CHAPTER 50

506 25 1
                                    

Death threats


“Sila na.”


“Ha?” kunot noong tanong ni Klea. Naibaba nito ang hawak na bowl na kinalalagyan nang kinakain na popcorn, samantalang ako ay tamad na nakatingin sa pinapanood namin.


“Sila na ni Princess. He's now in a relationship with her,” mapait na sambit ko sabay buntong hininga.


Hindi agad nakapagreact si Klea sa gulat pero nung makabawi ito ay agad itong pumunta sa tabi ko.


“The fuck! Seriously?”


“Yeah. Sa kaniya nanggaling mismo na sila na.”


Yung marinig ko yung nga rumors galing sa iba na sila na ay masakit na ‘yon eh. Hindi ko alam na mas masakit pala kapag nanggaling mismo sa kaniya. Siya ang kumumpirma, sa kaniya nanggaling ang katotohanan.


“Eh Hindi ba…..isang buwan pa lang naman kayong wala? Bakit…. ganun kabilis? Hindi kaya….he was cheating on you kahit kayo pa?”


Napaisip ako sa sinabi ni Klea. Iyon din ang isinumbat ko kay Asher. Bakit ganun kabilis ang lahat? Bakit sa isang buwan na wala ako ay ganun na pala kabilis mapalitan yung pwesto ko?


“No, he’s not. I know him,” siguradong sagot ko.


Alam ko na hindi iyon magagawa ni Asher. Nararamdaman ko na hindi niya iyon kaya gawin sa akin. May pakiramdam din ako na hindi naman talaga niya mahal si Princess. Maybe…ginagamit lang niya si Princess. Iyon ang posible dahil nagawa na niya iyon noon sa kagustuhan na makalimot sa akin. Marami siyang ginamit na babae para mabaling yung atensyon niya sa iba.



“Ano sinabi niya sa ‘yo?”


Muli akong napabuntong hininga. “He just kept saying sorry. Hanggang umalis ako puro sorry yung lumalabas sa bibig niya.”


“Maybe he’s guilty.”


Siguro. Siguro na realized niya yung mga nagawa niya sa akin. Nung gabing ‘yon ay hinintay ko na sabihin niyang patawarin ko siya at babalik na siya sa akin. Naghintay ako na sabihin niyang ayusin namin yung relasyon namin, na mag simula ulit kami kaso ay hindi iyon nangyari. Puro sorry ang lumabas sa mga labi niya at naiintindihan ko ‘yon. Maybe he was still in shock or kailangan pa niya ng oras para mag sink in sa kaniya ang lahat.


Nagkatinginan kami ni Klea nung tumunog ang doorbell.


“Are you expecting someone?” tanong ko. Umiling naman ito.


“Wait, let me check.” Tumayo ito at tumungo sa pinto.


“Uhm…Astrid,” tawag sa akin ni Klea. Nilingon ko ito. Nag-aalangan nitong tinuro ang pinto. “May bisita ka.”


Tumaas ang dalawa kong kilay. Hindi pa man ako nakakatayo para tingnan iyon ay sumulpot na si Asher sa likuran ni Klea. Matigas ang tindig nitong nakatayo suot ang itim na t-shirt na hapit sa kaniyang braso at inayos ang itim na cap.


“A-Asher…” dahan-dahan akong napatayo.


“I want us to talk.”


Saglit akong napatitig kay Asher hanggang sa mapunta ang tingin ko kay Klea na may naglalarong ngiti sa labi.


“Ah….lalabas muna ako,” aniya at lumakad papunta sa gawi ko. “Bakante yung kwarto ni Amara,” bulong at ngiti sa akin.


Nangunot ang aking noo at saglit na tinapunan nang tingin si Asher na nanonood sa amin ni Klea. “Huh? Mag-uusap lang kami pwede naman kami dito sa sala,” mahinang alma ko na kami nalang mismo ni Klea ang nagkakarinigan. Pilya ito sa aking ngumiti.


“Malay mo may maganap more than that.” Humarap ito kay Asher. “Lalabas muna ako, Asher, mamaya na ako babalik para makapag-usap kayo ni Astrid.”

