CHAPTER 37

441 17 1
                                    

Trust

Asher:
What are you doing? Busy ka?


Nawala ang aking antok nang makita kong nag text sa akin si Asher. Kinuha ko ang aking cell phone at yakap ang aking unan na nireplyan siya.


Reply:
Nakahiga.

Mabilis siyang sumagot.

Asher:
Can I call?


Hindi ko pa man naisesend ang aking sagot ay tumunog na ang aking cellphone sa tawag niya through video call. Bumungad sa akin ang mukha nitong nakahiga rin sa kama. Inalis niya ang pagkakatakip ng suot na hoodie sa kaniyang noo.


“Hi….” paos bati niya sa akin.


“Hello…” mahinang sagot ko.


Napataas ang kilay ko sa hindi pagsasalita ni Asher. Nakatitig lang ito sa camera at ganun din ako. Pero kung sa personal, kung tititigan niya ako ng ganito ay hindi ko malalabanan ang mga titig niya. Malalim at masyadong maraming emosyon na nakakaapekto sa pagiging abnormal ng tibok ng puso ko.


“Why are you still up? Akala ko ba kailangan mo ng beauty rest para bukas?” pagtukoy niya sa aming graduation na magaganap na bukas.


“Hindi pa ako inaantok.” Pagsisinungaling ko.


I'm already sleepy but I'm waiting for him to call me. Alam kong tatawag siya dahil araw-araw niya itong ginagawa. Pinipigil ko lang ang aking antok kanina, kaya ngayon ay pilit kong itinatago ang antok sa aking mata.


“You look sleepy.”


Kinurap-kurap ko ang aking mata. “I’m not!”giit ko. Nakita ko ang pagkurba ng ngiti sa kaniyang labi.


“Excited ka na ba bukas?”


Tumango ako. “Oo naman. Ikaw ba hindi?”


“Excited syempre. Pero mas excited ako na makita ka.”


Binigyan ko siya ng blangkong ekspresyon sa banat niya kahit na gusto ko ngumiti. Samantalang siya ay unti-unting lumabas ang pantay niyang mga ngipin sa pagngiti at saka isinubsob ang mukha sa unan. Inalis ko sa akin ang camera para hindi niya makita ang walang tunog na tawa ko sa ginawa niya.


Tumikhim siya at pilit na pinapaseryoso ang kaniyang mukha.


“Anong plano mo, Astrid, pagkagraduate natin?”


“Uhm…. Si Mama na ang bahala sa trabahong ibibigay niya sa akin. Ikaw?”


Saglit siyang napatitig sa ibang direksyon na parang nag-iisip.


“Ako? Magpofocus ako sa sinisimulan kong hospital. Maraming dapat ayusin doon kaya magiging busy ako.”


Ayoko man maramdaman ang nararamdaman ko ngayon, pero nang marinig ko ang salitang busy ay parang bumigat ang pakiramdam ko. Katulad kaya ng pagiging busy ni David? Yung tipong wala ng oras sa iba kundi sa trabaho lang.


Marahan akong tumango. “Ganun ba…” matamlay na tugon ko.


“But I'll pick you up after your work. I promise that.” Agap niya.


Matipid akong ngumiti. “You don’t have to.”


“But I want to. I want to pick you up after your work, Astrid. Alam kong magiging priority mo yung trabaho kaya hindi kita guguluhin sa oras ng trabaho. Ayos na sa ‘kin yung makasama kita pagkatapos ng trabaho mo. Please?” malamlam ang mga mata niyang nagsusumamo. I can see in his eyes how much he really wants to do it.


I sigh. “Okay…fine. Pero kung….busy ka, ayos lang naman na huwag mo na akong sunduin.”


Umiling siya. “Iba yung oras ko sa trabaho at oras ko sa ‘yo. At saka, hindi ko kaya na hindi kita makita sa isang araw.” Pagpapaawa nito. Napailing-iling nalang ako.


“Okay na, sige na.”


“Thank you, Babe.” Malaking ngiti niya. Tumikhim ako sa pagbabara ng aking lalamunan. Pinigilan kong punahin ang tinawag niya sa akin.


“Wala ka bang balak na mag-aral ulit? I mean….ng medicine?”


Napakamot siya sa kaniyang noo. “Gustong-gusto ko na nga makapagtapos, tapos pag-aaralin mo ulit ako. Ikaw na lang mag-aral, aralin mong mahalin ako.”


Napangiwi ako sa sagot niya. Minsan masarap kausap ni Asher, pero minsan parang ang sarap nalang niya sakalin. Seryoso ko sa tanong ko tapos sasagutin niya ng pabiro.


“Ibig sabihin ko, ‘di ba gusto mo maging doctor? Bakit hindi ka mag-aral ulit?”


Malalim siyang humugot ng hininga. “May hospital na ako kaya ikaw nalang ang gusto ko, Astrid.”


“Ewan ko sa ‘yo!”


