CHAPTER 32

615 11 2
                                    

Drunk call

Napadilat ako mula sa aking pagtulog dahil sa madalas na pagtunog ng cellphone ko. Napatihaya ako sa pagkakahiga at kinapa ang cellphone kahit pupungay-pungay pa. Nang makita kong mga text ito nila Amara, Aloisia, at Asher na tinatanong kung bakit hindi ako pumasok, ay pinatay ko muli ito at bumalik sa pagkakatulog.


Sanay sila na nagsasabi ako in case na hindi ako makakapasok. Iba ngayon, wala akong pasabi dahil hindi ko naman inakala na hindi ako makakapasok. Sa sobrang pagod ko yata sa pag-iyak ang dahilan kung bakit palubog na ang araw ay tulog pa rin ako. Halos hindi ko maidilat ang aking mata sa pamumugto nito.


It’s already 2 weeks….2 weeks for being empty. Yung sakit na nararamdaman ko ay fresh pa rin. Parang kahapon lang nangyari. Hindi lumilipas ang araw na hindi ako umiiyak. Sobrang sakit ng bawat araw na lumilipas. Hindi ko pa rin matanggap na ako at si David ay wala na. Si David na mahal na mahal ko ay nagawa akong lokohin at higit pa ro'n….walang nararamdamang pagmamahal sa akin.


Siguro kung cheating lang ang involve ay nagawa ko pang maghabol. Pero sa kaso ko ay ang hirap ang maghabol kung wala akong hahabulin.


“Oh? Hindi ka pumasok, Astrid?” tanong sa akin ni Papa pagbaba ko ng hagdan. Nasa sala silang lahat at nandito rin si kuya kasama ang asawang si Ate Melly na kandong ang anak na si Miya.


Umupo ako sa tabi ni Ate Melly at nilaro ang kamay ng aking pamangkin.


“Hindi po maganda yung pakiramdam ko kanina,” sagot ko kay Papa. “Pwede ko ba siyang kargahin?” tanong ko naman kay Ate Melly. Inilipag nito sa aking mga braso si Miya.


“Hello….baby girl…” pinisil ko ang pisngi nito na ikinabungisngis niya. Hindi ko napigilan ang mapangiti. Sana ay ganito rin kacute ang magiging anak ko. Alam kong hindi pa ako handa na magka-anak pero isa ito sa mga pangarap ko.


“Uminon ka na ba ng gamot, anak?” tanong naman sa akin ni Mama.


“Okay na po ako,” sagot ko.


“Marunong kana pala mag-alaga ng bata, Astrid. Pwede kana mag-asawa.” Panunukso sa akin ni Kuya. Inirapan ko naman siya.


“Sino naman aasawahin ko?”


“Bakit? Wala ka bang boyfriend?”


“Wala!” agap na sagot ko. This time, this is not a lie. Wala na talaga akong boyfriend. At hindi ko man lang napakilala sa kanila ang naging boyfriend ko.


“Gusto mo ilakad nalang kita sa kaibigan kong si Theo. Mabait ‘yon mas matanda nga lang sa ‘yo.”


“No thanks, kuya. Hindi ako interesado mag boyfriend ngayon.” Ibinigay ko si Miya kay Ate Melly dahil nakatulog na ito sa aking bisig.


Kinagabihan ay sabay-sabay kaming kumain. Nalaman ko na rito pala magtutulog sila kuya.


Wala mang laman ang tiyan ko simula umaga ay hindi pa rin ako makakain ng maayos. Pinipilit ko lang na lunukin ang bawat subo ko para hindi magtaka sila Mama. Mukhang hindi ko na kakailanganin pang mag exercise kung ganito ako lagi.


Ang hirap pala mag panggap na okay ka sa harap ng pamilya mo. Ayos lang naman na magkwento ako dahil open ako sa pamilya ko, ang problema ay ayoko pa rin masira si David sa panginin ng pamilya ko. After all, gusto ko pa rin siyang protektahan.