Kinuha nito ang cellphone sa mesa at tuluyang lumabas ng condo. Nung kami nalang ni Asher ang nasa loob ay nakaramdam ako ng ilang. Buti nalang at maingay ang naka play na palabas.


Tumikhim ako at itinuro ang sofa. “Pwede ka umupo.”


Bumalik ako sa pagkakaupo at pumwesto naman si Asher sa kinauupuan si Klea kanina. Magkatabi lang kami at parehong nakaharap sa TV.


“Kailan ka uuwi?” tanong nito.


Mabilis na nagpantig ang aking tenga sa tanong niya. Bakit hindi yata siya makahintay na umuwi na ako? At ganito talaga ang ibubungad niyang tanong sa akin? Don’t tell me pumunta lang siya rito para pauwiin ako?


“Ha! Gustong-gusto mo na ba ako pauwiin? Huwag kang mag-alala 3 days lang ako rito.” Hindi ko napigilan ang mapairap.

Tumikhim si Asher at nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang paglingon niya sa akin.


“That’s not what I meant. I want to go home with you.”

Hindi ko na napigilan ang mapalingon sa kaniya. Malambot ang ekspresyon nitong nakatitig sa akin. Iyon yung tingin niya na kayang lusawin ang inis ko. Yung tampo ko.


“Why don’t you go home with your girlfriend?”


“That’s why I’m asking you. Sabay tayong uuwi.”


Kumunot ang noo ni Asher sa hindi ko napigilang pagtawa. “Bakit? Sa tingin mo papayag yung girlfriend mo na sumabay ka sa akin?” paghahamon ko. Napatuwid ito ng upo at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa maliit na una sa aking hita. Bumaba ang tingin ko roon sa pagsakop ng kaniyang kamay sa aking palad.


“Naniwala ka sa akin na kami na ni Princess?”


Napangiwi ako. “Bakit naman hindi? Eh sa iyo na nga nanggaling,” sagot ko kahit hindi naman talaga ako ganung naniwala.


“Hindi ka ganun kadaling alisin sa sistema ko, Astrid. Kahit sabihin kong ayoko na, alam ko sa sarili kong kasinungalingan lang ‘yon.”


Napatitig ako kay Asher at matipid itong ngumiti. Isang ngiti na hindi ko mabasa kung masaya dahil nababahiran ng lungkot ang kaniyang mga mata.


“Ikaw yung sakit na lagi kong hahanapin, lagi kong pipiliin  You are my favorite pain, Astrid. I'm still in love with you...makakita man ako ng mas hihigit sa ‘yo.….sa ‘yo pa rin ako babalik. Sa iyo pa rin ako babagsak. Sa ‘yo pa rin ang huling destinasyon ko.”


Nangilid ako luha ko kaya napalingon ako sa kabilang direksyon. Ramdam na randam ko yung pagmamahal sa akin ni Asher sa bawat salita niya. Hindi ko pa rin mapigilan masaktan at mag doubt sa sarili ko kung deserve ko pa ba yung taong ‘to. Napakaswerte ko. Gusto kong umiyak sa sobrang swerte ko.


“I’m not in relationship with Princess. Lahat ng sinabi ko sa ‘yo…walang katotohanan.”


Buti nalang at tama ang hinala ko. I can't imagine seeing him treating his new girl the same way he did to me. Sobrang sakit sa part ko kung totoo ngang sila na sa sandaling nawala ako sa buhay niya.


“Bakit mo sinabi sa akin na kayo na?”


Bahagya itong napayuko.


“Because I want to see your reaction. Gusto ko makita sa mga mata mo yung pagsisisi na nawala ako sa ‘yo. Gusto kong maramdaman kung mahal mo pa ba ako.”


Pilit kong pinagsiklop ang kamay naming dalawa. Namumungay ang mga mata nitong tumingin sa akin.


“Mahal kita, Asher. Hindi nabawasan yung pagmamahal ko sa ‘yo. Kaya desperada akong makausap ka…kasi…gusto ko maayos yung relasyon natin. Yung panahon na sumuko ka sa akin…pilit akong lumaban kahit sukong-suko na rin ako.” I fought back my tears.


“I’m so sorry….nabulag ako ng galit at selos. Pinagsisisihan ko yung lahat ng mga nagawa at nasabi ko. Alam kong naapektuhan ka non. Sobra kong pinagsisisihan ‘yon, Astrid.”


Hindi pa man siya humihingi ng sorry ay napatawad ko naman na siya. Ang sarili ko ang hindi ko pa lubos na napapatawad dahil alam ko namang ako ang nagkamali. Sa akin din naman nagsimula ang lahat. Kung naging maayos lang siguro yung mga desisyon ko ay hindi humantong sa ganito ang lahat. Hindi ko sana nasaktan si Asher at hindi kami nasaktan pareho.


“Let’s go home tomorrow. May tao akong kailangan makita bukas.”


“Sino?” takang tanong ko sa pagdilim ng mata nito.


“The man inside the cell. I'll make him suffer for what he did,” malamig na sambit niya.


Pumunta ako ng New York na walang kasiguraduhan kung ano ang kahihinatnan. Pumunta ako ng walang malinaw na plano kung paano maayos ang lahat ng problema sa relasyon namin. Isa iyong sugal para sa akin, hindi ko alam kung uuwi akong may ngiti sa labi o isang talunan.


Buti nalang at sumasang-ayon talaga sa akin ang tadhana. Sabay kaming bumababa ni Asher sa eroplano pagkalapag nito. Mahigpit ang hawak nito sa aking kamay at sa kaliwang kamay nito ay ang aking maleta.


“W-What's going on?” nagtatakang tanong ko nang makita ko ang sunod-sunod na paglapit sa amin ni Asher ng mga armadong lalaki.


Huminto kami ni Asher sa paglalakad at agad kaming pinalibutan ng mga lalaki. Agad akong napakapit sa braso ni Asher. Inilapit naman ni Asher ang ulo ko sa kaniyang bibig upang bumulong.


“Huwag kang matakot mga bodyguards mo ‘yan,” sagot ni Asher.


Nangunot ang aking noo sa pagtataka lalo na nung sinalubong kami ng isang van na may sakay din dalawang lalaki. Sanay ako na may bodyguard minsan pero hindi ganitong karami!


“Anong nangyayari? Bakit ang dami nila?”


He kissed my forehead and whispered, “Sa bahay na natin pag-usapan. It’s not safe for you to stay here. Pumasok ka na sa sasakyan?”


Sunod-sunod akong napalunok. Ibig sabihin ba ay nasa kapahamakan ako?


“How about you?” humigpit ang hawak ko sa kaniya.


“May sasakyan ako. Magkita tayo mamaya sa bahay niyo.”


Iginiya niya ako sa loob ng Van. Naguguluhan man ay sumunod ako sa gusto niya mangyari. Hindi ko alam ang dahilan para salubungin kami ng maraming bodyguards. Hindi naman ako nakaramdam ng kaba dahil nananatiling kalmado si Asher sa tabi ko kanina. But I know alam niya ang lahat ng nangyayari hindi lang niya sinasabi sa akin.


“Text mo ako kapag nakauwi ka na,” aniya ay mabilis akong pinatakan ng halik sa labi bago isara ang pinto.


Pinanood ko ang pagsalubong ng isa sa mga bodyguard kay Asher. Masinsin na nag-uusap ang dalawa bago tuluyang pumasok si Asher sa sasakyan niya. Unang umalis ang sinasakyan namin, isang sasakyan sa aming harapan na puno ng bodyguards. Ang iba ay nasa likuran, at sa magkabilang gilid.


Sa gitna ng byahe pauwi ay tumawag sa akin si Papa. Agad ko iyong sinagot.


“Astrid,”


“Pa,”


“Sino kasama mo sa sasakyan?” tanong nito.


“Uhm…bodyguards?”


“Si Asher? Hindi mo kasama?”


“May sasakyan daw siyang dala, Pa. Sa bahay nalang daw kami magkita.”


Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Papa. “Dumiretso kana sa bahay. Huwag ka ng pumunta kahit saan. Naiintindihan mo?”


“Anong nangyayari, Pa? Bakit may bodyguards?”


Tumikhim ito. “Ibinasura ng korte ang kaso ni Sojie. Malakas pala ang kapit nila sa taas kaya nakalaya. Inaayos na namin ang lahat huwag kang mag-alala.”


Nanlaki ang aking mga mata. Malakas na kumabog ang puso ko.


“Nakalaya yung lalaking ‘yon?!”


“Oo, anak. May death threats kaming natanggap kaya nagpadala kami agad ng security sa airport.”


Dumoble ang kaba ko ngunit hindi mawala sa akin ang galit. Bakit nakalaya ang lalaking ‘yon? Sana ay mabulok na lang siya sa kulungan!


“Ang kapal naman ng mukha nila para mag bigay ng death threats!” bumilis ang aking paghinga.


“Don’t stress yourself. Kami na bahala sa lahat. Hindi pwedeng hindi mabalik sa kulungan yung hayop na yon.”


Sana nga. Sana nga dahil hindi matatahimik ang buhay ko. Hindi ko matatanggap na pakalat-kalat lang yung rapist na ‘yon pagkatapos ng ginawa niya sa akin. Hinding-hindi ako mabubuhay ng normal habang hindi ko nakikita sa nasa loob ng selda ang hayop na ‘yon!


Pagpasok ng van sa gate ay nakita ko agad si kuya katabi ang asawa nito sa bungad ng bahay. Napatingin ang dalawa sa pagdating ng sasakyan. Pagbaba ko ng sasakyan ay sinalubong ako ng yakap ni Ate Melly at Kuya.


“Buti naman mabilis lang naging byahe mo. Yung kuya mo gusto ka na salubungin pero ayaw siyang payagan ni Papa,” si Ate Melly.


Sa tingin ko ay kaya nandito rin silang pamilya ay dahil sa tatanggap na death threats ng pamilya ko galing kina Sojie. Hinarap ko naman si Kuya.



“Bakit pinalaya yung lalaking ‘yon, Kuya?” tanong ko.


Hinawakan ako nito sa aking balikat. “Sa loob na natin pag-usapan.”


Pagpasok ko ng bahay ay nakita ko si Mama at Papa sa sala kaharap ang isang pormal na lalaki. Nung makita ako ni Mama ay isinenyas sa akin nito na umupo sa tabi niya.


“Na dismissed ang kaso dahil pinalabas nilang may sakit sa pag-iisip ang suspek. Hindi pa malaman kung paano nagkaroon ng kutsilyo ang suspek sa loob ng selda dahilan nang pagsaksak niya sa sarili niya….kaya ngayon nasa hospital ito at walang pinapapasok na kahit sino sa kwarto,” pahayag ng lalaki na sa tingin ko ay ang kinuha na abogado namin.


“Malaki pa ba ang laban natin, Attorney?” tanong ni Mama.


“Yes, Mrs. Cuevas. As long as wala silang maipapakita na evidence na may sira sa ulo ang suspek ay malaki ang laban natin. Gagawa rin tayo ng sariling imbestigasyon dahil baka pekein nila ang resulta.”


“Sinaktan niya yung sarili niya?” kunot noong tanong ko.


“Oo, sinaksak niya ang sarili niya. Don't worry may mga tao rin tayo na nakabantay sa hospital kaya hindi makakatakas iyon gustuhin man ng pamilya niya. Iyon din ang order ng court,” sagot ng lalaki.


Nanlaki ang mga mata ko ng may mamuo na conclusion sa aking isipan. “Nasaang hospital si Sojie?”


“Sa hospital ni Asher,” sagot ni kuya na nagpatigil ng mundo ko.


Si Asher….gusto niya puntahan si Sojie bago kami umalis ng New York. Galit siya sa lalaking ‘yon at ngayon ay nandoon iyon sa hospital ni Asher. Malaki ang tyansa na puntahan ni Asher ang lalaking ‘yon at kung tunay ngang may sira sa pag-iisip si Sojie ay hindi ligtas si Asher. Nasaktan ni Sojie ang sarili niya kaya hindi malabong kaya niya rin saktan si Asher!


“Saan ka pupunta, Astrid?” tanong ni Papa sa pagtayo ko.


Hindi ko maipaliwanag ang kaba ko ngayon kaya hindi ako mapakali.


“Pupuntahan ko si Asher, Pa.”


Kita ko ang hindi pagsang-ayon ng pamilya ko sa gusto ko.