Humalakhak siya sa pag-irap ko. Dumapa siya sa pagkakahiga at sa hula ko ay sinandal niya ang cell phone dahil ang dalawang palad niya ay magkapatong sa ilalim ng baba nito.


“Kapag sinagot mo na ako tapos naka 5 years na tayo, papakasalan na kita. 27 na tayo non tapos kapag nag 29 na tayo saka tayo magkakaanak. Enjoy muna natin yung 2 years na mag-asawa.”


Umawang ang aking labi at napatulala. Nakaplano na sa kaniya ang lahat. I can see the happiness in his eyes while talking about the future. He foresees his future with me. Hinaplos ang puso ko sa imahinasyon na iniisip niya ang mga ito bago siya matulog. Naalala ko na nasa ganito rin akong sitwasyon noon. Yung pagplano ko na kasama si David sa future pero sa dulo ay nawala lahat iyon. May pangamba rin ako sa puso ko na baka magustuhan ko si Asher pero sa maling paraan. Ayokong magustuhan ko siya dahil siya lang ang nasa tabi ko. Siya yung laging nandito sa akin. Katulad ng nangyari sa amin ni David.


Ayoko maramdaman ni Asher ang naramdaman ko noon, kaya kung magiging kami….sisiguraduhin kong mahal ko siya. Not because he’s always at my side when I need someone in the hardest moment of my life. He doesn’t deserve that. His love is so pure despite his past for being a playboy….I can feel it.


“At talagang planado mo na?”


“Oo naman! Saan pa ba punta non kapag sinagot mo ‘ko? Kung hindi mo ako iiwan tiyak kong tayo sa dulo.”


“Matulog na tayo, Asher. Kung anu-ano na ang naiimagine mo.”


Mahina siyang tumawa. Kumaway ako para mag paalam at siya ay hinalikan ang kamay at idinikit sa cell phone. Hindi ko napigilan ang ngiti bago patayin ang tawag. Bago ako makatulog ay may isang tanong na naiwan sa isip ko. Paano ako hindi mahuhulog sa taong ‘to?


“Congratulations! I have something for you.” May malaking ngiti na lumapit sa akin si Asher pagkatapos ng ceremony ng graduation. Hinila niya ako palayo sa mga kaklase namin na nagpipicture.


“Ano naman ‘yan?”


Lalong lumaking ang ngiti niya. Inalis muna nito ang suot na toga bago niya ilabas ang isang pirasong red rose.


“Para sa akin ‘yan?”


Tuluyan niyang inabot iyon sa akin at nangingiti ko namang kinuha iyon.


“Salamat.” Pagngiti ko.


“Wala bang kiss?”


Inismiran ko siya. Nangingiti naman siyang inakbayan ako. Pinanood ko ang mga kaklase at mga kabatch mate ko na nagsasaya sa aming pagtatapos. This is the most awaiting day for us. Pagkatapos nito ay kakaharapin na namin ang realidad ng buhay. May kaniya-kaniya na kaming tatahaking landas.


Ang hindi ko nainaasahang nangyari sa araw na ito ay ang pagngiti ko kay David nung umakyat ito ng stage. Natupad niya ang pangarap niya na maging Cum Laude at nakaramdam ako ng saya ro'n habang umaakyat siya ng stage. Hindi ko rin inaasahan na makakaya kong ngitian siya ng totoo, pero wala akong natanggap na reaksyon mula sa kaniya nang makita niya ako. Napatitig lang siya saglit at umiwas na nang tingin. I guess he’s still guilty for what he did. Ako naman ay nararamdaman ko na nagiging okay na ako.


“Papicture tayo?” pag-aya sa akin ni Asher. Tumango naman ako.


Pumunta kami ni Asher sa isang photographer at matiyagang pumila para makuhanan. Pwede naman sa cell phone kaso ay maganda ang background doon.


“Ikaw ang umupo, Astrid.”


Nang kami na ang kukuhanan ay pinaupo ako ni Asher sa isang high chair at sa gilid ko naman siya nakatayo. Dalawang kuha na ganon ang posisyon namin. Sa pangatlo ay pareho na kaming nakatayo at ang braso ni Asher ay nakapulupot sa aking beywang. Binalewala ko ang narinig kong bulungan tungkol sa aming dalawa.


“Wait lang, Kuya! Isa pa!” sigaw ni Neil habang hatak si Aloisia papunta sa gawi namin.


“Pupunta naman kasi, eh! Nanghahatak pa!” pagmamaktol ni Aloisia.


“Ang arte mo kasi!”


Napailing naman ako sa dalawa. Pumwesto si Aloisia sa tabi ko at sa gilid namin ang dalawang lalaki. Sayang at kulang kami.


“Congrats.” Bati ko kay Aloisia at niyakap ito. Tinapik niya ang aking likuran.


Kalaunan ay kami na lang ang natira ni Asher. Sabay na lumapit sa amin ang mga magulang namin. Nahihiya akong ngumiti sa Mama at Papa ni Asher, ngayon ko lang kasi ulit sila nakita.


