CHAPTER 11

1.2K 164 7
                                    

RODEL

Pagdating namin sa Wawa ay sakto nang kinakalag ni Ninong David ang tali ng bangka. Nakatalikod siya sa amin kung kaya hindi napansing papalapit na kami.

"Ninong, mano po."

Kitang nagulat siya pero pinilit na huwag ipahalata. Halos mabitawan nga niya ang tali ng bangka.

"Sino ka?" tanong niya. "Hindi kita kilala."

Dahil doon, natawa si Allie.

"Si Ninong naman." sabi ko.

"Good evening po, Tito." sabi ng tumatawa pa rin na si Allie at inabot ang isang supot ng pagkain kay Ninong. "For you po."

"Naku salamat, Allie. Magandang gabi rin." Inamoy ni Ninong ang loob ng supot. "Ikaw ha, sinasanay mo ako. Pag ito hinanap hanap ko, ikaw rin."

"No problem po. Kahit araw araw pa."

"Biro lang, Allie." Tumawa rin si Ninong. "Ano nga pala ang ginawa mo sa inaanak ko at bakit hindi pa siya bumabalik, at ibang tao 'tong isinosoli mo ngayon sa akin? Ang gwapo gwapo."

Muling tumawa si Allie at tumingin sa akin. "I told you. You look dandy. You are the most handsome ferryman."

"Allie, salamat ha? Salamat nang maraming marami." sabi ko.

"Don't mention it." nakangiting tugon ni Allie. "Oh by the way," May kung ano siyang kinuha mula sa bag. "I know we will forget the old you, but I just want you to keep this. This is our first photo together, and I hope this will be the first of the thousands."

Tiningnan ko ang litrato namin pero nang makita ko ang hitsura ko - maitim at marumi ang mukha at naninigas ang buhok, samantalang si Allie ay sobrang puti at sobrang kinis, nahiya ako. Maingat kong isinilid sa isa sa mga shopping bags yung litrato. "Oo naman. Iingatan ko ito. Thank you Allie, ha?"

"I said don't mention it. Ingat ka pauwi."

"Ikaw rin. Salamat Allie."

"Rodel? Ang kulit mo."

"Sorry. Ingat ka."

"You take care."

"Tara na't makaalis, mukhang hindi matatapos ang paalamanan niyong dalawa dyan." Kinuha ni Ninong David ang mga shopping bags mula sa akin at sumampa na sa bangka.

"Pa'no Allie, mauna na kami. Salamat ha?"

"Sige po Tito. Drive safely po."

"Allie, ikaw rin, drive safely." Nailang ako sa ideya na ginaya ko ang pagiEnglish ni Allie.

"Thanks, Rodel."

Natawa ako. "O bakit ikaw nagpapasalamat ka? Ang daya mo."

"Ako yun. It's different."

Hindi ko maintindihan kung bakit tila hirap na hirap akong magpaalam kay Allie. Sa huli ay hinawakan ko nang mahigpit ang malambot niyang kamay. "Uuwi na ako ha? Salamat Allie. Salamat kasi nakilala kita."

"The pleasure's mine. Thank you Rodel. Ingat ka."

Sasampa na sana ako sa bangka nang muli akong tawagin ni Allie.

"Rodel, hold on. One last thing."

Ewan ko, pero natuwa ako na nagkaroon pa ako ng dahilan para muling humarap sa kanya. "Ano yun, Allie?"

"My place. Minsan doon naman tayo. Pwede kang magsleepover. Please ask permission from your parents, and let me know."

"Sige Allie. Susubukan ko." sagot ko. Para bang kahit plano pa lang, at hindi ko pa nga alam kung papayagan ako nila Nanay ay nakaramdam na ako ng kakaibang pananabik.

The Other HalfWhere stories live. Discover now