“Hindi ka pwede lumabas-labas, Astrid. Kita mong ang dami na nating death threats na natatanggap. Mas okay na manahimik kana lang dito sa bahay,” mariing ani ni Papa.


Nalaglag ang aking balikat. “P-Pero si Asher, Pa-”


“Makinig ka nalang sa Papa mo, Astrid,” pagputol sa akin ni Mama.


Mahigpit akong napahawak sa aking bag. Gusto ko puntahan si Asher pero mahigpit ang security sa amin ngayon. Hindi ko alam kung paano ko sila malulusutan


Muli akong tumayo at bahagyang lumayo sa kanila. Kinuha ko ang cellphone para matawagan si Asher. Kapag nalaman ko na wala siya roon sa hospital ay mapapanatag ako. Ilang besos kong sinubukan na ma-contact si Asher pero hindi ito sumasagot. Lalong dumoble ang kaba ko. Muli akong bumalik sa pamilya ko para makiusap na makita si Asher.


“Pa, please payagan mo na ako. Babalik din ako agad. Titingnan ko lang si Asher saka padalhan mo ako ng bodyguards! Please, Pa. Hindi ako makakampante.” Desperadang pagsusumamo ko.


Mabigat na bumuntong hininga si Papa bago bumaling kay Kuya. “Samahan mo. Bumalik kayo agad at dalhin niyo ang kalahati ng bilang ng bodyguards.” Utos ni Papa kay Kuya.


“Thank you, Pa!” hindi ko napigilan ang mapayakap dito.


Mabilis akong tumayo at lumabas kasunod si Kuya. Dala nga namin ang kalahati ng bilang ng bodyguards papuntang hospital.


Naglalamig ang mga palad ko sa kabang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit kailangan kong kabahan ng ganito. May posibilidad naman na nasa bahay nila si Asher pero ang lakas talaga ng kutob ko na pinuntahan niya si Sojie.


“Huwag kang aalis sa tabi ko.” Paalala sa akin ni Kuya bago kami bumaba ng sasakyan.


Pagpasok namin ng hospital ay nagtinginan sa amin ang mga tao roon dahil siguro sa mga armado naming mga kasama.


“Maghintay tayo rito. Inutusan ko na yung isa para alamin kung nandito si Asher,” si Kuya.


Matyaga akong naghintay na bumalik ang inutusan ni Kuya. Nasa gitna lang kami ng hospital, nakatayo habang pinapaligiran ng security.


“Nasa room 23 daw, Sir. Sa second floor,” ani ng lalaking lumapit kay Kuya. Narinig ko ang mahinang mura ni Kuya bago lumingon sa akin.


“Nasa kwarto ni Sojie si Asher.”


Halos manlambot ang mga tuhod ko sa narinig ko. Mabilis naman na hinawakan ako ni kuya sa aking mga braso bilang suporta.


“P-Puntahan  natin siya, Kuya.” Pagsusumamo ko.


Agad itong umiling sa akin. “Hindi pwede, Astrid. Umuwi na tayo.” Iginiya ako nito paalis ngunit nagmatigas ako.


“Si Asher, Kuya! Palabasin niyo muna si Asher sa kwartong ‘yon. Kapag nakita ko na siya, aalis na tayo. Kakausapin ko lang siya saglit.”


“Astrid, huwag matigas ang ulo makinig ka sa akin. Umuwi na tayo.”


Iniwas ko ang aking braso sa muling paghatak nito sa akin palabas.


“Hindi! Pupuntahan ko siya! Kung hindi niyo ako sasamahan, pupunta ako mag-isa!” lalong pagmamatigas ko.


Nagmartsa ako paalis doon. Sinubukan akong pigilan ni Kuya pero wala na itong nagawa kundi hayaan ako. Nakasunod sa akin ang mga bodyguards habang hinahanap ang kwarto.


Pag-akyat namin ng second floor ay sigaw ni Kuya ang nag echo sa hallway. Napahinto ako dahil doon.


“Nasaan ang mga security?! Bakit walang bantay dito?!”


Mabilis ang paghinga kong inabot nang tingin ang dulo ng hallway. Sabi nila ay may security sa kwarto ni Sojie pero wala akong makita ngayon kahit isa.


“Huwag kang lalayo sa mga bodyguards, Astrid. Tatawagan ko si Papa,” tarantang kumilos si Kuya.


Tila wala na akong maintindihan sa lahat nung makita ko ang pinto na kung saan nandoon si Sojie. Na blangko ang isip ko. Wala ako sa sariling tinakbo iyon para buksan. Narinig ko pa ang sunod-sunod na pagtawag sa pangalan ko dahil sa ginawa ko.


Pagbukas ko ng pinto ay para akong binuhusan ng malamig sa tubig sa mukha. Natulala ako sa aking nasaksihan.


“A-Asher…” nanghihinang tawag ko sa pangalan nito. Halos hindi ko maiangat ang paa sa sahig habang naglalakad palapit sa kaniya.


Gulat ang mata nitong nakatingin sa akin. Umaagos ang pawis sa mukha nito habang habol ang hininga. Nakakuyom ang kamao at mag bakas ng dugo sa suot na damit. Bumaba naman ang tingin ko sa lalaking nakalumpasay sa lapag na puro dugo ang mukha, maputla ay naghahabol ng hininga. Napanganga ako at namuo ang luhang tumingin kay Asher.


“A-Asher….anong…anong ginawa mo?”


Iritable itong napahagod sa kaniyang buhok.


“Anong ginawa ko? Wala pa akong ginagawa, Astrid. Papatayin ko ‘yang lalaking ‘yan! Dapat mamatay ‘yan sa ginawa niya sa ‘yo!” nanggalaiting sigaw ni Asher. Muli nitong dinakot si Sojie mula sa pagkakalugmok at pinaulanan ng mga suntok.


Natutop ko ang aking bibig at hindi mapigilan na mapaiyak sa nasasaksihan.


“Asher, Tama na! Tama na, Asher!” mabilis kong hinawakan si Asher sa mga braso at inilayo kay Sojie. Humikhikbi ko itong niyakap.


“T-Tama na, Asher. Hindi mo siya pwede patayin. H-Hindi ka pwedeng makulong. Asher, makinig ka sa akin.” Hinawakan ko ang mukha nito na bakas ang galit. Pilit kong kinuha ang atensyon niya.


“Asher, kapag napatay mo siya…makukulong ka. Kapag nakulong ka…..paano na ako? Paano na tayo? Hindi ko kaya. Please tama na. Hindi ko kaya na lumayo sa ‘yo.” Pagmamakaawa ko.


Napatitig sa akin si Asher at pinunasan ang luha sa aking pisngi.


“Hindi, Astrid. Hindi ako makukulong kapag napatay ko ‘yan. Mas mamamatay ako sa galit kapag hindi ko napatay yung taong nangbaboy sa babaeng mahal ko!”


Umiling-iling ako. “Asher, hindi ka kriminal. Hayaan mo ng batas ang humusga sa kaniya.”


“Kaya manipulahin ng kahit sino ang batas, Astrid. Hindi sa lahat ng oras, patas ang batas.”


Lalo akong napaiyak dahil hindi ko mabago ang isip ni Asher. Desidido siya sa pag patay kay Sojie.


“Asher, n-no. Lumabas na tayo.”


Pilit ko itong hinahatak palabas ng kwarto. May mga security na kasama namin ang nakaantabay sa pinto. Pero laking gulat ko na makitang nakatutok ang mga armas nito sa isang direksyon. Si Sojie….nanghihinang nakatayo ngunit may hawak na baril na nakatutok sa amin.


“A-Ang tagal mo, P-Pre. Puro ka patay…pero…hindi mo naman mapatay. Tingnan mo….kayo pa t-tuloy ang mamamatay ngayon,” nahihirapang sambit ni Sojie pero nakaya pa nitong ngumisi sa amin.


Mabilis naman akong itinago ni Asher sa kaniyang likuran.


“Ibaba mo ‘yang baril mo! Kundi papaputukan ka namin!” isa sa mga bodyguard.


Napatawa si Sojie. “Papatayin niyo ako? Edi okay! Mamamatay tayong lahat!”


Mabilis ang naging pangyayari..…nakarinig ako ng dalawang sunod na putok ng baril. Napaupo ako at napatakip sa aking tenga…samantalang ang katawan ni Asher ay napayakap sa akin.

Last Ride(Last Series#02)Where stories live. Discover now