suminghal si Neil. "Bakit gusto mo malaman? Kung interesado ka, sana sumama ka."





"Hindi ako interesado mapanood yung pakikipaglaplapan mo no!" sigaw ni Aloisia.




Here we go again. Sila ang pinaka malapit sa isa't-isa pero sila rin ang lagi magkaaway.




"Sus! Kunwari ka pa! Eh pinanood mo naman. Nag selos ka ba? Sus! Mas maganda ka roon, Aloisia! Hindi nga lang kita type."




Agad ko nang pinigilan si Aloisia na patulan si Neil. May bakas na ng pagkapikon ang mukha nito. Hindi magpapatalo si Aloisia kahit na alam niyang lasing lang si Neil.




"Are they fighting?" bulong ni David sa akin mula sa gilid ko.




"Hindi, normal lang 'yan."




"Mauna na kami, Astrid. Congrats ulit," si Aloisia na may nanunuksong mga tingin sa amin ni David. Binantaan ko ito nang tingin.




Pisil ko ang aking mga daliri habang pinapanood ko ang pag alis nila Aloisia. Naiwan kami rito nila David. Ito na yung oras na pinlano ko. Hindi magkamayaw ngayon ang puso ko sa kaba.




"Chad, isakay mo na si Neil sa sasakyan. Susunod ako." Utos ni David kay Asher.




Kumunot ang noo ni Asher sa akin at kay David. "Bakit? Tara na kailangan na natin umuwi."




"May pag-uusapan lang kami ni Astrid."




Napayuko ako sa aking paanan. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko ngayon. Kung kailan ito na ay saka ako nag alanganin. Natatakot din kasi ako at the same time na baka iwasan na ako ni David.




"Ano pag-uusapan niyo?"




Naiiritang mukha naman ang ibinigay ko kay Asher. Tinaasan lang ako nito ng kilay. Ang dami niyang tanong na dapat at hindi na niya malaman pa.




"Hindi ko alam. May sasabihin daw sa akin ni Astrid."




"Ano naman ang sasabihin mo sa kaniya?" baling sa akin ni Asher.




Malalim akong napabuntong hininga bago titigan ito. Madilim ang mga tingin nito sa akin na hindi ko maintindihan kung bakit.




"Sa amin lang dalawa ni David 'yon. Ipasok mo na si Neil tulog na 'yan."




Napatingin naman ito kay Neil na kaniyang akay na ngayon ay nakapikit na.




"Bilisan niyo mag-usap."




Hindi ko mapigilan ang mapangiwi sa tono ni Asher. Para siyang striktong magulang na ayaw maligawan ang anak. Pati ang oras kung gaano kami katagal mag-uusap ni David at pinapakealaman niya.





Malamig ang titig sa akin ni Asher habang naglalakad papunta sa sasakyan. Nang malagpasan ako nito saka ako humarap kay David. Napalunok ako ng maraming beses bago ako mag salita.




"S-Sorry kung tayo lang dalawa ang gusto kong makarinig nito, D-David." Halos mautal ako sa kaba.




"It's fine, Astrid. I understand you want privacy. Sobrang confidential siguro ng sasabihin mo," he answered.




"Hindi!" I bit my lower lip. "H-Hindi naman gaano."




Hindi ko malaman ngayon kung paano ako mag sisimula. Ayoko mag paligoy-ligoy pero hindi ko naman masabi ng tuwid sa kaniya.




"Ano 'yon kung ganon? Kailangan mo na rin pumasok dahil malamig dito sa labas. Ang iksi ng suot mo."




Napalunok ako. Gusto kong kiligin ngayon sa pagiging concern nito sa akin pero nangingibabaw talaga ang kaba. Kaya pala kanina pa siya nakatingin sa suot ko. Kung alam ko lang na bumabagabag sa kaniya 'yon ay willing ako mag palit. Kahit mag iba pa ang fashion sense ko para sa kaniya ay gagawin ko. It's makes me happy na may pakealam siya sa suot ko.





"D-David, kasi....." napayuko ako at nakalunok. "David, alam mo namang gusto kita 'di ba?"





He nodded slowly.




Pinisil ko ang aking daliri na nasa aking likuran. "Kasi.....'d-di ba sabi mo noon ang priority mo ay ang pag-aaral mo. Graduating na tayo, David.....b-baka.....pwede na t-tayo...." papahinang sambit ko.




Lalo akong napayuko. Napapikit na lang ako sa paghihintay ng magiging sagot niya, pero hindi dumating. Katahimikan ang bumalot sa amin ni David. Pag taas ko nang tingin sa kaniya ay nakatitig lamang ito sa akin. Sumibol ang panibangong kaba sa akin.



"D-David,"



"I'm sorry, Astrid." His expression softened.


Tears shimmered in my eyes. Alam ko na ang susunod nito. Panibagong heart break. Nangangamoy rejection na naman yata.


"Astrid, I like you. I like you but.... this is not my priority, Astrid. Priority ko muna ang career ko. Alam ko kung gaano akong kabusy na tao and I don't want to be selfish. Masasaktan lang kita, Astrid. Magkukulang lang ako at masasaktan kita. Hindi mo 'yon deserve. Alam kong hindi mag wowork ang relationship natin kung magiging tayo."





Napahakbang ako palapit sa kaniya. "Paano natin malalaman kung hindi natin susubukan? Let's try, David. Subukan natin. Kahit kulang....a-ayos lang, a-ako....ako ang mag pupuna, D-David." My voice cracked.




Mas lalo kong gusto ipilit ngayon nalaman ko na gusto niya rin ako. May bumabagabag sa kaniya at gusto ko alisin 'yon.




Tuluyang tumulo ang luha ko sa pag iling nito.




"No, Astrid. This feeling.....is not enough para sumubok. Hindi kita gano’n kagusto para sumubok."





Nag mala kutsilyo ang mga salita ni David na tumarak sa aking puso. Sa sobrang sakit ay parang hindi ko na maramdaman ang aking mga paa. Napaatras ako sa panghihina. Hindi ko napigilan ang sunod-sunod na pagtulo ng aking luha. Nakita ko ang pagkabahala ni David nang makita ang pag iyak ko.





"P-Pero, Astrid, kung mag kakagirlfriend man ako, ikaw 'yon." Hinawakan niya ang magkabila kong braso. "Kung magkakaroon tayo ng quality time together, lalo akong mahuhulog. Lalo kitang magugustuhan. Ayoko lang dahil.....mas pipiliin ko ang career ko, Astrid. I'm sorry."





Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinasabi niya o pinapaasa niya lang ulit ako. Baka kasi sinasabi lang niya ito para gumaan ang pakiramdam ko, para tumigil ang luha ko.





"U-Umasa ako, David. Hinintay kita." I sniffed.




"Astrid......wala akong sinabing hintayin mo ako."




"Pero ginawa ko! Kasi......kasi......m-mahal kita, David. Kahit nakakapagod mag hintay ginawa ko dahil mahal kita. Ilang taon, David. I-Ilang taon kitang hinintay. H-Hindi pa rin ba pwede? Kahit kaunti lang....kahit kaunting pagmamahal lang.....ayos na sa ‘kin. A-Ayos na 'yon sa akin, David." Nangangatal ang aking labi sa pag iyak.




I didn't expect na darating ako sa punto na I will beg for love. Hindi ko inaasahan na magmamakaawa ako na mahalin ako kahit kaunti lang. Ang tanga ko. Ang daming mag sasabing ang tanga ko sa ginagawa ko. Ano ang gagawin ko kung ganito ako mag mahal? Bigay todo. Kahit wala ng matira sa sarili ko.


Ang lamig ng simoy ng hangin ngayon ay nakikisabay sa mabigat na pakiramdam ko. Mas lalo ako nitong hinahatak na umiyak. Bawat dampi nito sa aking mukha ay bumabagsak ang panibagong luha.


"I-I'm sorry, Astrid," isang maikling salita na galing kay David, na alam ko na ang ibig sabihin.


Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking pisngi upang punasan ang aking luha. Tell me, how can I move on to this man? Kaya pa rin niyang palambutin ang puso sa kabila ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Kaya pa rin niyang kunin ang puso ko sa simpleng gesture niya. Bakit ba kasi ang rupok ko pagdating sa kaniya? Kahit maikling message, sweet gesture, kapag nagiging concern siya, wala na…. bibigay na ulit ako. Ganon niya ako kadali makuha.


"Hindi pa ba kayo tapos mag usap?"


Napayuko ako at mabilis na pinahid ang aking luha nang marinig ko ang boses ni Asher mula sa likuran ko.


"T-Tapos na. Umuwi na kayo. Mag iingat kayo."



Ningitian ko pa rin si David kahit na napakasakit ng nararamdaman ko.


"Are you crying, Astrid?"



Hinawakan ni Asher ang aking balikat para mapaharap sa kaniya. Hindi ko na naitago ang basa kong pisngi galing sa pag iyak.



"What did you do?" madiing tanong nito kay David.



"What did you do to her, David?!" galit na ngayong boses nito.



Nagulat ako nang hawakan ni Asher ang aking pulsuhan at inilagay ako sa kaniyang likuran. Para ako nitong pinoprotektahan mula kay David.



"A-Asher," I called him.




Humarap ito sa akin. His eyes burned with anger.



"Anong ginawa ni David sa 'yo? Tell me, Astrid. Bakit ka umiiyak?"



"Wala, Asher," I answered.



"Tell me, anong ginawa niya sa 'yo? Huwag kang matakot, Astrid."


Tanging iling ang naging sagot ko.


He stared at me. "What did you do to yourself then?" he whispered.



Malungkot akong napangiti. Bakit talino niya sa ganitong bagay? Kung walang ginawa sa akin si David, ibig sabihin ay may ginawa ako sa sarili ko kung bakit ako umiiyak. I waited for him, I assumed, and I loved him too much. At kasalanan ko 'yon lahat. Kasalanan ko kung bakit ako ngayon umiiyak.




"He…..rejected you again?"


Napatitig ako sa mga mata ni Asher. Bakit hindi ko ngayon maramdaman na kaaway ko siya? Hindi ba ito ang gusto niya? Ang mareject ako ni David. Dapat ay masaya siya.



Ang pananahimik ko ay naging kasagutan kay Asher. Nahigit ko ang aking paghinga sa biglang pag yakap nito.



"How many heartbreaks do you need to feel to stop, Astrid?" he huskily said.



Tamad akong nakahiga sa aking kama hawak ang aking cellphone. Nag iisip kung sino ang dapat kong tawagan ngayon. I need someone today. Someone that can understand me. Someone na puwede kong iyakan. Hindi ko pwede abalahin si Amara dahil busy siya sa studies niya. Maybe si Aloisia? Understanding person si Aloisia at never siyang nag judge sa sitwasyon.



"What?" bungad nito sa akin na halatang kagigising lang.


"Tara, chill?" kaswal na aya ko.


"I'm already chilling."


"I-I mean-"


"You need me?" pag putol nito sa akin.



Malalim akong napabuntong hininga at napabangon sa aking pagkakahiga. Napatingin ako sa pagkain sa aking table na hindi ko pa rin nagagalaw.


"Yeah."




"I think something happened. Text me the location."


Alas singko na ng hapon ako nakaalis ng bahay sakay ng aking sasakyan. Walang laman ang aking tiyan simula kaninang umaga dahil hindi ako makaramdam ng gutom. Ganito pala kapag broken ka, pati gutom ay hindi mo na maramdaman. Wala akong ginawa kundi ang tumitig sa aking cellphone sa pag-asang baka makatanggap ako ng message kay David. Pero wala, ano pa ba ang ineexpect ko?



"What's up? I brought some beer for us. Mukhang mahaba-habang usapan 'to."


Pag tabi sa akin ni Aloisia sa rooftop. Kita namin ngayon mula sa aming kinakatayuan ang bawat pag galaw ng sasakyan. Dama namin ang malamig na hangin ng gabi.


"Thank you for coming, Aloisia."


"Anong sa atin? You look sad today."



Inabot nito sa akin ang isang can ng beer. Hindi ako nag atubiling buksan ito at inumin kahit na walang laman ang tiyan. Pinangahalati ko bago mag simula.


"I confessed..... and he rejected me...again." Napatitig ako sa beer sa aking kamay.


Why do you have to reject me again David? Because of career? Damn, pwede naman pag sabayin. Ayaw niya maging selfish dahil magkukulang siya sa akin ng oras? Atensyon? Kaya ko naman 'yon intindihin. Ang dami niyang sinabing reason pero ang pinaka matimbang doon ay....hindi niya ako gano’n kagusto. May nararamdaman siya sa akin pero hindi sapat 'yon para sumubok. Yung feelings na 'yon pwede mawala anytime kaya ayaw niya subukan.


"Uh-huh."


Napatingala ako sa nagbabadyang luha.


"Do you know what the worst is? Astrid Cuevas begged for love. I begged him to love me, Aloisia."


Ipinatong ko ang aking braso sa sementong harang sa aking harapan at doon napadukdok.



"Why did you do that?!" halos maibuga nito ang iniinom sa sinabi ko.


"Fuck! No way! Ginawa mo 'yon? Baliw ka na yata. Baliw ka na, Astrid."


Yeah, sino ba naman kasing maniniwala na magmamakaawa ako para mahalin. Sobra-sobrang pag mamahal ang natatanggap ko sa pamilya ko at kaibigan. Tapos nagawa kong mag makaawa na mahalin ako ng taong mahal ko.


"B-Because I love him and I'm desperate. Na gegets mo ba ako? Nakukuha mo ba yung point ko kung bakit ko 'yon ginawa?"



She nodded. "I get it, Astrid." Nag bukas ito ng paninagong beer para sa aming dalawa.


"Ikaw din 'di ba? Kapag nagmahal ka ng todo gagawin mo rin yung ginawa ko?"



Kapag naman talaga sobrang mahal mo yung tao magagawa mo yung mga bagay na hindi mo ineexpect na gagawin mo.



Mabilis na umiling si Aloisia. "I get you, Astrid, but I will never be like you. Hindi ako mag mamakaawa para mahalin ako."



Napainom ako ng beer at napangalumbaba.



"Sinasabi mo lang yan kasi hindi ka pa naiinlove. Tell me ano bang kulang sa akin? Pangit ba ako? Pangit ba yung ugali ko?"


"Sometimes."


Napaayos ako ng tayo. "What? I'm serious here, Aloisia. Tell me anong kulang sa akin."



"Self-love. Self-love kulang sa 'yo."


Self-love? Makakalimutan mo naman talaga 'yan kapag sobra mong mahal yung tao. Mukhang iyon nga ang kulang sa akin. Nakalimutan ko ang worth ko bilang babae. Masyado akong nag invest ng pagmamahal kay David at naubosan na ako ng para sa sarili ko.




"Why can't you just let him go?"


"He gave me so much pain. He's the one who made me sad. I can't still let him go after all 'cause I know, he's the one who made me happy truly at the same time." I force myself to smile pero panibagong luha ang tumulo.


"Hindi mo ba ako icocomfort? Broken ako oh!" tumawa ako. Tiningnan lang ako ni Aloisia at napaiwas nang tingin.




"You are old enough to figure out what's wrong, Astrid. I know you don't need comforting words to get better. You just need someone to listen to your rants. You just need someone on your side while you are hurting. Go on, cry as long as you can. I will not tell to anyone. It's just a secret between us. After all, alam ko naman pipiliin mo pa rin si David."




Sa sinabi ni Aloisia ay unti-unting akong napadukdok at tuluyang nanginig ang aking balikat sa pag iyak. Napahagulgol ako sa aking braso. Kahit pigil ng aking palad ang aking bibig sa paghikbi ay hindi ko pa rin napigil.

Last Ride(Last Series#02)Where stories live. Discover now