CHAPTER 49

499 31 18
                                    

Telling the truth

“Astrid? Papasok ako, ah?” pagkatok ni Mama sa pintuan ng aking kwarto. Hindi ako gumalaw sa pagkakahiga ko sa aking kama, nanatili akong pikit kahit na gising.


Naramdaman ko ang paglubog ng kama hudyat nang pag-upo ni Mama roon. Hanggang sa may marahan nang humahaplos sa aking buhok.


“Hindi ka raw kumain ng lunch. Hindi ka ba nagugutom?” tanong nito.


“Hindi po,” mahinang sagot ko.


Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Mama.


“Ang dilim-dilim sa kwarto mo. Isang buwan ka na yatang hindi nakakakita ng araw. Ayaw mo bang lumabas?”


Tanging iling ang naging sagot ko. Totoo ang sinabi ni Mama. Isang buwan na halos akong nandito lang sa loob ng bahay. Lumalabas lamang ako tuwing kakain at naiintindihan naman iyon ng pamilya ko. Isang buwan na rin akong hindi pumapasok ng trabaho. Isang buwan na akong walang gana sa buhay ko at nilalamon na ng kalungkutan.


“Nakausap nga pala namin kanina yung magulang ni Sojie. Nagmamakaawa silang itigil ang kaso pero hindi pumayag ang Papa mo at syempre ako rin.”


Agad na nakarating sa magulang ko ang nangyari sa akin at agad din itong binigyan ng aksyon . Ngunit nanatili itong lihim sa publiko na hiniling ko sa pamilya ko. Ayoko ko kasing pagchismisan ng mga tao. Ayoko malaman nino man na muntik na akong maging rape victim. Tanging pamilya ni Sojie, pamilya ko at si David lang ang nakakaalam.


“Thanks, Ma…” maikling sagot ko.


“Si Asher….hindi ba siya pupunta dito? Ang tagal niyo na ring hindi nagkikita.”


“Ayoko po muna siya papuntahin.” Pagsisinungaling ko kay Mama.


My family wasn’t aware that we were no longer together. Ayoko sabihin dahil may balak pa naman akong ayusin ang lahat. Binibigyan ko lang sarili ko at si Asher ng oras na makapag-isip-isip. I am mentally weak right now at gusto ko muna ayusin ang sarili ko bago ang relasyon namin ni Asher.

“Ganun ba? Sige, lalabas na ako. Bumaba ka mamaya para kumain. Aalis kami ni Papa mo dahil pipili kami ng representative na pupuntang New York para sa fashion show. Ikaw sana ang gusto kong pumunta pero naiintindihan ko, Anak. Magpahinga ka muna ha?”


Marahan akong tumango. Napapikit muli ako nang marinig ko ang pagsara ng pinto. Malalim akong napahugot ng hininga. Bakit kahit anong haba ng tulog ko ay parang pagod pa rin ako? Sobrang bigat ng pakiramdam ko.


Kinapa ko ang cell phone sa gilid ng aking kama. Naningkit ang aking mata nung maliwanag itong umilaw. Sunod-sunod ang pagtunog nito sa mga messages at emails. Isang buwan ko na rin kasing hindi ito binuksan. Sa dami ng messages at emails na pumasok ay ang pangalan ni Asher ang unang hinanap ko. Nagbabakasakaling mag text siya pero bigo ako. Wala akong natanggap na mensahe kahit isa mula sa kaniya. Sana pala ay hindi ko nalang binuksan ang cell phone ko, lalo lang bumigat ang pakiramdam ko.


Kumunot naman ang aking noo sa maraming message galing kay David. Binuksan ko iyon at binasa.


Unknown:
How are you?


Unknown:
Hindi ka pala pumasok. I went to your office.

Unknown:
Hindi ka pa rin pumapasok. Gusto sana kita makausap personally.

Unknown:
Pwede ba tayo magkita? May sasabihin lang ako.

Unknown:
Kita tayo sa race track please? Saglit lang may sasabihin lang ako.

Unknown:
Naghintay ako.

Unknown:
I am leaving Astrid.

Unknown:
Mamimiss kita pero pipigilan ko. I'm still always here for you. Kung kailangan mo ako kahit bilang kaibigan nalang, message me.

Unknown:
Be happy:) always choose to be happy.


The last message was two days ago. Ibig sabihin ay dalawang araw na palang wala dito sa Pilipinas si David. Hindi ko alam kung kailan ulit magtatagpo ang landas namin, but I wish sana ayos na ang lahat non. Naka move on na siya, masaya at ganun din ako.


Sunod kong binuksan ay ang message ni Sofie. Nangunot ang aking noo nung mabasa ko ito. Napahawak ako sa aking ulo sa mabilis na pagbangon ko.


Sofie:
Girl, I saw Asher with someone at the airport. May dalang luggage, aalis yata.


Sinubukan kong tawagan si Sofie para maliwanagan pero hindi ko ito macontact. Hindi niya sinabi kung sino ang kasama, babae ba or lalaki? Si Princess? Saan sila pupunta? Mag out of town? Out of the country? Bakit?! Bakit kailangan niyang umalis?! Paano kung hindi na siya bumalik?!


Hindi ako napakali sa mga tanong na nabuo sa isip ko at nananatiling walang kasagutan. Agad akong nagdesisyon na mag ayos ng sarili para lumabas at humanap ng kasagutan. Naligo ako at binigyang kulay ang aking mukha. Kinuha ko ang susi ng sasakyan at lakad takbong lumabas. Hindi ko na inalam pa kung nakaalis na sila Mama.


Una kong pinuntahan ay ang bahay nila Asher. Pagdating ko sa tapat ng bahay nila ay agad akong bumaba ng sasakyan at pinindot ang doorbell. Hindi ako mapakaling nililibot nang tingin ang bahay nila Asher at hinihintay na may lumabas. Isang beses ulit akong nag door bell at nakita ko ang paglabas sa bahay ng isang kasambahay.


“Ma'am Astrid, kayo po pala. Si Sir Asher po ba sadya niyo?”


Tumango ako. “Nandiyan ba siya?”


Nagtatakang tumingin sa akin ang kasambahay. “Hindi niyo po ba nakausap si Sir Asher? Umalis po siya kasama ni Sir Neil, yung kaibigan niya. Dinig ko ay pumunta raw New York. Gusto niyo po ba pumasok? Nandito po sila Ma'am.”


“H-Hindi na,” agap na sagot ko. “Uhm…tatawagan ko nalang si Asher. Mauna na po ako.” Bahagya akong yumuko bago bumalik ng sasakyan.


So he went to New York with Neil. Gumaan ang pakiramdam ko sa pagkumpira kung sino ang kasama niya. Biglang pumasok sa akin ang sinabi ni Mama. Kailangan ng representative na pupuntang New York. Agad akong nagmaneho pabalik ng bahay. Ako na ang mag bo-volunteer bago pa maibigay iyon sa iba. Pupunta ako ng New York para sundan si Asher. Bahala na pagdating doon.


“Klea, Can I stay in your condo? For three days lang sana.” Pakiusap ko kay Klea, Pinsan ni Amara na nakatira sa New York.


“Oo naman! Kailan ka pupunta dito?”


“Tomorrow ang flight ko.”


“Sunduin kita sa Airport. Sakto! Day off ko bukas!” masayang ani nito.


“Uhm…okay lang ba?” tugon ko. Makikitira na nga ako ng tatlong araw, tapos susunduin pa niya ako. Kaya ko naman mag check-in mag isa kaso ay kailangan ko ang tulong ni Klea ngayon.


“Bakit naman hindi? Excited nga ako, eh! May makakasama na ako mag club!” pagtili niya.


“Pwede bang…uhm…humingi ako ng isang favor?” nahihiyang pakiusap ko.


“Sure! Kung kaya ko, why not?”


Iginilid ko ang humaharang na buhok sa aking mukha. Pumunta ako ng closet at inilabas ang maleta roon. “Ahh….kilala mo si Neil hindi ba? Yung best friend ni Aloisia.”


“Ah yeah? What about him?”


“Could you please contact him? Kung nasaan siya ngayon sa New York? But! Huwag mo sasabihin na ako yung nagpapatanong.”


“May I know why?” pag-uusisa pa nito.


Napabuntong hininga ako. “He’s with Asher right now. May hindi kami pagkakaintindihan ni Asher kaya gusto ko siya makausap. Ayokong malaman niya na pupunta rin ako ng New York dahil baka bigla siyang umuwi ng Pinas.”


“Okay, that’s makes sense. I'll message you the whole info later.” Mabilis na pagpayag nito. Napangiti ako.


“Thank you so much, Klea! I owe you a lot!”


“No problem, Astrid.”


Nung gabi ring iyon ay inayos ko ang mga kailangan ko dalhin. Naging mausisa si Mama sa biglang pagsabi ko na ako ang pupuntang New York ngunit ang tangi ko lang sagot ay gusto ko na bumalik sa trabaho.


Gabi na nung nakalapag ang eroplano. Hatak ang isang maleta ay hinanap ng aking mata si Klea. Mabilis ko naman siyang natagpuan na malaki ang ngiti sa akin habang kumakaway. Patakbo itong lumapit sa akin.


“Hi! Grabe ang ganda ganda mo! Iba talaga ang araw sa Pilipinas, ah! Nakakaganda!” masiglang sabi nito bago ako niyakap.


“Ikaw rin, ano ka ba? Pasyensya na sa abala, ah. Kanina ka pa ba?”


Lumakad kami palabas ng airport.


“Anong abala pinagsasabi mo diyan? Kung kailan ko pa nga hinihintay na bumalik kayo rito. Saka kadarating ko lang din, kala ko nga nakalapag na yung eroplano niyo.”


Kinawit nito ang kamay sa aking braso. “And guess what? Napaswerte mo talaga dahil malapit lang yung hotel nila Neil sa condo ko.”


Tumaas ang dalawa akong kilay. “Talaga? Sa tingin mo paano ko makikita si Asher? Pwede ba ako pumunta do'n?”


“Pwede siguro kung magpapatulong ka kay Neil. Alam na ni Neil na pupunta ka dahil guest din pala siya sa fashion show na pupuntahan mo. But don’t worry he promised na hindi niya sasabihin kay Asher.”

Napatangu-tango. Sana nga ay matulungan ako ni Neil.


“Bukas…after ng event kakausapin ko si Asher. Magpapasama nalang ako kay Neil.” Napalunok ako pagkatapos ko iyon sabihin. Wala akong plano sa isip ko kung paano ko kakausapin si Asher. Blangko ang isip ko ngayon basta ang gusto ko lang ay makausap si Asher at ipaintindi sa kaniya ang lahat. Ang gusto ko lang naman ay maging bukas na ang isipan niya at handa na siyang makinig sa akin.


“Saktong-sakto sa ‘yo yung gown,” si Klea. Umikot ako sa harap ng salamin suot ang isang tube silver gown na galing mismo sa minamanage na boutique ni Klea. Ito ang susuotin ko mamaya sa event. Tinulungan na rin ako ni Klea sa make up ko.


“Alam mo pwede ka talagang model. Yung mukha mo, yung hulma ng katawan mo pang modelo eh.”


“Syempre naman! Astrid Cuevas yata ‘to,” pabirong pagyayabang ko.


“Baka sabay pa kayong umuwi ni Asher sa Pilipinas kapag nakita ka non.” Nanunukso itong ngumiti.


Sana nga. Kung kaya ko ayusin ang lahat sa gabing ito ay gagawin ko. Tinitigan ko ang sariling repleksyon sa isang malaking salamin. Umusbong ang kaba sa akin dahil alam kong maghaharap kami ni Asher. Makikita ko na ulit siya makalipas ang isang buwan.


“Tawagan mo lang ako kung kailangan kita sunduin, ah!” si Klea habang bumababa ako ng kotse niya. Inihatid niya ako sa venue at ang balak ko naman ay sumabay kay Neil papunta sa hotel nila.


“Sure. Papasok na ako.” Pagkaway ko sa kaniya.


Bago ako tuluyang pumasok sa venue ay malalim akong humugot ng hininga. Mamaya pa man kami magkikita ni Asher ay naglalamig na ang aking mga kamay at hindi mapakali ang mga paru-paro sa aking tiyan. Ipinilig ko ang aking ulo para sandaling mawala siya sa isipan ko at mabawasan ang kaba ko.


Pagdating ko sa entrance ng venue ay kinuha ko sa hawak na purse ang invitation card. Ngumiti sa akin ang babae at inihatid ako sa assigned na upuan sa akin.


Napakaliwanag ng venue at may background music. Marami na ring tao na sa tingin, katulad ko ay representative rin or mga CEO ng mga kumpanya. Nilibot ko ang tingin sa paligid sa pag-asang makita si Neil, pero bigo ako. Hindi pa yata siya dumadating.


Ilang sandali pa ay napalitan ng masiglang tugtog ang music background. Sunod-sunod na rin ang pagdating ng mga tao. Wala akong kinakausap na kahit sino dahil bukod sa wala akong interes, hinahanap ko si Neil kanina pa. Hanggang sa napako ang aking tingin sa dalawang lalaking matigas ang tindig na naglalakad na naka business attire. Sunod-sunod akong napalunok habang tinitigan si Asher na naglalakad katabi ni Neil na may malaking ngiti. Biglang nagwala ang puso ko sa lakas ng tibok.