Makalipas ang ilang oras na pag-uusap sa hapag, ay lumabas ako ng bahay. Gusto ko lang sana tumambay para makalanghap ng sariwang hangin, pero natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakasakay sa motor at nagmamaneho. Wala akong suot na riding gears. Tangin jacket na napapalooban ng sando at isang maong short lang ang suot ko. Sa loob ng jacket ay nandoon ang wallet at phone ko.


Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang mag drive at damhin ang hangin dahil sa pamamagitan nito ay parang binabawasan ang bigat ng nararamdaman ko.


“348 po, Ma'am.”


“Keep the change.”


Inabot ko sa cashier ang buong 500 pesos at hindi na kinuha pa ang sukli. Lumabas agad ako na bitbit ang isang plastic na kinalalagyan ng alak na nabili ko sa isang convenient store na nadaanan ko.


Tumambay ako sa labas nito at doon ininom ang biniling alak. Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin pagkatapos nito.


Isa, dalawa, hanggang sa makapito akong can ng alak. Ramdam ko na ang epekto nito kaya naman napagpasyahan ko na umuwi na. Chineck ko muna ang phone ko na puno ng message na hindi ko sinasagot o binabasa. Lagpas alas dose na pala.


“Miss, mag dadrive ka?” tanong sa akin ng isang lalaki sa kabilang upuan. Tumayo ako na nahihilo.


“Oo,” sagot ko at kinuha ang susi ng motor.


“Mukhang marami kang nainom, Miss. Wala bang pwede sumundo sa ‘yo?”


Gusto kong matawa. I know this style. Alam ko kung saan ‘to patungo. Sinuri ko ang lalaki at hindi ko maitatanggi na may itsura ito.


“Kaya ko ang sarili ko,” tugon ko rito at tinalikuran.


Sumampa ako sa motor ko. Kaya ko naman mag drive ng nakainom kaya sa tingin ko ay makakauwi naman ako ng ligtas. Pero ilang minuto pa lang nang pagmamaneho ay sadya kong hininto ang motor ko dahil sa pagbaliktad ng sikmura.


Madilim. Tanging street lights lang ang nabibigay liwanag sa daan. Dahil sa sobrang hilo na nararamdaman ko ay pinili kong maupo sa malamig na semento sa tabi ng street lights. Nilabas ko ang cellphone para may matawagan.


“Hi….” paos na boses na bungad ko sa kaniya.


“Are you okay? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko, Astrid? I'm fucking worried every second about you at hindi mo man lang sinasagot pati ang text ko.”


Nakapikit akong napangiti sa galit na boses ni Asher. Kahit mukhang galit siya ay ramdam ko pa rin ang pag-aalala sa boses niya.


“I need you…..rigth now, Asher.”


Saglit na natahimik ang kabilang linya.


“Nasaan ka?”

Pinagmasdan ko ang paligid. “Hindi ko alam.”


“Anong hindi mo alam?!”


“Street lights……abandonadong tindahan…..mga walang ilaw na bahay. Iyon lang ang nakikita ko, Asher.” Paglalarawan ko sa paligid.


Narinig ko ang mahinang pagmura ni Asher. “Stay there! Huwag kang aalis diyan, naiintindihan mo, Astrid? Hahanapin kita ‘wag mong papatayin ang cellphone mo.”


“Uhmkay,” mahinang sagot ko.

Narinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto ni Asher. Nanatili ang cellphone sa tenga ko kaya pati ang mabilis na paghinga niya ay naririnig ko. Mukhang nagmamadali siya.


“Are you still there, Astrid?”


“I'm here.”


Napabuntong hininga siya ganun din ako. Nakakapagtaka na wala akong maramdaman na takot kahit na madilim ang paligid at walang dumadaan na sasakyan. Siguro dahil sa alak ay naging matapang ako pansamantala.


“Saan ka ba galing?” tanong ni Asher.


“Hindi ko alam.”

Tumikhim siya. Pinagdikit ko naman ang aking mga binti at dumukdok sa aking mga tuhod. Why I suddenly like this kind of place? Silent, dark, and peaceful. Hindi ko alam kung bakit ako nakahanap ng peace of mind sa lugar na madilim na siyang kinatatakutan ko noon.


