CHAPTER 14

185 10 0
                                    

That night


Me: I heard from Asher na ikaw daw ang makakapartner ko sa students night.


Hindi ako nag dalawang isip na isend kay David ang message ko. Araw-araw ay excited akong gumigising at hinihiling na sana ay bumilis ang mga araw. Gustong-gusto ko na sumapit ang student’s night dahil hindi ko na mahintay na makapareha ko si David. I can’t wait to dance with him slowly on the dance floor for the first time.



“Bakit lagi ka yatang good mood lately?” si Aloisia habang nakatambay sa veranda ng kwarto niya. Kaharap ni Amara ang laptop at nagbabalat naman ng prutas si Aloisia.


“Excited lang ako sa student’s night.” Pag simsim ko ng juice sa aking harapan.


“Expected ko lalo mong aayawan yung student’s night dahil si Asher ang partner mo.” Pag abot naman ni Amara sa akin ang lalagyan ng cookies na ginawa niya.


Tumawa si Aloisia. Inilapag nito ang binalatang orange sa mesa. “Ano ka ba? Friends na kaya sila ulit.”


“Eh kayo ni Neil friends lang ba talaga?” panunuya ko pabalik.


Sarkastiko itong tumawa. “Kayo nga ni David hanggang friends lang. Malay mo tinadhana pala kayo para maging magkaibigan.”


Sinamaan ko naman siya nang tingin pero inirapan lang nito bago tumayo. Pumasok siya sa kwarto dahil sa pagkatok ng kaniyang pinto.


Hindi ko hahayaang hanggang doon lang kami ni David. Hanggang may nararamdaman ako at may mga paraan para maging kami, gagawin ko. Siguro ang makakapagpahinto lang sa akin ay kapag nagkaroon na ng girlfriend si David.

Napabaling naman ako sa cell phone ko sa pag ilaw nito. Nag reply si David sa message ko. Binitawan ko ang pinaglalaruang balat ng orange at kinuha ang cellphone.


David:
Yup. See you.


Napangiti ako sa pagkumpirma nito. Mukhang ito ang student’s s night na pinakapaghahandaan ko. I want to be the most beautiful in his eyes. Sisiguraduhin kong hindi niya maaalis ang tingin sa akin. Baka this time ay maging sigurado na siya sa nararamdaman niya.


“I know that guy. Parang nakita ko na.”


Pagturo ko kay Amara sa lalaking kausap ni Aloisia sa hamba ng pintuan. The guy is a bit older. I think mga 28 or 29. Malaki ang pangangatawan at morenong balat. He’s perfectly fine hindi ko lang matandaan kung saan ko nakita.

“Nasaan?” pag silip ni Amara pero sumara na ang pinto. Lumabas si Aloisia kasunod ang lalaki.


“Umalis na ang bagal mo e. Sino kaya ‘yon? Gwapo ah.”


“May nag kakagusto nga pala sa'yo sa group namin. Hinihingi niya yung number mo.” Pag sara ni Amara ng laptop.


Napahinto ako sa pagkagat ng cookies at napasandal sa upuan.


“Sino?” kuryosong tanong ko kahit na hindi naman talaga ako interesado.


“Si Sojie, yung gwapo na member namin.”


Tumango-tango ako. “Mahaba?”


“A-Alin?” nanlalaking mata ni Amara.


“Yung buhok? Parang kilala ko.”


“O-Oo, yung mahaba buhok. Nag lalagay daw siya ng flowers sa locker mo pero hindi mo kinukuha.”


So it’s him. The guy who's obsessed with the white flower. Ano ako patay? Puting rosas? Nakikita ko nga yung mga bulaklak na nilalagay niya. Tuwing nakikita ko ‘yon ay ang creepy para sa akin. Madalas naman ay naaabutan kong palanta na roon ang bulaklak. Hindi naman kasi ako madalas pumunta ng locker. Mas creepy sa akin kapag naabutan kong palanta na yung bulaklak dahil para nitong ginawang kabaong ang locker ko. Kaya naman itinatapon ko ang mga iyon.


“Tell him to stop putting anything in my locker.”


“Bakit naman?”


Napahagod ako sa aking buhok. “Alam mo ba yung nilalagay niya? White rose! What’s with the white rose?! Ano ako patay?”


Sa lahat ng nag bigay sa akin ng bulaklak ay siya lang ang nagbigay ng white rose. Pinaka ayaw ko ang white rose noon pa man. Ewan ko ba, iba ang pakiramdam ko tuwing nakakakita ako ng white rose.


“Siguro dahil patay na patay siya sa'yo?”


I can’t tell if she’s joking or what. If that’s the reason behind the white roses, I’m not comfortable with it.


“Not funny, Amara. Patay na patay din naman ako kay David pero ang ibinibigay ko love letters, perfume? Rolex?”


Syempre dumaan din ako sa pag lagay lagay ng love letters sa locker ni David lalo na noong high school ako. Tumigil lang ako ngayong college dahil baka naaasiwa na siya. Paulit-ulit lang naman ang sulat ko. Minsan ay smiley face lang ang nakalagay dahil minsan feeling ko ay hindi naman niya nababasa. Isa pang dahilan ko para tumigil ay naabutan ko noong si Asher ang nagbabasa ng letter ko para kay David.


“So ibig sabihin ang gusto mong matanggap ay love letter? Watch or perfume?”


“That's not what I mean. Just tell him I’m taken.”


Tumango na lamang ito sa akin. Sa tingin ko naman ay maniniwala iyon dahil kalat naman talaga na taken na ako. Dahil na rin siguro sa pagkumpirma ko noon sa harap ng maraming estudyante kahit na hindi naman totoo. Hindi ko naman kasi inakala na si Asher pala ang iniisip nilang boyfriend ko.


“Ma, what do you think?” pag harap ko kay Mama suot ang cream evening gown Champagne beige lace.


Limang gown ang nakalatag sa aking kama ngayon para sa aking susuotin sa student’s night. Nahihirapan akong pumili kaya hinihingi ko ang opinion ni Mama. Magaganda ang lahat pero ang gusto ko ay ang pinaka maganda sa akin.


“Try the another one.” She pointed the Champagne host Temperament long V-neck evening gown.


Kinuha ko ito at pumasok muli sa walk-in closet para suotin. Nahihirapan ako nung una dahil masyado itong fit sa akin. Pero nang maisara ang zipper ng gown ay napatitig na lamang ako sa aking sarili sa harap ng salamin. Kitang-kita ang hubog ng aking balakang at ang maliit kong baywang. Nakalabas ng kaunti ang aking dibdib.


“Ma,” pag tawag ko kay Mama pagkalabas ko ng walk-in closet. Napatayo ito at naglakad palapit sa akin.



“Ang ganda! Bagay sa'yo, Astrid. Talikod ka nga.”



Ginawa ko naman ang gusto ni Mama. Hindi ito katulad ng ibang sinukat ko na labas ang aking buong likod pero ang suot ko ngayon ay kita pa rin ang kalahati ng aking balat sa likuran.


“You are stunning, anak. Anong ipapares mo rito?”


Pinakita ko rito ang 6 inches pointed heels na kakulay ng aking gown. Sinuot ko ito at naglakad sa malaking salamin sa tabi ng aking kama. This is perfect. This will be the best student’s night for me. Wearing a beautiful gown and having the most good looking partner. The best students night for me and David.


“Bakit parang sobrang excited mo sa student’s night ngayon?” tanong ni Mama mula sa aking likuran.


Napansin pala iyon ng lahat.


Nakangiti akong humarap dito. “Magiging partner ko si David, Ma.”


“David…yung pinsan ni Asher na gusto mo?”

Tumango ako. Iginiya naman ako ni Mama paupo sa aking kama. Kinuha nito ang aking kamay at marahang hinaplos ito.



“You like him that much?”


“I love him, Ma.” Pag tatama ko.


Hindi ko malaman pero malungkot ang mga ngiti sa akin ni Mama ngayon. Napatulala na lamang ako sa kaniyang mukha.



“What’s wrong, Ma? Something happened?”


Hinaplos naman nito nang paulit-ulit ang aking buhok.


“I know what happened that night. I heard everything, Astrid,” she said calmly.


Napalunok ako. “M-Ma,”


“You begged him. You begged for love. I saw everything that night. One person confessing her love. The other one was confused. The other one…..was hurting secretly.”


Naluluha akong napatingin kay Mama. Nahihiya ako dahil sa mga nakita niya. Nahihiya ako sa mga narinig niya. Nahihiya ako na nakita ako ni Mama sa ganoong sitwasyon.


“Hurting secretly?” nalilitong tanong ko sa huling sinabi ni Mama.


“He still your friend after all, Astrid. Alam kong hindi na kayo katulad noon ni Asher pero yung pag kakaibigan sa puso niyo ay nadoon pa rin. He wants to protect you katulad ng dati. He still worried about you. He still cares. I can see in his eyes how much he wants to protect you from his cousin.”


Nayuko na lamang ako at wala nang masabi pa. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin kay Mama dahil alam na niya ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kay Asher. Hindi ko naman talaga napapansin ang mga ginagawa sa akin ni Asher dahil nabalot ng galit at irita ang puso ko pagdating sa kaniya. Lahat ng ginagawa niya na kahit mabuti ay masama para sa akin.


“You think….he gonna hurt me, Ma?”


“What did you feel that night? You were hurt, right?”


Napakagat ako sa aking labi para pigilan ang luha pero tumulo pa rin ito. Kapag naaalala ko ang gabing iyon ay pabalik-balik din ang sakit.


“Someday, someone will love you more than you deserve, anak.” Pag hagod ni Mama sa aking buhok.


“Do you want me…..to stop?”

Umiling sa akin si Mama at niyakap ako. “Hindi kita pipigilan sa nararamdaman mo, Astrid. Gusto matuto ka sa mga gagawin mong desisyon. Alam kong alam mo kung kailan ka dapat huminto.”


I’m sorry Ma. There’s only one reason to stop me. Iyon ay kapag nawala na ang nararamdaman ko kay David. Siguro ay kapag napagod na ako sa ginagawa ko, ay kusang mawawala ang feelings ko.


The moment I stepped out of the car, I caught the center of attention. Hinanap ng aking mata ang mga kaibigan pero mukhang maaga ako. I already text David that I'm already here but I didn’t receive any response from him. Siguro ay sadyang maaga lang talaga ako at nag aayos pa siya.


20 minutes after ay dumating si Aloisia kasabay si Neil. Mabilis nila akong nakita kahit na may suot na mask.


“Sobrang excited mo nauna ka pa yata sa guard ah!” salubong sa akin ni Aloisia. Hindi ko magawang ngumiti sa biro niya dahil nakakaramdam ako ng kaba. Hanggang ngayon ay wala pa ring reply sa akin si David.


“Nasaan yung partner mo? Malapit na mag start,” si Neil habang inaayos ang suit nito. Hindi ko mapagkakaila na dumoble ang kakisigan nito sa suot.


“Malapit na siguro. Medyo na late lang. Si Amara din wala pa.”


Pilit kong itinago ang kaba. Hindi naman siguro ako iiwanan sa ere ni David. Kung hindi siya makakapunta alam kong sasabihin niya iyon agad sa akin. Na traffic lang siguro or mabagal lang siya gumayak.



“Papunta na rin sila kasabay niya si Joaquin.”


Tumango ako. “Wait lang may tatawagan lang ako.”


Hindi na ako napakali pa at kinuha ko na ang aking cellphone. Lumabas ako ng hotel at pumunta sa madilim na parte saka inalis ang suot na mask. Dalawang beses kong tinawagan ang number ni Asher pero hindi ako nito sinasagot. Ring lang ng ring ang cellphone nito. To my third attempt finally he answered.


“Asher,” I called his name.


Maingay ang background ni Asher. May nag sisigawan at malakas na tugtogan. Sa palagay ko ay nasa bar siya. He’s having fun while I'm here, hindi alam kung nasaan na ang partner. Dumarami na rin ang mga dumadating senyales na malapit na mag simula. Sunod-sunod na ang pagdating ng mga sasakyan sa harap ng hotel.


“Astrid! Miss me?” tumatawang sagot nito sa akin.


“Nasaan si David, Asher? Wala pa siya malapit na mag start.”


Napasabunot ako sa aking buhok. Nawalan na ako ng pakealam kung masira ang pagkakaayos nito. Natataranta ako.


“Bakit sa akin mo tinatanong? Tanungan ba ako ng nawawala?”


I gritted my teeth. Nainis ako sa paraan ng pagkakasabi nito. Parang hindi ito big deal sa kaniya. “Hindi siya sumasagot! Tell me, pinagtitripan mo ba ako? Gusto mong mapahiya ako?”


Nawala ang maingay na background nito. Narinig ko pa ang pagtawag ng babae sa pangalan niya. Siguro ay lumabas siya.


“Pupunta na ako,” he murmured.


“Hindi ikaw ang kailangan ko, Asher! Si David!” asik ko sa kaniya. Habol ko ngayon ang aking paghinga. Natahimik naman ang kabilang linya.


“Asher, ano na?! Mag sisimula na!”


“I’ll bring him for you. Relax, Astrid.” Pag patay nito ng tawag.


Hindi pa rin ako mapakali sa kinatatayuan ko kahit na sinabi ni Asher na dadalhin niya si David. Nakalimutan kaya niya?


“Astrid, let’s go magsisimula na.” Pag punta sa akin ni Aloisia.


Malungkot naman akong napatingin sa entrance kung saan nakatayo ang mag papartner na papasok. I thought it was the happiest student’s night pero mukhang naindian pa ako ng partner ko.


Lalo akong napanghian ng loob nang mabasa ko ang text ni David. Parang gusto ko nalang mapaupo sa damuhan at umiyak sa sama ng loob.


David:
I'm sorry, Astrid, hindi ako makakapunta. I texted Asher about this. I'm very sorry.

Wala man lang akong nakuhang explanation mula sa kaniya. Hindi man lang niya sinabi kung bakit hindi siya makakapunta para maintindihan ko. Masama man ang loob ko ay wala akong magagawa.


Hindi ko pinahalata ang pagkadismaya sa gabing ito. Pumila ako sa red carpet ng taas noo kahit na walang partner. Alam kong magtataka ang iba at makikilala ako kahit na may suot na mask. Hindi dapat nila makita ang talunang Astrid.


Tama nga ang hinala ko. Pag pasok ko ay nagbulungan ang iba. I managed to smile in front of the camera. I do different poses before I went to Aloisia. Bago ako makarating kay Aloisia ay dumaan ako sa isang table kung saan nakalagay ang mga alak. Sumenyas ako sa lalaki na bigyan ako ng isang wine at ginawa naman nito.


“Si David?” tanong ni Aloisia.


I shrugged my shoulder. “Busy,” maikling sagot ko.


Everyone is having fun. They enjoying this night with their crush, boyfriends, or girlfriends. At ito na naman ako. Mukhang mag mumukmok na naman sa gilid. Mukhang ang alak ang mapagdidiskitahan ko ngayong gabi.


“Paano mamaya? Sino ang kapartner mo?”


Ang tinutukoy ni Aloisia ay ang sayaw na kailangan naming tumayo lahat. Damn…mukhang kawawa naman ako rito kung hindi ako tatayo. Maybe pupunta na lang ako sa comfort room? Or lalabas saglit?


“I can sit here all night.” Pag ubos ko ng wine.

Napailing na lang sa akin si Aloisia. Kung hindi ba ako pumayag sa gusto ni Asher ay ganito pa rin ang mararamdaman ko? Minsan talaga ay nakakasama na rin ng loob si David.


“Astrid,” tawag sa akin ni Amara pagdating nito.

Lumapit ako sa kaniya at bumeso rito.


“Hi, gorgeous!” masiglang bati ko sabay angat ng pangatlong wine na iniinom ko.


“Baka malasing ka, Astrid.” Pag aalala nito.


“Hindi ‘to nakakalasing no!” tumatawang sabi ko.


“Wait! May pupuntahan lang ako!”


Tumayo ako dala ang wine sa aking kamay. Pasimple akong naglakad hanggang sa makalabas ako. Hindi ko kaya na umupo lang doon at panoorin sila. Babalik na lang ako mamaya kapag tapos na ang pag sasayaw by partner. Or uuwi na lang ako? Magtataka naman si Mama kung uuwi ako ng ganitong kaaga. Isang oras palang nag sisimula ay magpapasundo na agad ako.


Hindi pa man ako nakakalayo ay agad akong napahinto nang bumunggo ako sa isang matigas na katawan.


“What the fuck?!” sigaw ko nang matapunan ng wine ang suot na gown.


Galit ang mga mata kong nagtaas ng tingin sa lalaki pero agad na nagbago ang aking ekpresyon nang magtagpo ang aming mga mata. Napaatras ako. Malamig ang mga titig niya ngayon sa akin.


“D-David,”


Hindi ako lasing. Alam kong hindi ako lasing. Wala pang epekto ang alak sa akin ngayon para mag imahinasyon ako na nandito talaga siya sa harap ko. Walang suot na mask ngunit naka formal attire.


“Where you going?” tanong nito kasabay ang pag ihip ng hangin.


“You are here….” I whispered.


Napababa ako nang tingin sa aking kamay na kaniyang hinawakan. Kinuha niya sa aking kamay ang hawak na wine glass at ibinigay sa dumaang waiter.


“Let’s go inside.” Pag hatak nito sa akin pabalik hotel.


Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito siya sa tabi ko. Hawak niya ang kamay ko at dinadala sa gitna ng dance floor. Nakaagaw siya ng atensyon dahil wala siyang suot na mask pero parang wala lang sa kaniya iyon.


Inilagay niya ang aking kamay sa kaniyang balikat at inilapat ang mga palad sa aking baywang. Nakatitig lamang siya sa aking mga mata habang nag sasayaw kaming dalawa.


“Sabi mo….hindi ka makakapunta?”


“May duty ako ngayon. Pumunta si Asher sa hospital at hinatak ako palabas hanggang makapunta ako rito. He was mad.”


Ibig sabihin ay kung hindi dahil kay Asher ay hindi siya makakapunta. Napayuko ako. Napatunayan lang sa akin ni Asher ang kaya niyang gawin. He’s right, kaniya niya kaming paglayuin ni David at kaya niya rin kaming paglapitin. Kung may isang tao man na maaring tumulong sa akin para mapalapit kay David, ay si Asher iyon.



Last Ride(Last Series#02)Where stories live. Discover now