Hindi naalis ang tingin ko sa kaniya hanggang sa umupo ito sa tapat ko. Ang dadaanan lang ng mga runway model ang pagitan naming dalawa.  Sa isang buwan na hindi namin pagkikita ay parang taon. Gusto ko lundagin yung stage na pagitan namin para mayakap siya. Gusto ko na ulit maramdaman yung halik niya sa pisngi ko, yung mainit niyang palad sa bewang ko na nagbibigay sa akin ng sekyuridad. Miss na miss ko na siya pero wala akong magawa ngayon kundi ang titigan lang siya.


Muli akong napalunok at itinikom ang aking bibig. Nag-uusap ang dalawa pero biglang nahagip ako ng mata ni Neil. Tinanguan lang ako nito at bumaling kay Asher, saka may sinabi. Nawala ang ngiti sa labi ni Asher nang mag-angat ito nang tingin sa akin. Napatuwid ito ng upo at walang emosyong nakatingin. Nagtagal ang titig niya sa aking hanggang sa magsimula ang fashion show. Yung matagal na titig na ‘yon ay hindi na muli bumalik sa akin. Nakatingin lang siya sa mga modelong dumadaan at ako pinapanood lang siya.


Nawala lang ang atensyon ko kay Asher nung ilabas nito ang cell phone at itinutok sa direksyon ng mga model. Napatingin ako roon at kinurot ang puso nung makita kong si Princess ang nasa gitna ng stage. Kunot noo kong pinabalik-balik ang tingin kay Asher at Princess. Nakangiti si Asher habang nakatutok ang camera kay Princess habang naglalakad.


Nayuko ako sa pinipigilang luha. What the hell is going on? Nagpunta ba siya rito para kay Neil o nag punta siya rito para isupport si Princess? Anong nangyari sa isang buwan na wala ako sa buhay niya?


Binalik ko ang tingin kay Asher, malaki ang ngiting sinusundan nang tingin si Princess habang naglalakad sa gitna ng stage. I wasn’t aware she’s one of the runway models. Hindi ko na nakayanan ang mga nakikita ko kaya nagpasya ako na tumayo.


“Hi, excuse me? May I know where I can find the comfort room?” tanong ko sa babaeng aking nilapitan.


“This way ma'am.” Turo nito sa diretsyong hallway.


“Thank you.”


Nagmartsa ako papunta sa comfort room. Pagpasok ko roon ay agad akong napahawak sa aking dibdib. Gusto ko isawalang bahala ang tumatakbo sa isip ko ngayon, pero yung mga ngiti ni Asher kanina….iba yung ngiting iyon. Kumikirot ang puso ko habang nakikita ko siyang masaya habang nakatingin sa iba. Yung babaeng pinagseselosan ko pa.

Ikinalma ko ang aking sarili. Ilang beses akong humugot ng hininga bago ulit bumalik sa event. Taas noo akong naglalakad at bumagal ang lakad ko nung makita ko si Asher sa hallway habang may kausap sa cell phone. Napansin niya ang presensya ko kaya napatingin ito sa akin. Napalunok ako at malalim na huminga, napagdesisyonan ko na lumapit sa kaniya.


“Asher,” tawag ko rito.


Pinatay muna nito ang cell phone bago ako harapin. Malaki ang ngiti nito sa akin. “Oh, hi!”


“Pwede ba tayo mag-usap?” humigpit ang pagkakahawak ko sa dalang purse


Tumaas ang dalawang kilay nito at tinuro ang direksyon ng kinapupwestuhan kanina.


“I'm sorry but I don’t think it’s the right time to talk right now. Hindi pa tapos yung event, kailangan ko na bumalik,” kaswal na sagot nito sa akin.


“Saglit lang naman.”



Bumuntong hininga ito na animo'y nauubusan ng pasyensya. “Mamaya nalang, Astrid. Hindi naman tiyak importante ‘yan. Mauna na ako.”


Naalarma ako sa biglang pagtalikod nito sa akin kaya agad kong hinila ang braso nito. Ginamit ko ang buong lakas ko para mapaharap siya. Iritable at kunot noo naman ngayon siyang nakatingin.


“Nandito ka ba dahil kay Neil or you are here to support that girl!”


