CHAPTER 2

1.9K 187 12
                                    

ALLIE

“Hindi ka taga-rito no?” tanong ni Rodel habang magkaharap kami at kumakain sa maliit na restaurant kung saan niya ako isinama. Wala akong alam sa mga pagkain kaya umorder lang ako ng iced coffee para sa akin, dahil yun lang ang familiar ako.

For Rodel, lahat na yata ng nakita kong available sa menu, inorder ko. Bahala na siya kung alin doon ang kakainin niya.

Ngayong kaharap ko na siya at hindi na siya umiiyak, I noticed na maganda pala ang mga mata niya. Expressive. Tantalizing. Sparkling. Whatever you can think of to describe someone’s beautiful eyes. Lalo pang inenhance ng eyelashes nya. Mahaba at makapal.

“No, I’m not from here.” sabi ko habang nakasmile. “Doon ako sa Samuel Executive Homes, sa San Nicholas. How did you know?”

“Hindi mo kasi kilala ang restawran na ‘to. Kilala ‘to samin, halos bukambibig ng mga tao sa isla. Yung iba, dumadayo pa sa patag para lang bumili dito ng pagkain at iuwi sa pamilya nila. Pero ako, napakabihira lang akong makakain dito. Minsan lang, pag galante si Ninong David at nililibre ako. Mahal kasi ang mga pagkain.”

“Really? Ang mura nga eh. Nagulat ako when I saw the price list.”

“Mayaman ka kasi Allie. Hindi naman tayo pareho.” mabilis niyang sinabi.

Natigilan ako. Hindi ako nakasagot.

Hindi ka naging tactful Allie. Iba si Rodel sa mga taong madalas mong nakakasama. Dapat mas naging careful ka.

“Uhm, ikaw Rodel, taga saan ka?” tanong ko, to change the topic.

“Doon sa isla, pangatlo sa pinakamalayo.”

“Ah. Masarap bang tumira sa isla?” interested kong tanong.

“Sariwa ang hangin doon, pero ewan ko.” He shrugged. Feeling ko, hindi siya comfortable sa topic. “Hindi ko alam ang kaibahan. Mula pinanganak ako, doon na ako eh. Naririnig ko sa mga pasaherong taga patag na masarap daw sa isla. Pero ewan ko. Gusto ko sanang umalis sa isla at manirahan sa patag balang araw. Yun lang, wala naman akong magagawa dahil high school lang ang tinapos ko.”

“Bakit hindi mo pinagpatuloy ang pag-aaral mo?” I asked, which I immediately regretted afterwards.

“Wala kaming pera, Allie.” malungkot na reply ni Rodel. “Mula nang sumabog ang bangka ng Tatay at naputol ang isa niyang paa dahil do'n, nahirapan na siyang magkaroon ng ibang trabaho. Paano, bukod sa pagsasaka at pangingisda, pagdadrayb lang ng bangka ang alam niyang gawin. Kung tutuusin, gusto pa rin niyang magdrayb, kaya pa naman niya. Kaya lang, hindi naman namin kayang bumili ng panibagong bangka. Si Nanay ko naman, gusto sanang magtinda ng isda, pero ano bang ititinda niya, eh hindi nga nakakapangisda ang Tatay? Kaya ayun, bukod sa siya ang nagaalaga kay Tatay at sa mga kapatid ko, minsan, tumatanggap siya ng mga labada sa mga kapitbahay.”

I was shocked. How could something that terrible ever happen to anyone?

“Bakit sumabog yung bangka? Paano nangyari yun?”

“May sumabotahe kay Tatay. Inilagay sa bangka namin yung mga dinamitang ginagamit nila sa pangingisda. Hindi rin masyadong malinaw sa akin kung paano nangyari, Allie. Basta ang alam ko lang, iyon ang dahilan bakit kailangan kong huminto sa pag-aaral at sumama sa byahe ng Ninong ko araw araw para may kitain ang pamilya namin kahit paano. Kahit sa totoo lang, napakahirap. Sobrang hirap.”

Hindi ako nakapagsalita. Parang deep inside, gusto kong umiyak. Hindi kasi ako sanay. First time kong nagkaroon ng kausap na issue ang poverty at ang money. Something na never kong naging problema, or ng kahit sinong tao na nakakasama or nakakausap ko before.

The Other HalfWhere stories live. Discover now