CHAPTER 13

193 9 0
                                    

Conversation

I'm in the middle of my dinner with my family, I received a message from Asher asking if I can go with him tomorrow. Hindi ko siya nareplyan dahil papagalitan ako ni Mama sa pagsecellphone habang naghahapunan. Inilapag ko na lang ulit sa aking kandungan ang cellphone.

“Kailan mo ba ipapakilala sa amin yung boyfriend mo, Astrid?” tanong ni Papa na ikinatigil ko sa pagkain.

“Wala akong boyfriend, Pa.”

Tumaas ang kilay sa akin ni Papa habang pinupunasan ng table napkin ang gilid ng labi.

“Si Asher, hindi pa kayo?”

“Hindi siya nanliligaw, Pa! Saka hindi siya yung gusto ko no.” Mabilis na alma ko.

“Sino gusto mo? Yung pinsan?” pag sabat ni Kuya.

Paano naman niya kaya nalaman? Wala naman ako pinagsasabihan sa bahay na ‘to kung sino ang gusto ko.

“Pinsan? Sino? Si David, Anak?” si Mama.

Nag alangan akong tumango. Mas okay nang isipin nila na gusto ko si David kaysa naman pagkamalan nila kaming magkarelasyon ni Asher. Mas pipiliin kong aminin kung sino ang gusto ko.

“Nililigawan ka?” si Papa habang nagsasalin ng wine.

Hinihintay naman ng pamilya ko ang sagot ko. Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang nagmamakaawa ang anak nilang mahalin pabalik?

“Hindi po….” mahinang sagot ko.

“Bakit hindi? He doesn’t like you?”

Napasimangot naman ako sa diretsong tanong ni Papa.

“He likes me, Pa. Actually, for now, his priority is his career. You know, Pa, he wants to secure our future together. H-He said he would court me after he passed his exam.” I lied.

My father likes a man with a bright future. Tiyak na kapag nalaman niya kung gaano kapursige si David sa pag-aaral at career ay magugustuhan niya ito. Gusto ko hindi pa man kami ni David ay maganda na ang tingin sa kaniya ng pamilya ko. Gusto ko ngayon pa lang ay magkaroon na ng reason para maging suportado sila sa amin ni David.

“Nirerespeto ka ba?”

Tumango ako kay Papa.

“I want to meet him.”

Nagkatinginan kami ni Mama. “H-Hindi siya pwede, Pa. Saka…..hindi pa kami. Saka na lang kapag kami na.”

Tiyak ko rin naman na hindi ko maisasama si David. Paano ko naman sasabihin sa kaniya na gusto siyang makilala ng parents ko after niya akong ireject? Alam mong tatanungin siya ng mga ito at baka mahuli pa nila ang pagsisinungaling ko. Wala naman talagang ligawan na pinangako. Nag assume lang ako at advance mag isip.

“What about Asher?” pag sali ni Kuya kay Asher sa usapan.

“What about him?” tanong ko.

“He’s a good man.”

Sa pasimula pa lang ni Kuya ay gusto ko nang ngumiwi.

“Actually, I like him for you. Alam rumespeto ng babae. Mukha lang gago pero matino. Chill lang sa buhay pero may pangarap.”

Matino? Kung kilala lang talaga nila ‘yon. Hamak tino ni David kaysa kay Asher. Hindi marunong mangbabae. At least si David ang pagkakaabalahan lang ay trabaho. Si Asher? Sa tingin ko ay puro kalokohan lang ang gagawin non sa buhay. Baka nga kapag nag asawa ‘yon ay magkaroon ng mistress.

Last Ride(Last Series#02)Where stories live. Discover now