“Congratulations, Astrid!”


Lumuwag ang aking paghinga sa masayang pagbati sa akin ng Mama ni Asher. Saglit ako nitong niyakap.


“Salamat po, tita,” nahihiya pa ring sagot ko.


“Dumalaw ka naman sa bahay minsan. Lagi kitang kinukumusta kay Asher dahil hindi ka na gumagala sa amin.”


Napalingon naman ako kay Asher na nakatingin lang sa akin. “Sige po, tita. Susubukan ko po.” Pagngiti ko.


Pumunta naman sa gawi ko si Mama at Papa. Hinawakan ni Mama ang aking braso. “Sasabay ka ba sa amin o kay Asher ulit?” tanong ni Mama dahil sabay kami ni Asher kanina pumunta rito.


Lumingon ako ulit kay Asher at siya ang sumagot kay Mama. “Ako na po maghahatid sa kaniya, Tita.”


“Nililigawan ka ba ng anak ko, Astrid?”

Halos lumuwa ang mata ko sa gulat sa tanong ng Papa ni Asher. Umurong ang aking dila at hindi malaman ang gagawin.


“Yes, Pa, nililigawan ko si Astrid.” Humarap si Asher sa mga magulang ko. “Tita, Tito, ayos lang po ba sa inyo na ligawan ko ang anak ninyo? Mahal ko po ang anak niyo at pinapangako kong poprotektahan ko siya at rerespetuhin,” pormal na sambit ni Asher.


Halos hindi ko mahabol ang kabog ng puso ko ngayon. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ito sa harap ng magulang ko at sa harap ng magulang ni Asher.


“Marunong ka ba tumrato ng babae ng tama?” matigas na boses ni Papa.


Hindi ko alam kung bakit sa halip na si Asher ang kinakabahan ngayon, ay ako.


“Tinuruan po ako ng magulang ko kung paano magtrato ng babae ng tama.”


Seryosong tumango si Papa. “Pero balita ko babaero ka?”


Dumoble ang kabog ng puso ko pero ang si Mama at ang magulang ni Asher ay natawa lang sa tanong ni Papa. Si Asher naman ay nangingiti at napapakamot sa kaniyang batok.


“Pasyensya na po, Tito. Nung panahon po na ‘yon ay pilit kong kinakalimutan si Astrid kaya sumubok ako ng iba't-ibang babae. Pero…good boy na ‘ko, Tito…si Astrid na lang po yung babae sa buhay ko.”


Bahagya akong nayuko sa nanunuksong tingin ni Mama. Naramdaman ko naman ang pag-iinit ng aking pisngi.


“Gusto mo ba si Asher, Anak?” tanong ni Papa sa akin na ikinaputla ko.


“P-Po?”

Na sa akin ngayon ang atensyon nilang lahat dahilan ng pagkataranta ko. Bakit naman ‘yon tinanong ni Papa? Anong isasagot ko?!


“Hindi ba iba yung gusto mo?” dagdag nito.


Nawala ang ngiti ni Mama at napaiwas naman sa akin nang tingin si Asher. Nakagat ko ang pang-ibabang labi sa pagkabalisa. Paano ko sasabihin sa kanila na yung dating kinukwento ko ay ang lalaking nanakit sa akin ng sobra?


Pinutol ni Mama ang katahimikan. “Kaya nga manliligaw si Asher para magustuhan ni Astrid. Hindi naman kailangan na gusto siya agad ni Astrid ‘di ba?”


Nanatili ang mata ko kay Asher na hindi ako matingan. May kumurot sa puso ko kung paano umigting ang kaniyang panga at sa madilim nitong titig sa sahig. Nang mag-angat naman siya nang tingin ay naging malambot ang ekspresyon nito.


“Hindi po mahalaga sa akin kung hindi man ako gusto ni Astrid ngayon. Ang mahalaga sa akin ay maramdaman niyang mahal ko siya. Nasa kaniya na ‘yon kung tatanggapin niya.”


Binigyan ako ni Asher ng isang matipid na ngiti na siyang ginantihan ko rin. Nararamdaman ko Asher. Araw-araw kong nararamdaman iyon ngunit kailangan ko pa ng panahon para tanggapin iyon. Kailangan ko pa ng kaunting panahon.


“Kung ganon….ipagkakatiwala ko ang anak ko sa ‘yo, Asher. Binibigay ko sa ‘yo ang tiwala ko.”


Nakita ko ang saya sa mata ni Asher nang marinig ang sinabi ni Papa. Taas-baba ang kilay nito sa akin habang pigil ang ngiti.


“Hindi ko po sisirain ang tiwala ninyo, tito, tita. Handa ko pong ipaputol limang darili ko kapag nagloko ako kay Astrid.”


“Hindi lang daliri mo ang puputulin ko, Chad Asher Abellon.” Pagbibiro ni Papa.

Last Ride(Last Series#02)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang