CHAPTER 4

245 11 0
                                    

Dream




"Library lang ako." Paalam ko kina Aloisia at Amara habang nakatambay kami sa garden.




Tumaas ang kilay sa akin ni Aloisia at nanlalaki naman ang mga mata ni Amara.




"Anong nakain mo?" tanong ni Amara.




Going to the library is not my thing. But I received a text from my friend that David is there with his groupmate. Ilang araw ko na siya hindi nakakausap at nakikita dahil busy siya. Ang alam ko ay nag d-duty na siya sa hospital kaya madalang ko na siya makita.




"Uhm....sweet words?" natatawang sagot ko kay Amara.




I saw Aloisia's smirk. Kinindatan ko ito dahil alam kong alam niya ang pakay ko sa library. Ilang beses na niya akong nahuling nakatambay doon kahit walang ginagawa dahil kay David.




"See you later, girls!" pagkaway ko sa kanila. Isinukbit ko ang aking bag sa balikat at tinahak ang daan papuntang library.




I put enough lipstick on my lips and I sprayed my favorite perfume on my wrists and neck. Well, may balak lang naman akong lapitan si David. Ang tagal ko siyang hindi nakita at nakausap kaya naman hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito. Alam kong pagkatapos ng araw na 'to, ilang araw na naman ang bibilangin ko para makita siya ulit.




I understand how busy he is. I understand he's busy with his study and career. And I love seeing how he prioritize his career. Alam ko ang priority niya sa ngayon kaya nirerespeto ko iyon. At least hindi siya busy sa pangbababae. I know what's the reason for his busyness. Pero minsan ay gusto ko na lang maging pasyente para makita siya ng madalas.




"There you are..." bulong ko nang makita ko siya pag pasok ko ng library.




Umupo ako dalawang mesa ang pagitan namin. Kinuha ko ang malapad na aklat sa aking harapan para itago ang kalahati ng mukha habang pinapanood siya. Kasama niya ang dalawang lalaki na lahat sila ay nakatutok sa binabasang aklat.




A smile danced on my lips. He looks so hot with his eyeglasses. Kumukunot ang noo nito habang nagbabasa. Kahit sa simpleng kilos niya ay hindi ko mapigilan ang humanga. Sobrang miss ko siguro siya dahil parang may nagbago sa mukha nito. Para sa akin ay lalo siyang gumwapo. Parang lalong nag pinkish ang labi nito.




I giggled silently. Ngunit ang magandang natawin ay natabunan ng isang bulto. Umupo sa harap ko ang nakangising si Asher. Malakas nitong nilapag sa mesa ang hawak na aklat at isang notebook.




"What are you doing here, Astrid?" may panunuyang tono nito.




Inilapit nito ang mukhang nanliit ang mga mata sa akin. I ignored him at binalingan ulit si David. Lumapad ang ngiti ko nang makita ko ang pagtaws nito. Para akong nakakita ng angel na tumatawa.




Asher chuckle sarcastically. Kumunot ang noo ko rito.




"He likes someone else," natatawa pa ring sambit nito.




Sumama ang timpa ng aking mukha. Binigyan ko ito ng masamang tingin ngunit nag kibit balikat lang ito at sinimulang buklatin ang aklat.




"Shut up. Huwag mong gawing salamin ng buhay mo si David."



A corner of his mouth lifted.




"Hindi talaga. Wala siya sa kalingkingan ko."




"Ikaw ang wala sa kalingkingan niya!" asik ko.




Tumaas lang ang kilay nito at ibinalik ang tingin sa aklat. Matalas ang tingin ko sa kaniya kahit hindi siya nakatingin.




"Stop staring, Astrid. Baka malito ka kung sino ang gusto mo," deklara nito ng hindi nagtataas nang tingin.





Napasinghal na lang ako. Narinig ko ang mahinang pag tawa nito. Gusto ko siya patulan sa sobrang kakapalan ng mukha niya kaso mukhang masasayang lang ang oras ko. I disregard his presence and I chose to focus my attention on David. Dalawa na lang sila ngayon sa mesa. Hindi ko alam kung saan pumunta ang isa pero hinihiling ko na umalis na rin ang isa para malapitan ko siya.




Nakuha ulit ni Asher ang atensyon ko sa malakas na pagbuntong hininga nito. Isinara nito ang aklat nang nakatitig sa akin. Tumaas ang aking kilay sa pagsiklop ng mga palad nito at inilagay sa kaniyang baba.




"Look how desperate you are," he whispered.



Agad na nag init ang aking mukha sa irita sa kaniya. Gusto ko siyang sigawan pero nasa library kami. Nang iinsulto ang mga ngiti at tingin niya sa akin.




"Could you please shut your mouth, Asher?" I rolled my eyes.




He stuck out his tongue and giving me sarcastic look.




"Hindi ka ba makapahintay na siya ang mag first move? How can you love someone when you love someone more than yourself?"





My jaw dropped to his question. Hindi ko makita ang pagbibiro sa mata niya. Galit pa nga ang nababasa ko. He sounds concerned though I'm sure he doesn't.




Sumandal ito sa kaniyang upuan at bumaling sa kaniyang kaliwa bago ulit bumaling sa akin. Sa hindi malamang dahilan ang mga salitang binibitawan niya ay tumatagos sa akin. Para itong mga kutsilyong sumasaksak sa akin ngayon.




"I pity you, Astrid. I pity you for begging some attention when in fact....you deserve more. Are you content with what you got? You can get more..... but you settled for less."




My eyes burned with anger. Matalim ang mga titig ko sa kaniya ngunit hindi ko maitatangging nasasaktan ako. Ayoko ipakita sa kaniya na naapektuhan ako sa mga sinasabi niya.  Ilang beses akong napalunok sa nagbabadyang luha.




"Who are you to say that?" mariing tanong ko.




He glanced up at the ceiling.




"I'm an observer? David is obviously not interested and you....always chasing him. Always making papansin. And I bet always ignored by him?" ngumiti ito ng nakaka insulto.




Kumuyom ang aking kamao na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Pumunta ang tingin ni Asher sa aking kamay at nawala ang pagkakangisi nito.



"Shut up your mouth when you know nothing, Asher. Stop being epal. He is not ignoring me. And let me tell you....." inilapit ko ang aking mukha sa kaniya at bumulong.




"I don't need your pity. I pity you 'cause I know....you are just playing around. You don't even know how to love...." I only said this to save my ego.



Hindi ako pwede maging talunan sa harap niya. Ayokong malaman niya na sapul na sapul ako. Yes, I was ignored by him so many times. I do stupid things to get his attention. Hindi ko matanggap na naaawa sa akin ang taong ito sa mga ginagawa ko kay David. Nang balikan ko ang mga ginagawa ko ay nakaramdam din ako ng awa sa sarili ko. Pero agad kong ipinilig ang ulo ko. Nagagawa ko lang ito dahil nag mahal ako.





Bahagyang nanlaki ang mata ko sa pag lapit ng mukha ni Asher sa akin. He is smiling in sarcastic way. Hinawi pa nito ang hibla ng buhok sa aking mukha.




"You should say that to yourself. You...know...nothing, Astrid. Don't question what I feel 'cause you know nothing..." he whispered softly.




Nagngingitngit ako sa galit sa kaniya ngayon pero hindi ko inalis ang naghahamon kong mukha.




"Are you sure? But I know one thing about you......David is always better than you. Always." Madiing ang huling salita ko para ipangalandakan sa kaniya. Sa halip na galit o irita ang makita ko sa mukha nito sa pagkumpra sa kaniya at kay David, tumawa ito at hinawakan ang aking baba. Inis kong hinawi ang kaniyang kamay.




"Don't..... you... ever.... compare me to him...maybe he looks better for you. But if you know me well...you'll say...I am the best... always. Always." He grin.




He's smiling while I giving him a deadly look. He really knows how to boil my blood. Sa pag papamukha sa akin na hindi ako gusto ni David at paghahabol ko kay David.




Naputol lang ang pagpapalitan namin nang tingin ng tumunog ang cellphone nito. Kinuha niya ang cellphone at sinagot sa harap ko. Nilakasan nito ang volume saka ibinaba sa mesa para buklatin ulit ang aklat na binabasa. Nakita ko ang pangalan sa screen nito. Si Neil.



"Pre, sa’n ka?" tanong ni Neil.




"Library," pag sagot ni Asher at pagsulyap sa akin. Inirapan ko naman ito at umayos ng upo habang nakahalukipkip.



"Pre, wala palang tubig sa CR." Hilaw na tawa ni Neil.




Hindi ko mapigilan ang makinig sa usapan ng dalawa habang nakatingin kay David na busy pa rin hanggang ngayon.



"Oh? Anong gagawin ko?" iritang tugon ni Asher.




"Pre, I need your help. I'm in danger. Padala naman ng tubig."




Malakas na sinara ni Asher ang aklat at kinuha ang cellphone sa mesa. Hinanaan na rin niya ang volume at inilagay sa tenga. Taas kilay ako nitong pinapanood. Wala akong ginawa kun'di ang samaan siya nang tingin at irapan siya tuwing nagkakasalubong ang mata namin.




"Aalis na 'ko. Pupuntahan ko si Neil." Paalam nito at pagtayo.




"Edi umalis ka. Nagpapaalam ka pa, anak ba kita?" pasinghal na tugon nito.



"Know your worth, sweetie."



He patted my head before he left. Matalim naman ang tingin kong nakasunod sa kaniya hanggang makalabas siya.




Ibinigay ko ulit kay David ang attention ko. Sa wakas at mag isa na rin ito. Pwede na akong lumapit sa kaniya pero hindi ko ginawa. Nanatili muna ako saglit sa aking kinauupan at ang isip ng malalim.




I love him so much. Asher hurtful words hit me so hard. Totoong pwedeng hindi naman siya interesado sa akin. Dahil kung oo, hindi ko kailangan mag effort na sundan siya para magkita kami. Hindi ko kailangan tadtarin siya ng mga texts para makatanggap ng response mula sa kaniya. Hindi ko naman magawang magreklamo dahil ako ang may gusto sa kaniya. After all, I'm still doing stupid actions and efforts because I love him.




Ilang sandali ay nag pasya ako na lumapit sa kaniya. Kinuha ko rin ang notebook na naiwanan ni Asher at aklat bago pumunta kay David. Hindi ko alam kung bakit 'to iniwan ni Asher o naiwanan niya. Pero malaking tulong ito para magkaroon kami ng conversation ni David.




"Hi!" malaking ngiti kong bati kay David. Napaangat ito nang tingin sa akin.



"Oh! You're here, Astrid."



Umupo ako sa tapat niya ay ibinaba ang dalang notebook at aklat. Napabaling doon si David at saglit na tumaas ang kilay nito.



"Review lang. May quiz kami mamaya."




Tumango naman sa akin si David at bumalik sa kaniyang aklat. Sinipat ko ang binabasa nito at wala akong maintindihan kahit na nababasa ko ito ng nakapabaliktan.




"Kala ko ba mag rereview ka?" tinig ni David ng hindi tumingin sa akin. Mukhang naramdaman niya ang pagtitig ko sa kaniya.




Sinubukan ko naman buklatin ang aklat para magpanggap na nagbabasa, pero madalas ang pagsulyap ko kay David.




"Ang tagal natin hindi nagkita no?" nagbabasa kunwaring tanong ko kay David. Naramdaman ko ang saglit na pagkatigil nito.




"Yeah," pumait ang pakiramdam ko sa maikling sagot ni David. Asher is right. He's not interested but, I don't mind. Mahal ko e.




Saglit na nawala ang focus ko kay David sa aking binabasa. Kunot ang noo ko sa mga paragraph na aking pinapasadahan. Wala akong maintindihan kahit na isa. More on science pa ang ito kaya lalo akong naguluhan. Hindi ko matandaan kung inaral nga ba namin ito. Pero binasa 'to ni Asher kanina kaya sigurado akong nasa subject namin ito.




Napataas ulit ako nang tingin kay David nang ibaba nito ang suot na eyeglasses. Hinilot nito ang kaniyang sentido at napapikit. Napangiti naman ako ng may maisip na naman akong kalokohan.




"Can I borrow your eyeglasses, David?"


He just nodded.



"Wow!" manghang sigaw ko ng akma kong isusuot ang salamin. Inangat ko ito at itinapat sa mukha ni David.




"What's wrong?" tanong ni David na, na sakin na ang atensyon.



Lihim akong napangiti. Masaya pa rin ako dahil nakukuha ko ang atensyon niya. Nagkakaroon ng time na nakafocus siya sa akin. Sa lahat ng realtalk na nakuha ko kay Asher ay hindi nito nabago ang nararamdaman ko kay David. Hulog na hulog ako sa kaniya.



"What's wrong, Astrid?" ulit nito.



"May mali rito sa salamin mo," sambit ko habang sinusuri ito.




Kumunot ang noo ni David.



"Kapag tinatapat ko sa'yo.....lumilinaw ang future ko kasama ka. Saan mo 'to nabili? Astig ah."



His lips curved into smile. Kalaunan ay mahina itong natawa na napapailing.




"Stop, Astrid. Mag review ka na lang bago kita maging stress reliever."




Nangingiti nitong kinuha sa kamay ko ang salamin niya at sinuot ulit. Natuod naman ako sa kinauupuan ko. Napayuko na lamang ako sa aklat dahil hindi na ako makapag salita pa. Parang bigla akong naubusan ng salita sa sinabi ni David.




Gulat ang mga mata kong napatingin kay David sa mahinang pagtawa nito. Naabutan ko itong iiling-iling habang nakatutop ang kamay sa kaniyang labi na may bakas ng ngiti. Sinubukan kong balewalain ang biglang pagtawa nito. Ibinalik ko ang atensyon sa aklat at napakamot na lamang ako dahil nakakadalawang pages na ako ay wala pa ring pumapasok sa isip. Muli ay narinig ko ang pagtawa ni David, pero ngayon ay nakatingin na ito sa akin.



"Mukhang nag-aaral ka ng mabuti, ah." Pigil ang ngiti nito.



Napakamot ako sa aking noo. "W-Wala nga akong maintindihan." Pag amin ko.



Natawa naman ito sa akin at iniharap sa kaniya ang aklat.




"This is for medicine students. I guess kay Asher 'to?"



My jaw dropped. Paano nalaman ni David? At bakit ganyan ang binabasa ni Asher?



"Alam mo bang....pangarap ni Asher ang maging doctor?"



Napailing ako. Hindi ko alam kung ano ang pangarap niya kahit noong magkaibigan pa kami. Pero ang pangarap ni David ay alam ko kahit hindi ni David sinasabi. Nakuha ko lahat ng impormasyon mula kay Asher.




"Kung pangarap niya 'yon, bakit hindi siya nag medicine?" tanong ko.



"Do you know how busy the doctor is? They study every time. They work overtime. If the patient needs him, he needs to be there. Once you become a doctor, your patients are your priorities instead of having dates. He chose to spend his time with his girl than studying medicine. Para sa kaniya mawawalan siya ng time sa girlfriend niya kung pipiliin niya ang mag-aral ng medicine. He doesn't want his girl begging for his time."



Napatulala na lamang ako sa nalaman ko kay David. Kaya pala sinabi ni Asher kanina na wala akong alam tungkol sa nararamdaman niya. Ibig sabihin ay seryoso pala siya kay Natasha. Isinantabi niya ang pangarap niya para kay Natasha. She's lucky. She has Asher in her life. Hindi niya kailangan gawin ang mga ginagawa ko para mapansin.

Last Ride(Last Series#02)Where stories live. Discover now