CHAPTER 15

1.3K 203 41
                                    

RODEL

“Rodel, may problema ba?” tanong ni Ninong David nang mapansin ang pananahimik ko kanina pa. “Kanina ka pa bugnot na bugnot ah.”

“Wala po, Ninong.” sagot ko habang hinihigpitan ko ang tali ng bangka sa poste. “Masyado lang po sigurong mainit ngayon kaya parang sumasakit ang ulo ko.”

“Siya nga? O dahil hindi kayo nagkita ni Allie ngayon?” tanong niya at parang nakakalokong ngumiti.

Bakit alam niya? Pinipilit ko ngang huwag ipahalata eh.

Sabado. Kaya dapat ay magkikita kami ni Allie. Pero ewan ko. Kahapon, sumaglit siya dito sa Wawa para lang sabihin sa akin na hindi na muna kami aalis dahil may pupuntahan daw siya. Bagamat nalungkot ako ay pumayag ako sa gusto niya. May magagawa ba ako kahit ayaw ko?

Sandali kong tinitigan si Ninong at pagkatapos ay tumalikod ako sa kanya. Inalalayan ko sa pagsakay ang mga pasahero. “May lakad daw po siya ngayong araw. Hindi naman po pwedeng ako na lang ang lagi niyang kasama.”

“Eh bakit parang may kapaitan akong naririnig sa mga sinasabi mo?”

“Ninong? Kapaitan? Wala po. Ano po bang pinagsasabi niyo?”

“Naku Rodel. Wag kang magalala. Marami namang ibang pagkakataon na magkakasama kayo,” umakbay sa akin si Ninong. Sa halip na sa bangka ay sa bungad ng Wawa siya nakatingin. “Tulad ngayon.”

Bagamat nalito ako sa sinabi niya ay tumingin ako sa direksyon kung saan siya nakatingin at halos napanganga ako sa nakita ko.

Si Allie. Naroon si Allie. Nakasuot siya ng puting t-shirt na mahaba ang manggas at asul na salawal na pagkaikli – hindi yata aabot sa tuhod ang haba. Suot niya ang sandalyas na itim kung kaya litaw na litaw ang maputing mga paa. Sa likod ay nakasabit ang maliit na bag pero parang punong puno ng laman. Kasalukuyan niyang isinasara ang pinto ng puti niyang kotse at kumakaway sa tao sa loob – si Martin, malamang.

Pagkatapos ay humarap na siya sa amin at nakangiting lumapit.

Ako, hindi ako nakakilos. Biglang nakaramdam ng tuwa ang puso ko. Si Allie. Makakasama ko si Allie ngayong araw.

“Rodel.” Ipinitik ni Allie ang mga daliri sa harapan ng mukha ko. “Are you alright? You look as though you’ve seen a ghost.”

“Anong.. bakit.. anong ginagawa mo dito, Allie?” parang natataranta kong tanong.

“Aren’t you happy to see me?” tanong rin ni Allie, sa halip na sagutin ang tanong ko.

“Akala mo lang, Allie. Kanina pa nga galit na galit sa mundo ‘yan kasi hindi kayo nagkita ngayong araw.” sabat ni Ninong David.

“Ninong naman.”

Tumawa si Allie. “Sorry, Rodel ha? Ako nga rin eh. Hindi ko rin kaya na hindi tayo magkita. And because of that, I have decided to stay with you overnight.”

Gulat na gulat ako sa narinig. “Anong ibig mong sabihin?”

Nagtinginan si Ninong at si Allie at parehong ngumiti.

“Ano ‘to? Meron ba 'kong hindi alam?” tanong ko, na medyo napipikon na.

“Rodel, pupunta si Allie sa isla ngayon. Sa bahay niyo.” sabi ni Ninong David.

“Ha?” Taranta at pagkagulat ang naramdaman ko. “Hindi pwede! Hindi ako handa.”

Hindi kumibo si Allie pero sumimangot siya. Tumingin siya kay Ninong na para bang nagsusumbong.

“Rodel, kailan ka magiging handa? Hindi ba pinagusapan na natin ‘to?” malungkot ding sinabi ni Ninong David.

Dahil sa reaksyon nilang dalawa, nakonsensya tuloy ako.

The Other HalfWhere stories live. Discover now