“Lasing ka ba?”


Tumawa ako kahit na wala namang nakakatawa sa tanong ni Asher. “Ako? Lasing? Hindi ah! Nakapagdrive pa nga ako.”


“Astrid…..” problemado siyang napaungot. “Hindi mo ba alam na masamang mag drive kapag naka motor? Paano kung may mangyari sa ‘yo? Bakit hindi mo ako tinawagan kanina para nasamahan kita?”


Ngumiti ako. “Huwag ka ng magalit diyan, hanapin mo nalang ako.”


“Kapag ikaw…..na hanap ko…”


Hinintay ko ang kasunod na sasabihin niya. Ngunit walang dumating.


“Ano, Asher? Kapag na hanap mo ako ano gagawin mo?


“Hindi na kita papakawalan.”


Naestatwa ako sa aking kinauupuan. Tiningnan ko naman ang cell phone ko na biglang pinatay ni Asher ang tawag. Tatawagan ko sana ulit siya pero tumama sa akin ang malakas na ilaw ng sasakyan. I know it’s him. Nahanap niya ako.


Malakas na sinara ni Asher ang sasakyan at madilim ang mga tingin na dumiretso sa akin.


“You are not even wearing a helmet, Astrid?” madiing tanong niya. Nakatingala ako sa kaniyang umiling. Lalong nainis si Asher.


“Halika na, umuwi na tayo.” Nilahad niya ang kaniyang kamay para tulungan ako tumayo pero hindi ko iyon kinuha. Umiling ako sa kaniya.


“Let’s stay here for a while please?” pakiusap ko habang magkadikit ang aking mga palad.


Ang dalawang kamay nito ay nasa kaniyang mga baywang at problemadong nakatingin sa akin.


“You are drunk, Astrid. Madumi ‘yang kinauupuan mo.”


Nagmatigas pa rin ako. Niyakap ko ang aking mga tuhod.


“Iwan mo na ulit ako. Dito muna ako,” nangongonsensyang tinig ko.


Hindi siya sumagot kaya tiningala ko siya. Nakita ko na inalis nito ang suot na jacket at inilatag sa semento.


“Asher-”

Nanlalaki ang mga mata ko nang buhatin niya ako upang ilipat sa inilatag niyang jacket. Walang salitang tumabi siya sa akin sa ilalim ng liwanag ng street lights.


“Ang baho.”

Sinamaan ko si Asher nang tingin. Nakatakip ito ng ilong na parang hinahanap kung ano ang mabaho hanggang sa mapatingin siya sa akin. Tumaas ang dalawang kilay nito.


“Bakit?” nagtatakang tanong niya.


“Sabi mo mabaho.”


Mahina siyang napatawa. “Hindi ko sinabing ikaw, Astrid.” Inilapit niya ang mukha sa akin para amoyin ako.


“Sinukahan mo yung damit mo.”


“Edi ‘wag ka tumabi sa akin kung mabaho ako!” itinulak ko siya. Tinawanan lang ako nito.


Mahabang katahimikan ang nangibabaw sa amin ni Asher. Hanggang sa may naisipan akong gawin na sa tingin ko ay pagsisisihan ko kinabukasan.


“Asher, pahiram ng phone mo.”


Bahagya siyang napalingon sa akin. “Bakit?”


“Basta may gagawin lang ako.” Inilahad ko ang palad ko at nag aalangan naman niyang inilagay doon ang phone niya.


Hindi ako lasing pero iba ang tama sa akin ng alak ngayon. Lumalakas ang loob ko rito. Hinanap ko ang number ni David at tinawagan ito. Naisipan ko na tawagan siya gamit ang number ni Asher dahil baka hindi ako sagutin ni David kung number ko ang gamit ko.


“What are you doing, Astrid?” sinubukan niyang agawin ang cell phone niya ngunit inilipat ko ito sa kabila kong tenga.


And finally! He answered!


“Chad? Napatawag ka?”

Tanginang alak lakas din mang good time. Kanina okay ako ngayon umiiyak naman ako.


