CHAPTER 10

231 9 0
                                    

"Ang ganda mo talaga, Astrid...." bulong ng lalaking kahalikan ko. Mas lalo nitong siniil ang aking labi na siyang ginantihan ko.

"Astrid!" galit na sigaw mula sa aking likuran.


Nahinto ako sa aking ginagawa dahil dito. Inayos ko ang aking uniform at lumayo sa lalaki. Binigyan ko ito ng malagkit na tingin.


"Later...." bulong ko.


"Hotel later?" bulong din nito at hinapit ang aking bewang.


"Not so fast, honey. Pumasok ka na, may kakausapin lang ako."



Pinatakan ako nito ng halik bago tumalikod. Napahinto ang pakikipaghalikan ko ng dahil sa pamilyar na boses.


Pagkawala nito sa aking paningin saka ako bumaling sa aking likuran. Si David na mahigpit ang mga hawak sa dalang aklat at mabilis ang bawat paghinga. Namumula ang tenga nito.



"What are you doing, Astrid?!" galit na tanong ni David.


Nakaramdam ako ng takot sa madilim na tingin nito sa akin pero hindi ko ito pinahalata sa kaniya.


"Uhm...kissing?"


Inayos ko ang collar ng aking uniform dahil pagkakalukot nito ng lalaki.


"Kissing in the fucking hallway?!" he shouted.


Bakit ka galit David? Nagseselos ka? Hindi ko naman intensyon na mahuli niya akong nakikipaghalikan sa hallway. Ang intensyon ko ay sumubok sa ibang lalaki dahil baka maging interesado ako at mawala sa sistema ko si David. Pero yung ganitong reaksyon niya? Para akong binabaliw. Ang sarap makita na parang nagseselos siya.



"What's wrong with that?" I crossed my arms.


Humakbang ako ng dalawang hakbang palapit sa kaniya.


Hindi ito makapaniwalang tumingin sa akin. "What's wrong with that, huh?"


Hindi ako nakapagsalita nang hawakan ni David ang aking braso at hinatak sa pinaka dulo ng hallway, kung saan madalang ang mga dumadaan.


"After you confessed your love to me.....ito ang maabutan ko?" he angrily looked at me.


Napalunok ako at napatitig na lamang sa dibdib ni David.


"Do you really love me?" he whispered.


Unti-unti akong napatitig sa kaniyang mga mata. Sobra, David. Sobrang mahal kita pero bakit parang hindi mo naman nakikita? Bakit puro na lang mali ko ang nakikita mo? Bakit hindi mo nakikita yung mga dahilan kung bakit ko nagagawa yung pagkakamaling 'yon?


"Ilang taon kitang hinintay, tapos tatanungin mo ako kung mahal ba talaga kita?"


Naglakad si David palapit sa akin hanggang sa mapasandal ako sa pader. Binaba niya ang kaniyang mukha upang magpantay ang mga mata naming dalawa.


"Sobrang gusto mo na ba talaga ako kalimutan? At sa ganito pang paraan. Huwag ganito, Astrid. Huwag sa ganitong paraan. Hayaan mo na lang lumipas yung nararamdaman mo. Huwag mong baguhin ang sarili mo dahil gusto mo akong kalimutan."


"W-What do you want me to do?" mahinang sambit ko.


Bakit ganito ka mag react? Na parang gusto mo pa ring mahalin kita pagkatapos mo akong ireject? Bakit parang ayaw mo ako mag move on? Gusto ko isantinig lahat ito pero hindi ko magawa. Nawalan na ako ng lakas ng loob.


Last Ride(Last Series#02)Onde histórias criam vida. Descubra agora