CHAPTER 17

189 7 0
                                    

Angkas

Asher:
Pupunta akong CR, Astrid. Maliligo lang.


Halos ibalibag ko ang aking cellphone sa message ni Asher. I told him to update me if where he is and where he’s going. But it doesn’t mean he needs to text me everything he does!  Kahit ang pag pasok sa banyo ay sinasabi niya sa akin. Last time ay pinalagpas ko ang pag papaalam niya na pupunta siya ng garahe para mag linis ng motor niya. Hindi naman ito ang ibig sabihin ko na kailangan niya akong iupdate kahit sa maliliit na bagay na ginagawa niya.


Agad kong pinindot ang numero nito upang tawagan siya. Isang ring palang ay sinagot na nito.


“Nasa banyo ako, Astrid.” Bungad niya.


Narinig ko ang pag agos ng tubig mula sa shower. Required na dalhin ang cellphone sa banyo?


“Asher, makinig ka.” Madiing pag sisimula ko. Malalim akong humugot ng hininga.


“Hindi mo ako kailangan iupdate kung pupunta ka ng banyo. Wala akong pakealam sa pagligo mo at sa sa pag punta mo ng CR! Wala akong pakealam alam kahit ano ang gawin mo sa banyo! Gumawa ka man ng kalagiman diyan o ano!”



Nag echo ang malakas na tawa nito. Mabilis naman ang bawat paghinga ko sa aking pag sigaw. “Kalagiman? Lahat ng kalagiman ko ay ginagawa ko lang sa kama. Ang lawak naman pala niyang imagination mo, Astrid.”



Namula ang aking pisngi. “I don’t care if where you did that disgusting thing on the bed or in your bathroom! Ang akin lang, hindi mo na kailangan sabihin sa akin kung pupunta ka ng banyo!” pasigaw na sabi ko sa kaniya.


“Sabi mo iupdate kita? I'm just giving your request.”


Mahina akong napamura. “Iupdate mo ako kung pupunta ka ng ibang lugar, Asher. Hindi pati pag libot mo ng bahay sinasabi mo.”


“Okay fine. Pupunta ako ng race track, wanna come?”


“No, busy ako,” sagot ko at pumunta sa aking kama para manood ng panibagong episode ng pinapanood na palabas.


“Kasama si David.”


Saglit akong napatigil. “Bakit?”


Ang alam ko ay hindi interesado si David sa ganitong hobbies namin ni Asher. Unang napanood niya yata ako na nakasakay sa motor ay noong sumali ako ng pageant. Ewan ko, hindi ko matandaan kung pumunta na ba siya ng race track.



“I don’t know. He texted me he wants to come. How about you? Ayaw mo pa rin?”


“Totoo ba ‘yan o nang titrip ka lang?” nagdududang tanong ko.


“Do I need to send you his message?”


“Bakit nga gusto niyang sumama? Wala siyang sinabi?”


“Wala. Basta gusto lang niya sumama. Baka may popormahan don.”


“Fuck you, Asher!”


Malakas itong tumawa. Ang pangit ng trip niya.


“Ano sasama ka na?”


“Pupunta ‘ko.”


Mabilis akong tumayo para mag bihis. Pinatay ko ang movie na nakaplay. Sayang hindi ako makakapanood pero mas sayang na hindi ko makikita si David.



“Nasa'n kayo? Nandito na ‘ko.” Pag tawag ko kay Asher pagdating ko sa race track.


“You are excited, Astrid, mamaya pa kami pupunta ni David. Mga 3:00 p.m.”


Last Ride(Last Series#02)Where stories live. Discover now