Nawala ang emosyon nito sa pagtaas ng boses ko. Hindi ko na napigilan yung pinipigilan kong emosyon. Taas baba ang dibdib ko at matalim ang mga matang pinupukol sa kaniya. Kumunot ang noo ko sa sarkastikong pagtawa nito at napapailing-iling pa.


“What is wrong with supporting my girl?”


“Y-Your what?” pagkabasag ng boses ko.


“Lagi kong sinu-support ang mga nagiging girlfriend ko and for sure you know that.”


Hindi ko napigil ang pagdampi ng palad ko sa pisngi ni Asher. Nangangatal ang labi ko sa galit na sumibol sa akin.


“Girlfriend? A-Anong girlfriend, Asher? Isang buwan pa lang tayong hindi ayos tapos meron ka na agad?! Ganun mo ako kabilis palitan?!”


Ngumisi ito at humakbang palapit sa akin. Pinatatag ko ang aking mga binti upang makatayo ng maayos. “Bakit, Astrid? Anong masama sa ginagawa ko? At least ako napalipas ko ng isang buwan, eh ikaw? Habang tayo nga hindi ba nag e-entertain ka ng iba?”


“Asher, hindi naging kami ni David!” pagtulak ko sa kaniyang dibdib.


“Another lies again?” suminghal ito at muli akong tinalikuran.


“Asher, mag-usap tayo.” Paghabol ko sa kaniya.


“Bakit hindi si David ang kausapin mo? Nasaan ba siya? Nasa parking lot hinihintay ka?” pinag-diinan nito ang salitang parking lot.


“You’re just still mad.” Hinawak ko ang braso niya para mapatigil siya sa paglalakad at hinawi niya ang aking kamay.


“Of course I am!”  umigting ang panga nito at dumilim ang titig sa akin.


“Bakit ba hindi mo ako kayang pakinggan? Bakit ayaw mo makinig sa explanation ko?”


“Alam mo ba kung bakit hindi kita pinakikinggan? Sino ba namang tao ang gugustuhin pang makinig sa taong paulit-ulit nagsisinungaling? Ha, Astrid? Sabihin mo nga,” mahina ngunit madiin na ani nito.


“Hindi ko ipagmamakaila na may pagkakamali ako… pero, Asher…hindi lahat ng nasa isip mo tama. Hindi lahat ng akala mo totoo.” Pinahid ko ang luhang tumulo sa aking pisngi.


Saglit siyang natahimik at napatitig lang sa akin. “Alam mo bang….handa na sana ulit akong magpakatanga. Handa na sana akong lunukin ulit yung pride ko. Handa na sana ulit akong magbulag-bulagan.” Tumingala ito at humugot ng hininga, lalong dumilim ang tingin niya sa akin. Galit. Galit pa rin ang nangingibabaw sa kaniya. 


“Pero, Astrid….kung kailan ulit ako naging handa…maabutan pa kitang kayakap si David sa parking lot! Kung ikaw yung nasa posisyon ko…ano bang mararamdaman mo?! Did you know how broke I was knowing my girlfriend was seeing another man behind my back? Astrid, pinaliit ko yung mundo ko at pinaikot ko sa 'yo. Isipin mo kung gaano kasakit sa akin 'yon.”


“I-I almost rape that time, Asher,” pagkabasag ng boses ko. Napaatras si Asher at bakas ang gulat sa mga mata.



“Y-Yung araw…na nakita mong kayakap ako ni David…muntik na akong marape non! N-Niligtas niya ako, Asher. Hinang-hina ako nung oras na ‘yon at nagpapasalamat ako na nandoon si David. Kung wala siya doon…ano sa tingin mo yung nangyari sa akin? Sana pinakinggan mo ako nung gabing ‘yon! Kailangan kita non, Asher. Kailangan kita non pero pinili mong tumalikod at husgahan ako.” Sunod-sunod na tumulo ang luha nang magbalik sa alaala ko ang nangyari nung gabing iyon.


“A-Astrid,” hindi malaman ni Asher kung paano ako hahawakan. Hanggang sa maramdaman ko nalang ang mga bisig nitong pumulupot sa akin.


“Pinili kita, Asher. Pinili kita dahil ikaw yung mahal ko. Mahal kita. Mahal pa rin kita kahit ang sakit-sakit na nang ginagawa mo,” pabulong na hinaing ko. Humigpit ang yakap nito sa akin at naramdaman ko ang paghalik niya sa aking buhok.


“I-I'm sorry. Fuck! What I have done?!”


Last Ride(Last Series#02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon