CHAPTER 17

1.3K 177 34
                                    

ALLIE

I woke up to the sounds of animals – of the roosters crowing, birds chirping, dogs barking. I also heard the sound of the broomsticks as people nearby were sweeping their yards. Although it’s something simple – lalo na sa mga taong naroon, it’s like music to my ears.

Wala pang sunrise kaya medyo madilim pa sa loob ng bedroom ni Rodel. Dito ako pinatulog ni Nanay Lisa after lagyan ng malinis na kumot ang papag na higaan, na dati ay banig lang daw ang nakalagay (according to Rodel). Wala nang apoy ang maliit na glass jar na naging source of light namin kagabi, before matulog. Maybe it ran out of fuel.

I looked around and although madilim pa, kaya ko namang makita ang mga gamit sa loob ng room ni Rodel. Sa kahoy na wall ay nakasabit ang several paintings na palagay ko ay projects ni Rodel sa school dati dahil may pangalan niya sa baba at may check using a red ink. Nature ang subjects ni Rodel sa paintings niya – sea, mountains, trees, etc. He has a gift with arts. Ang ganda ng mga paintings niya.

Sa tabi ng higaan niya ay may maliit na space kung saan ay nakapwesto ang tatlong boxes ng instant noodles at doon nakalagay ang mga damit niya na maayos na nakafold – mas maayos pa nga sa mga damit sa closet ko. Beside the boxes is an old and small table na putol ang isang paa at doon nakapatong yung shoes and slippers na binili ko para sa kanya dati. Each one is placed inside a plastic bag – siguro, to protect them from dust.

I looked at the foot of the wooden bed – beside the small door kung saan ay mayroon din maliit na table na may nakapatong na four pieces of old books – sa hitsura nila ay halatang ilang ulit nang binuklat at binasa. Beside the books ay ang picture naming dalawa ni Rodel. Nakalagay iyon sa wooden frame na halatang DIY. Baka si Rodel lang mismo ang gumawa.

Dahil doon ay napasmile ako. Habang tumatagal, lalo lang nagiging malalim ang lugar ni Rodel sa puso ko.

Bumangon na ako and I went out – deretso sa labas ng bahay nila and I suddenly felt the coolness ng paligid. Busy si Nanay Lisa sa pagluluto sa gilid ng bahay nila gamit ang firewoods.

I watched her as she worked. Payat ang nanay ni Rodel. Maitim ang skin. Siguro dahil rin sa pagtratrabaho. Ang buhok niya ay simple lang na nakatali. Ang damit niya (I still don’t know what it’s called – maybe I’ll ask Rodel one of these days) ay halos faded na ang kulay. Alam ko that my own mom wouldn’t dream of being friends with women like Nanay Lisa but not even my mom could compare to the kindness and love that Nanay Lisa has for her husband and four children.

“Good morning po.” I said reluctantly. Baka kasi ayaw niyang maistorbo sa ginagawa. Tumulong ako sa pagpulot ng mga firewoods from the ground. “Tulungan ko na po kayo.”

“Naku, ikaw pala ‘yan, Allie. Ang aga mo namang nagising. Good morning din.” She looked at the firewoods na hawak ko. “Naku, bitawan mo na ‘yan, at ako na d’yan. Mamaya, masugatan pa ang kamay mo. Halika sa loob, magkape ka muna. Tamang tama, kakapakulo ko lang ng tubig.”

I shook my head. Ipinatong ko ang mga kahoy sa tabi ng malaki at improvised na stove na gawa sa bato. “Hihintayin ko na lang pong magising sila. Saan po ang bathroom niyo?”

“Ay doon sa loob, anak, malapit sa kwarto ng kambal. Halika, ituturo ko sa’yo.”

Habang papunta sa bathroom ay nakita ko si Rodel na natutulog, pero dahil ihing ihi na ako, nilagpasan ko lang muna siya. Sa loob ng bathroom ay napansin kong walang gripo at kakaunti lang ang tubig sa timba kung kaya tinipid ko ang pagbubuhos. Mamaya, tutulungan ko si Rodel na kumuha ng tubig sa poso.

Paglabas ko ng bathroom ay saka ko lang narealize kung ano ang tinulugan ni Rodel. Pinagdugtong niya ang dalawang maliit na chairs at pinilit niyang magkasya doon ang sarili. Kung ako ang nasunod, gusto ko sanang tabi na lang kami sa papag sa kwarto niya, pero tumanggi siya. Baka raw mahirapan ako. Hindi ko na ipinilit ang gusto ko dahil baka may ibang isipin sa akin ang mga magulang niya.

The Other HalfWhere stories live. Discover now