CHAPTER 1

4.4K 230 36
                                    

My name is Allie. And today, I'm going to die.

White is my favorite color. My uniform, my shoes, my watch, even my car - they're all white. Boring, di ba? Just like my life. Sobrang boring.

I stopped the car. Ang tawag nila sa lugar ay Wawa. Weird sa pandinig ko pero it's not so unusual kasi karamihan naman sa mga lugar na malapit sa dagat, ganoon ang tawag ng mga tao. Anyway, it's almost 4 PM pero parang ang init pa rin ng araw. Feeling ko, masisilaw ako kapag bumaba ako so I wore my sunglasses. I got out of the car.

Pinagtitinginan ako ng mga tao. I wonder why. Do I look weird? Or hindi lang talaga sila sanay na nakakakita ng strangers sa lugar nila?

I looked around. Parang sobrang tahimik. Everything seems so lazy and sleepy. Siguro dahil sa init. Kahit ang mga alon ng dagat, waring nagpapahinga habang humahampas sa mga bangka na tila dinuduyan ng malakas na hangin.

How poetic. Sobrang effort ang Tagalog ko sa part na 'yan cause I'm really not good with the language. Palipit, what's the word? Pilipit. That's it. Pilipit daw yung dila ko and my classmates are teasing me cause I always struggle when I speak in Tagalog.

Aside from the sound of the horns from the boats, I hear the sound of the seabirds - I don't know what they're called in Tagalog but yeah, they seem to be the only ones making a sound in this fine and quiet afternoon.

Someone approached me. Isang guy na walang suot na shoes or kahit slippers. Paano natitiis ng paa niya ang init ng tinatapakan, not to mention yung mga hazard na pwedeng makasugat sa kanya? Maitim ang balat niya at marumi ang damit.

"Pogi, saan ka?"

"Saan ako?" I asked back. That was unexpected kasi hindi ko alam na tinatanong pala ang mga nagagawi sa lugar na iyon kung saan ang punta nila.

"Saang bangka? Saan ang byahe mo?" Parang medyo nainis siya sa akin.

"Ah." I think I get it. Yung mga bangka na nakikita ko, ginagamit pangbyahe ng mga umuuwi sa isla. "No, I'll just look around." sabi ko, since hindi naman talaga ako sasakay.

Hindi nagsalita ang kausap ko. Did he not understand me? Ah. NagEnglish ka na naman kasi, Allie. I took a deep breath.

"Hindi po ako sasakay. Nagpapalipas lang po ako ng oras." I did not wait for his answer. Lumakad na ako papunta sa wood benches kung saan kita ang buong paligid, kahit yung malawak na dagat around the place.

And now I get it bakit may mga upuang mahahaba sa lugar na ito. Ginawa para sa mga passengers na naghihintay, o sa mga taong gusto na magpahinga, or sometimes, sa mga tulad ko na nagpapalipas lang ng oras, or naghahanap ng peace of mind, habang ineenjoy ang hangin at nakatingin sa paligid. Maraming wood benches and pinili ko yung pinakamalayo from the entrance pero pinakamalapit sa dagat. Walang ibang tao sa part na yun at lalong tahimik.

I took off the sunglasses at nasilaw ako sa sobrang liwanag. Halos di ko mabuksan ang mga mata ko. After a while, nasanay din. Ang ganda pala talaga ng lugar. Yung dagat, parang silver at it's sparkling because of the sun. What a great view. And what a perfect day to die, Allie.

OK. Let's get it done.

I took a small bottle from the pocket of my backpack. It's poison. Ninakaw ko pa ito sa lab ng school namin. I could buy kahit a hundred bottles of poison if I want to. Thing is, hindi ko sure if they will allow me to buy one if I don't have a permit. At isa pa, there's a thrill if I commit thievery on my very last day on earth.

OK Allie. Inhale. Exhale. Good. Who would have thought that this would be the day that I will die?

I'm not insane. I know and I feel that I am afraid of what I am about to do. Pero ready ako. Ready na akong mamatay. Why not? Eh my whole life hindi ko naman naramdaman kung paano ang mabuhay. It's true na hindi masaya ang gagawin ko, walang ilu-look forward na happiness in the future, pero mas lalo namang hindi masaya ang past. Walang sayang. The only thing that I know is I don't know what happiness is. I have never felt it. Ever.

The Other HalfWhere stories live. Discover now