CHAPTER 8

1.3K 170 18
                                    

ALLIE

“Allie.” Nagulat ako sa boses ni Mama Macel. Nasa loob ako ng study room at gumagawa ng mga assignment na hindi ko nagawa kahapon dahil umalis ako at nakipagkita kay Rodel.
She’s carrying a tray na may lamang sandwich and orange juice. “Magmeryenda ka muna.”

“Thank you po, Mama Macel.” I stood and helped her. Kinuha ko ang tray mula sa kanya. “Aren’t you supposed to be taking a nap? Dapat nagutos na lang po kayo kay Faye, or the others.”

“Hindi rin naman ako makatulog. At saka, sigurado ka bang gusto mong si Faye ang magpasok sa’yo ng pagkain dito?” tanong niya, habang nakasmile.

I shook my head. “On second thought… no po.”

Tumawa si Mama Macel. “Pagpasensyahan mo na lang ha? Sadya lang talagang maharot ang batang ‘yon. Pati nga sila Martin at Nelson ay nagsusumbong sa akin na mistulang ahas kung makalingkis ‘yang si Faye.”

“Sa agency po ba siya galing? Kasi, I don’t remember na ininterview siya rito hindi tulad nila Jackie.”

“Hindi Allie. Ipinakiusap lang ng tatay niya ang batang ‘yan na tanggapin dito. Ayaw ngang pumayag ni Ma’am Vanessa, naawa lang talaga si Sir Samuel. Dating trabahador ng Daddy mo ang tatay ni Faye.”

“Hindi pa po ba sila tumatawag?” I looked at the time. It’s a rule by my parents not to call them, so nakakausap ko lang sila pag sila mismo yung tatawag. “Oo nga pala. 6 AM pa lang sa London ngayon.”

“Mamaya pa sigurong gabi.” Mama Macel said, while looking at the time too. “Kagabi tumawag sila, sandaling sandali lang. Wala ka naman kaya hindi rin kayo nagkausap.”

“Why? Did they ask for me?”

She did not answer. She just looked at me.

“I should have known.” I said sadly.

“Allie. Intindihin mo na lang sila. Busy lang sila, ngunit hindi ibig sabihin no’n, hindi ka nila mahal, hindi ka nila namimiss.” Lumapit siya sa akin and she massaged my head.

“Yes, of course.” I faked a smile. “I understand.”

That’s what I’ve been doing. My fucking whole life.

“Sino siya, Allie?”

Napatingin ako kay Mama Macel. Nakatingin na pala siya sa laptop ko. I transferred the photos na nakunan gamit ang camera ko to my laptop and I was looking at them before she came in, at saktong photo namin ni Rodel ang nasa screen.

“Si Rodel po. Bagong kaibigan ko.”

She stared at the photo. “Mukha siyang mabait. Kailan mo siya nakilala? Saan?”

I can’t help but smile. “Opo, sobrang mabait, Mama Macel. Sobrang simple. Masipag and intelligent. I met him doon po sa sakayan ng bangka sa San Isidro last Thursday lang.”

She looked shocked. “Thursday? San Isidro? Nakakarating ka doon?”

“Opo. I go there when I want to pass the time and meditate. Tahimik po kasi doon eh.”

“Taga doon din ba si Rodel?”

“Hindi po. Taga isla siya. Tinutulungan niya po yung ninong niya sa pagbyahe ng bangka.”

The Other HalfWhere stories live. Discover now