CHAPTER 27

216 10 1
                                    

Tickets


“Ano ‘yang hawak mo at hindi mo maalis ang titig mo d'yan?”


Napakurap-kurap ako mula sa pagkakatulala sa pagtabi sa akin ni Asher sa isang bench sa garden. Itinago ko sa aking bag ang hawak na ticket.


“Ticket,” maikling sagot ko kay Asher at pinagmasdan na lamang ang mga estudyante sa harap ko na nagpapractice ng sayaw.


“Ticket? Para saan?”


Malalim akong bumuntong hininga.


“Ticket sa show ng Ben&Ben, binili ko.”


Hindi ko magawang itago ang lungkot na nararamdaman ko. Kinausap ko kanina si David ng personal para sana ayain siya bukas na pumunta sa concert, bilang celebration na rin ng monthsary namin. Kaso ay hindi siya pwede. Nalungkot ako pero hindi ko iyon pinahalata kay David. Sinabi kong ayos lang at may next time pa naman, kahit na dismiyado ako ng kaunti dahil sobrang saya ko nang mabili ko yung ticket na ‘to.


“Uhuh? Bakit malungkot ka?” tinukod ni Asher ang kaliwang siko sa kaniyang tuhod at tumingin sa akin. Saglit ko siyang tinapunan nang tingin, kalaunan ay bahagyang napayuko.


“Sayang kasi hindi ko naman pala magagamit. VIP pa naman itong binili ko.”


“Bakit naman hindi mo magagamit?”


Muli akong napabuntong hininga. “Binili ko ‘to para sa amin ni David, para sa second monthsary namin. I think it was a good idea but sadly, he can’t go with me. May duty siya sa araw na ‘yon.”


Siguro napaka immature ko lang sa part na gusto ko makasama si David tuwing monthsary namin. Sa iba hindi big deal iyon, pero sa akin kasi ay special na araw iyon. Pero dahil may duty si David wala akong magagawa.


“Sayang naman.” Tumuwid ito sa pagkakaupo.


“Oo nga, gusto mo sa ‘yo nalang?”


Kinuha ko sa bag ang ticket at inabot sa kaniya. He grabbed the ticket in my hand and he read the letters that written on the ticket.



“Maganda manood ng show nila. Yung makikisabay ka sa kanila na nakataas yung mga kamay mo habang kumakanta sila.”


I imagined those scenes with David. Parang ang saya lang sa pakiramdam habang ginagawa mo ‘yon kasama yung boyfriend mo. Gusto ko kasi ay maiba naman yung date namin ni David.


“Punta tayo gusto mo? I can go with you if you want to. Para hindi masayang iyang ticket mo.”



Napaisip ako sa suggestion ni Asher.


“Paano kapag nalaman ni David?”


Tumaas ang dalawang kilay nito sa akin. “Na ano? Na kasama mo ako sa show? Bakit? Pinagbabawalan ka ba ni David na sumama sa akin?”


Agad akong napailing sa kaniya. Mali ang pagkakaintindi ni Asher.


“Baka lang kasi….kung ano ang isipin ni David kapag nalaman niya na pumunta tayo sa halip na siya ang kasama ko.”


Napaiwas sa akin nang tingin si Asher. “Hindi niya malalaman kung hindi mo sasabihin.”


Wala naman sigurong mali kung sasama ako kay Asher sa show. Wala namang special doon, nanghihinayang lang talaga ako sa ticket at gusto ko rin talaga pumunta. Hindi rin siguro magagalit si David dahil ang alam niya ay kaibigan ko naman si Asher.


“Okay fine. Bukas?” pagdedesisyon ko.


“Sunduin kita?”


Tumango ako. “Mahirap maghanap ng parking kaya isang sasakyan nalang ang dalhin natin.”


Before going to the show with Asher, I informed David that I'm going out with my friend. He didn’t bother to ask if who I'm with, basta sinabi lang niya na mag-ingat ako at papasok na siya. Hindi ko na rin sinabi kung sino ang kasama ko.


“Nag paalam ka….kay David?” tanong ni Asher na nagdadrive.


“Oo.”


Tumikhim ito. “Anong sabi niya? Alam niya na kasama mo ‘ko?”


“Hindi. Sinabi ko lang na lalabas ako.”


Napaharap sa akin si Asher paghinto ng sasakyan dahil sa traffic. Buti nalang pala at maaga kaming umalis kung hindi ay baka malate kami.


“He didn’t ask? That’s…. unusual huh.”


“M-May tiwala lang siya sa akin, Asher.” Napabaling ako sa bintana.


Medyo hindi ko rin akalain na hindi tinanong ni David kung sino ang kasama ko. I don’t want to feel that he doesn’t care, only I assumed he just complacent that I won’t do anything that can ruin our relationship.


“Sa ‘yo meron, paano naman sa makakasama mo?” he glance at me with his serious eyes.



“What do you mean?”



“Kung ako ang boyfriend mo kahit may tiwala ako sa ‘yo, tatanungin ko pa rin kung sino ang kasama mo. Yes, I trust you but I can’t trust people around you except your close friends.”



Napasandal ako sa upuan at humalukipkip. “Hindi na big deal sa akin ‘yon, Asher. Naiintindihan ko naman si David.”


Natatawa itong napailing. “Naiintindihan o hindi ka lang makapag demand? Hindi pwedeng ikaw lagi ang nag aadjust, Astrid. That’s unfair for you.”



“Alam mo, Asher, para magkasundo tayo ngayon tumahimik ka nalang.” Pagtataray ko sa kaniya. Ayoko sumama ang loob ko kay David kaya hanggat maaari ay ayoko pansinin ang mga nangyayari. Ayokong gawing big deal ang lahat.


“Don’t get me wrong, Astrid. Nagulat lang ako. Tingin ko hindi pa ready si David sa relationship dahil hindi pa siya marunong mag handle.”



“At ikaw marunong?” pag singal ko.



“Oo naman. Wanna try?” mapanuya itong humalakhak. Inirapan ko naman siya.


“Kung marunong ka, bakit kumawala sa ‘yo si Natasha?”


Nangingisi siyang humarap sa akin. “People are always like that, Astrid. Habang lalo mong hinahawakan, lalong kumakawala sa ‘yo.”


“Dapat pala ay ibenenta ko nalang sa ‘yo yung ticket tapos inaya mo si Natasha.” Inalis ko ang suot na seat belt nang makarating kami sa venue. Naghahanap nalang si Asher ng pagpaparking-an.


“Kahit bilhin ko ‘yan, ikaw pa rin ang aayain ko.”


Napalingon ako kay Asher na may pagtataka. “Bakit?”


Ngumiti siya. “Dahil alam kong gusto mo pumunta.”


Pagbaba namin ni Asher ng sasakyan ay pumunta na kami agad sa entrance. Naririnig ko na mula sa labas ang pagtugtog ng mga instrument na siguro at sinusubukan nila. Katulad ko ay hindi maalis ang ngiti sa labi ng mga taong nakapila. Maraming tao, sa labas pa lang ay nagkakagulo na ang mga tao at excited na pumasok. Lalo lang dumami ang security dahil may iba nang nagtutulakan, kaya naman ang kamay ni Asher ay nakaalalay sa aking balikat at pumunta siya sa aking likuran.


“Komportable ka ba sa suot mo?” bulong sa akin ni Asher.


Isang mini skirt ang suot ko na tinutukoy ni Asher.


“Oo, sanay naman ako.”


Pero hindi ko napigilan na mapabilog ang aking labi sa gulat sa ginawa ni Asher.


“Suotin mo muna ‘to hanggang pag pasok natin.”


Ipinalupot niya ang suot na jacket sa aking baywang. Pigil ang hininga kong pinapanood ang pagbuhol nito sa bandang tiyan ko. Hindi rin ako makalingon sa kaniya dahil magtatama ang aming mukha.


“P-Para saan ‘to?” mababang boses ko.


“Masikip yung papasukan, baka mahawakan yung legs mo.”


Hindi ko naman alam ang irereact ko kay Asher kaya hinayaan ko nalang ito.


Sa pagpasok namin ni Asher ay halos mamilog ang labi ko sa dami ng tao. Ang swerte ko talaga dahil nasa VIP kami. Kitang-kita namin ni Asher ang mga members.


“In just 2 minutes, mag sisimula na po tayo.” Pagsasalita ng announcer.


Sigawan ang nangyari at isa na ako roon. Lalo na nung lumabas ang mga members ay nagkagulo ang crowd.


“OMG! Asher, mag video ka ah!” pagyugyog ko kay Asher na nakatayo sa aking gilid.


“I love you Ben&Ben!” malakas na sigaw ko.


Kalaunan ay saglit na tumahimik ang crowd nang magsimula ang kanilang pagtugtog. Sumasabay sa kanilang pagkanta ang mga tao at isa na ako roon habang wumawagayway ang aking kaliwang kamay.


‘Dami pang gustong sabihin
Ngunit 'wag na lang muna
Hintayin na lang ang hanging
Tangayin ang salita
'Wag mo akong sisihin
Mahirap ang tumaya
Dagat ay sisisirin
Kahit walang mapala'


Saglit na nawaksi sa isipan ko ang lungkot na dapat ay si David ang kasama ko rito. Yung lungkot na sa pangalawang buwan namin na magkasintahan ay hindi namin nacelebrate.


Napalingon ako kay Asher sa paghila nito pababa ng skirt ko dahil sa pagtaas nito sa sobrang likot ko. Malaki ang ngiti ko sa kaniya ngunit seryosong mukha ang isinukli nito sa akin. Hinawakan ko ang kamay ni Asher at itinaas para sumabay sa pagwagayway ko. Akala ko ay magagalit siya o babawiin niya ang kamay niya, pero hindi. Itinaas din nito ang isang kamay kaya ginaya ko siya.


Hindi ko mapigilan ang matawa habang pinapanood si Asher. Sabi niya ay hindi siya marunong kumanta pero sumasabay din siya. Nakikita ko sa bawat pagbukas ng bibig niya na kabisado niya ang kanta.


Isa, dalawa, tatlo, hanggang umabot ng lima ang kantang sinasabayan namin. Huminto lang ako dahil nakaramdam ako ng pagka-uhaw at natutuyo na rin ang aking lalamunan. Sa hula ko bukas ay paos na paos ako.


“Are you tired?” tanong sa akin ni Asher. Sa pagtango ko ay tinawanan ako nito.


“Sinong hindi mapapagod sa ginawa mo? May kanta na, may halong sayaw pa.”


Sa halip na mainis sa sinabi niya ay natawa na lang din ako. Totoo ‘yon kaya bigla akong napagod.


“Tatapusin natin?”


Tango lang ulit ang isinagot ko kay Asher. Sa huling segment ng show ay tumawag ang member ng mga participants galing sa crowd, at isa si Asher sa nakuha. Napapakamot  ito sa kaniyang batok nung nasa stage na siya. Wala akong ginawa kundi tawanan siya.


“Your name?” tanong kay Asher.


“Asher,”


Malakas talaga ang dating ng isang ‘to. Hindi naman siya yung main character pero nakukuha yung center of attention. Nagtilian ang mga tao.


“I want you to use the words araw-araw in a sentence.” Pagbigay kay Asher ng mic.


May games sila na gagamitin ang title ng kanta nila sa sentence. At iyon nga ang nakuha ni Asher.



“Go, Asher!”sigaw ko. Napapailing itong napatingin sa gawi ko.


“Araw-araw…..kong pipiliin yung….babaeng mahal ko ngayon,” sambit ni Asher. Nagkagulo muli ang crowd pero hindi ko alam kung sa dismiya iyon dahil may mahal na ‘to.


“Ang malaking tanong! Pinili ka ba?”


Mahinang napatawa si Asher. “Hindi,” sagot nito. Iisa ang reaksyon ng mga tao kaya natawa ang banda.



“Hindi, I mean….hindi pa niya ako pinipili sa ngayon. Pero alam kong darating yung araw na ako naman ang pipiliin niya.”


“Who are you with?”


Tinuro ako ni Asher. “I’m with my-”


“The girl you are talking about?” pag putol kay Asher ng isang member. Napalingon tuloy sa akin ang mga malalapit sa akin.


Tumawa si Asher. “N-No, I'm with my best friend.” Pakilala nito sa akin.


I know the girl he’s talking about is Natasha. Grabe talaga tama niya kay Natasha, kaya niya aminin sa ganitong karaming tao.



“Gutom na ‘ko.” Reklamo ko kay Asher habang tinatahak ang daan pauwi.


“Kain muna tayo?”


“May open pa kayang kainan sa oras na ‘to?”


Almost 1:00 a.m na natapos ang show. Hindi pa ako nagdidinner kaya naman nakaramdam na ako ng gutom, sumabay pa ang sakit ng aking paa at lalamunan.


“Hahanap tayo,” sambit ni Asher.


Lumulingon-lingon din ako ng mga kainan na 24/7 open. Kahit hindi na sa restaurant basta malinis.


“Dito nalang tayo, Asher.”


Bumagal ang pagpapatakbo ng sasakyan ni Asher.


“Saan?”


“Doon.” Turo ko sa mga nakahilerang mga motor na mag sakay na mga pagkain sa harap. Street food ang karaniwan nito at marami-rami rin ang mga tao.


“Seriously? Hindi natin alam kung malinis yung mga ‘yan. Saka ano kakainin mo diyan?”


Sinimangutan ko siya. “May burger naman oh! Bahala ka kung ayaw mo ako nalang. Once na ako nakakain n'yan no!”


Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at lumabas dala lang ang wallet. Ang jacket ni Asher ay nakasuot na sa akin ngayon dahil malamig na ang hangin.


“Hindi ako kumakain niyan, Astrid.”


Sus! Arte-arte pa susunod din naman pala.



“Ate, pabili nga po nito, saka ito, sa iyon po dalawang order. Tapos yung orange po na ‘yan 10 pieces po.” Itinuro ko nalang sa tindera ang mga gusto ko dahil hindi ko naman alam ang mga pangalan non. Pagkatapos ko iyon bayaran ay umupo ako sa pang dalawahang mesa.


“Sino kasama mo kumain ng mga ‘yan noon?” pag-upo ni Asher sa tapat ko.


“Friends ko. Bakit ikaw hindi mo pa nasubukan?”


“Nasubukan na, pero hindi na ako umulit. Sumakit yung tiyan ko kaya na hospital pa ako.”


Mangha akong natawa. “Wow! Yayamanin pati ang tiyan!”


Inismiran niya ako sa aking reaksyon.


“Don’t worry baka marumi lang yung nakain niyo. Dito parang malinis naman kaya itry mo.”


Sa paglapag ng ale sa mesa ng mga pagkaing binili ko ay hindi agad maipinta ang mukha ni Asher habang tinitingnan ‘to. Sinimulan ko naman na ang kumain.



“Hmm….this is good. Try it!” pang-eengganyo ko sa kaniya.


Nakahalukipkip ang mga braso nitong sumandal sa upuan at sa ibang direksyon tumingin.


“Hmm…ang sarap! You should try it.”


Umiling lang ito sa akin. Kinuha ko ang isang stick at kinuha siya ng para sa kaniya.


“Ahh!” akma kong pagsubo sa kaniyang bibig. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa isusubo ko.



“Ayoko, Astrid.” Pag-iwas ng kaniyang bibig pero lalo ko itong inilapit.



“Isa lang promise! Say ahh, baby Asher!” pang uuto ko sa kaniya. Napatitig ito sa akin at malalim na bumuntong hininga bago kainin ang hawak ko. Dahan-dahan niya itong ninguya at agad na sinundan ng tubig.


“How is it?”


“Not bad,” tugon niya na ikinangiti ko.



“I told you! Oh isa pa!”


Wala siyang reklamong kinain ulit ang isinubo ko sa kaniya. Kalaunan ay kinuha na niya sa akin ang stick at siya ang kumuha para sa kaniya.


“Kapag sumakit tiyan ko dalhin mo ako sa hospital ah?” he said.


Pagkatapos namin kumain ay tumambay muna kami ni Asher sa kabilang kalsada kung saan nakaparada ang sasakyan niya. Nakabukas ang back seat, doon ako nakaupo at sa harap ko ay si Asher na nakasandal sa railings.


“Ang arte mo, hindi ko naman kasi sinabing kumain ka ng marami.”



“Pinilit mo ako.” Giit niya.


“Pinilit mo mukha mo! Dalawa lang sinubo ko sa ‘yo no!”


Tumawa ito sa akin at tumalikod. Lumabas naman ako sa sasakyan para tumabi sa kaniya. Nakapatong ang dalawang braso nito sa railings habang nakatingala sa langit at ako naman ay nakasandal.


“Si David….na try na ba niya kumain ng street food?”


I saw at the corner of my eye that he staring at me right now.


“Hindi…..at ayaw niyang subukan.”


Matipid akong napangiti. “Siguro kung kasama ko siya ngayon….nasubukan na niya.”


“Hindi ka niya pagbibigyan.”


Inignora ko ang sinabi ni Asher na parang hindi ko ito narinig. Hindi ko inalis ang pagkakangiti ko habang tinitingnan ang dalawang couple na masayang kumakain.


“I wish……I’m with David right now,” I whispered.


Napakasaya siguro ng gabing ito kung si David ang kasama ko. Masaya naman ako na nakasama ko si Asher, pero iba siguro ang saya kung si David talaga. Pangarap ko kasi ‘yon. Yung makasama si David na manood ng mga show or concert.


Tumindig ang balahibo ko sa lakas ng hangin. Suot ko na ang jacket ni Asher pero nakakaramdam pa rin ako ng lamig. Napalingon naman ako kay Asher na nakadukdok ngayon sa railings.



“Huy, anong nangyayari sa ‘yo?” pagkalabit ko sa kaniya.


Kung ako ay ginaw na ginaw, si Asher naman ngayon ay pawis na pawis. Hindi maipinta ang mukha nito at ang isang kamay ay nakahawak sa kaniyang tiyan. Nakaramdam ako ng kaba.


“A-Ang sakit ng tiyan ko. Para ‘kong masusuka.” Daing niya.


“Hindi magandang biro, Asher.”


Hindi ko alam kung nang titrip lang siya para pakabahin ako. Pero natataranta na ako ngayon ng mapa-upo si Asher nang nakahawak sa kaniyang tiyan.



“Seryoso ka ba, Asher? Huwag ka namang magbiro ng ganyan.”


Pinilit itong tumayo habang nakahawak sa aking braso.


“Uwi na tayo,” nangingiwing sabi niya.


“Ako na magmamaneho.”


Isinakay ko siya sa front seat at ako naman ngayon ang nasa driver seat. Ngayon ko masasabi na hindi nagbibiro si Asher. Pinipilit nitong itago ang pamimilipit. Lumalabas ang mga ugat niya sa kamay sa sobrang higpit nang pagkakakapit sa t-shirt. This time ay binilisan ko ang pagmamaneho at umiba ng direksyon. Dadalhin ko si Asher sa hospital.


“Saan tayo, Astrid?”


“Hospital,” maikling sagot ko.


Sa pagparada ko ng sasakyan ay mabilis akong pumunta sa gawi ni Asher para buksan ang pinto. Namumutla si Asher. Natataranta man ako ay pinilit kong ikalma ang sarili ko para maakay si Asher sa loob ng hospital.



“M-Masakit ba?” tanong ko kay Asher habang ang braso nito'y nasa aking balikat.



“Sobra,” mahinang sagot niya.



Sinalubong kami ng nurse at tinanong kung ano ang nangyari. Dinala si Asher sa isang kwarto habang ako ay naiwan sa labas. Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko. He refused several times but I forced him to try. Nakakainis! Na hospital na naman siya ng dahil sa akin! Tapos ano ang sasabihin niya kapag tinanong ulit siya? Pagtatakpan na naman niya ang tunay na nangyari.


Napatayo ako nang lumabas sa kwarto ni Asher ang isang nurse.



“Okay na ba yung pasyente?” tanong ko.



“Opo, Ma'am. May ginagawa lang po sa kaniya pero pwede na kayo pumasok.”


Mabagal akong lumakad papunta sa kwarto ni Asher. Sinilip ko muna ito mula sa pintuan na nakasiwang. May inilalagay sa kaniyang pulsuhan ang nurse na babae. Umayos na rin ang kulay ng mukha ni Asher hindi katulad kanina.


“Kilala mo ba si David? David Abellon?” dinig kong tanong ni Asher sa babae.


“Opo, Sir, nakakasama ko siya sa duty.”



“Nandito pa ba siya or nandito ba siya kanina? Pinsan ko siya at sabi kasi niya nag duty siya.”


Nakinig muna ako sa usapan ng dalawa. Hinihintay ko na matapos ang nurse at lumabas bago ako pumasok.


“Hindi ako sigurado, Sir. Pero parang hindi naman po siya nagduty. Kahapon siya may duty at alam ko po ay wala siyang duty ngayon.”


Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko iyon. Napatigil din si Asher at hindi na nakapagsalita pa. Hindi. Nagkamali lang ang nurse. Sa kaniya nang galing na hindi siya sigurado. Bakit naman magsisinungaling sa akin si David? Naniniwala akong nasa duty siya kanina katulad ng sabi niya.

Last Ride(Last Series#02)Место, где живут истории. Откройте их для себя