“Chad?”

“I-It’s me, David “


Natahimik si David.


“A-Astrid? You are with him? Bakit ka tumawag?”


Napahikbi ako. Naramdaman ko naman ang pagtayo ni Asher sa tabi ko.


“Tumawag ako….para sabihin sa ‘yo na….ang sakit sakit ng ginawa mo sa akin! Ang gago mo, David! Ang gago mo para saktan ako ng ganito. H-Hindi ka na luge sa akin kasi….maganda naman ako saka mabait. Pero….pero nagawa mo pa rin akong saktan. Napakasama mo, David!” wala sa sarili akong umiyak sa gilid ng daan.


“I'm sorry, Astrid. Kung maibabalik ko man yung oras sana naitama ko ang lahat.”


“Sorry? Walang magagawa ‘yang sorry mo, David! Hindi niyan maaalis yung nararamdaman ko. Ang kapal ng mukha mo dahil gwapo ka! Para sabihin ko sa ‘yo, gwapo ka lang! Iyon lang nagustuhan ko sa ‘yo dahil gwapo ka lang! Akala mo, makakamove on din ako sayo! At hinding-hindi ka na makakakilala ng katulad ko na iintindihin ‘yang ugali mo! Ako lang! Ako lang ang kaya magtiis sa ugali mo, David!”


“Lasing ka ba, Astrid?”


Sasagot pa sana ako kaso ay naagaw ni Asher ang cell phone sa kamay ko.


“That's enough, Astrid.”


“Hindi! Marami pa akong sasabihin sa gagong pinsan mo na ‘yon. Ibigay mo sa akin yung phone mo, Asher.”


Sa halip na ibigay niya sa aking kamay na nakalahad ang cellphone ay hinatak niya ako patayo. Medyo napalakas si Asher dahilan para masubsob ako sa dibdib niya.


“Let’s go home. May pasok pa tayo bukas,” bulong niya sa tenga ko.


Inilagay ko ang aking palad sa dibdib niya para itulak siya pero sa oras na ‘to ay parang naubusan ako ng lakas para gawin iyon.


“Ikaw…..totoo ba na….gusto mo ako?”


Dumiin ang pagkakalapat ng kamay ni Asher sa aking likuran. Naaalala kong sinabi sa akin ni David, hindi ko lang pinagtuonan ng pansin.


“Gusto mo ba ako, Asher?”


“Bakit? May magbabago ba kung sasabihin ko sa ‘yong gusto kita?”


Napatingala ako kay Asher at napatitig. He’s now looking at me with his gentle eyes.


“Gusto mo nga ako.” Hindi iyon isang tanong dahil nakumpirma ko iyon sa kaniyang mga mata.


“Gusto mo ako, Asher.” Hinatak ko ang damit niya palapit lalo sa akin pero nanatiling tahimik si Asher.


“Kailan mo pa ako gusto?”


“Bakit gusto mo malaman? Wala ka namang pakialam sa nararamdaman ko ‘di ba?” malamig na tinig niya.


Sinubukan kong lumayo sa kaniya ngunit ang mga kamay ni Asher ay nasa aking likuran upang hindi ako makakilos. Magkadikit ang aming mga dibdib habang nakatingala ako sa kaniya.


“Hindi ba sinabi kong hindi mo ako pwede gustuhin? Dahil ikaw lang ang matatalo.”


Umangat ang gilid ng labi nito. “Pero hindi mo sinabi na bawal kita mahalin.”


Nakalimutan ko na yata huminga. Bigla akong nanghina. Ang mga mata naman ni Asher ay papalit-palit sa aking labi at mata.


“A-Anong sinasabi-”


Naputol ang aking sasabihin dahil sa isang malalim na halik na galing kay Asher. Lalo nanigas ang aking katawan at humigpit ang pagkakahawak sa kaniyang damit.


“Handa akong sumugal at matalo, Astrid. Susugal na ako sa ‘yo. Isusugal ko na ang nararamdaman ko.”

Last Ride(Last Series#02)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang