CHAPTER 41

375 21 6
                                    

He’s back


Pagpasok kong restaurant ay agad hinanap ng mata ko ang kinapupwestuhan nila Sofie. Dahil day off ko ngayon ay pinagbigyan ko sila na lumabas kami. At natagpuan ko nga sila ni Lexy sa isang mesa. Kumaway sa akin si Lexy nang makita ako kaya napalingon din sa akin si Sofie


“It's nice to see you again, Astrid. Tagal nating hindi nagkita.” Pagbeso nito sa akin. Oo nga, kaya nga natutuwa ako dahil naaalala pa rin nila ako kahit na hindi ganun katagal ang pinagsamahan namin.


“Lalo kang gumanda, girl, ” si Lexy. Hinila ko ang isang upuan para umupo.


Pabiro ko itong sininghalan. “Kayo rin no! Na miss ko kayo, kanina pa ba kayo?”


“Hindi, kadarating lang din namin,” sagot ni Sofie.


“Biglaan kasi yung pag-aya mo. Buti nalang I don’t have a scheduled today.”


Paggising ko kaninang umaga ay nakatanggap ako sa kaniya ng message, pupunta sana akong salon ngayong araw pero pwede ko naman ipagpaliban. I quickly sent my message to her that I'm available and also I missed hanging out with them.


“Naks! Busy na busy ka talaga. Akala nga namin isasama mo yung boyfriend mo.” Panunukso ni Lexy.


Umiling ako. “Hinatid lang niya ‘ko.”


“Gaano na ba kayo katagal? Kailan lang namin namalan na kayo pala.” Tanong ni Lexy.


“4 years and counting,” proud na tugon ko.


“Uy! Kasal nalang kulang,” si Sofie.


Nagkibit balikat ako. “Hindi pa namin napag-uusapan ‘yan.”


Honestly, hindi pa talaga namin ni Asher napag-iisipan na magpakasal but I remembered what he said years ago, nung nililigawan pa niya ako. He wants us to get married after our 5 years of relationship together. Hindi ko alam kung may balak siya next year at ayoko naman mag expect mag popropose siya dahil 5 years na kami.


“Doon din punta niyan for sure,” pagngiti sa akin ni Lexy.


I laughed. “I hope so.”


Pagkatapos namin mag order at kumain ng lunch ay hindi muna kami umalis ng restaurant. Napili muna namin magkwentuhan about sa buhay namin at ngayon ko lang nalaman na engaged na pala si Lexy sa long time boyfriend niya at ikakasal sila next year. Si Sofie naman ay wala pa ring boyfriend sa edad na 26.


“By the way, sana makalabas pa tayo ng madalas, Astrid, bago ako pumunta ng Canada.”


Naibaba ko ang iniinom na ice tea sa sinabi ni Sofie.

“Canada? Ano gagawin mo sa Canada?”


“Mag ma-migrate na. Kinukuha na ako ng Papa ko.”


Mabagal akong napatango. “Ganun? Kailan ka aalis?”


“Nag pa-process pa ako ng paper. Mga 5 months pa siguro ako rito that’s why gusto ko i-enjoy bawat araw ko habang nasa pinas pa ako.”


“Naku, baka nasa Canada talaga yung para sa ‘yo.” Pagbibiro ko. Tumawa naman ito.


“I wish…”


“Don’t worry kapag hindi ako busy, ako naman ang mag-aaya sa inyo. My treat.” Presinta ko.


“Wait….he's familiar...”


Napalingon kami ni Sofie sa direksyon na kanina pa tinititigan ni Lexy. Hinanap ko ang tinutukoy niya at napako ang tingin ko sa isang lalaki at hindi ko na naalis pa ang tingin ko rito. Biglang parang nag iba ang ihip ng hangin sa paligid ko habang titinitigan ito.


“Sino?” rinig kong tanong ni Sofie.


“That guy. I think it’s David? Si David yun, Astrid, yung nasa nursing department non?”


“Pinsan ‘yan ng boyfriend ni Astrid,” si Sofie.


Hindi ako agad nakapagsalita na para bang biglang umurong ang aking dila. Napatitig lang ako sa lalaking nakatayo sa tapat ng restaurant habang nagpinipindot sa cell phone. It’s David. We didn’t see each other for a long time but I'm very sure….it's David. Apat na taon na ang nakakalipas ng huli ko siyang makita at masasabi kong napakalaki ng pinagbago niya physically.


Lumaki ang katawan nito na para bang naging babad sa gym. Mas lalong naging matured ang mukha niya at tumangkad. Ibang version ni David ang nakikita ko ngayon, ang hindi lang nagbago ay ang ekspresyon ng mga mata nito.


“Nakauwi na pala siya. Sabi kasi nila nasa Canada ‘yan.” Titig na titig pa rin si Lexy kay David at sinundan pa ito nang tingin nung lumakad paalis. Ganun din ako.


Ako man ay hindi ko alam na nakauwi na siya. Hindi ko alam kung kailan pa siya nandito sa pinas dahil hindi naman nag kukwento si Asher at hindi naman namin napag-uusapan.


“Astrid, ayos ka lang? Ang tahimik mo naman.” Pagpuna sa akin ni Sofie. Bigla akong bumalik sa wisyo at napaayos ng upo.


“H-Ha? Hindi…..na ano lang ako…uhm..” hindi ko malaman ang sasabihin ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na si David.


“Girls, kailangan ko na pala mauna. Nag text yung jowa ko, hinihintay pala ko sa labas. May ka-meeting kasi kami na wedding coordinator,” si Lexy.


“Sabay-sabay na tayo umalis.”


Kinuha ko ang bag ko at sabay-sabay nga kaming lumabas nila Sofie. Nandoon na ang boyfriend ni Lexy at si Sofie naman ay pupuntahan din. Naiwan ako sa labas ng restaurant at nag message kay Asher na sunduin na ako. Sabi niya kasi ay i- message ko siya kapag uuwi na ako at susunduin niya ako.


Sa paghihintay ko sa labas ay muli kong nakita si David. Huminto ang isang sasakyan lulan siya. Nag expect ako na makikita niya ako at lilingon ngunit hindi nangyari. Sinundan ko nang tingin ang sasakyan nito na umabante. Baka hindi niya ako napansin saka hindi ko rin naman alam kapag nagkita kami ay kung paano ko siya kakausapin.


30 minutes na paghihintay ay wala pa rin si Asher kaya naman napagpasyahan ko na sa loob ko nalang siya hihintayin. Nangangawit na rin kasi ang aking paa sa suot na stiletto.


“Nasaan ka na?” tanong ko pagkasagot ni Asher ng tawag ko.


“Papunta na, Love. May dinaanan lang ako,” sagot nito.


“Okay, nasa loob ako ng restaurant. Mag-iingat ka. Bye.”


“Yes, love. Hintayin mo ‘ko, I love you.”


“I love you too.”


Malapit lang naman ‘tong restaurant na pinuntahan namin kaya alam kong wala pang 30 minutes ay nandito na siya. Habang hinihintay siya ay naglibang muna ako sa cellphone ko. Biglang pumasok ang sinend na photo sa akin ni Lexy. Agad ko iyong binuksan. Bumungad sa akin ang picture ni Asher na pinagbubuksan ng pinto ng kanyang sasakyan ang isang babae. Nakatalikod ang babae kaya hindi ko ito makilala. Iba yung kabog ng puso ko ngayon at nanginig ang aking kamay.


Ito ba yung sinabi niyang dinaanan niya?! Tatanungin ko sana kay Lexy kung nakita ang babae ngunit hindi ko na kailangan pa magtanong dahil nakilala iyon ni Lexy. Si Princess. Kaibigan ko si Princess, mali….tinuring kong kaibigan si Princess pero iba talaga yung kabog ng puso ko. May halong kaba at takot. Bakit parang pamilyar sa akin yung pakiramdam na ‘to? Ito yung pakiramdam na naramdaman ko noon kay David nung nahuli ko siyang may iba. Sana mali. Sana mali yung nasa isip ko. Hindi ko na kaya kung mapupunta ulit ako sa ganung sitwasyon.


Kaya naman nung makita ko na pumarada ang sasakyan ni Asher sa labas ay agad akong lumabas ng restaurant at sinalubong siya. Matatalim ang ibinigay kong tingin sa kaniya.


“Saan ka galing?” mariing tanong ko. Tumaas ang dalawang kilay nito.


“Ha? Sa bahay, love. Bakit?”


“Sinungaling.” Inirapan ko siya at pumasok ako ng kaniyang sasakyan dahil ayoko may makakita sa amin. Agad din naman siyang sumunod. Hinarap na niya ako na may pagtatanong sa kaniyang mata, ako naman ay pilit na pinapakalma ang aking sarili sa pamamagitan ng paghugot ng hininga.


“Mahal, anong problema?”


“Saan ka dumaan? Ay mali! Sino pala yung dinaanan mo?”


Napatigil si Asher at napatitig sa akin. Nananatili siyang kalmado sa nakamamatay na tingin ko.


“Love, anong nangyayari sa ‘yo? Dumaan ako sa gas station, nag pa gas ako.”


Napasinghal ako. “Nagpa gas? Anong pinagasulinahan mo eroplano?!”


“Hindi-”


“Niloloko mo ba ako, Asher? May babae ka ba?!” hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko.


Umawang ang labi niya. “Wala-”


“Bakit may nag send sa akin ng picture mo na pinapapasok mo si Princess sa sasakyan mo?! Hindi naman sa akin big deal sana kung sinabi mo, pero bakit pakiramdam mo tinatago mo at ayaw mong sabihin!”


Doon ay nakita ko ang pagkaalarma ni Asher sa pagsabog ko. Hindi ko rin naman malaman kung bakit bigla akong naging paranoid. Kung anu-ano na yung tumakbo sa isip ko nung makita ko yung picture nila, yung hindi pagsabi sa akin ni Asher. Malaki yung tiwala ko kay Asher pero ngayon hindi ko alam kung bakit ang laki ng impact na ‘yon sa akin.


Lumapit ang katawan ni Asher sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso. “Mahal, calm down. Let me explain, okay? Hindi ako nagloloko at hindi kita kayang lokohin. Yung sinasabi mong picture na ‘yon ay totoo. Hindi ko ‘yon itatanggi. Pero nakisakay lang siya sa akin nung nasa gas station ako, naabutan niya ako ro'n at nakisakay siya dahil ayaw umandar ng sasakyan niya.”


Lumuwag ang paghinga ko nang marinig ko ang explanation ni Asher. Alam kong nagsasabi siya ng totoo, nararamdaman ko sa mga titig niya. Napabuntong-hininga na lamang ako sa biglang pagdududa ko kay Asher.


“Bakit hindi mo sinabi sa akin?” mababang boses ko.


“Because I thought it wasn’t a big deal. Nawala na nga sa isip ko.”


Marahan akong napatango at bumaba ang aking tingin sa aking hita. Nakagat ko ang aking pang ibabang labi. Bakit kaya bigla akong nagkaganun? Hinawakan naman ni Asher ang aking baba upang mapunta sa kaniya ang aking tingin.


“Mahal kita, Astrid. Nangako ako sa ‘yo at sa mga magulang mo na hindi kita sasaktan. Habang buhay ko ‘yon panghahawakan.”


Bigla akong nakonsensya. Nawalan tuloy ako ng salita at mabagal na napatango nalang. Naramdaman ko naman ang paglapat ng labi ni Asher sa noo ko.


Bago kami umalis sa restaurant ay tumunog ang cellphone nito.


“Si Mama, sasagutin ko lang.”


Tumango ako sa kaniya at hinintay na matapos ang usapan nila.


“Sasama ko si Astrid mamaya. Yes, Ma. Okay, bye.”

Napalingon ako rito nang marinig ko ang pangalan ko. Wala kasi akong matandaan na may lakad kami ngayon.


“Saan mo ako isasama?”


“May family dinner kami mamaya. Gusto sana kitang isama, okay lang ba sa ‘yo?”


Napaisip ako. “Huwag na lang kaya? Family bonding niyo ‘yon, eh.”


Pinaandar ni Asher ang engine ng sasakyan bago sa akin sumagot.


“You are part of the family kaya okay lang. Pumayag na rin naman si Mama.”


“Uhm…okay. May special occasion ba ngayon?”


“Wala naman. Gusto nilang i-celebrate ang pagbabalik ni David.” Lumingon siya sa akin. Hindi ko naman alam ang ipapakita kong reaksyon kay Asher. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kaniya na nakita ko ito kanina.


“He’s back…” mahinang sambit ko.


“Yeah…he is back.”


Nung oras na bumaba ako ng sasakyan ni Asher para pumasok ng bahay nila ay nakaramdam ako ng matinding kaba. Siguro ay dahil alam kong sa pagpasok ko sa bahay na ito ay makikita ko si David at makakasalamuha. Siguro kaya ganito ang kaba ko dahil hindi maganda ang huli naming pagkikita. Hindi maganda ang naging nakaraan namin. But I have to associate with him. Pinsan siya ng boyfriend ko.


Nakahawak ako sa braso ni Asher sa pagpasok namin. Hindi ko na pinuna pa ang pagiging tahimik nito sa gilid ko.


Dumiretso kami ni Asher sa dining area at doon ay agad na nagtagpo ang mata namin ni David. Nakaupo ito hawak ang wine glass. Akala ko ay kasama ang mga magulang ni David pero nagkamali ako. Tanging mga magulang lang ni Asher at si David ang nasa hapag. Nakita ko kung paano bumaba ang mata ni David sa kamay kong nasa braso ni Asher. Tumaas ang kilay nito at napaiwas nang tingin.


“Magandang gabi po, Tita,Tito.” Pagmamano ko. Humalik naman si Asher sa pisngi ng kaniyang Mama.


“Good evening, Hija. Umupo na kayo ni Asher. Akala ko ay matatagalan pa kayo.”


“Medyo traffic po kasi,” sagot ni Asher.


Umupo ako sa hinilang upuan ni Asher at umupo naman ito sa tapat ni David. Nanlalamig ngayon ang aking tiyan dahil alam ko at nararamdaman ko ang pagsunod nang tingin ni David sa bawat galaw ko. Hindi ako makapag-angat ng tingin sa harap ko kaya naman ang mata ko ay nasa mga pagkain o kaya'y kay Asher.


“David….” Mabagal na pagkakasambit ni Asher. Hindi agad sumagot si David kaya naman doon na ako napatingin sa kaniya. Saktong pagtapon ko ng tingin sa kaniya ay ang pag-iwas nito. Ibinaba nito ang iniinom na wine.


“Chad…” banggit din ni David ng pangalan ni Asher.


I feel the tension between the two. Ang alam ko ay naging maayos naman silang dalawa bago pa man umalis si David papuntang Canada, pero sa pagpapalitan nila nang tingin ay parang may mali.


“Hindi ka nagsabing uuwi ka, binigla mo kami.” Sumandal si Asher sa upuan at lumapat ang kamay nito sa aking hita.


“Nagsabi ako kay Tita last week,” sagot ni David.


Bumaling si Asher sa kaniyang ina. “You didn’t tell me, Ma.”


“Sinabi ko sa ‘yo, anak, nakalimutan mo lang siguro. Kinuwento ko pa sa ‘yo yung pakay ni David sa biglang pag-uwi niya. May babalikan daw siya na kailangan ayusin. Papeles ba ‘yon, David?”

Tumaas ang dalawang kilay ni David at saglit akong tiningnan bago ubusin ang laman ng wine glass.


“Binalikan ko po yung pag-aari ko, Tita. Babawiin ko lang,” walang emosyong sambit niya. Nabaling naman ako kay Asher sa bahagyang pagdiin ng kamay nito sa aking hita. Nakita ko ang paggalaw ng kaniyang panga bago marahas kunin ang baso ng tubig sa harap at ininom.

Last Ride(Last Series#02)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt